TNAMB.17
Chapter 17
Shin Hreat
Nasa SMU Hospital kaming lahat ngayon dito namin sinugod si Joel at si Angel matapos nilang parehas masugatan, mas malala nga lang ang kay Joel.
"Ms. Shin!" tawag sa akin ng doktor na si Renz sya ang pinag-opera ko kay Joel, bawal kasi malaman ng kakambal nyang si Jeff ang nangyari.
"Bakit? Kamusta na ang pinsan ko?" tanong ko dito, lumapit naman samin si Ri ri at nagaantay din ng isasagot ni Renz.
"Unfortunately hindi ko masabi kung ligtas na sya! Hindi mahirap ang pag tangal ng bala na tumama malapit sa puso nya, but we did it. We don't know when he will wake up!" sabi nito at tinapik ang balikat ko.
"You better wake him up!! Or else sa lansangan ka nalang pupulutin, dahil magfafile ako ng malpractice suit sayo!" tinatakot ko lang sya para gawin nya lahat.
"Y-yes Ms. Shin!" sabi nito.
"What about Angel? What happened to her!?" tanong ko dito at tinignan ko pa sya ng masama.
"She's okay now nagamot na namin ang daplis sa braso nya, pero malala ang pagdudugo nun kaya ng hina sya. She will wake up soon!" sabi nito at nagpaalam na.
"What happened Shin!?" tanong sa akin ni Matthew.
"Thanks God your safe!!!" sabi ko at niyakap sya at si Carter.
"Yeah, tell me the long story now." sabi ni Matthew na mariringan mo ng pagkamaawtoridad.
I didn't bother Matthew and look to Carter.
"Carter I am Auntie Shin, your father's cousin." sabi ko dito at iginaya sya kay Ri ri.
"Hello Tita's!" bati nito sa amin, pero makikitaan pa rin ng lungkot ang boses nya.
Matthew grab my wrisk and Heat hold me in my hands.
"What the heck Matthew!?" sabi ko.
"What's your problem bro!?" tanong ni Heat.
"We need to talk!" sabi nito sa akin at binitawan ang kamay ko.
Umalis sya patungo sa garden ng hospital.
"I'll follow him!" sabi ko kay Heat at inalis ang pagkahawak nya sa kamay ko.
Nakarating ako sa may garden at nakita ko syang nakaupo sa may bleacher.
"What happened?" he asked.
Ikwinento ko lahat sa kanya ang nangyari simula ng pagdating namin at ang pagkakabaril kay Joel at sa pagkamatay ng anak ni Mr. Shiv
"Hindi nya anak yon!!!" ako naman ang nagtaka ngayon.
"Anong sinasabi mo? Si Rohan Shiv palang ang ipinakilala sa atin ni Mr. Shiv bilang anak nya! Sya lang ang kilala natin!" sabi ko dito.
Hindi pa namin nakakaharap si Mr. Adryan Hu-Shiv ang lagi naming katransaksyon ay ang anak nyang si Rohan Shiv at wala ng iba.
"Nakita ko na ang totoong mukha sa likod ng Adryan Hu-Shiv na iyon!" sabi nito at mababakasan ng pagaalala at takot sa mukha nya.
Napatayo ako at iniharap sya sa akin.
"Ano!? Kelan? Paano ka nakakasiguradong sya yon!?" tanong ko dito na ikinalingon nya.
"Kanina ng sagipin ko si Carter nasa mansyon sya ni Joel tas nung nakaharap namin ang mga tauhan nya sinabi na kakaalis lang. Malinaw ang mata ko at wala akong diperensya sa pagiisip!!" sabi nito at tumayo na ikinaatras ko.
"Sino sya?" tanong ko.
"Kilala natin sya! Lalo na ang Anghel ni Joel, kilalalang kilala nya ito!" sabi nya at tsaka umalis.
Hindi kaya si......
Wag naman sana...
Pero kung tama ako....
Malaking gera ang nais nyang gawin sa pagitan nila.
Dalawang hari na parehas konektado sa Anghel.
Dalawang parehas na pinagkakatiwalaan ng Anghel.
Dalawang parehong minahal ng Anghel.
"Hindi maari!" sabi ko at tsaka umalis sa hospital.
'I need to find the answers on my thoughts'
👑👑👑👑👑
Ri ri Vamp
It's already 6PM at nasa private room na si Ate Angel si Kuya J naman nasa ICU pa rin.
