Obsessed
Claire
Simula nang gabing iyon nagbago na si Tristan, hindi ko alam kung bakit siya naging mailap sa aming magbabarkada. Pilit kong inilalapit ang aking sarili sa kanya pero siya naman ang kusang lumalayo.
Babae ako at alam kong may hindi siya sinasabi sa amin, hi-hindi kaya nahuli niya kami ni Dominic sa abandonadong bahay?
Erase! Erase! Erase! Hindi maaari, dahil mabubuko kami ng mga kaibigan ko kapag nagkataon.
"Argh! Ang tanga-tanga mo Claire! Hindi kasi kayo nag-iingat ni Dom." pagalit kong sambit sa aking sarili.
Naglalakad ako ngayon dito sa Amusement Park, nililibang ko lang ang aking sarili dahil bwisit na Dominic 'yan! Hindi na ako kinocontact, matapos kong sabihin sa kanyang buntis ako.
Grabe talaga ang mga lalaki, kapag nakuha na nila ang gusto nila. Itatapon ka na lang na parang basura. Bwisit!
Kanina ko pa napapansin na parang may sumusunod sa akin simula nang makaapak ako rito sa Amusement Park, hindi ko alam kung namalikmata lang ako pero parang nakita ko si Tristan? Hmmm... Baka guni-guni ko lang iyon. Saka ko iniling ang aking ulo.
Hmpf! Makapag-banyo nga muna, baka abutin pa ako ng tawag ng kalikasan dito sa gitna ng parke.
Habang naka-upo ako sa kasilyas, naramdaman ko na parang tumahimik ang buong paligid. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong natakot na hindi ko maipaliwanag.
Minadali kong isinuot ang aking saplot sa ibaba saka dahan-dahang binuksan ang pintuan ng cubicle. Wala namang tao sa banyo, ngunit nang akmang lalabas na ako ng pintuan, nakarinig ako ng isang kalabog na hindi ko mawari kung saang parte ng banyo.
Dala ng aking kuryusidad, isa-isa kong sinilip ang ibabang bahagi ng kasilyas. Kahit kinakabahan ay nilakasan ko ang aking loob para malaman kung saang nanggaling ang ingay na iyon.
Huling cubicle na ang aking sisilipin, akmang yuyuko na ako nang makita kong may taong nakasilip na pala doon sa akin. Abot langit ang kaba na aking nadarama kaya naman dali-dali akong tumakbo palabas ng banyo, akmang bubuksan ko na ang pinto nang biglang may matigas na bagay ang humampas sa aking ulo at ang buong paligid ko ay dumilim na.
****
Third Person's POV
Nang magising ang diwa ni Claire, dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nakita niya na parang pamilyar ang lugar na kinaroroonan niya ngayon. Ito ang bahay kung saan palihim silang nagkikita ni Dom.
"Pa-papaano ako napunta rito?" kunot noo n'yang bulalas sa hangin habang iniinda ang sakit ng kanyang ulo na bahagyang may sugat na.
Tuluyan ng nakatayo si Claire sa kanyang pagkakahiga, Sakto namang bumukas nang bigla ang pintuan.
Laking gulat niya dahil si Tristan, si Tristan ang taong nagdala sa kanya sa abandonadong bahay na iyon.
"A-anong ginawa mo sa akin? Bakit ako nandito?!" galit na saad niya sa binata na hindi man lang nito pinansin ang kanyang sinabi.
"Tristan! Ano bang ginagawa natin dito?!" naluluhang sambit niya rito, ngunit nandoon pa rin ang galit sa timbre ng kanyang boses.
Sandaling natigilan si Tristan nang marinig ang huling sinabi ni Claire, agad n'yang binalingan ito sabay sabi nang, "Bakit Claire, hindi ba pamilyar sa'yo ang lugar na ito?" tiim bagang usal nito habang nakakuyom ang mga kamao.
"Hi-hindi kita maintindihan Tristan." naguguluhang sambit ng dalaga.
