Chapter 3
Chapter 3: Bullied
Jazminne's Point Of View
Naglalakad ako papunta sa canteen para bumili ng food. Bumili ako ng sandwich at orange juice. Pagkatapos kong kumain, tumayo na ako at naglakad papunta sa library. Ng may biglang nangharang sa dinadaanan ko, ang Triple A!
Bigla kong tinapunan ng juice sa mukha ni Anika..
"Yan! Bagay yan sayo! Akala mo kung sinong nerd nasa loob rin naman pala ang kulo!" sambit ni anika
"Yah i know right!" pasadyang binangga ako ni Anne na naging dahilan ng pagkahulog ko sa sahig.
Hindi ko alam pero biglang may tumulong luha sa gilid ng mata ko.
"Tama na...pls" 'di ko alam pero bigla nalang 'yan lumabas sa bibig ko....
"Anong tama na?!" sambit ni anne
"Duwag!" sambit naman ni arlene
Pagkatapos akong sabunutan ni anika tiyaka nalang nila akong iniwan doon. Ano bang kasalanan ko sa kanila bakit ba kailan nila akong pahirapan ng ganito. Pambubully ang ginagawa nila pero bakit?
Biglang may humila sakin paalis dun sa mga taong pinagtatawanan
ako.....Hindi ako makaalis kasi nanghihina ako sa ginawa nila sakin....
"Bakit ka nagpapaapi? Bakit di ka lumaban?"
"H-hindi ko kaya...."
"Kaya mo! Natatakot ka lang!" Sinabi niya na may taas ang kanyang boses.
"Bakit ba ha? Ano bang problema mo?!" Habang sinasabi ko yan hindi ko namalayang may tumutulo nang luha sa mata ko.
"Sorry... Ayoko lang makitang nasasaktan ka."
Nagulat ako sa mga sinabi niya... Bakit naman? Kaano ano ko ba siya? Nagugulahan ako....
"B-bakit?" bigla akong nautal habang sinasabi ang salitang iyan.
"Kasi..... Wala basta." bigla nalang siyang umalis na parang bula.
Dumiretso na ako sa classroom. Pinahid ko ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko na rin masyadong naintindihan ang mga sinasabi ng aming teacher, dahil sa mga nangyari kanina. Ang hindi ko lang talaga makalimutan ay yung lalaki...Yung lalaki kanina....
Bigla nalang nagring yung bell at naguwian na. Paglabas ko ng school, sinalubong ako ng sasakyan ni kuya. Pumasok agad ako sa sasakyan. Ang daming tinanong ni kuya ngunit wala akong nasagot na kahit isa....
"Uy!... Kanina ka pa tahimik. Ano ba nangyari?" sambit ni kuya
Sa pagkakataong iyon nagawa ko ng magsalita.
"K-kuya w-wala po. Pagod lang po ata ako..."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay nabalot na kami ng katahimikan hanggan sa makauwi... Sinalubong ako ni mama ng yakap at halik sa pingsi, ngumiti lang ako at umakyat n sa aking kwarto. Pumikit lang ako at hindi ko namalayan ay nakatulog.
***
Pagkagising ko bigla akong may narinig na kulo sa parte ng aking katawan. Gutom na ako! Bumaba ako at nakita si mama na nagbebake ng brownies. Sarap, mas lalo tuloy akong nagutom.
"Oh baby, gutom ka na ba? Meryenda ka muna."
"Opo ma, gutom na po ako... Mas lalo tuloy akong nagutom nung naamoy ko yung brownies..."
"Oh, ito na ayokong nagugutom ang baby ko."
"Thank you po ma."
Kumagat na ako sa brownies, at habang kumakain umiinom inom rin ako ng buko juice. Ang dami kong nakain, sa tingin ko naka 12 ata ako'ng brownies...
"Ang takaw mo!" biglang sambit ni kuya
"Takaw agad? 'di ba pwedeng gutom lang?"
"Hindi pwede" Ngumingising sambit niya...
"Psh..Kumain ka nalang diyan. Pakataba ka!"
"Hindi ako tumataba FYI!" pagkasabi niya nun ay bigla akong ngumisi
"Bakit ka tumatawa?!" sambit ni kuya
"Pakalat kalat na rin yung mga baboy no chloe? Pati sa bahay natin meron na."
"Hoy 'di ako mataba no!"
"May narinig ka ba'ng nagsalita chloe?, ay oink pala yung narinig ko."
Bigla nalang umakyat si kuya at nagdabog habang umaakyat... Bigla nalang akong napangisi sa pagiging pikon niya.
