Kabanata 6

NAPASIMANGOT si Ianny nang hindi niya mahagilap ang kaibigan. Halos halughugin niya na ang buong school pero ni anino nito ay hindi pa rin niya makita. Sinundan niya ito pagkatapos magwalk-out pero hindi niya pa rin naabutan. Lakad-pagong nga ata talaga siya.


Kasalukuyan siyang nasa basketball court. Doon kasi sila minsan nagpapalipas ng oras. Binubusog at pinagsasawa nila ang kanilang mga mata sa magagandang tanawin na naroon. Ang paborito niya sa lahat ay ang katawan ni Gyth. Halos maglaway pa siya kapag hinuhubad ni Gyth ang pang-itaas na damit dahil basa ito ng pawis mula sa paglalaro.


Masarap siguro sa pakiramdam na mahawakan ang hugis pandesal na abs ng binatilyo. Kung papayag lang sana si Gyth na magpahawak ng abs nito, aba'y siguradong magvo- volunteer siya kapag nagkataon. Baka sa sobrang panggi-gigil niya sa binatilyo ay makagat niya pa ng wala sa oras ang abs nito.


Ipinalibot niya ang tingin sa kabuuan ng court. Iyon na ang huling lugar na pwedeng puntahan ng kaibigan pero parang do'n siya nagkakamali. Binaybay niya ang daan palabas ng lugar nang matamaan siya ng lumilipad na bola sa kanyang ulo.


"Aray!" Hinawakan niya ang parteng natamaan ng bola saka hinimas-himas. Nagbabasakali na mawala ang sakit dahil sa lakas ng impact ng pagkakatama ng bola sa ulo niya.


Naka-lukot ang mukha niyang ipinalibot ang tingin sa loob ng court nang mahagip ng kanyang mapang-akit na mga mata ang naka-ngising si Dustin.


Si Dustin Vyron Alegre ay isa sa mga hinahangaang estudyante ng kanilang school. Bukod sa pagiging matalino nito ay nagtataglay rin ito ng makalaglag panty na kagwapuhan, mayaman at mahilig din sa sport. Halos lahat ng mga babae ay inaasam na mabingwit ito. Well, except sa kanilang dalawa na magkaibigan. Parehas nila hindi gusto ang ugali nito. Kung makapagpalit ng syota ay daig pa ang nagpapalit ng damit. Oh, ba't parang bitter ka?!


"HINDI KA BA MAGSO-SORRY?!" Umalingawngaw sa buong court ang sigaw niya. Biglang tumigil ang lahat na naroon sa mga oras na iyon. Ang lahat ng nando'n ay tinapunan siya ng tingin dahil sa mala-kulog niyang pagsigaw. Agaw-eksena na naman siya. Palagi na lang ganito ang senaryo patungkol sa kanya pero hindi pa rin siya masanay-sanay.


"Why would I?" Aba't gagong 'to a. Gwapo nga wala namang breeding. Buti nalang hindi ko siya type.


Pinaikot niya ng 360 degrees ang kanyang mapupungay na mga mata. "Gago ka pala e. Hindi mo ba nakitang tinamaan ako?" Pabulyaw niyang saad. Waley ka talagang hinayupak ka. Akala siguro ni Dustin ay hindi siya pumapatol sa gwapo pwes do'n ito nagkakamali.


"It's not my fault. Look, nasa basketball court tayo. Anong ine- expect mo sa bola? Potential energy?" Ang lakas maka-science. Porke't wala siya masyadong alam sa Agham ay i-a-apply na sa kanya iyon ng binata.


Humanda ka dahil kapag ako makakuha ng 1.5 equivalent to 90 na grado ay malakas kong isasampal iyon sa makinis mong mukha! Gusto niya sana isigaw iyon sa binatilyo. Ngunit, umurong ang dila niya nang mapagtanto niyang 3.0 equivalent to 75 pala palagi ang highest grade niya sa Environmental Science, Social Science at Geo. Science. Basta lahat ng may science na subject. Minsan pa kapag minamalas ay talagang bumabagsak siya sa asignaturang iyon.