Sa puntong iyon ay tinabig ni Tristan ang gasera na nakapatong sa lamesa at nakita ni Claire na nabasag ang bubog nito at kumalat ang gaas sa sahig.
"H'wag ka nang mag-maangmaangan Claire! Nakita ko kayo noong gabing 'yon! Nagtatalik kayo ni Dominic!" singhal nito saka ginulo ang kanyang buhok sa sobrang pagkabalisa.
Nagulat si Claire dahil sa sinabing iyon ni Tristan, ngunit ang mas ikinagulat niya, ay kung bakit galit na galit ito sa kanya samantalang wala naman silang relasyon.
"Tinalo mo pa ang isang kasintahan kung maka-singhal ka sa'kin ng ganyan!" sarkastikong saad ng dalaga rito.
Nang marinig ni Tristan ang mga katagang iyon, bilang nagdilim ang kanyang paningin, mabilis ang naging kilos ng binata at binigyan ng isang malutong na sampal si Claire sa kaliwang pisngi nito.
Matapos makatanggap ng isang malakas na sampal si Claire, naramdaman n'yang gumapang ang mga kamay ng binata patungo sa kanyang leeg. Ginawaran siya ni Tristan ng mahigpit na sakal na pilit niyang nilalabanan.
"T-tris-tan, h-hin-di ako ma-kahi-nga." putol na putol na sambit ni Claire habang pilit na inaalis ang kamay ng binata sa kanyang leeg.
"Malandi kang babae, hindi ka na nahiya sa sarili mo, dapat sa'yo mamatay!" nanlilisik ang mga matang usal ni Tristan habang mahigpit na sinasakal ang dalagang si Claire.
Halos maubusan na ng hininga ang dalaga dahil sa higpit ng pagkakasakal sa kanya ng binata. Ang mga mata niya ay halos lumuwa na, kaya't kahit nanghihina na ang kanyang buong sistema. Pilit niya pa ring inabot ang isang kahoy na nahagip ng kanyang kamay.
Nang maabot niya ito, buong lakas niyang ihinampas ang kahoy sa ulo ni Tristan na dahilan para makawala siya sa pagkaka-sakal sa kanya ng binata.
Mabilis na tumakbo si Claire papalabas ng abandonadong bahay at dumiretso sa gubat para hindi mahabol ni Tristan.
Patuloy sa pagtakbo si Claire habang ang mga paa ay nakayapak, hindi na n'ya ininda ang mga lubak at bato na sumusugat sa kanyang hubad na talampakan.
"Claiiiirrreeee!" rinig ng dalaga na sigaw ni Tristan.
Mabilis nakapagtago si Claire sa likod ng malaking puno. Palihim n'yang sinilip si Tristan at nagulat na lamang ito nang makitang malapit na ang binata sa kanyang kinatatayuan.
Nakahinga naman ng maluwag si Claire ng mapansin nitong nilampasan siya ni Tristan, kaya naman naupo na ang dalaga at habol hininga n'yang niyakap ang kanyang mga tuhod.
Humahagulgol ang dalaga dahil hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang naging galit sa kanya ni Tristan. Samantalang alam naman nito na biro-biro lamang ang kanilang naging relasyon.
Sinipat ng dalaga ang kanyang itsura. Ang kaninang puting bistida na kanyang suot ay nabalutan na ng mga alikabok at putik. Ang kanyang nakayapak na paa ay may mga galos at sugat na ngayon dahil sa pagtakbo n'ya ng walang saplot sa paa.
Abala sa pagsipat ng kanyang sarili si Claire nang biglang makarinig ito ng kaluskos sa gitna ng kagubatan. Nang lumingon s'ya sa kaliwang bahagi ng puno ay wala naman siyang nakita at nang saktong lingon n'ya sa kanan, nakahinga naman ng maluwang ang dalaga dahil isang kuneho lang pala ang sanhi ng tunog kanina.
