Blame

TRISTAN

Ako ang may sala, ako ang gumahasa at pumatay sa kaibigan ni Sir James. Oo inaamin kong lulong ako sa droga nang mga panahong iyon, pero hindi ko sinasadyang patayin s'ya.

Nandito ako ngayon sa loob ng bilangguan, ang makipot na apat na sulok ng piitan ang nagsisilbing panibagong tahanan ko.

Maalinsangan sa loob ng kulungan, ang nakakasulasok na amoy na pinaghalong pawis at anghit ng mga preso ang tanging masisinghot mo rito. Mga rehas na bakal ang tanging kakaiba sa apat na sulok ng piitan na aking kinabibilangan.

Ngayon ay pagsisisi, pagsisisi ang tanging pumapaloob sa aking buong sistema. Dahil ayaw akong patahimikin ng aking konsensya.

Ngayo'y pinagdurusahan ko na ang aking nagawang kasalanan, alam kong walang kapatawaran ang ginawa kong pagpatay at pang-gagahasa. Ngunit umaasa pa rin ako na balang araw, mapapatawad din ako ng mga taong nasaktan ko ng lubusan.

Ipinikit ko ang aking mga mata habang nakasandal ang aking ulo sa pambarandilya ng piitan. Inalala ang nakaraan kung bakit ako nalulong sa droga.


*****

Third Person's POV

Kakatapos lang maglinis ni Tristan ng bakuran ng Villa Abueno. Napagpasyahan niyang mangahoy muna sa gubat para kahit papaano'y may magamit siyang pan-siga para pausukan ang mga puno na nakatirik sa bakuran ng nasabing Villa.

Marami ng nakolektang kahoy si Tristan, kaya naman naisipan na nitong bumalik sa Villa dahil inabot na siya ng takip-silim.

Habang naglalakad pabalik, nangunot ang kanyang noo dahil may napansin siyang liwanag sa 'di kalayuan. Pribado ang kalupaan ng mga Abueno, kaya't mahigpit na ipinagbabawal ang pumasok dito nang walang pahintulot.

Nilapitan niya ang liwanag na iyon at napansin n'yang may isang tent ang nakatirik sa gitna ng kagubatan. Dali-dali niyang pinuntahan iyon, dahil si Tristan ang inatasan na magbantay ng buong Villa simula nang sumakabilang buhay na ang kanyang Tatay Dionisio.

Nang malapit na siya sa nasabing tent, nanlaki ang kanyang mga mata dahil nakita niyang naglalaro ng Truth-or-Date habang nagtatawanan ang apat na taong walang saplot sa gitna ng kagubatan.

Dala ng bugso ng kanyang damdamin agad s'yang bumungad sa mga ito, at mabilis din namang napansin ang kanyang presensya.

"Aaaaaahhhh!" sigaw ng babae at mabilis nitong tinakpan ang hubad n'yang katawan, gamit ang damit na hawak nito.

Napalingon lahat sa kanya ang iba pa nitong mga kasamahan ay mabilis din ang naging aksyon ng mga ito na takpan ang maseselang bahagi ng kanilang katawan.

"Sino ka?!" singhal ng isang bakla na abala sa pagsusuot ng kanyang damit.

"Magbihis muna kayong lahat, bago ko sagutin ang katanungan mo." baling niya sa bakla saka tumalikod na upang magbigay galang sa nagawa n'yang pagsulpot kanina.

Ilang minuto rin ang itinagal bago tuluyang bumalik si Tristan sa kinatitirikan ng tent na itinayo ng mag-kakaibigan.

"Bago ang lahat nais kong ipakilala ang aking sarili, ako si Tristan, at ako ang caretaker ng lupain na nilooban n'yo nang walang pahintulot." mahabang pagpapaliwanag niya sa mga ito at nakita naman niya ang pagkakagulat sa mukha ng bawat isa ng mga taong kaharap niya ngayon.