Ate Angel just woke up a few hours ago, while Kuya J is still in coma.
"Can I v-visit him?" her puffy eyes is begging me.
"Tomorrow maybe, ate!" I said and she just kept on crying.
Her mom is nowhere to be found again. Nang magising si ate ay umalis ito agad.
'Hindi nya pa ako pwede makita, hindi pa ngayon' the last word her mom told me.
"Mommy, s-stop crying please! Ny baby brothers might hear you and they will also cry!" Carter said and he climb to the bed of ate Angel to wipe her tears.
Ate just hugged her and cry outloud again.
I can feel and see ate's love for kuya J, she's deeply in love with my dumbass cousin!
"Ate have faith in kuya J, he can make it! He loves you, he will woke up soon!" I said and gave her a hug then left the room, I need to find my sweety!
👑👑👑👑👑
Angeline Montereal-Brown
I am so broken and helpless I missed him so much! It's been a week ng mangyari ang aksidente. Next month ay papasok na si Carter bilang kinder sa BIS.
I am in his private room at nakatingin lang sa lalaking mahal ko na tinubuan na ng bigote, dahil sa tagal ng isang linggo ay hindi na sya nakapag ahit pa.
"Babe, gumising ka na dyan! Miss na miss na kita!" sabi ko at hinawakan ang kamay nya hindi ko naman namalayan na umaagos na ang mga luha sa aking mga mata.
"I can't live without you, my husband!!" hinalikan ko ang kamay nya at inilagay sa pisngi ko.
"Fight for me pleaseee---- fight for us, My King!!" ang iyak ko ay naging hagulgol hindi ito tumitigil masyado na ang lungkot ko na pati luha ko ay di na rin kayang pigilin.
Bumukas ang pinto at may marahan na humaplos sa likuran ko, it's Shin.
"Ako muna magbabantay sa kanya umuwi ka muna at magpahinga, always remember that you have a baby in you." sabi niya sa akin at inayos ang mga dala nyang prutas at bulaklak.
Hinalikan ko si Joel at tsaka umalis pumunta ako sa lugar na hindi ko alam, minaneho ko ang sasakyan ko at kahit hindi ko alam ang daang tinatahak ko ay diretso lang ako.
Ang mga luha ko ay natiyo na din inihinto ko ang sasakyan ko ng makaramdam ako ng pagod. Nagpalinga linga ako at hinfi ko namalayan na nakarating na pala ako sa lugar kung saan nakatira ang Diyos, ang simbahan.
Pumasok ako dito at agad na pumunta sa may gitnang bahagi at lumuhod sa may gitna, sa may sentro ng altar.
"Bakit kailangan mong gawin to sakin? Bakit palagi mo nalang ako pinahihirapan!? Bakit?" alam kong mali ang magtanong, pero hindi nyo ako masisisi.
Ang hirap na nalaman kong may asawa sya na nauna kaysa sa akin.
Ang hirap na hindi pala ako ang tunay na nag mamayari sa kanya.
Ang hirap mabuhay na puro sakit ang dinadanas mo.
At mas lalong mahirap pag nakikita ko yung taong mahal ko na nahihirapan.
Gusto ko syang ilaban, pero paano kung kunin na sya sa akin. Paano na ako mabubuhay?
"Bakit ako nalang ang lagi mong gustong saktan? Ano bang ginawa kong masama at sobra ang pahirap mo sa akin! Kulang pa ba lahat ng sakit na naranasan ko? Kulang pa ba na mawalan ako ng ina sa mura kong edad!? Kulang pa ba na naging kabit ako ng hindi ko alam!? Kulang pa ba at mukhang pati siya ay gusto mong kunin sa akin!!!?" sa sigaw kong yun ay bumuhos lahat ng iniipon kong luha.
Kulang pa ba lahat?
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makaupo ako sa upuan sa loob ng simbahan duon ay di ko namalayang nakatulog na pala ako.
👑👑👑👑👑
Nang magising ako ay gabi na at may kumot na nakalagay sa akin.
Napatingin ako sa altar, sa kanya nakaturo ang lahat ng ilaw, sya ang pinaka maliwanag at kahit sa malayo ay makikita mo. Kahit hindi ka makalapit sa kanya ay alam ng puso mo na nandyan lang sya, ang Panginoong Diyos.
