Kabanata 8
TUMUNOG ang doorbell nila. Hudyat na dumating na ang kaibigang inaasahan niya. Salamat naman, after fourty five years of waiting ay dininig din ang dasal niya na sana ay sumipot ang kaibigan.
Tumayo mula sa kinauupuan ang Ate Amber niya. "Ako na ang magbubukas. Siguradong si Ianny na 'yan. Masesermonan ko talaga ang kapatid kong 'yon." Pagboboluntaryo nito.
Tinanguan niya si Amber kapagkuwan ay inilipat niya ang mga mata sa kanyang Ate Shania.
Napapantiskuhan namang tinaasan siya nito ng isang kilay.
"Pumatol ka ba Teh sa isang ex-con? Parang iyon kasi ang gustong iparating ni Ate Amber kanina. Promise hindi kita ija- judge. Baka self defense lang kaya siya nakulong. Hindi naman kasi lahat ng nakakulong ay masasama. May iba nga set up lang o kaya ay mayaman at makapangyarihan ang kinalaban kaya nakulong." Hindi niya napigilang usisain ito.
"H-hindo noh! 'Wag ka nga maniwala sa mga pinagsasabi niyang Ate Amber mo. Puro kalokohan lang ang alam nun e. Palibhasa child abuse, pumatol sa mas bata pa sa kanya." Maasim ang mukha nitong sagot.
"Ano naman ang problema dun? Diba nga may kasabihang, age doesn't matter? Ang tatanda niyo na pero mga pasaway. Bahala nga kayong dalawa sa buhay niyo." Wika niya.
"Tigil tigilan mo 'yang pagiging echosera mo. 'Wag kang makisawsaw sa usapan ng may usapan, OK?" Sambit nito na may namumulang mga pisngi. Ano na bang nangyayari sa Ate niya ngayon at pinamumulahan pa ng pisngi kapag nakikipag usap.
"You mean, sa issue ng may issue?" Mas lalo pang sumama ang timpla ng mukha nito kaya't hindi na siya nag abala pang hintayin ang sagot nito.
Tatalikuran niya na sana ang kanyang Ate nang biglang may isang matinis na boses ang pumailanlan sa buong palapag ng bahay galing sa isang nilalang na kilalang kilala niya. Isang tao lang naman ang alam niyang nagtataglay ng mala- armalite na bibig. Walang iba kundi si Ianny.
"Sorry 'yot kung na-late ako sa usapan natin. Alam mo naman ang magagandang nilalang katulad ko, kailangan palaging mas maganda kapag nag-ayos. Look at me, hindi ako masyadong liberated kung manamit ngayon. I make sure na simple lang ang ayos ko ngayon. Dinibdib ko kasi 'yong advice mo sa akin." Advise? Hmm. Seriously? One week niya ng sinabi 'yon a?
Sumingit ang Ate Amber ni Ianny. "Ikaw talagang bata ka, hindi ka parin nagbabago. Takpan mo nga 'yang tiyan mo na naka-tiwangwang baka kabagin ka. Tingnan mo nga 'yang hitsura mo mukha kang mamamasyal sa Madison Square Garden, New York City, USA." Puno ng sarkasmo nitong saad.
Tiningnan niya ang kaibigan mula ulo hanggang paa. At nang hindi pa siya nakuntento ay muling pinasadahan niya ulit ito ng tingin mula paa hanggang ulo nito.
Hindi niya makita sa kaibigan ang sinasabi nitong simpleng ayos.
Naka- wig ito na paalon alon, kulay blond na tulad ng kay Kylie Jenner with neutral brown make up on her face, nakasuot ng white crop top shirt with a brand name on it, Tommy Hilfiger. High waisted black short, Leopard Print Clutch, her stunning shades and white boots are perfect finishing touches.
Hindi niya napigil ang sariling ikutan ito. "Iyan ba ang sinasabi mong simpleng ayos? E, mukhang mahihiya pa yatang tumabi sayo si Gigi Hadid sa ayos mong 'yan."
Biglang bumunghalit ng tawa ang Ate ni Ianny. Binulungan pa talaga nito ang kanyang Ate Shania. "Bakla, mukhang nagmata ata 'yang kapatid mo sa akin. Tsk, ang hanep kung mangbara. Parang ako lang." Bumulong pa talaga. E, halos tumagos pa nga yata ang sinabi nito sa magkabila niyang tainga.
