TNAMB.18

Chapter 18

Matthew Tiu

Nasa morgue kami ngayon at  kasama ko si Ms. Angel, si bebeloves, si Shin at si Carter.

Iyak ng iyak ang lahat ng kasama ko dito ako lang ang hindi. Nagpapakatatag nalang ako para hindi lumabas ang mga luha ko.

*Kring kring

"Hello" sagot ko sa tumatawag.

"Ipacremate nyo nalang yan tas isabog nyo sa dagat. WAG NA WAG MO HAHAYAAN IUUWI ANG ABO!!" sabi nya na may pagbabanta tsaka pinatay ang tawag.

"Ano po ba ang gagawin natin sa bangkay ni Mr. Brown?" sabi nung parang nurse sa morgue.

"Cremation po." sabi ko na ikinahagulgol lalo ni Ms. Angel

Tumakbo ito at niyakap ang malamig na bangkay ni Mr. Brown

"Isama mo na ako sayo! Mahal ko!!! Huhuhu bakit mo ko iniwan? Mahal!!!" tuloy lang ang iyak nito habang nakayakap sa bangkay.

Hinawakan ko si Ms. Angel sa magkabilang braso at agad na inalalayan papunta kay Shin at Kim.

"Proceed to cremation na tayo, paki bilisan lang!" sabi ko at nagpupumiglas si Ms. Angel kanila Shin para lang makalapit sa bangkay.

Tsk. Very wrong move ang pagiyak mo, mahal na reyna.

👑👑👑👑👑

Third Person Point of View

Umiinom sya nang alak sa bahay ng kaibigan nya dito sa Huvish.

Bakit sya nandito? Para pagmasdan ang mga nalaan nya.

"Kaya pala! Una palang ay wala na akong tiwala sayo!! Isa kang malaking hadlang sa mundo ko, kasama ang anghel ko!!!" sa sobrang galit nya ay naibato nya ang mamahaling basong pinagiinuman nya.

"Relax pare! Wag mo naman pahirqpan anh mga maids sa paglilinis!" sita sa kanya ni CK, ang kababata nya.

Inopen nya ang TV at nakita ang mga CCTV sa hospital na kinaroroonan ng Anghel nya.

'My lovely Angel' sabi nya sa isip

Tinawagan nya agad ang katiwala nya at tsaka sinabing wag iuuwi sa bahay nila ang abo ng kung sino mang nilalang na iyon.

"CK do you know the real face of the King here in Huvish?" tanong nya sa kaibigan na inilingan lang nito.

"No one knows, pare! Mailap ang hari at kahit ako na isa rin aa mayaman dito ay hindi pa sya nakikita!" sabi ng kaibigan nya at tsaka umalis.

Isa lang ang nasa isip nya nang makita ang kabuuan ng CCTV.

"I need to kill you before you kill me Adryan or whatever is your name." sabi nito at tsaka pinatay ang TV

Humiga sya sa kama dito sa kwarto at iniisip ang mga susunod nyang gagawin.

Sa hospital naman ay iyak ng iyak ang Anghel habang sinusunog ang katawan ng lalaking mahal nya.

"Ms. Angel isaboy po natin sa dagat ang abo ni----" pinutol ng Anghel ang sasabihin ni Matthew.

"HINDI! Ayoko huhuhu yan nalang ang magiging kasama ko ngayon! Ang ABO nalang nya!" galit na sabi ng Anghel na ayaw kumalma.

"Iyon po ang huling habilin nya!" sabi ni Matthew na mas lalong nagpahagulgol sa Anghel.

Sa labas naman ng kwartong kinalalagyan ng Anghel ay tuwang tuwa si Adryan na pinapanood na masunog ang bangkay ng lalaking umagaw sa Anghel nya.

"Talaga ng naman, tadhana! Ikaw na ang gumawa ng paraan para iligtas sya sa kamay ko. Ngayon ay wala na akong problema kundi ang mapa sa akin ulit ang minamahal kong Anghel!" umalis ito na may tagumpay na ngiti tsaka bumalik sa kuta nya.