Pagkatapos kong kumain ay dumretso agad ako sa kwarto. Bigla ko na naman naalala yung nangyari kanina. Bakit niya sinabi yun? Ano bang meron. Jazminne! Gumising ka! At sa lahat ng tutulong sakin siya pa!, siya pa na may kasalanan sakin. Bigla rin akong napaisip, bakit kaya galit sakin si Anika? Kahit na gusto kong magalit sa kanya, hindi ko magawa, hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng loob ko sakanya, kahit na palagi niya akong inaaway parang may kutob akong mabait siya deep inside, natatakpan lang ito ng poot at galit. Impossibleng sakin, kasi wala naman akong maalalang may nagawa akong masama sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit, lagi siyang galit sakin eh. Ewan! Sumasakit na naman ang ulo ko, ayoko na masyadong magisip.
Nag review ako at. nagliwaliw sa aking cellphone. Kahit nerd ako updated ako no! At tiyaka kung di niyo alam kumpleto ako ng social medias. At lahat ng sikat na apps ay halos meron ako. I have facebook, twitter, instagram, youtube, messenger, tumblr, pinterest, vsco, snapchat, musically at syempre ang favorite ko wattpad! at sa editors, games ay kumpleto ako. Ang wala lang ako ay yung mga app lara sa mga effects sa pag selfie kasi hindi naman ako mahilig, pero may snapchat ako.
Nagopen ako ng facebook ko at may nakita akong nag add sakin.
"Sino to?" pabulong kong sabi sa sarili ko.
"Calvin Buenavidez?" pabulong na sabi ko ulit.
Pinindot ko yung profile at nangstalk, wala akong masyadong nakitang pics kasi hindi ko pa siya inaaccept. Hello! Bago ako mag accept syempre titingnan ko muna kung kadapat dapat ba siyang maaccept.
Habang sinostalk ko siya may biglang nag message sakin. Hindi pangalan ng tao yung pangalan niya dito at wala itong profile, yung pangalan niya dito parang....parang. Basta! EWAN! Basta hindi to pangalan ng tao.
Pagkapindot ko ng message nakita ko yung minessage niya.
"Hi" yun lang naman...
"Hello" reply ko
"Can i be friends you?"
"Well... I want to know you more first..."
"Ok, sorry kung masyado akong nagmadali."
"Lol, ok lang...... para 'yun."
"Thanks, ang bait mo pala."
"Thank you."
"Can I know what's your name?"
"Can I just give you my nickname?"
"Sure!, I would love to know your nickname."
"Jazz"
"Such a beautiful name, just like you." Namula ako dun at nagulat. Panget ako noh!
"I'm not beautiful"
"You are, hindi mo lang pinapakita." nagulat kao sa sinabi niya, oo hindi ako nagaayos kasi feeling ko kahit naman mag ayos ako panget parin ako at wala sa bokabularyo ko yun no.
"Hahaha... Hindi mo pa kasi ako nakikita"
"Sigurado ka?"
"Huh? What do you mean?"
"Sigurado ka bang hindi pa kita nakikita?"
"Oo, sigurado ako, kasi hindi mo masasabing maganda ako kung nakita mo na ako."
"Wag mong pangunahan yang sarili at puso mo, hayaan mong ayan puso mo ang magsabing maganda ka, at intayin mong ipakita yan sayo ng sarili mo." Nagulat ako sa sinabi niya. Totoo ba? Gusto kong maniwala pero parang ayaw ko.
"Oo nalang, hahaha"
"Trust me, and you'll see"
"Sige, aalis na ako bye...."
"Sige, bye."
Ewan ko pero biglang hindi ko makalimutan yung sinabi niya sakin. Totoo ba? Maganda ba ako. Hahahaha para kong timang, niloloko lang ako nun psh....
***
Anne's Point Of View
"Sa tingin mo ba, tama ang ginawa natin? Sobra na ata yun..."
"Oo nga Anika, hindi naman niya tayo inaano eh. Bakit ba galit na galit ka sa kanya?"
"Basta! Bakit kung sasabihin ko ba sa inyo may magagawa kayo?!"
"Anika, kaibigan mo kami maiintindihan namin kahit ano pa yan...."
"Huwag muna natin siyang pangunahan, hayaan nalang natin siya ang kusang magsabi satin." sambit ko
Bigla nalang siyang ngumiti.
"Basta Anika andito lang kami para sayo."
"Salamat...."
•●●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●○●•●•●•●•●•●•
A\N: Good news! Mas mabilis na akong makakapag update kasi semestrial break na namin! So expect an update every other 4 days! At para mas madali kayong mainform, kindly put this on your reading lists....LOL
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top