EPISODE 02

"ANG AKSIDENTE at PAGDATING NI Marife"

ZINA MARIS P.O.V.

Hindi ko talaga alam kung papano nangyari.
Ang naalala ko ay masaya kaming sumakay ng Bangka papunta sa beach. Nang makaalis na Ang yati, Hindi ko napansin na Hindi Pala naka sunod saamin si Mark.

Hanggang sa isang malakas na pagsabog ang narinig namin Mula sa beach na aming kinatatayuan.

"Zina bat Hindi mo kasama si Mark?" Tanong ni Akira saakin.

"Hindi eh, Teka baka naiwan sa yati!" Sabi ko Kay Akira. Alam ko namang mabait si Akira kay Mark. Naimpluwensyahan lang ng demonyo kung kapatid.

"Wala si Bakla? Ay sayang Wala tayong pagtitripan Ngayon. Masaya sana kung nandito sya." Sabi ng kapatid ko na si Arke.

"Arke? Pwde bang tigilan mo yan. Sandali tatawagan ko si Mark kung nasa Yati ba sya. Bakit Kasi Hindi sumunod." Sabi ko habang dinadial ang Numero ni Mark saaking cellphone. Inabot lang ng dalawang ring at biglang sumabog ang yati na sinakyan namin.

Binilang kami ni maam ni pero nawawala talaga si Mark at walang nakapansin saaming bumaba si Mark kasabay namin.

Ngayon, kasama ko si Tita Loraine at Tito James sa dalampasigan.

"Loraine wag Kang mawalan ng pag asa. Ipagdadasal natin si Mark na ligtas." Sabi ni Tito James.

Pero mabuti nalang din kung patay man si Bes, dahil Hindi na sya makakaranas ng pang aabuso sa kanyang step dad. Nararamdaman kung napapagud si Bes. Dagdagan pa ang pambu-bully Nila Arke sa school. 

Pagkalipas ng isang linggo, may nakitang bangkay na nasunog at naanas na ito. Agad kinunan ng DNA Test ang bangkay ato na kompirma na si Mark ang bangkay na yun.

Gumuho ang buhay namin ni tita Loraine ng mag match ang DNA at confirmed na si Mark nga ang bangkay na nakita Nila.

Agad inilibing si Mark at Ngayon ay nasa Puntod nya ako nakatayo at kinakausap Ang Bes kung biktima ng pambu-bully at pang-aabuso.

"Bes pasensya kana, Hindi ko na kinuwento Kay tita Loraine Ang tungkol sa pang-aabuso ni Tito James Sayo. Alam kung Hindi sya maniniwala saakin. Pero I'm happy Kasi nasa heaven kana at Dyan walang mananakit Sayo. And Bes, kasama ko si Akira. Mag sosorry sya Sayo. " Sabi ko at hinila ko si Akira.

"Ma-mark sorry kung Hindi man lang Kita mapagtanggol Kina Arke. At Lalo na sa Tito James mo. Hindi ko alam na may ganun Pala. Kung Hindi ako sinabihan ni Zina Wala akong Malay na inaabuso ka Pala ng iyong amain. Pero hayaan mo, promise ko Sayo. Kapag may Makita akong nabubully. Ipagtatangol ko. Nahihiya ako dahil si Zina pa ang nag tatangol Sayo. Dapat ako, Kasi nangako ako sayo noon." Sabi ni Akira na umiiyak.

Pinatahan ko naman si Akira.

"Tama na Akira, alam mo naman si Bes. Hindi nya kayang manakit o magtanim ng galit." Sabi ko Kay Akira.

Pagkalipas ng dalawang taon..

Nasa grade 9 na kami nun, at sa kasamang palad magkaklase kami ng mga iilan sa kaklase namin ni Mark. Isa na Dyan si Akira at Andy tanging si Arke lang ang naiba ng section. 

Isang araw, may bagong studyante ang kapansin-pansin. Dahil sa kanyang magandang mukha, kulay abo na mga mata at sobrang Pala ngiti ito sa mga nakaka salamuha nya.