Ianny rolled her eyes heavenwards. "Mabuti nga't hindi ako nag-dresss. Baka tuluyang itakwil mo na ako bilang kaibigan." Wow! Ganoon ba kakitid ang utak niya para gawin niya 'yon?
"Natural! Hindi naman kasi party ang pupuntahan natin. Kung gusto mo ng mas bongga, dapat nag-gown ka na lang. Nang makita mo ang hinahanap mo. I'm sure, walang kahit sino ang hindi mapapatingin sayo. Baka nga mapagkakamalan ka pang may tililing. Sinong matino na babae ang mag-go-gown sa mall?"
"Kaya nga casual lang ang sinuot ko. Hay, naku! Tara na nga. Ang dami mo pang satsat. Alalahanin mong may atraso ka pa sa akin."
Hinawakan siya sa kamay ni Ianny saka iginiya palabas ng bahay.
"Be safe!"
"Mag-iingat kayo."
Sabay na sabi pa ng mga Ate nila.
Ianny just waived her right hand. Kaya naman siya nalang ang sumagot sa mga ito. "Thank you mga Ate."
LULAN NG BMW na ibinigay pa ng kanyang Ate Shania sa kanya last year noong birthday niya, ay binaybay nila ang daan patungong mall. Kontento na siya sa mga bagay na mayroon siya. Hindi siya naghahangad ng mga bagay na mahal, branded at trending. Basta nagagamit at may pakinabang ay ayos lang sa kanya. Hindi tulad ng best friend niya.
"Hey, stop what you're thinking about me. Ano'ng magagawa ko? I was born with a golden spoon in my mouth. You know that." Nakakainis. Minsan nababasa nito ang nasa isip niya. Tulad na lang ngayon.
"Money can't buy happiness. You know that too."
Humalukipkip ito bago siya sinagot. "Yes, money cannot buy happiness, but it is much more comfortable to cry in a new Lamborghini's than on a BMW."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Whatever! Kontento na ako sa kung anong mayroon ako."
Ipinarada niya ang sasakyan sa parking sa parking lot.
Naaasiwa siya sa mga nakaw-tingin na natatanggap nila--- sa kaibigan lang pala niya, she's excluded. Mula sa ilang kalalakihan. May kasama man na babae o wala. May girlfriend man o wala. Agaw-eksena talaga 'tong kaibigan ko! Parang model ng Vectoria's Secret pa kung rumampa.
"Let's eat first before we roam around." Bulalas nito.
Tumango siya bilang pagsang-ayon. "Sige, pero doon tayo sa Jollybee."
Sumimangot si Ianny. "No! I prefer Italian cuisine." She hissed.
PADABOG NA umupo sa upuan si Ianny. Madalas itong kumain sa fast food kapag siya ang kasama nito. E, anong magagawa niya? Paborito niya yata ang fast food na kainan lalo na sa Jollybee. Although, masarap din naman ang ibang pagkain sa ibang restaurant. Madali nga lang siyang magsawa. Hindi tulad ng sa fast food na ito, simu't sarap palagi. Naka-lima hanggang anim na extra rice siya kapag fried chicken ang ulam. Pati nga yung cartilages na part nung chicken ay hindi niya pinalagpas.
"My gosh! Minsan pag- ikaw ang kasama ko ay nagmumukha akong cheap." Maarteng usal sa kanya ni Ianny.
Inirapan niya ito. "Ayos lang magmukhang cheap. 'Wag lang magmukhang tanga!"
Hindi siya pinansin ng kaibigan. Bagkus, ang mga mata nito'y lumampas ng tingin sa kanya.
"Si TT ba 'yon?! Sino yung kasama niyang girl?" Huli na siya. Nilingon niya na ang nasa may bandang likuran niya. Gusto niya sanang makita ang nakita ng kaibigan. Pero nakalinga na siya bago paman niya narinig ang sinabi nito. Tyler!
★
Don't forget to vote my story!
Comment and share if you feelin' it 😘
Please follow my account:
Wattpad: @Abel_Claros
#BeSafeEveryone
#StayAtHome
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top