Tatayo na sana si Claire nang biglang may humablot sa kanyang mahabang buhok, tumilapon ang dalaga sa gitna ng kagubatan at nanlaki ang kanyang mga mata dahil nakita niya si Tristan.
Nagbabaga ang mga mata nito na halos hindi na niya makilala dahil ibang-iba na ang itsura nito ngayon.
"T-tristan ma-maawa ka." pagmamaka-awa niya rito habang umaatras patalikod para makalayo sa binata.
Walang sagot, ni reaksyon na nakuha si Claire rito kaya naman bago pa tuluyang makalapit ang binata. Mabilis na iniahon ng dalaga ang kanyang katawan sa pagkakalugmok sa lupa.
Muling sinubukang tumakbo ni Claire, ngunit huli na, huli na ang lahat dahil mabilis na hinablot ni Tristan ang kanyang buhok. Kinaladkad ng binata si Claire gamit lamang ang buhok ng dalaga.
Ramdam ni Claire ang hapdi sa kanyang anit dahil sa paraan ng paghatak sa kanya ng binata. Halos magasgas na ang makinis na binti nito dahil sa pagpupumiglas para makawala sa pagkakahatak ni Tristan.
Sandaling binitawan ng binata ang buhok ng dalaga, kaya naman nagmamadaling gumapang si Claire para makalayo rito, ngunit mabilis siyang hinila ng binata at agad iniharap para suntukin sa kanyang sikmura. Ramdam ng dalaga na nag-init ang kanyang kalamnan dahil sa pagsuntok nito sa kanyang tiyan.
Dahan-dahang binuhat ni Tristan si Claire, saka binitbit na parang sako. Naramdaman ng binata na tila bumigat ang kanyang bitbit kaya nang tingnan niya ito. Nakita n'yang nawalan na ng malay ang dalaga.
Ilang minuto rin ang itinagal bago tuluyang makarating si Tristan sa Villa Abueno. Diniretso ng binata si Claire sa isang kwarto roon at dahan-dahang inihiga sa kama.
*****
Nagising ang diwa ni Claire nang maramdaman n'yang parang may nakadaghan sa kanyang ibabaw, iminulat n'ya ang kanyang mga mata at nagulat sa kanyang nakita. Unti-unting hinuhubad ng binata ang kanyang bistidang puno ng putik, kaya naman dala ng pagkakabigla, mabilis n'yang sinampal ang kaliwang pisngi nito sabay tinuhod ang pagkalalaki ng binata.
Namilipit sa sakit si Tristan kaya nakakuha ng pagkakataon si Claire na makatakas sa pagkaka-kulong sa mga bisig ng binata, ngunit mabilis na nakabawi ito kaya naman muli n'yang nahuli ang kanang braso ng dalaga.
"Aray!" hinaing ni Claire habang mahigpit na nakakapit ang binata sa kanyang braso.
"Akala mo makakatakas ka sa akin ha!" bulyaw nito saka binigyan ng isang malakas na suntok sa sikmura ang dalaga, dahilan upang bumagsak sa sahig si Claire.
Pina-ibabawan ni Tristan ang dalaga at hinampas ng mabigat na pigurin ito sa ulo. Paulit-ulit ang ginawang paghampas ng binata sa ulo ng dalaga, sabay binitawan ang mga katagang, "Madumi kang babae! Dapat sa'yo mamatay!" gigil na usal nito habang patuloy sa pagdamba ng kanyang buong lakas gamit ang pigurin na yari sa bato.
Ilang ulit pang ginawa ni Tristan iyon at natigilan lamang ito nang makitang wala ng malay ang dalagang si Claire. Bigla naman s'yang nahimasmasan ng makita ang mga nagkalat na dugo sa sahig.
Ang damit nitong puno ng putik, ngayon ay namantsahan na rin ng nakakahumindik na dami ng dugo. Napaatras si Tristan hanggang mapasandal ang kanyang likuran sa pader. Halos manlamig ang buo n'yang sistema dahil sa nakakasulasok na amoy ng purong dugo na umaagos sa sahig.
