Creepy
AMY
Nandito kami ngayon sa van ng aking mga kaibigan, mas pinili kong maupo sa likod, para kahit papaano ay makagalaw ako ng maayos.
Ilalagay ko na sana ang earphone sa tainga ko nang biglang marinig ko ang usapan ng aking mga kasama.
"Oh Chelsea, sa'kin ka tumabi mamaya, maraming multo do'n." pananakot ni Troy kay Chelsea, isa sa aming mga kasama papuntang Villa Abueno, na pag-aari ng pamilya ng aking bestfriend na si Rona.
"OhMGee! I'm so inis na sa'yo, don't make me takot nga! G-rrrrrrrr." maarteng wika nito saka pinaghahampas si Troy sa balikat.
"Bahala ka, ikaw din." naka-ngising sambit nito saka ako nilingon dito sa likod para kindatan.
Tssss..
Inirapan ko na lang ito at tuluyan nang inilagay ang earphone sa aking tainga.
Abala ako sa pakikinig ng music habang nakatanaw sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang bawat tanawin na dinadaanan ng aming sasakyan.
*****
Nagising ako nang maramdaman kong huminto na ang aming sinasakyan.
Inayos ko ang aking sarili dahil hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa biyahe.
"Yahooooo!" masiglang usal ni Kyle, nagmamadali itong lumabas ng van para sundan pa ang aming mga kasama.
Ako na lang pala ang natira rito, abala ako sa pag-aayos ng aking gamit, nang biglang gulatin ako ni Rona.
"Boo!" bungad nito sa'kin.
"Nyay!" hiyaw ko. "Bes bakit ka ba nang-gugulat?" may inis sa timbre ng aking boses at tinawanan lang ako ng loka.
"Hahaha!" halakhak nito. "Tara na kasi, maglalakad pa tayo ng malayo dahil hindi na kaya nang van paakyat do'n, tulog-tulog pa kasi 'di ka naman si Sleeping Beauty." pang-aalaska nito sa'kin.
"Tssss.. Oo na po!" agad kong sagot dito saka kami bumaba ng van.
Pag-apak na pag-apak ko pa lamang sa damuhan, nakaramdam ako ng kilabot na hindi ko maipaliwanag.
Kilabot na umabot hanggang sa aking punong-tainga na nagbigay talaga ng kakaibang kaba sa buo kong sistema.
Napabalik na lamang ako sa realidad nang magsalitang muli ang aking kaibigan:
"Amy tara na." anito na hindi ko namalayan na nakalayo na pala ito sa aking harapan.
"S-sige bes, susunod na ako." utal kong sambit, kaya naman nagmadali akong isara ang van at mabilis na tumakbo para maabutan siya.
Ipinilig ko na lang ang aking ulo para kalimutan ang kakaibang naramdaman ko kanina.
Naglalakad kami ngayon sa damuhan na abot hanggang binti, pinagmasdan ko ang gubat na aming nilalakaran.
Liblib ito at malayo sa sibilisasyon, mahahalata mo rin na hindi ito puntahin dahil napaka-sariwa pa ng mga damo at punong nandirito.
Maraming ibon ang nagliliparan sa himpapawid, ang sabay-sabay na mga huni nito na kay sarap pakinggan.
Kaya naman ipinikit ko ang aking mga mata para damahin ang simoy ng hangin na humahalik sa aking balat,
"Nakaka-relax." 'yan lamang ang lumabas sa aking bibig dahil sa sarap na aking nararamdaman.
Mahilig akong kumuha ng mga litrato, pangarap ko kasing maging professional photographer balang araw, kaya kahit pakonti-konti ay sinasanay ko na ang aking sarili na kumuha ng iba't ibang klaseng larawan.
*Click.. Click!*
Nang akmang kukuhanan ko na ang aking mga kaibigan, biglang may kung anong bagay o hayop ang mabilis na dumaan sa lente ng aking camera.
Mabilis kong tinanggal ito sa aking mata para alamin kung ano iyon.
Palinga-linga ako sa kanan, sa kaliwa, sa likod na pilit inaalam kung ano iyon at nang akmang haharap na ako sa aking mga kasama biglang may sumulpot sa aking harapan.
"Aaaaaahhh!" malakas kong sigaw dahil sa aking pagkakagulat.
Mabilis kong ipinikit ang aking mata saka naupo sa damuhan, habang nakalagay ang aking kamay sa aking mukha biglang may tumawag sa aking pangalan.