👑👑👑👑👑

Angeline Montereal-Brown

Tatlong araw na ang nakakalipas at ganun pa din ang pakiramdam ko. Masakit pa rin.

"Shin, bakit iniwan nya tayo ng maaga?" tanong ko sa katabi kong inaalagaan si Carter.

"Everything has a reason, Angel! Baka dun sa lugar na pinuntahan nya ay mas magagawa ka nyang protektahan at gabayan, I can't say. Hindi ko din kasi alam ehh." sabi nya habang hinihimas ang buhok ni Carter na natutulog sa tabi nya.

Si Shin ang laging nandirito sa akin tsaka si Ri ri si Matthew naman ay laging nandito tuwing gabi kasama si Kim dito na sila halos tumira kulang nalang ay mga gamit nila.

Ayaw nila akong iwan at si Carter, pero kahit ganun ay nalulungkot pa rin ako.

Sobra na kitang namimiss, mahal.

"Mommy!! Argh huhuhu! Mommy!!!" sigaw ni Carter habang nananaginip.

Tinapik tapik namin sya ni Shin para magising.

"Mommy!!!" sigaw ni Carter ng magising sya at yumakap sa akin.

"Baby, hush now!" sabi ko at tsaka sya binuhat.

"Mommy, don't give me to Mommy Cia! I am scared, mom! Huhuhu" sabi nya at tsaka yumakap ng mahigpit sa akin.

"I won't give you to anyone. Your my baby---you are daddy and mommy's baby and they can't get you to me! I promise." sabi ko at hinalikan ang noo nya, hinele ko na sya ulit hanggang sa makatulog sya.

Pinaalis ko na si Shin, dahil kailangan nya pang pumasok sa hospital. Dumating naman si Kim na pinasok ang dala nyang files sa kumpanya ni Joel.

"Ms. Angel eto na po yung mga kailangan nyong pirmahan at reviewhin na proposals. Tomorrow morning po may meeting naman po kayo with Mr. Lee!" sabi nya tsaka umupo sa kama at nag tanggal ng sapatos.

Nagtaka naman ako sa sinabi nyang Mr. Lee. Si Kristian ba yung tinutukoy nya?

"Sige bukas nalang sa opisina na ako tutuloy pagkatapos ko pumunta sa dagat." sabi ko at agad na nireview ang mga files na dala nya.

"Kim sino si Mr. Adryan Hu-Shiv?" tanong ko dito na saktong pasok naman ni Matthew at hablot sa akin ng papeles, it's a proposal.

"Hindi sya gusto ni Mr. Brown na maging parte ng kumpanya nya." sabi nito at agad na itinaponsa grinder ng papel ang papeles.

The papers turns out like a puzzle.

"What's wrong with him!?" naiiritang sabi ni Kim tsaka nag martsa palabas ng kuwarto, susundan siguro ang bebe nya.

Nang matapos akong pumirma at magcheck ng proposals ay minabuti ko munang bumaba, 2AM na at madilim pero may ilaw sa bawat sulok ng bahay kaya makikita mo pa din ang daan.

Dumiretso ako sa kusina at nakita si Michael, anong ginagawa nya dito?

"Michael?" napalingon sya sa akin at nginitian ako. "Anong ginagawa mo dito? Si Ri ri?"tanong ko dito ulit.

"Hi! Dito muna ako, pwede ba?" tanong nya na agad kong tinanguan.

"Pwede naman! May isa pa namang room sa may likuran ng hagdan dun ka nalang mag stay." sabi ko at tinungo ang ref nakita ko na naman ang mga CCTV na naka-bukas hayst. Sino namang nanonood?

Pulang pula ang pitong bilog na nakapalibot sa camera ng CCTV at tila ba ay pinapanood ako.

