TNAMB.3
Chapter 3
Joel Brown
"Unbelievable!!" sabi ko ng makita ang makapal na mukha nito.
"Asan sya!?" sabi nito sabay tulak nya sakin.
"Ayaw ka na daw nya makita makakaalis ka na!!" sigaw ko sa kanya at hawak sa kwelyo nya.
"Huwag ka magpahalata na takot kang maagaw ko sya Brown." kalamadong sabi nito.
Sinuntok ko sya at napahiga sya sinipa ko siya pero nakailag ito at ako naman ang sinuntok.
"Dumbass sa tingin mo papayag sya na pumunta dito kung iiwan nya ako para sa kagaya mo." pagsisinungaling ko pero tuloy ang titig ko ng masama.
"Please Kristian umalis ka na, okay lang ako kailangan namin magusap ni Joel." nagulat kami pareho ng lumabas si Angel sa kwarto. Mukha talagang gusto maging Misis ko. Hahaha patay ka sakin. Nakasmirk na ako ngayon at tinignan ang gago na pumunta at niyakap si Angel.
"Putangina mo!!!" I said and unleash the demon inside me.
👑👑👑👑👑
Angeline Montereal
Nagiisip ako ngayon kung lalabas ba ako o hindi. Pero baka magaway sila ehh. Kaso baka naman hindi.
"Haistt!!" naiirita na ako.
Lalabas nalang ako dahil ayoko dito sa kwarto nya, ang bango kasi at ang sarap humiga parang naamoy ko sya inaantok na ako sa black and white theme na kwarto nya. Pero di ako natulog at lumabas na lang. Kailangan na din siguro namin magusap na tumigil na sya.
I saw Kristian na nakatayo at masama ang titig kay Joel. Hindi nila ako napansin, dahil tahimik lang akong lumabas nakita kong putok ang labi ni Joel at may dugo ang labi ni Kristian. Shit!
"Please Kristian umalis ka na, okay lang ako kailangan namin magusap ni Joel." sabi ko at halatang nagulat sila sa pagsasalita ko. Lumapit naman sakin si Kristian at niyakap ako niyakap ko din ito.
"Putangina mo!!!" I am shock when I heard Joel tumakbo sya at pinagsusuntok si Kriatian.
"Joel stop!!!" sabi ko pero ayaw pa rin nya tumigil.
"I said stop!!" di talaga mapigil ang bwisit.
Nakita ko si Kristian na hindi lumalaban ang bugok nato hindi manlang itulak si Joel.
"Joel kapag hindi ka tumigil! IIWAN.KITA.HABANG.BUHAY." sigaw ko sa kanya at akmang aalis na ako ng hilahin nya ako at yakapin.
"Don't leave me baby, please don't leave me Angel." yakap yakap nya pa rin ako at nagulat ako ng may tumulo sa balikat ko. Umiiyak sya.
Umiiyak ang isang Joel Brown!
"Don't cry Joel just stop! Okay." sabi ko at hinarap sya. Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan nya lang ako sa labi. A sweet kiss.
We just sat down to the sofa. It's already 4pm at nung pumunta kami dito ay 1pm. Kalmado na sila pareho dahil pinagtabi ko sila sa sofa at isinarado ang pinto as in lock na lock para walang makalabas.
Isang oras na din kaming ganto at walang umiimik. I can't keep this silence anymore!!!
"Joel, I'd like to talk privately to Kris--" Pinutol nya ang sasabihin ko. Bwisit talaga ehh.
"No!!" sabi nito na sobrang cold ang tingin sa akin.
"Huwag ka na magpaalam BABY halika na at umalis na tayo para makapagusap tayo ng solo." sabi ni Kristian na alam kong sinasadya nya. Dati kasi naming tawagan ang baby dahil since Grade 3 ay magkaibigan na kami.
"Gago ka talaga noh!!" sabi ni Joel at akmang susuntukin na naman si Kristian ng pigilan ko sya.
"Tumigil na kayo! Ano ba!" sabi ko at naiinis na binalingan sila. Hinitak ko si Kristian papunta sa kwarto ni Joel. Pero hinarangan nya kami.
"Talk to him pero wag in private babe!" nagsusumamo namang pakiusap nya.
"Okay.Fine!" I heaved a sigh.
Umupo ako sa kama habang nakatayo lang si Kristian at nakabantay si Joel sa pintuan. Parang mga tanga lang. Hayyyyst.
"Kristian first of all tapos na sa atin lahat. That's clear and don't call me baby. Magkaibigan nalang tayo alam mo yan, dahil din sayo kung bakit tayo naghiwalay diba." sabi ko sa kanya na may pangsusumbat at nakita ko syang nalungkot. Totoo naman kasi.