"H-hndi ko s-sinasadya," halos mabaliw-baliw na usal nito habang sinasabunutan ang kanyang buhok. "H-hindi ko sinasadya Claire." umiiyak na sambit nito at sa puntong iyon, nilapitan niya ang dalaga at niyakap ng sobrang higpit.
"Patawarin mo ako Claire, hindi ko sinasadya." hagulgol ni Tristan at bahagya pang hinihimas ang ulo ni Claire.
"Claaaiiiirrreeeee..." nakakahumindik na sigaw nito sa hangin.
Kasabay ng hinaing ng binata ay ang pagkulog ng sobrang lakas na ani mo'y nakikisabay sa pagluluksa nito sa dalaga, at ilang segundo lamang ang lumipas agad bumuhos ang malakas na ulan.
Naalarma ang diwa ni Tristan nang marinig ang malalakas na kulog at pagbagsak na buhos ng ulan. Kaya naman dali-dali niyang kinuha ang puting kumot sa kama at saka binalot sa loob nito ang katawan ni Claire.
Dinala ni Tristan ang walang buhay na katawan ng dalaga sa kagubatan para doon ito ibaon ng lihim sa lupa.
Mabilis ang naging aksyon nito sa paghuhukay, hindi na nahirapan ang binata na bumungkal ng lupa dahil malambot na ang mga ito, dala ng matinding buhos ng ulan.
Malalim-lalim na rin ang kanyang nahukay, kaya naman isinantabi na nito ang pala saka binalingan ang katawan ni Claire na wala ng buhay. Akmang bubuhatin na n'ya ito nang biglang huminga ang parte ng bunganga ng dalaga, dahilan para mapa-atras si Tristan.
Dala ng kanyang pagkakagulat, mabilis nitong kinuha ang pala saka muling pinaghahampas ang katawan ng dalaga hanggang sa ito ay matuluyan na.
Binuhat ng binata ang duguang bangkay ni Claire saka ito inihagis sa malalim na hukay. Mabilis na tinabunan ni Tristan ang duguang katawan nito hanggang sa tuluyan na niya itong naipatag.
Bumalik si Tristan sa Villa Abueno para linisin ang krimen na kanyang ginawa. Inayos ng binata lahat ng kasangkapan na kanyang nagamit para walang bakas na makapagtuturo sa kanya.
Nag-alsabalutan din ito ng kanyang mga gamit hanggang sa tuluyan ng nilisan ang lugar ng Villa Abueno. Walang paalamanan na nangyari sa kanyang paglisan, kaya walang ideya ang pamilya Abueno kung bakit ito biglang nawala na parang bula.
*****
Tristan
Simula nang araw na dalhin ko si Claire sa Villa Abueno, walang nakakaalam kung anong nangyari rito. Tanging ako lang at ang kunsensya ko ang habang buhay na magdurusa sa ginawa kong krimen na iyon. At simula rin nang araw na mapaslang ko ang dalaga, hindi ko na napigilang malulong sa droga para makalimutan ang nagawa kong kasalanan.
Ngunit kabaligtaran ang nagawa kong kasalanan kay Amy, hindi ko napigilang mahumaling sa kanya dahil kahawig niya si Claire. Babalik na sana ako sa Villa Abueno noon, ngunit hindi ko na nagawa dahil palihim kong minamanmanan ang dalaga.
Malakas ang naging epekto nito sa aking katinuan, binabagabag ako ng mga isipin tungkol kay Amy. Halos hindi na ako patulugin nito dahil hanggang sa panaginip ay patuloy pa rin niya akong kinukunsensya.
Kaya naman humingi ako ng tulong kay Sir James na pagbayaran ang aking nagawang krimen, hindi man ako nakahingi ng kapatawaran kina Amy at Claire. Kahit man lang sa pagkakakulong ko ay makabawi ako sa mga kasalanan na aking nagawa.
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy_Condes Stories
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top