"G*go ka bakla, akala ko ba kilala mo ang may-ari ng lugar na 'to?!" galit na usal ng lalaking naka-akbay na ngayon sa babaeng sumigaw kanina.

"Shut up Dominic!" singhal ng bakla. "Ay kuyabells, kaibigan ko po si James 'yung anak ng may-ari ng Villa Abueno." maarteng saad nito kay Tristan habang nilalaro ang kanyang mahabang buhok.

Sandaling tiningnan ni Tristan ang bakla, iniistema kung nagsasabi ba ito ng totoo. Nang mapansin niyang mukha sinsero at nagsasabi naman ito ng katotohanan agad siyang nagsabi nang, "Alam ba ni Sir James na pupunta kayo rito?" wika niya rito saka tinitigan ang baklang kausap niya kanina.

"Oo kuyabells, alam ni James lahat-lahat, eto ohh." at saka pinakita nito ang mensahe galing kay James.


From: Fafa James

Sige Bridget, pakita mo na lang kay Tristan itong message ko para naman hindi niya kayo pag-isipan ng masama.


Nang mabasa ni Tristan ang mensaheng iyon ng kanyang amo na si James, agad niyang narinig na nagsalitang muli si Bridget.


"Actually kasama nga dapat namin siya, kaya lang next month pa ang bakasyon niya." pagpapaliwanag ni Bridget na siya namang pinaniwalaan agad ni Tristan.

"O sige tara na't mag-gagabi na, bakit nga pala hindi kayo dumiretso sa Villa?" takang tanong ng binata rito.

"Eh dumidilim na kasi kuyang pogi, kaya nagtayo muna kami ng tent para dito muna magpalipas ng gabi." pagpapaliwanag ni Bridget habang inaayos ang kanyang mga gamit.


*****

Mabilis nai-ayos ng mag-babarkadang Bridget, Dom, Hazel at Claire ang kanilang mga gamit. Agad naman silang inalalayan ni Tristan para mabilis na makarating sa Villa Abueno.

"Nandito na tayo." masiglang sambit ni Tristan.

Namangha ang mag-kakaibigan sa kanilang nakita, napakaganda ng Villa Abueno. Maaaring luma na ang nasabing bahay ngunit hindi ito naging hadlang para mapansin nila ang natatanging ganda nang buong kabahayan.

Inasikaso ni Tristan ang mga kaibigan ni James, dinala niya ang mga gamit ng mga ito sa kani-kanilang kwarto.


*****

Mabilis lumipas ang mga araw simula nang makilala ni Tristan ang mga kaibigan ni James. Nakapag-palagayang loob niya ang bawat isa sa mga ito dahil hindi pinaramdam nila Bridget na caretaker lamang ang binata.

Inaasar pa ng mga ito sina Claire at Tristan, dahil simula pagkabata hindi pa nagkaka-nobya si Tristan kaya't mas naging tampulan siya ng tukso ng magkakaibigan. Tukso na si Claire na lang ang maging kauna-unahang nobya nito.

Kalog at mabait ang ugali ni Claire, kaya naman hindi nagdalawang-isip si Tristan na subukang maging nobya ito, kahit pa sa maikling panahon lamang.


*****

Isang gabi habang tulog na ang lahat, nag-ikot-ikot si Tristan sa buong kabahayan para siguraduhing nakasara na ang bawat pinto't bintana sa Villa Abueno.

Nang akmang pupunta na siya sa kanyang silid, nakita niya si Claire na dahan-dahang lumabas ng pintuan. Nangunot ang kanyang noo dahil hindi niya alam kung saan pupunta ang dalaga dahil dis-oras na ng gabi. Kaya naman dala ng kanyang kuryusidad agad niyang sinundan ito.

Sinundan hanggang sa kagubatan, nakita niyang papunta si Claire sa maliit na bahay, ang bahay kung saan dating nakatira sina Tristan, noong mga panahong buhay pa ang kanyang Ama. Abandonado na ang bahay na ito, kaya naman nagtataka si Tristan kung paano nalaman ni Claire ang lugar na iyon, samantalang nasa liblib na itong bahagi ng lupain ng mga Abueno.