*FLASHBACK*
4th Year High School kami nung nalaman kong nagchecheat sya.
I saw the text.
I saw the call logs.
Especially I saw the pictures of them Kissing intently in the park.
Sinundan ko sya nun at nagulat ako ng malaan ko kung sino ito.
"R-rochell!?" sabi ko na naiiyak na.
"Angeline! Grabe namiss kita!" takbo nito sa akin at niyakap pa ako. Umiyak na ako ng tuluyan at di ko alam ang gagawin, para akong naistatwa sa kinatatayuan ko.
"Bakit ka umiiyak?" tanong nito sakin.
"W-wala naman masaya lang ako na nakita kita." sabi ko at tingin kay Kristian. Tumigil ako sa pagiyak ko at inayos ang sarili ko.
"Ah! Hahaha ako din masaya! Si Kristian nga pala boyfriend ko na sya kakasagot ko lang sa kanya last month. Di nya ba nakwento." magkahawak pa sila ng kamay at sobrang saya ng mukha ni Rochell.
"Hindi nya din ba nakwento Rochell na k---" pinutol nya ako at inunahan sa pagsaaalita.
"Kami kasi hon ni Angel ehh nagkatampuhan kaya di ko nakwento sa kanya." sabi naman ni Kristian.
"Sige Rochell una na ako sa inyo, baka nakakaistorbo ako ehh." sabi ko at tumakbo pabalik sa school namin.
Tinext nya lang ako ng sorry at magusap daw kami para makapagpaliwanag sya.
"I'm sorry Angel hindi ko sadya na mahalin sy--" sinampal ko na sya baka kasi matauhan sya.
"Kristian we're friend for almost 8 years, di ko alam na lolokohin mo lang ako at ipagpapalit pa sa kambal ng bestfriend ko!!!" sigaw ko sa kanya dito sa parking lot ng school.
Rochell is the twin of my longtime bff na si Maria de Dios they are identical twin sila kaso mas maarte at mahiyain si Rochell kaya hindi sya ang naging bff ko.
"I don't have a choice lahat ng barkada natin tinutukso ako sa kanya at alam kong may gusto sya sakin at alam mo na mahal ko na sya dati pa pero mas pinili kita kasi akala ko pwedeng magwork yung satin, pero pagkakaibigan lang pala ang kaya ko ioffer sayo at hindi ang gusto mo." sabi nya sakin na sapol ako sa sinabi nya.
Dati pa din nya nasasabi sakin yun nung First year kami pero sinabi ko pagbigyan nya lang ako kahit 2 years at ngayon 1 year and a half na kami pero ganun pa din sya akala ko may nagbago pero wala pala.
"Kristian! You have a choice either to say it to me or lie to me! Sinira mo na ang pagkakaibigan natin dahil sa ginawa mo." sabi ko sa kanya habang umiiyak.
Niyakap nya lang ako at nagsorry at nagkapatawarin din kami after a year.
*END OF FLASHBACK*
"I know that bab--" pinutol ko na sya
"Don't call me that Kristian! Hindi na tayo! Thank you sa pagpunta mo nagpapasalamat pa rin ako kasi nandyan ka bilang KAIBIGAN ko, and I love you because of that." tumayo ako at niyakap sya niyakap nya din ako ng mahigpit at hinalikan ang noo ko.
"Kristian Lee!!!" malakas at nakakatakot na sigaw ni Joel.
"Your boyfriend is so possesive of you." bulong nya sakin ng umalis na kami sa pagkakayakap sa isa't isa.
"He's not my boyfriend. He's my HUSBAND." bulong ko sa kanya at diniinan ko talaga ang word na husband.
"Thanks again Baby!" nakangiti kong sabi kay Kristian at kinindatan pa ito, hinatid ko sya sa labas dahil binukas na ni Joel ang pinto.
Nang makaalis na si Kristian ay akmang isasara ko na ito.
"If you shut the door!!! I promise to you na hindi ka na makakalabas dito sa condo natin ng hindi APELYIDO ko ang gamit mo!!!" napaka seryoso nyang sabi at nagsmirk pa.
Hindi ko alam ang gagawin ko nagpaprocess pa ito. At ng mag process na ay.......
.
.
.
.
.
.
Agad akong tumakbo papubta sa sofa at kinuha ang bag ko kaso ang tanga ko dahil nadapa pa ako at hindi sinasadyang natangal ko ang basahan na nakaharang sa pinto para hindi sumara.
"Shit!" narinig ko si Joel na tumakbo papunta sa akin at binuhat ako na bridal style at inihiga ako sa sofa.
"J-joel please o-open the d-door!" sabi ko sa kanya at nginitian nya lang ako ng nakakaloko.
"Joel!! Open the goddamn door!!!" sigaw ko sa kanya pero parang walang narinig ang mokong.