"Ammmyyyyy.." nakakakilabot na bulong ang paraan nito nang pagtawag sa'kin, para itong uma-alingawngaw sa aking pandinig na dahilan para ako ay mapaiyak ng tuluyan.
Bigla naman akong nagulat nang may humawak sa aking kamay, "Ahhh!" tanging sigaw na naibulalas ko.
"Amy!" tawag sa'kin ng taong iyon na nahimigan kong si James, ang kuya ni Rona.
"James!" sabi ko rito kaya naman agad ko s'yang nayakap.
"Shhhh.. Tama na 'wag ka nang umiyak," pag-aalo nito sa'kin. "Ano bang nangyari?" biglang tanong n'ya.
"M-may nakabunggo ako hindi ko alam kung ano, tapos tinawag n'ya 'yung pangalan ko." utal kong saad sa kanya saka ako humiwalay ng yakap dito.
"Amy!" rinig kong sigaw ng iba pa naming kaibigan.
"Ayos lang siya," ani ni James saka ako inalalayan patayo. "Tara na baka gabihin pa tayo, malayo pa ang Villa." usal nito saka kami nagpatuloy sa paglalakad.
*****
Makaraan ang kalahating oras narating na namin ang Villa Abueno.
Malaki ang nasabing lugar ngunit kung titignan mo ay may pagka-luma na ito, dahil sa pintura nito na bahagyang natatanggal na.
Punong-puno rin ng mga tuyong dahon ang bakuran nito, nasabi rin kasi ng magkapatid na wala na raw ang care-taker ng Villa sa hindi malamang dahilan.
"Welcome to Villa Abueno!" masayang wika ni Rona na pumuwesto pa sa harap ng pintuan para i-welcome kami.
Sabay-sabay na naghiyawan ang aking mga kaibigan na ani mo'y sabik na sabik na pumasok sa nasabing bahay.
Nang tuluyan na rin akong makapasok sa loob, bumungad sa'kin ang kabuuan ng bahay.
Habang abala ako sa pag-sipat ng paligid, nagulat ako nang biglang may mahagip ang gilid ng aking mata.
May sumilip sa ibabang bahagi ng hagdan, kaya naman nang akmang susundan ko na ito bigla naman akong tinawag ni Chelsea:
"Amy let's go na raw, jeeezz! You're so bagal talaga!" anito sa'kin saka kami umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.
Kinagabihan...
Napabalikwas ako sa'king pagkakahiga nang makarinig ako ng malakas na lagabag na hindi ko mawari kung ano.
Sinilip ko si Rona at Chelsea na mahimbing naman ang tulog, "Bakit hindi sila nagising?" kunot noo kong tanong sa aking sarili.
Nakita ko sa orasan na alas tres y medya pa lang ng madaling araw, kaya naman tumayo ako para kumuha ng tubig sa kusina.
Akmang hahakbang na ako, nang biglang may natapakan akong isang bagay.
Nakita ko ang ilang pirasong bubog na nagkalat sa sahig, ramdam ko rin ang kirot sa aking paa na ngayon ay nagdudugo na.
May naaninag ako sa sahig at nang mapag-tanto ko na ang aking camera iyon, maagap ko itong kinuha.
"Shoot! Sinong sumira nito?!" iritable kong bulalas sa hangin.
Tiningnan ko ito kung pu-pwede pa, at luckily bumukas pa ito.
Abala ako sa pag-tingin ng mga litrato na kinunan ko kanina, ngunit nangunot ang aking noo ng makita ang isang madilim na lugar.
Nagpatuloy lang ako sa pag-tingin ng mga susunod na litrato at nagulat ako sa aking nakita.
Tumingin ako sa paanang bahagi ng aking tinutulugan, nakita ko na parehas ang kobre kama na kinuhanan dito, kaya naman mas lalo akong kinabahan.
Nagpatuloy lang ako sa pagpindot ng aking camera at napansin ko na may isang video ang naka-saved doon.
Wala ng pag-dadalawang isip pa, pinidot ko ito para mag-play.
Nakita ko na kuha ito simula sa hagdanan ng Villa, at nagpatuloy sa isang pintuan na agad rin namang bumukas.
Nakita ko sina James, Troy at Kyle na mahimbing na natutulog. "Sinong kumuha nito?" sambit ko sa aking isipan.
Nagpatuloy lang ito, hanggang sa kwarto na namin ang sumunod na kinunan ng video.
Nangilabot ako dahil sa akin nakatuon ang lente ng camera, malayo ang pagkakakuha pero sapat na ito para malaman ko na ako ang kinukuhanan.
