Chapter 4

Chapter 4: Nakaraan

Jazminne's Point Of View

Dalawang araw na ang nakakalipas, pero hindi ko parin makalimutan yung nangyari... Ang daming bumabagabag sa isip ko, kung bakit ginawa 'yun sakin ni Anika, at ang lalaki na hinila nalang ako bigla sa mga taong pinagtatawanan ako.
Sayang nga eh... Hindi ko nakita yung mukha niya kasi nakayuko siya... Gusto ko sana magpasalamat pero paano? Paano ko siya mapapasalamatan kung hindi ko nakita yung mukha niya?

Buti nalang at saturday ngayon walang pasok, yes! At uuwi na si Tita Karla galing U.S, kasama niya pa ang pinsan ko at bestfriend ko na ring si Althea... Ang tagal ko na yun 'di nakakasama dahil sa naging away ng mommy at daddy niya. Naawa nga rin ako minsan kay Althea kasi naranasan ko rin naman na walang ama, dahil namatay si Papa last two years dahil sa aksidente, kasama ako sa aksidenteng iyon, kaso si papa lang ang nawalan ng buhay dahil mas malala ang natamo niya sa aksidente.

Minsan naiisip ko na sana ako nalang, sana ako nalang yung nawala, si papa nalang dapat yung nabuhay. Pagakatapos nung aksidenteng 'yun sinugod kaming dalawa ni papa sa hospital at sadly, nawalan ng buhay si papa at ako naman ay nagkaron ng amnesia... Naalala ko pa nung pagkakagising ko sa hospital, hindi ko makilala si mama, gayundin si kuya... Naging mahirap ang pinagdaanan ni kuya noon lalo na si mama, dahil habang tinutulungan nila akong maalala lahat, nagdudusa sila sa pagkawala ni papa at inaasikaso ni mama ang business na meron kami.

Bigla kong napansin na may tumulong luha sa gilid ng aking mata, kahit na hindi ko na maalala ng isip ko yung nangyari dati, ayun naman ay naalala ng puso ko kaya nakakaramdam din ako ng kirot sa aking puso.

"Tama na nga ang pagdadrama jazz! Ang drama mo eh!" Pabulong kong sabi sa sarili ko.

Imbes na umiyak, naisipan kong magbasa nalang ng libro... Nang bigla kong naalala na malapit na pala ang prom. Hindi ko nga alam kung pupunta ako eh, kasi hindi naman nababagay ang isang nerd na katulad ko sa mga ganong okasyon. Kaso pinipilit ako ni mama, kaya wala akong magagawa. Kinakabahan nga rin ako sa pagdating ni Tita Karla eh, isa pa kasi 'yonna nagsasabing maganda daw ako kahit hindi naman.

Pagkagising ko may nakita ako'ng isang babae, mga kasing edad ko siya. Nang uluyan ko ng ibuklat ang aking mga mata, nagulat ako at the same time nag form ng curve sa aking labi, napangiti ako sa saya.

"Althea! Besin!" biglang sabi ko.

"Oh, gising na pala si sleeping beauty, I missed you besin!" sabi niya.

"Sleeping lang walang beauty, I miss you too besin!" sagot ko.

"Naalala mo pa ang tawagan natin ah..."

"Syempre shorter term yan sa pinagsamang Best + Cousin = BESIN!" akala mo nakalimutan ko na 'no?!

Kahit na hindi naman talaga kami magpinsan ganyan kami... Parang daig pa nga naman yung tunay na magpinsan eh... Kahit na kinakapatid lang namin ang isa't isa .

"Oh, kamusta buhay sa amerika?" tanong ko sa kanya.

"Um.. Masaya naman, kaso syempre mas masaya kung andun ka!" Nagdrama na naman si Althea...

"Ang drama mo naman! Tama na nga 'yan baba na tayo. Gusto ko na makita si Tita Karla..."

Bumaba na kami, at tama ako nandun nga si tita.

"Inaanak!" bati sakin ni tita sabay yakap

"Hi po Tita! Kamusta po?" sabi ko

"Okay naman, ito maganda pa din!" sabi niya

"Huwag ka maniwala kay mama.. halata naman na hindi diba?" sabat ni althea, na ikinatawa ko at ni mama.