Kumuha ako ng tubig at chocolate cake, dahil hindi ako nagdinner eto nalang ang kakainin ko. Alam ko masama sa buntis pero anong magagawa ko pati mga anak ko ayaw din kumain. Malungkot din siguro sila.

Dinala ko ang pagkain sa dining hall at nakita ko pa rin si Michael hindi ko na ito pinansin at kumain na. Ilang sandali pa ay lumapit ito at....
.
.
.
.
.
"Michael ano bang ginagawa mo!!!?" sigaw ko dito ng yakapin at halikan nya ang noo ko.

"Fuck! Mahal kita!!!" sabi niya tsaka ko lang napgtanto na nakainom ito.

Pinatay nya ang ilaw at kasabay nun ang pagkawala ng pula sa CCTV na ibig sabihin ay patay ang koneksyon nuon.

"Michael ano ba tigilan mo nga ako!!! Si Angel to!! Asawa ni Joel!!!" sabi ko at itinulak sya ng malakas para makawala sa kanya, pero niyakap nya ulit ako at umiyak sya sa akin.

"I'm sorry sa yakap at paghalik sa noo mo!" sabi nya at agad na lumayo sakin, iginaya nya ako sa upuan pero malakas ko syang sinuntok sa tiyan pagkaupo ko.

"Siraulo ka!!! Gagawin mo pa akong taksil sa asawa ko!!" sigaw ko sa kanya at pag pasok ni Matthew na may dalang baril na nakatutok kay Michael.

"Motherfucker!" yun lang ang sinabi nya at ikinasa ang baril.

👑👑👑👑👑

Third Person Point of View

Nasa loob lamang ng kwarto ang lalaking kanina pa'y nanunuod sa Anghel, tanging CCTV at tracking devices lang ang ginagamit nya para masundan ang Anghel.

Kakalabas lang ng Anghel sa kwarto nilang mag-asawa at patungo sa kusina.

Hindi napansin ng lalaking nakasubaybay sa kanya na pumunta si Michael duon.

Pinapanuod lang nya ang Anghel at si Michael na magusap pero nabihla ito at tila ba'y nais tapusin ang buhay ni Michael sa ginawa nito.

'The motherfucker he hugged her and kiss her forehead. Shit.' sabi nya sa isip at agad na kinuha ang telepono.

"Hello sir!" sabi ng kausap nito na si Matthew.

"You idiot! Go to the Kitchen and bring the fucking gun. Kill Michael he's trying to steal my wife!! That asshole!!!!" galit na galit nyang sigaw tsaka inihagis ang telepono kung saan.

Bigla namang may nag pop-up na email sa laptop nya at agad nya iyong binuksan.

Isa iyong video ng babae na nasa labas ng bahay niya.

"I know your alive and I will do anything to kill your angel!" sabi niya at binaril ang figurine ng anghel nya.

Bawat baril nito ay may tumutulo na dugo at pag bukas ng figurine, si CK ang laman nuon.

"CK!!!" sigaw nya at tumakbo palabas ang naabutan nalamang nya ay ang malamig na bangkay nito na naka habdusay sa hagdanan.

Walang luha ang lumalabas sa kanyang mga mata, ang kababata nya at kaibigan ngayo'y wala ng buhay.

'Tama ba ang ginagawa ko?' tanong nya sa sarili.

"CK!!!!!!!" sigaw nya na nagpalabas sa mga katulong at naabutan ang amo nilang naka handusay, tila normal sa kanila na makita itong patay na.

"Wag ka ng magtangkang gumalaw sa kinalalagyan mo!" sabi ng babae sa kanya.

Nilingon nya ito at hindi na nagtaka.

"Ciarly! You really want my demon, aren't you!? Then let me help you experience it!!" sigaw nya at binigyan ito ng nanlilisik ngunit walang emosyong tingin.

Inilabas ni Ciarly ang baril na dala nya at agad na ikinasa ngunit sa loob ng tatlong segundo ay isang malakas na

*Bang

Tunog ng baril ang umalingawngaw sa kabuuan ng mansyon ni CK.