"Don't be scared I don't bark, but I BITE!" nakangisi pa nitong sabi.
Nakita ko na naman ang phone ko at kinuha ko yun sa table si Daddy tumatawag. Sinagot ko agad yun syempre lagot ako dito.
"Dad, why po?" sabi ko sa kabilang linya.
"Go home before 7pm we'll have dinner at the restaurant near JB Corp." sabi ni Dad na hindi manlang ako tinanong kung nasaan ako. Haist.
"Yes Dad, I'll be their at 6PM" sabi ko naman at ibinaba na nya ang tawag.
"So do you really think you can go anywhere?" napatingin naman ako kay Joel na nakatabi sakin at hinahalik halikan ako sa leeg. Uhhh!! Ansarap! Fuck!
"Stop it! I don't like to have hickeys !" sabi ko naman sa kanya.
Tumayo ako at tinangal ang Coat at ang stockings ko.
"Babe wag ka dyan sa gilid maghubad dito ka na sa harap ko!" nakangisi pa nitong sabi.
"Joel! Tigilan mo ako sa pagiging manyak mo! Ikiskis mo nalang yan sa pader, baka nangangati ka na naman!" sabi ko at pumasok sa kwarto nya na dati sa amin dalawa.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin na nandito sa walk-in closet nya. Namumula pa ang hinalik halikan at kinagat ni Joel sa bandang leeg ko.
I smile out of nowhere dahil alam kong hanggang ngayon mahal nya pa ako at mahal ko pa din sya. Pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang polo shirt na suot ko sa loob ng coat ko ay nakatangal sa pagkakatuck-in nito sa skirt ko.
"Joel!!! Ang manyak mo talaga! Ibang babae nalang ang manyakin mo at wag nalang ako!" sigaw ko habang ibinabalik sa pagkakaayos ang poloshirt ko at ibinubutones din ito.
Bigla naman ito pumasok at pinuntahan ako dito.
"Babe magpalit ka ng pantalon!" naiirita nyang sabi.
"Bakit ba? Ayos naman ang itsura ko ahh!" sabi ko pagkatuckin ko sa skirt ko ng polo shirt ko.
"Uhmm babe kasi may slit na yung suot mong skirt nakikita yung para sakin lang dapat!" frustrated na frustrated nyang sabi. Kaya pala todo tingin. Hayop talaga! Hmmmp!
"Manyak ka talaga!! Bwisit ka!! Labas!! Magpapalit ako!!" tinulak at hinampas ko sya palabas gamit ang coat ko.
"Babe di pwedeng manu--" manyak na manyak talaga. Arrrrhggg!
"Hinding hindi na ako babalik sayo pag hindi mo tinigil ang pagkamanyak mo!" sigaw ko sa kanya. Bigla naman itong lumabas, dali-dali pa.
Buti nalang ay hindi pa nya naitapon ang mga gamit ko. Nagpalit na ako agad ng short shorts dahil mahaba naman ang polo shirt kong suot kaya medyo magmumukha syang dress. Maputi at makinis naman ang legs ko kaya walang dapat ikahiya. Lumabas na ako at dinampot ang coat kong pinampalo sa kanya kanina.
"Hoy! Wag mo ko titigan ng ganyan ibukas mo ang pinto at uuwi na ako! Kailangan ako ni Dad!!" sabi ko at iniwan sya sa kwarto. Nakakaintimidate ang tingin nya may palunok lunok pa.
"Babe sabi ko pants!!! Hindi panty!!" naiinis nyang sabi.
"Uuwi na ako please Joel!" napapagod na ako makipagaway dito.
"Ako na maghahatid sayo wag ka na umangal!" hinila nya na ako at sumakay kami ng elevator na ang bitbit ko lang ay cellphone, skirt at coat ko. Lintik nagmamadali kasi ehh!
"Joel naiwan ko yung bag ko sa sofa! Madali ka kasi ng madali sa akin ehh!" naiinis kong sabi sa kanya.
"Bukas mo na kunin sa office, at please Angel wag kang magsuot ng puting polo shirt naiirita ako!!" sabi pa nito na halata mo ang bwisit at inis sa mukha.
Tahimik lang kami sa byahe at hindi nagiimikan hanggang makarating kami sa bahay.
"Thank you Sir Joel!" sabi ko at bababa na sana ako ng pigilan nya ako.
"Cut the sir babe." sabi nya sabay halik sakin as in torrid kiss, pero tinulak ko sya ng mas lumalim pa ang halik nya.
"Aalis na ako." sabi ko at bumaba na sa sasakyan nyang Lamborghini Veneno at tuluyan na ako pumasok sa bahay.
👑👑👑👑👑
Please support my own imagination and please do vote and put your comments too💖thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top