Lumuhod ako sa luhuran at tsaka nagdasal ng taimtim.
'Patawarin nyo po ako sa mga pagtatanong ko kanina, hindi ko po gustong gawin yun dala lamang po ng bugso ng damdamin. Sana po ay pakingan nyo ang dasal ko iligtas mo po sya sa kapahamakan, hayaan mo po syang makasama ko pa---makasama naming mag-iina. Alam ko pong pagsubok lamang ang lahat ng ito at nananalig ako sa inyo na tutulungan nyo kaming malagpasan ito. Amen.'
Tumayo ako mula sa pagkaka luhod at tsaka tumingin sa paligid, walang tao kaya tiniklop ko ang kumot at ipinatong sa inupuan ko.
"Salamat po, Panginoon!" sabi ko bago lumabas ng simbahan.
Nakita ko ang sasakyan ko na nakaparada sa tapat ng simbahan, pumasok at agad iyon pinaandar papunta sa hospital.
👑👑👑👑👑
Joel Brown
Ang nakikita ko ngayon ay puro kadiliman at madaming umiiyak na tao. Mga nagluluksa.
Pero sino nga ba ang pinagluluksaan nila?
Lumapit ako sa mga tao para tanungin sila pero hindi sila sumasagot at tuloy lang ang iyak nila.
Who the hell is he? Masyado ba talaga syang espesyal!
Lumapit ako sa kabaong, dahil blurred ang picture na nakapaskil sa portrait.
Nang makalapit ako sa kabaong ay sarili kong mukha ang nakikita ko.
Bakit ako nasa kabaong?
Patay na ba ako?
👑👑👑👑👑
Angeline Montereal-Brown
Nagmamaneho ako ng biglang tumunog ang cellphone ko agad kong kinuha ang earpiece ko at sinagot iyon.
"Hello Shin!" sabi ko sa kabilang linya.
"Angel bilisan mo! Pumunta ka na dito sa hospital!!" sigaw nya sa kabilang linya at ang maririnig mo nalang ay mga nagmamadaling nurse at doktor.
"Anong nangyayari? Gising na ba sya!?" napangiti ako sa isiping iyon.
"H-h-hindi. Nagaagaw buhay sya." parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko.
Bakit ba ayaw mo syang manatili sa buhay ko!!?
I drove my car as fast as possible para lang makarating sa hospital hilam na ang mata ko pero hindi ko pa rin ito pinupunasan.
Gusto ko Joel na ikaw ang magpunas nito!!
Gusto ko ikaw ang magpatahan sa akin!!
Gusto ko ikaw!!
Nang makarating ako sa kwarto nya ay para bang gumuho ang mundo ko inilalabas na ang mga makina at umiiyak pa din si Shin kasama si Carter at si Matthew.
Hindi!
Bakit nya ako iniwan?
I suddenly felt so dizzy that I immediately fell in the floor.
I heard Matthew cursed and I saw him.
Isasama nya na ba kami ng mga anak nya sa kanya? I can be happy with him.
Even if were in heaven nor hell.
👑👑👑👑👑
Third Person Point of View
Si Adryan Hu-Shiv ay nagluluksa ngayon sa pagkamatay ng bunso nyang kapatid si Rohan Shiv.
Ang pangalan nya ay simbolismo ng Haring Leon at ang sa kapatid nya ay Prinsipeng Leon, iyon ang mga katungkulang ginagampanan nila sa Huvish ang bansang pinagmulan nila.
"Ipaghihiganti kita mahal kong kapatid! Papatayin ko sya!!" sigaw ni Adryan na nag ngingitngit sa galit.
Ang kapatid nya ay ipinapreserve nya ang katawan nais niya itong buhayin muli gamit ang mga elixir na tanging si Joel lang ang makagagawa.
"Asan si Angel ngayon?" tanong nito ng makalabas sa silid ng kapatid nya kung saan nanduon ang katawan nito.
"Nasa simbahan po sya at umiiyak duon." sabi ng isa sa alagad ko.
"Si Ciarly? Nahanap nyo na ba sya?" tanong nito ulit.
"Nabalitaan po namin na napunta sya sa Antartica at duon na naninirahan ngayon." sagot ulit ng alagad nito.
"Pagigihin nyo ang paghahanap! Wala sya sa Antartica o kahit saang kontinente pa iyan."