"Lumabas kayong lahat at magpakalayo-layo!" sigaw nya sa mga katulong na ngayon ay kakakitaan ng matinding takot.

"Is that all you got?" mapangasar na sabi ni Ciarly.

"Baliw ka na Lincoln para naisin mong makita ang demonyo ko! Hahahaha!" tumatawa sya na mala demonyo at kakikitaan ng takot si Ciarly na ngayon ay may tama ng baril sa bewang.

"H-hindi ka pa rin nagbabago Joel magaling ka pa rin sa mga ganito. What would I excpect to a demon like you!" pilit na galit ni Ciarly, kahit bakas ang takot sa mga pagbitaw nya ng salita.

"My name sounds saintly! Joel means Yahweh is God, but my doings represent who I am, Ciarly! Ang I am not a Saint to forgive you---both of you and my brother!!!" sigaw ni Joel at tsaka ipinutok ang hawak nyang baril sa binti ni Ciarly.

"Ahhh!!!" napadaing ang babae ng tadyakan ni Joel ang binti nyang binaril nito.

"Does it hurt!? You hurt me more than that!!" sigaw ni Joel.

Bigla namang tumunog ang alarm ng bahay na ang ibig sabihin ay mayroong mga nagtatangkang pumasok dito.

"Paano mo nalaman ang totoo?" nakasmirk si Ciarly, kahit nasasaktan sya sa binti nyang tinafyakan ni Joel.

"Don't play around, I know they are your people." sabi ni Joel at pinindot ang button sa gilid sa hagdanan para sa pag-launch ng bombang magpapasabog sa kabuuan ng mansyon.

"How did you know!?" sabi ni Ciarly na ngayo'y umiiyak na.

"Simple, you fake the test result with Dr. Lim which is my investor and I just make a research about your boyfriend, that's how I find out that YOU AND MY BROTHER ARE CARTER'S BIOLOGICAL PARENTS!!!" galit na galit na sabi ng binata at mas lalo naman tumindi ang ingay ng alarm ng bumukas na ang pinto.

"Goodbye Joel! I'm sorry!" sabi ni Ciarly sa lalaki at agad na kinuha ang baril at ipinutok sa ulo nya, sumabog ang ulo nito na lumusot pa ang bala sa kabilang gilid ng sentido nya.

Agad na tumakbo paalis si Joek duon at umakyat sa rooftop dun naghihintay ang helicopter na sasakyan nya.

Nagkatotoo nga ang sinabi ni CK sa kanya at buti nalang ay pinaghandaan ito ng binata. Pagkasakay nya sa helicopter ay agad nya iyon pinaandar, makalipas ang tatlong minuto nya sa himpapawid ay nakita nya ang bagsabog ng mansyon at ang hudyat na walang nabuhay sa kung sino mang mga tao sa loob nun.

"Goodbye Cia!" nasabi nalang nya at agad na ibinalik ang atensyon sa pagpapalipad ng helicopter.

Tunay ngang lahat ng sikreto ay hindi maitatago nang pang habang buhay. Marahil nga'y may nagkasala sa atin, pero tandaan natin na laging magpatawad sa kapwa natin tao lang din sila at nagkakamali.

Lahat tayo ay nakakagawa ng mali anomang edad o estado sa buhay ay may kakayahang magkamali ang kailangan lang natin ay magpatawad sa isa't isa.

Sa kabilang banda naman ay nakatutok pa rin ang baril ni Matthew kay Michael na syang kinakatakot ng Anghel.

👑👑👑👑👑

Angeline Montereal-Brown

"M-matthew ibaba m-mo nga iyan!" sabi ko kay Matthew, kahit kasi ako ay natatakot.

Bakit ba sya may baril?

"Matt I'm just testing his patience. Calm down, bro!!" sabi ni Michael na ikinakunot ng noo ko.

Sino raw?

"Sino namang tinutukoy mo? Ako ba?" tanong ko dito na ikinatawa nya.