Dahan-dahan niyang sinilip sa bintana si Claire, sa una ay hindi niya maaninag ang loob ng bahay dahil wala itong ilaw. Ngunit ilang segundo lamang ang lumipas nang biglang sumindi ang isang gasera. Mabilis naman na tumago si Tristan at nang silipin niyang muli ang loob ng bahay, nagulat siya sa kanyang nakita.

Nakita niya si Dom at Claire na naghahalikan, kitang-kita ng mga mata niya kung paanong binuhat ni Dominic ang dalaga para ipatong sa lamesa. Halos magdilim na ang kanyang paningin dahil sa ginagawang paghalik ni Dom sa buong katawan ng dalaga.

Hindi maipaliwanag ni Tristan kung bakit parang may kirot sa isang parte ng kanyang puso. Ito ang kauna-unahang naramdaman niya ang sakit na idinudulot ng pagmamahal.

Kinalma ni Tristan ang buo niyang sistema, ipinikit ang kanyang mga mata na halos magbaga na dahil sa puot na kanyang nararamdaman sa dalaga. Nang makita niyang halos magtalik na sina Don at Claire, nagmamadali siyang tumakbo pabalik sa Villa Abueno.

Dala ang pighati na kanyang nararamdaman ngayon.

*****

Naisipan ni Tristan na pumunta sa bayan para uminom ng uminom ng alak, hanggang siya ay malunod para waksihan ang bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Hindi mawala sa isip ng binata ang eksenang kanyang nadatnan sa dati nilang bahay.

Gulong-gulo siya dahil alam ng lahat na magkasintahan sina Dom at Hazel, naguguluhan siya kung bakit biglang katalik ni Dom si Claire ganoong alam naman ng binata na magkaibigan ang dalawang babae?

"Argh! Mga taksil!" inis na usal niya saka nilagok muli ang hawak niyang alak.

Habang abala sa pag-inom si Tristan, may lumapit sa kanyang isang lalaki.

"Pare, ito mas mabisang pampalimot." sambit nito saka iniabot ang isang sachet ng droga.

Sandali niyang tiningnan ito sabay sabi nang, "Hindi ako gumagamit niyan pare." tanging bulalas niya saka muling nilagok ang alak.

Alam ni Tristan na masama ang pag-gamit ng ipinagbabawal na gamot kaya naman hindi niya masyadong binigyang pansin ito.

"Kaya nga subukan mo pare, makakalimutan mo ang problemang dinadala mo kapag gumamit ka nito." pabulong na saad nito saka nagpa-linga-linga sa paligid.

Nang marinig ni Tristan ang katagang iyon, agad siyang nakumbinsi ng lalaki. Gusto n'yang makalimutan ang sakit na kanyang nararamdaman, kaya kahit na labag sa kanyang kalooban sinubukan niya pa ring gumamit ng ipinagbabawal na gamot.


*****


Simula nang gabing nasilayan ni Tristan ang palihim na ugnayan na namamagitan kina Claire at Dom, naging mailap na ang binata sa mga itinuring n'yang bagong kaibigan.

Kaya naman matapos ang bakasyon ng magkakaibigang Bridget, Dom, Hazel at Claire, agad lumuwas ang mga ito ng maynila dahil parang nag-iba ang ugali ni Tristan ng hindi nila namamalayan.

Ang ugali ng binata noon na mabait, masiyahin at maalaga ay napalitan ng pagka-aburido at parang laging may sariling mundo. Bahagya ring nanuyot ang mukha nito dahil sa ipinagbabawal na gamot.

Hindi nila malaman kung bakit biglang nagbago ang binata, samantalang maayos naman silang nagkasiyahan nang gabing iyon. Bago nito madiskube ang lihim na relasyon nina Claire at Dom.



*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy_Condes Stories
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top