P R O L O G O
MALAKAS NA napatili si Shandel nang makita ang dalawang ipis sa kanyang bag. Kasunod niyon ay ang tawanan ng kanyang mga kaklase. Naiiyak na siya at pilit iyong pinipigilan. Takot kasi siya sa ipis, daga, butiki at iba pang mga insekto.
Isa-isa niyang tiningnan ng masama ang mga kaklase niya.
Iling lamang ang iginanti ng mga ito sa kanya saka isa-isang itinuro si Tyler na nasa isang sulok at halatang pinipigil ang mapa-hagikgik.
"TYLER!" Nanlilisik ang mga matang binalingan niya ang batang lalaki. "Ano bang problema mo at palagi mo nalang akong pinagti-tripan, ha?" Galit na saad niya nang malapitan ito.
Dagling napalis ang nakakalokong ngisi nito. Pinag- krus ang mga kamay sa may dibdib. "Tatlong ipis 'yong nilagay ko sa bag mo kanina. Hanapin mo 'yong isa pa, baka mangitlog na 'yon sa kaka-daldal mo d'yan." Balewalang sambit nito bago lumabas ng classroom nila na tila walang nangyari.
Ganito naman talaga palagi e, gagawan siya nito ng kalokohan tapos ito pa ang may ganang mag-walk out kapag naisakatuparan na nito ang kalokohan nito. Bakit ba hindi parin siya masanay-sanay? Hindi na bago sa kanya 'to.
Mabilis niyang kinuha ang bag, kapagkuwan ay ibinuhos ang mga laman sa sahig. Agad siyang nilapitan ni Ianny, ang matalik niyang kaibigang babae na kararating lamang.
"What happened 'yot?" Tanong nito sa kanya na tumulong na rin na magpagpag ng mga gamit niya.
Yot, ang tawagan nilang dalawa. Na mula sa salitang bayot na ang ibig sabihin ay bakla. Gumaya lang silang dalawa sa mga ate nila na matalik ding magkaibigan na ang tawagan din sa isa't isa ay bakla.
Tiningnan niya ito na parang maiiyak na. "Bwiset talaga ang Talyer na 'yon. Nilagyan ba naman ng ipis ang bag ko?" Talyer ang tawag niya minsan kay Tyler kapag inaasar, iniinis at pinagtri-tripan siya nito. At kapag ganitong kumukulo ang dugo niya.
Napailing na lamang si Ianny sa kakulitan ng dalawa. "Para kayong mga aso't pusa. Kelan ba kayo magkakasundong dalawa?"
Masama niya itong tiningnan. "Never! Over my beautiful face. Bumagyo man o magka-El Ñino ng isang taon. Magunaw man ang mundo at mamatay man ang lahat ng bayani. Hinding-hindi ako makikipag-kaibigan sa lokong 'yon." Asik niyang saad sa kaibigan.
Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya na animo'y hindi makapaniwala sa mga binitawan niyang mga salita. "Over! Defensive much? Sabi nga nila diba, the more you hate, the more you love raw. Kaya kung ako sayo, kontrolin mo 'yang puso mo na 'wag masyadong magalit sa kanya. Ikaw rin, baka hindi mo mamalayan na imbes galit lang para sa kanya ang maramdaman mo eh, mapalitan ng pagmamahal 'yang puso mo. Sige ka, kaw rin."
"No way! At wala ring katotoohan 'yon. 'Pag hate mo, hate mo. Ang layo ng hate sa love. Tsaka, mas naniniwala pa yata ako sa kasabihang, first love never dies. At isa pa, ang babata pa natin para sa gan'yang bagay. Bahala ka nga d'yan. Wala kang kwentang kausap." Angil niya sa kaibigan. Pagkatapos niyang iligpit ang mga gamit ay nagtatakbo na siya palabas.
Fifteen minutes late na ang teacher nila. At isa iyon sa mga homeroom's rule nila. Kapag fifteen minutes late na ang guro nila ay automatic na wala ng klase, 'pag sila namang mag- aaral ay automatic absent.
Patakbong hinabol ni Ianny ang kaibigan. Sigurado siyang nagtatampo na sa kanya ang kaibigan dahil sa inasal niya. Pero, ano'ng magagawa niya? Sinasabi niya lang naman kung ano ang nasa puso't isip niya a. Ano ang masama ro'n? Tsk. Masama na bang mangatwiran ngayon?