"Tse! Anong klaseng anak ka! Tiyaka kung pangit ako, pangit ka din kasi anak kita!" sabi ni tita

"Hmp." maikling sabi ni althea

"Tama na nga 'yan! Kumain na tayo." biglang sabat ni mama.

"Sige mare! Gutom na rin ako eh... Onti na nga lang baka makakain na ako ng tao eh." sabi ni tita na ikinangisi namin ni mama at ikinataray ni althea.

Pumunta na kami sa lamesa, kinain na namin yung mga nilutong pagkain ni mama. Ang dami kong nakain kasi ang daming hinanda ni mama, parang nga may bibitayin eh.

"Ay! May good news pala kami sainyo!" biglang sabi ni tita

"Ano po yun?' sabi ko

"Dito na kami titira sa Pilipinas, besin!"sabi ni althea na ikinagulat ko

"Weh? So same school tayo magaaral?" tanong ko

"Oo! Nakapag enroll na nga kami ni mama sa school mo eh!" sagot niya

"Ay mare, si Mareng Veronica pala nagpaplanong tumira dito sa Pilipinas, marami rin kasi silang aasikasuhin magasawa dito sa Pilipinas eh... Yung kompanya nila at yung business." sabi ni Tita Karla.

"Ay maganda 'yan! Sama sama na ulit tayong magkakaibigan!" sabi ni mama.

"Oo nga eh!" sabi ni tita

"Okay yan! Asan pala ang asawa mo?" tanong ni mama kay tita

"Ayun nagtatrabaho na naman alam mo naman yun, workaholic!" sagot ni tita

"Jazminne, naalala mo pa ba yung kinakapatid mo? yung anak ni Tita Veronica mo?" tanong ni mama

"Ay opo, si Dylan po ba?" sagot ko

"Oo ayun nga!" sabi ni tita

"Dito na magaaral ang pinsan ko besin!" sabi ni althea

Ganito kasi yun, magkapatid kasi si Titra Karla at Tito Marlon, si Tito Marlon yung tatay ni Dylan, Si Mama at Tita Veronica at Tita Karla magkakaibigan sila since highschool pa sila magkakilala kaya nakilala ni Tito Marlon si Tita Veronica at naging magasawa ito at naging anak nila si Dylan. Napangasawa naman ni Tita Karla ang pinsan ni mama na si Tito Franco. At ang napangasawa naman ni mama ay si papa, na kababata nito dati. Ang galing nga ng story netong tatlong magbebestfriend kasi ang mga nakatuluyan nila ay schooolmates din nila nung hihschool!

"Magkakasama na tayo sa isang school excited na ako!" sabi ko

"Ay, Jazminne nasabi sakin ng principal niyo nung inenroll ko si Althea na next week na daw ang prom niyo, kaya naisipan kong ibili kayo ng damit ni althea at mag parlor na rin!" sabi ni tita na ikinagulat ko.

"Tita a-ano p-po k--" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil nagsalita na si tita.

"Hep! Huwag ka ng kumontra magshoshoping, at magpapaparlor tayo bukas."

Kinakabahan ako... Hindi naman kasi ako umaattend ng ganon eh. Hindi ako bagay dun. Buti pa si Althea Maganda, eh ako? Isa lamang hamak na nerd na panget.

"Besin! Bakit ka nakatulala diyan?" sabi ni Althea

"A-ah w-wala" nauutal ko pang sabi

"Psh... Oo nalang" sabi ni althea

"Inaantok ako, punta lang po ako sa kwarto." sabi ko para naman makalimutan ko yung sinabi ni tita, aish... 'di ko muna iisipin yung prom. Pag naiisip ko kasi nasestress ako!

"Psh... Dapat nga ako yung antukin eh, kasi kakagaling ko lang sa byahe mula U.S hanggang dito sa Pinas." eh sa inaantok ako eh pake mo ba? Tiyaka kung hindi ka inaantok kasalanan mo na yun.


Author's Note

Hi Readers! Sorry hindi ako nakapagupdate kaagad, pero promise hahabaan ko ang next chapter! Pero next week pa kasi tapos na ang semestrial break namin eh. Ang pag uupdate ko ay every other week so... Thank you for reading! Next chapter na natin makikita ang transformation ni Jazz!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top