"Masusunod po, mahal na hari!" sagot ulit ng alagad at umalis na.
Tinignan nya ang CCTV sa buong bahay ni Joel na naka konekta sa Ipad nito at ang CCTV sa hospital sa kwarto ni Joel.
Sa bahay nila Joel ay walang pumupunta bukod kay Matthew, kaya't hindi nya iyon pinapansin. Tinignan nyang mabuti ang CCTV sa hospital at natuwa sya ng makitang sumugod ang mga doktor sa kwarto ni Joel.
"Tignan mo nga naman! Hahaha kapalaran na ang gumagawa ng paraan para iganti ako!" natutuwang sabi ni Adryan sa napapanuod.
Bigla nga lang napakunot ang noo nya ng mawala ang lahat ng CCTV sa hospital at sa bahay. Bigla namang may lumabas na video ng babaeng nakatakip ang mukha at ang tatoo lang sa likuran nito ang makikita nasa may bandang balikat iyon at duon lang nakapocus ang video.
Isang ahas na may nakapatong na korona at nakatuklaw sa Leon.
Tila inaapakan nuon ang Leon at naagaw nito ang korona sa Leon.
"Akala mo ba ay mapapatay mo sya! Hahaha duon ka nagkakamali! Hindi sya basta basta at hindi rin basta basta ang Anghel na kasama nya. Masyado silang malakas kumpara sayo na iniwan at pinagpalit lang ng Anghel sa iba!" nainis sya sa tinuran ng babaeng nasa screen na hindi nya makita ang mukha.
Ngayon nya lang napansin na may nakaukit na Angel sa ibabaw ng korona.
"Maling mali na hinayaan mo silang mapagsama, dahil mas lalong lumalakas ang dalawa hangga't nasa kanila ang isa't isa hindi mo sila matatalo!!! Adryan? Hahaha tunay mo ba talagang pangalan iyan o ginagamit mo lang!" hindi iyon tanong ngunit isang pahayag.
Naginit ang ulo ni Adryan at agad na binato ang Ipad na nagkapira-piraso.
Bumukas naman ang isa sa TV nya.
"Wag kang magalit! Hindi ko ibubunyag ang sikreto mo! Tsaka na pag may napala na ako! HAHAHA!" tuwang tuwa ang babae sa video.
Humarap ito at.....
"Ciarly?" gulat ang mga mata ni Adryan at hindi makapaniwala sa nakikita.
"Aryan balita ko ay hinahanap mo ako! Wag kang magalala nasa maayos akong kalagayan. Sinabi ko na sayo nuon na masri silang mapaghiwalay, pero tanga ka at hindi ako tinulungan!!! Hangal ka sa pagmanahal mo sa kanya!" sabi ni Ciarly.
"Isa sa kanila ay kailangang mamatay! Malakas sila, dahil magkasama sila! Ano kaya kung magpaligsahan tayo? Paunahan tayo kung sino ang una makapatay, sa akin ang anghel at sayo ang demonyo? Hindi ko kailangan ang sagot mo, dahil gagawin mo iyon sa ayaw at sa gusto mo!" sabi ni Ciarly tsaka pinindot ang time bomb na naka tanim sa bahay ni Adryan.
Naramdaman nya nalang ang pagsabog nito, dahil pagkatapos ng sampung segundo ay sa may kwarto ng kapatid nya iyon sumabog.
"ROHAN!!!" sigaw nito at tsaka nya lang naramdaman ang dugo sa tinamaan nyang ulo.
Tumunog ang cellphone nya at agad nya iyong binasa.
'Bye bye brother muna! Asa akin ang katawan nya at kung gusto mong makuha. Alam mo na ang dapat mong gawin!'
'Throw your phone it will explode in 5 seconds'
Pagkabasa nya nuon ay agad nyang ibinato ng buong lakas ang cellphone nya sa chandelier kaya sumabog ito at nalaglag ang chandelier na nagka pira piraso.
"Kamahalan!!" sigaw ng isa sa commander nya na si Greth.
Ang tanging nasa isip lang ni Adryan ay....
'Nababaliw ka na nga talaga Ciarly Lincoln!'
👑👑👑👑👑
Q&A: Sino sa tingin nyo si Adryan?
Happy reading! Comments and Votes are highly appreciated! Love lots!
Mr./Ms. ACzAln
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top