Gino-good time niya lang naman ang kaibigan niya e. Malay niya bang affected ito masyado kay Tyler. Tsk.
"Shandel, wait up. Hmp, may pa-walk out, walk out pang nalalaman, e, mam'ya naman niyan ay magbabati rin kayo. Palagi kayong away-bati, bakit hindi ka parin masanay-sanay? Arte mo 'yot, 'di bagay! I swear." Sigaw niya. Ngunit hindi manlang siya nito nilingon. Psh. Nagtatampo nga.
DINALA NG kanyang mga paa si Shandel sa may malaking puno ng mangga sa likod ng school nila. Dito ang tambayan nilang magkaibigan 'pag free time nila. Siguro naman, wala nang may mambu-bwiset sa akin ngayon. Bulong niya sa sarili.
Nagpalinga-linga muna siya sa paligid. At nang masigurong walang ibang naroon maliban sa kanya ay ibinaba niya sa isang tabi ng puno ang bag na nakapatong pa sa magkabilang balikat niya saka huminga ng malalim.
Sinimulan niyang akyatin ang puno ng mangga na hitik na hitik sa bunga. Hindi siya nahirapang akyatin iyon dahil sanay na siya at hilig niya talaga ang umakyat ng puno.
Sarap na sarap siya sa kinakaing mangga. Pang-lima niya na iyon. Ngunit muntikan niya nang ikalaglag ang pagtawag sa kanyang pangalan ng isang tao na hindi niya inaasahan mula sa ibaba dahil sa gulat.
"Shan, penge naman ako. Isa lang." Sigaw no'ng batang lalaking kinamumuhian niya. Kapag minamalas ka nga naman o! Ang daming tao sa mundo ngunit, heto siya't dinadagsa ng malas.
Mabilis niyang inihawak ang magkabilang-kamay sa sanga na malapit lang sa kanya upang hindi tuluyang mahulog.
Tumaas-baba ang kanyang dibdib dahil sa pinagsamang gulat at takot. Nang makabawi ay hinagilap niya ito.
Gayunpaman, ay masama niya itong nilingon sa ibaba. "Hanggang dito ba naman ay sinusundan mo ako? A. Yo. Ko. Umalis ka na. Utang na loob lang, tigilan mo na ako. Bakit ba palaging ako? Sa iba mo naman ibaling 'yang topak mo." Inis na sigaw niya kay Tyler.
Nginisihan lang siya nito. "Sige, kung 'yan ang gusto mo. Nga pala, ang cute ng kulay ng panty mo. Yellow! Masakit nga lang sa mata." Pagkasabi niyon ay kumaripas na ito ng takbo.
Namutla siya sa sinabi ni Tyler. Sa pagbabasakaling nag-iisa lamang siya roon ay nawala na sa isip niya na tanging panty lamang ang suot niya sa ilalim ng uniporming saya.
Sukdulan ang galit na nararamdaman niya kay Tyler. Topakin na nga, ang manyak pa ng kumag na 'yon.
Nagtagis ang mga bagang niya. Naging mag-classmate sila ni Tyler no'ng grade three. At mula no'n ay hindi na siya tinigilan nito. Palagi siya nitong pinapahiya, inaasar, at pinagtri- tripan. Kahit ngayong nasa highschool na sila ay hindi parin siya nito tinatantanan.
Ang damuhong 'yon, may itinatago rin palang kamanyakan sa katawan! 'Kala mo kung sino'ng good boy nasa loob naman pala ang kulo.
Kaya sagad sa buto ang inis at galit na nararamdaman niya para dito. May araw ka rin sa'kin. Humanda ka.
Mula sa itaas ng puno ay tumalon siya pababa. 'Di niya alintana ang taas. Pag-landing niya sa baba ay padabog niyang kinuha ang bag at patakbong nilisan ang lugar.
★
A/N:
Sa lahat po sana ng nakapuna ng typos/technical ang grammar errors, paki-comment inline lang po para alam ko po, 'yong iba kasi gawa-gawa lang na may ganoon para may mai-comment lang dito. Salamat 😁
PS: Please vote, leave a comment and share!
PSS: Thank you!
PSSS: Keep safe 😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top