"Wala akong pakialam diyan sa mga pinagsasabi mong potential, potency, poteens energy mo na 'yan. Ang gusto ko lang naman ay magsorry ka. Bakit mahirap bang gawin yo'n ha?"


"Nah. I'm not gonna do that. Hindi ko naman kasalanan kung tatanga-tanga ka diyan, diba?" Mabilis nitong tugon.


Talagang sinusubukan ng gunggong na ito ang pasensiya niya. Pwes, pagbibigyan niya ito. Kung makaasta akala mo ay anak ng pangulo at inaanak ng prime minister.


"Ganun?!" Siya yata si Ianny Mae Roxas. Ang nag iisang babae na natira sa lahi ni Gabriela Silang! Ay wait! Mali pala. Ang layo ng Silang sa Roxas. Siya ang kaisa isang babae na kamag-anak ni Mar Roxas. Ang magandang nilalang na walang inaatrasan lalu na kapag nasa tama siya! Patrol ng Pilipino bente kwarto oras! Kapag nasa katwiran, ipaglaban mo!


Hindi sumagot si Dustin. Matiim lang itong nakatitig sa kanya.


Biglang tumalim ang kanyang mga mata. Linapitan niya ang bolang tumama sa kanya kanina na hindi kalayuan. Dinampot niya ito saka ngumisi.


Buong pwersa niyang ibinato ang bola papunta sa direksiyon ng binata saka nagpakawala ng matamis na ngiti ng matamaan ito. Sapul sa mukha.


"Ouch!" Natumba ang binatilyo saka napaigik nang maglanding sa mukha nito ang bola.


Galit itong tumayo. Masama siya nitong tiningnan na halos hindi makapaniwala sa nangyari. Na mayroong isang nilalang na kayang gawin ang bagay na iyon sa kanya. Partida babae pa.


Tinangka siyang lapitan ni Dustin ngunit nahinto ito ng dilaan niya saka nginisihan ng malapad bago mabilis na nagmartsa palabas ng court. Mabilis na naglaho na parang kidlat si Ianny.


"You'll gonna pay this bitch!" Iyon ang huling mga kataga na narinig niya pagtalikod niya.




"NASAAN ka na ba 'yot?" Mahina niyang usal.


Nilapitan niya ang isang lalaki sa may bandang kanan niya na nagbabasa ng libro. Wala kasing may hindi nakaka-kilala kay Shandel sa school nila. The living proof of beauty and brain. Kaya magbabaka-sakali ulit siya.


Tumikhim siya bago nagtanong. "Ahm. Excuse me, kilala mo ba si Shandel Elaija Reyes? Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?"


"Yes, she's actually familiar to me. But, I don't know where she is." Pormal nitong sagot sa kanya.


"Ah. Okay, thanks by the way." Aniya bago naglakad.


Napanghihinaan na siya ng loob nang makasalubong niya si Tyler.


Kinalabit niya ito. "Nakita mo ba si Shandel?" Prangka niyang tanong. Wala ng paligoy-ligoy pa. Wala ng chechebureche, straight to the point agad.


Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa nang sumagot ito.


"N-no." Sabay nagkibit ng mga balikat.


Grabee, sobra na siyang naaasar. Kung saan-saan na siya dinala ng kanyang mga paa. Pero wala parin. Kung sino-sino na ang pinagtanungan niya pero wala parin siyang makuhang matino na sagot.


Ang daming matalino at gwapo sa school nila. Pero hindi niya manlang mapakibangan. Wala manlang mapala sa mga ito.







Hi. Don't forget to vote, comment and share. Thanks in advance 😘

Insert: Sorry sa mga typos and errors! Hindi ko po kasi siya na-edit. Salamat sa pag intindi 💪

#LabananAngCOVID19
#StayAtHome
#AlwaysWearYourMask
#WashYourHandsAsLongAsNeeded
#ShareLoveAndHope

















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top