Agad naming nilapitan ni Akira.

"Hi, transferee ka no? Ako nga pala si Zina. And you are?" Pakilala ko sakanya.

"Hi Marife, actually transferee nga ako. May tanong ako bat kapag ngingiti ako sa kanila bat tinatarayan ako.?" Tanong ni Marife saakin.

"Hayaan muna yun, may mga ganyan talaga. Teka saan ka galing school?" Tanong ko Kay Marife.

"Ah sa Oxford university po, it just so happen na we me and my mom decided to stay here sa pinas. Iba pa din kapag nasa pinas ka!" Sabi nya at sabay sundot saakin tagiliran na dahilan upang mapaiktad ako.

Naalala ko tuloy kapag nag uusap kami ni Mark. Palagi nya akong ginugulo gamit ang pag sundot sa tagiliran ko.

Going back to the story..

Magka same Pala kami ng section..

"Ipakilala mo naman ako Zina sa kanya. " Sabi ni Akira.

"Ay oo nga Pala ito yung bff ko si Akira ishida. Mukhang hapon lang yan pero Pinoy yan." Sabi ko at hinila ko si Akira.

Agad namang nagpakilala si Akira at iniabot nya Ang kanyang kamay Kay Marife.

"Akira ishida miss!" Sabi nya.
Ngumiti ulit si Marife at inabot ang kamay ni Akira.

"Marife Castro." Sambit nya at natigilan kaming dalawa sabay kaming nagkatinginan ni Akira.

"Castro? Magka-ano ano kayo ni tita Loraine?" Tanong ko

"Zina, baka magka apliyedo lang. Ano kaba!" Sabi ni Akira.

"Nope we're not related. I've heard about her. Pero Hindi ko pa sya nakikita in person. I've heard she's the mayor of this city?" Tanong ni Marife.

" Yes she is, akala ko baka anak ka nya or something? Related sa mga Castro?" Sabi ko.

"Nope we're not. Anyway, nice to meeting you guys. See you around." Sabi nya at nagmamadali itong umalis pagkatapos tingnan ang kanyang cellphone.

"Ang Ganda nya diba?" Sabi ni Akira.

"Oo nga eh, parang pamilyar sya. Naalala ko si Mark sakanya noong sinusundot nya ako sa tagiliran. Pero kung buhay lang si mark I'm sure magiging magkasing kwela sila." Sabi ko.

Hindi ko namalayan na dumating na pala ang kapatid ko.

"Uy Zina may Pera ka. Akin na!" Sabi ni Arke.

"Arke? Ubos na yung Pera na ibinigay ni mommy saatin? Arke bat Hindi ka mag tipid?" Saway ko.

"Eh Wala kanang pakialam doon! Akin na." Sabi nya.

"Arke Wala kang makukuha saakin.." Sabi ko at Aksidente akong nabangga ni Marife.

"Sorry.. Hindi ako nag iingat.pasensya na!" Sabi ko at tinulungan kung magpulot si Marife at nang kukunin na marife Ang isang note book ay inapakan ito ni Arke.

"Excuse me pakitanggal ng madumi mong sapatos sa notebook ko... Please!" Sabi ni Marife at hawak nha Ang notebook na nasa lupa at inaapakan pa din ni Arke sinaway na namin ni Akira ngunit ayaw makinig.

"Miss Hindi ka dapat nag enroll dito hindi mo ba alam school namin to. Parents ko Ang nagtayo ng university na ito. So dapat gumalang ka!" Sabi ni Arke ngunit tumayo lang si Marife at kinuwelyuhan si Arke sabay sabing...

"Wala akong pakialam, kung Ikaw pa ang may Ari ng imperyo. Matuto Kang rumespeto sa mga taong nakapaligid sayo. " Sabi ni Marife akmang susuntukin si Arke ay pingilan ko si Marife.

"Waaagggg!! Please kapatid ko yan." Sabi ko at agad namang ibinaba ni Marife.

"Sa susunod,!" Banta ni Marife.

Itutuloy....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top