Nakatuon lang ang aking atensyon sa video pero wala ni isang gumagalaw sa mga kuha nito.
Naramdaman ko na parang may nakatingin sa akin, kaya naman ibinaling ko ang aking mga mata sa bandang pintuan, na sana'y hindi ko ginawa.
Nabitawan ko ang camera dahil nakita ko ang isang babae na naka-puti.
Hindi ako makagalaw, ang buong katawan ko ay parang na-estatwa sa aking kinauupuan.
Nakatingin lang ito sa'kin, ang damit nito na puno ng pinaghalong dugo at putik na kumalat na sa kanyang buong katawan.
Bahagya pa itong humakbang papunta sa akin, bawat hakbang nito ay nag-iiwan ng bakas ng putik.
Napahinto na lang ako sa aking pag-iisip nang bigla itong tumigil sa paglalakad.
Ilang segundo pa ang lumipas, saglit kong ikinurap ang aking mata at nang idilat ko ito laking gulat ko dahil nasa harap ko na ang babaeng nakaputi.
"Aaaaahhhhhh!" malakas na sigaw ko at ang buong paligid ay dumilim na.
*****
JAMES
"Sa tingin mo may iba pa ba tayong lead na posibleng puntahan ng biktima?" tanong sa'kin ng pulis.
"Wala na po sir, itong Villa lang po ang kabisado naming lugar dito." tanging sagot ko rito.
May isinulat ito sandali sa kapirasong papel at nang matapos sa kanyang ginagawa agad itong bumaling sa'kin.
"Sige ho Mr. Abueno, kapag may bago na kaming lead ipapaalam namin agad sa inyo." anito saka isinukbit ang kanyang mga gamit sa bag.
"Mauna na kami Mr. Abueno, kung may makalap kayong ebidensya, ipagbigay alam n'yo agad sa'min." mabilis na sambit nito saka nakipag-kamay sa akin.
"Maraming Salamat po Sir." iyon lamang ang aking nasabi at nagpaalam na rin sa mga pulis.
Haaaaayyyy...
Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan sa hangin.
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang mawala si Amy.
Wala kaming ideya kung saan s'ya nagpunta, naiwan naman lahat ng gamit n'ya kung saan ito nakalagay.
Hinanap na namin s'ya ngunit wala, wala kaming nakitang Amy sa bawat sulok ng Villa.
Nabalik lang ako sa realidad ng biglang tapikin ni Troy ang aking balikat,
"Bro, ayos ka lang?" tanong nito sa'kin saka umupo sa tabi ko para abutan ako ng canned beer.
"Salamat" saad ko rito habang binubuksan ang hawak kong beer.
"Bro kung saan-saan na tayo naghanap, pero hindi pa rin natin nakikita si Amy." balisa kong usal, saka lumagok ng alak.
"Ipagdasal na lang natin, na sana maayos ang lagay n'ya ngayon bro." anito at itinuon na ang kanyang atensyon sa iba pa naming kasama, na ngayon ay naka-upo sa ilalim ng malaking puno.
Rona
"Nasa'n na kaya si Amy-girl." rinig kong tila balisang wika ni Chelsea.
Sa puntong iyon ay napa-tingin ako sa kanya, dahil sa kabila pala ng pagka-maarte nito ay may nai-tatago rin pala itong concern sa katawan.
"Chelsea ikaw ba 'yan? Concern ka na pala ngayon?" naka-ngising pang-aalaska ni Kyle rito.
"What do you mean ba Kyle-katok ha? Of course I'm concerned kay Amy-girl, maarte lang ako pero I'm not manhid naman noh!" singhal nito kay Kyle saka hinalukipkip ang kanyang braso.
Haaaaayyyy..
Nag-aalala na rin ako sa kaibigan ko, saan kaya s'ya nagpunta?
Ano kaya ang ginagawa nito ngayon? Okay naman kami bago matulog nang gabing iyon, kaya nakapagtataka talaga kung bakit bigla itong nawala na parang bula.
Nangunot ang aking noo ng mapansin ko, na parang may sumilip sa likod ng malaking puno na aming inuupuan ngayon.
Tumayo ako para puntahan ito, hindi napansin nina Kyle at Chelsea ang presenya ko dahil abala ang mga ito sa kanilang pagtatalo.
Nang mapuntahan ko ang likuran ng puno, wala naman akong nakitang tao.
Babalik na sana ako nang biglang may nakita akong babaeng naka-itim na tumakbo sa likurang bahagi ng aming Villa.
"Miss sandali!" sigaw ko rito, ngunit parang wala itong narinig kaya naman sinundan ko ito para tanungin kung ano ang pakay nito sa aming tahanan.