"Not you, Angel!" sabi nya kaya lumapit ako sa kanya para batukan sya.

"Don't call me that! Sya lang ang pwede tumawag sakin nyan bukod sa Dad ko!" sabi ko at nilayasan sila, kaso may nakalimutan ako sabihin kaya bumalik ako.

"Hala sige!! Magpatayan kayo, wag nyo lang sana ipaparinig sa amin ni Carter at baka ako pumatay sa inyong dalawa!!" sabi ko tsaka isinarado ang pinto, aakyat na ako at baka gising na ang baby ko.

Pumasok ako sa kwarto namin tsaka ako naligo ng makita kong mahimbing pa rin ang pagkakatulog nya tinignan ko ang orasan at 2:30AM na ng matapos akong maligo.

Hindi ko alam kung na nanaginip ako, pero ramdam ko pa rin ang lamig ng tubig sa katawan ko.

He's hugging me.

"I miss you so damn much, wife!" sabi nya at niyakap ako.

Nararamdaman ko sya, grabe miss na miss ko na sya.

"Kung na nanaginip ako ayoko ng magising!!" sabi ko at tuluyan ng tumulo ang luha ko.

"Your not dreaming, babe!" sabi nya tsaka ako hinalikan ng matagal at masarap sa labi ko.

I can feel his heat in mine.

Isn't he a ghost?

What if I am already dead?

Did Matthew shoot me in the head?

If that's the case, that I am dead I'll happily accept it. I love to be dead just to be with him.

"Sinusundo mo na ba ako?" tanong ko sa multo ng asawa ko.

"Yes, wife!" sabi nya at niyakap pa ako ng mas mahigpit.

Pero parang may mali ehh!

Nararamdaman ko sya, isn't it weird.

"Patay na siguro ako kaya kita nakikita! Pero kung isasama mo ako ngayon ay okay lang mahal na mahal kita, mahal ko!" sabi ko at tsaka bumugdo ang mga luha ko.

"Your not dead, wife! Funny you!" sabi nya at tsaka kinurot ang tungko ng ilong ko.

"Ehh bakit kita nakikita? Patay ka na!" sabi ko sa kanya at tsaka kumawala sa pagkakayakap nya.

Sa sobrang pagkawala ko ay nalaglag ang twalyang naka tapis sa akin.

Nakita ko ang paglunok nya at pamamawis ng noo nya.

Patay na nga pervert pa din. Tsk.

"Joel, paano tayo mapupunta sa langit nyan kung puro kabastusan yang nasa isip mo!?" sabi ko sa kanya at tsaka ko pinulot ang twalya.

Bakit ko nahahawakan ang twalya!?

"Let me experience it with you, the heaven that you're talking about!" sabi nito tsaka ako nilapitan at kinuha ang twalya na itinapis ko.

"Hala Joel!!! Di na tayo mapupunta sa langit nyan, puro ka kabastusan!!" sabi ko at agad nya naman akong ipinasok ulit aa banyo.

"I love you so much, My Angel!" sabi nya at ako ay nanatiling nakatingin lang sa kanya.

I can feel him.

I can see sincerity in his eyes.

"Buhay ka, mahal ko!!" sabi ko at ang mga luha kong natuyo ay bumuhos muli at sa paguakap nya sa akin ay isa lang ang naramdaman ko.

I feel so complete.

Parang sya ang may hawak ng puso ko at sa pagbalik nya ay duon ko naramdaman ang pagkabuhay king muli.

"Yes! And I will not let anyone hurt you! No one dares to touch My Angel!" sabi nya and we end up in the bed.

Sleeping beside Carter and with 'my man' feel so amazing.

I've never been this better before.

👑👑👑👑👑

Sorry na po sa late update wala po kasi kaming internet kanina. Every wednesday po ay walang update, dahil it's my day to do everything in our house!😊 Thank you for reading and waiting hope you understand! Please do vote and comment I really appreciate it!💖

Mr./Ms. ACzAln

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top