Mabilis itong tumakbo patungo sa gubat, ilang beses ko pa itong tinawag, ngunit ni isang sulyap man lang ay hindi nito nagawang gawin.
Kaya naman mas binilisan ko pa ang aking takbo para maabutan ko ang babaeng naka-itim.
Napansin ko na patungo ito sa isang bahay na hindi gaanong kalakihan.
Nang aktong mahahabol ko na s'ya, bigla naman itong lumiko sa likod bahay.
Narating ko ang pinuntahan ng babaeng naka-itim, ngunit laking gulat ko sa aking nakita.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang naestatwa sa aking kinakatayuan.
"Ammyyyy!" humahagulgol kong sigaw sa hangin.
Nakita ko ang aking kaibigan na naka-handusay sa sahig, duguan ang buong katawan nito at wala ng buhay sa likod bahay na aking pinuntahan.
****
Amy
Nagising ang diwa ko nang maramdaman kong parang may mabigat na bagay na naka-dagan sa'kin.
Unti-unti kong pinalinaw ang aking paningin, nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang isang lalaki na naka-patong sa aking ibabaw.
Wala akong lakas para manlaban, halos paliguan n'ya ang buo kong katawan ng halik.
Nang matapos s'ya sa pag-gamit ng aking katawan, hagulgol na lamang ang aking nagawa.
Hindi ko alam kung bakit nangyari sa'kin ito, ni hindi ko s'ya kilala para pag-samantalahan ako ng ganito.
Kinagabihan..
Nakita ko na tulog ang lalaki, naamoy ko rin ang nakakasulasok na tapang ng alak na gumuguhit sa aking pang-amoy.
Nang masigurado kong mahimbing na ito sa kanyang pagkakatulog, dahan-dahan akong bumangon para makatakas.
Maingat kong binuksan ang screen nang kanyang pintuan, medyo maingay na ito dahil sa nag-kakalawang na ang mga parte ng nasabing pinto.
Bago pa man ako tuluyang makalabas, nilingon ko muna ang lalaking lasing.
Nagulat ako dahil nakatayo na ito at tinitingnan na pala ang bawat galaw na aking ginagawa.
Mabilis akong tumakbo palabas, ngunit dala ng kung anong kemikal na kanyang pinaamoy sa akin.
Hindi ko na namalayan na mabilis ako nitong nahablot at dinala sa likod ng kanyang bahay.
"Maawa po kayo sa'kin, pakawalan mo na ako. Hindi po ako magsusumbong kahit kanino." pag-mamakaawa ko rito, ngunit hindi n'ya ako pinakinggan.
Huli na ang lahat dahil pinaghahampas na n'ya ako ng bato sa mukha pati na sa aking buong katawan.
"Argh!" iyon na lamang ang huling lumabas sa aking bibig at ang buong paligid ay dumilim na.
****
JAMES
Isang linggo na ang nakalipas, matapos naming magpaalam sa huling hantungan ni Amy.
Masakit para sa aming mga kaibigan n'ya ang pangyayaring iyon.
Napaka walang puso nang taong pumatay sa kanya.
Napabalik na lang ako sa aking sarili nang biglang tumunog ang doorbell ng aking condo.
Binuksan ko ang pintuan ngunit nangunot ang aking noo nang makitang wala namang tao sa labas.
Nang aktong isasara ko na ang pinto, napansin ko ang isang puting sobre doon.
Pinulot ko ito at tiningnang muli ang paligid pero wala, wala talagang taong nandoon.
Pumasok na ako sa loob at napag-pasyahan na basahin na ang sulat na naka-paloob dito.
"Si Tristan, Si Tristan na dating care-taker ng aming Villa? Papaano n'ya nagawa ito?" bulyaw ko sa hangin.
****
Third Person's POV
Nang malaman ni James kung sino ang pumatay sa kanilang kaibigan na si Amy, agad n'yang ipinagbigay alam ito sa mga pulis.
Nakulong si Tristan sa salang Raped with Homicide, pinatawan s'ya ng pang-habang-buhay na pagkaka-kulong.
Kaya naman naging masaya ang mga kaibigan ng dalaga para sa kanya.
Sa kabila nang kanyang pagkawala, nakuha naman nito ang hustisyang kanyang inaasam.
Ngunit may usap-usapan na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatahimik ang kaluluwa ng dalaga.
Patuloy pa rin itong nagmumulto sa lugar ng Villa Abueno.
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy_Condes Stories
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top