Kabanata 40
LIMANG BOTE ng beer ang naubos ni Ianny. Sa totoo lang ay wala talaga siyang balak na uminom. Isang bote lang dapat iyon subalit napasarap siya sa kanyang lumpia at fries. Magandang combination kasi 'yon.
Wala sa sariling napahagikgik siya habang nakatunghay sa kanyang kaibigan, mamula-mula ang pisngi nito na umabot sa magkabilang tainga nito, nakanganga rin ito ng bahagya.
Huminto siya sa paghagikgik nang gumalaw ito at tila mahuhulog sa inuupuan nito. Tumayo siya ngunit agad ring napaupo dahil nakaramdam siya ng pagkahilo. Iniling-iling niya ang kanyang ulo upang maibsan ang pagkahilo kapagkuwa'y sinubukan niya muling tumayo na napagtagumpayan niya na.
Inayos niya sa pagkakaupo ang kaibigan. Subalit nag-aalala siya para dito. Baka mahulog e, ang likot-likot kasi. Parang bulate ang gaga.
Panandalian niyang iniwan si Shandel para puntahan ang dalawang lalaki. Hindi naman siguro masamang humingi ng tulong paminsan-minsa, di ba?
Malagkit na tingin ang iginawad sa kanya ni Fourth nang masilayan siya. "Yes, sweety pie?"
Hindi siya bitter kaya pakikiharapan niya ng maayos ang binatang nambwi-bwiset sa kanya. "I need some help—" Naputol ang sasabihin niya nang tinangka nitong tumayo subalit agad ring natumba dahil sa kalasingan.
Marahas itong nagpakawala ng buntong-hininga, "s-shweety pie, p-pwede bang ikaw nalang ang lumapit sa akin? As you can see, hindi na ako makatayo." Yes, she can see that. Hindi naman kasi siya manhid at bulag! Hindi siya humuhugot, promise!
Ibinaling niya ang kanyang pansin kay Tyler. Mukha namang hindi pa ito masyadong lasing. "Pwede mo bang buhatin si Shandel papunta sa kwarto niya? Lasing na kasi' 'yong bruhang 'yon e. Nakatulog sa lamesa, baka mahulog. Tsaka, baka hindi na rin makatayo kapag ginising ko pa."
Agad itong tumayo. Saka naglakad patungo sa kinaroroonan ni Shandel. Kaya naman sumunod na lang siya. Hay, naku! Inaatake na naman yata itong si Tyler ng pagiging snob nito, malayong-malayo sa pagiging alaskador at makulit na bata noon.
Nakakailang hakbang palang siya nang maramdaman niya ang isang kamay sa kanyang braso, dahilan upang mahinto siya sa paghakbang. Nilingon niya ito, bahagya pa siyang nagulat nang makita kung sino iyo, Fourth? Sino pa ba ang aasahan niya? San Pedro? San Juan? Psh. Akala ko ba hindi na siya nakakatayo? Hanggang ngayon ay sinungaling parin talaga itong hinayupak na 'to.
"What the fuck!" Hindi niya napigilang mapabulalas. May patumba-tumba pang nalalaman kanina. Psh, don't me! Sinungaling talaga.
Namumungay ang mga mata nitong nakatitig sa kanya, "stay here. Wala akong kasama o. Tinawag mo kasi si Tyler." Nakanguso nitong wika. Napataas siya ng isang kilay. Parang bata, pero nakakagawa na ng bata! Hmp. 'Di mo na ako madadala sa panguso-nguso mo na 'yan. Wais na ine, natotoo na rin ne.
"Pwede ba, wala akong panahon sayo. Don't worry, babalik din 'yong Tyler mo. Pinakiusapan ko lang iakyat 'yong bruha mong pinsan." Ano ba'ng gusto niyang gawin ko dito? Mag pole dance? Lap dance? Huh, in your dreams!
Tumungo ito, "dito ka lang muna, iwanan mo nalang ako kapag bumalik na siya." Literal ba 'yan koya? Para sabihin ko sayo, hindi ako ang nang-iwan. Ako ang iniwanan. Iniwan mo ako no'ng bumalik 'yong amasona mong first love, hinayupak ka! Ginawa mo pa akong rebound. Sana ay inabisuhan mo muna ako, sobra tuloy akong nasaktan.
Suminghot siya nang maramdamang tila may tutulo sa kanyang ilong kapagkuwa'y tumingala saka kinurap-kurap ang kanyang mamasa-masang mga mata, "ayoko nga! Masaya ka. Hindi lahat makukuha mo, hindi lahat ng tao ay magpapalinlang sa mga salita mo. You know what, diyan mo ako nakuha sa pakiusap mo na 'yan, ako naman itong si gaga, masyadong mapagkawanggawa. Ayan tuloy, sobrang nasaktan. " Haay, life, why so emotional.
Tinalikuran niya ang binata. Mahirap na, baka mapansin pa na naiiyak na siya. Magdiwang pa ang tarantado.
"Sweety pie, please!" Pagsusumamo nito. Grabe, hindi manlang pinansin ang pagda-drama niya, tsk. Ang sabi ko ay hindi na ako magpapaloko sayo. Hinding-hindi na!
Kasasabi niya palang kanina na hindi siya rito magpapaloko pero heto siya't nakaupo ng mabini sa tabi ng hinayupak na kinasusuklaman niya. Wala siyang nagawa nang hilain siya nito. Ang aggressive mo po koya!
Humirit na naman si Fourth sa kanyang tabi, "alam kong apektado ka parin sa akin. Gusto lang kitang makasama, isa pa, para naman tayong walang pinagsamahan. Ang cold mo sa akin, sweety pie."
Napaawang siya ng bibig, "gago ka! Anong apektado sayo? Para sabihin ko sayo, ayaw lang kitang kausapin kasi may atraso ka pa sa akin tsaka wala kang kwentang kausap. Sino ka ba sa tingin mo para paglaanan ko pa ng oras at laway ko? Hah? Ang kapal ng mukha mo, sarap hambulasin ng walis." Hindi niya alam kung saan humuhugot ng lakas ng loob ang binata na sabihin 'yon sa kanya. Feeling close e, pagkatapos siyang lokohin, paasahin at saktan!
Humagalpak ito ng tawa. Napahawak pa ito sa bandang may tiyan nito. Ano bang nakakatawa sa sinabi niya? Meron ba? Hindi siya updated e.
Ang kagandahan niya ay hindi basta-bastang kukupas. Pero ang pasensya niya, konting-konti na lang!
Nang hindi tumigil sa pagtawa ang binata ay sinapok niya ito. "Hindi ka ba titigil? Nakakainsulto 'yang tawa mo a." Sikmat niya sa binata.
Sa kabutihang palad ay huminto ito. "Sorry, 'di ka pa apektado sa lagay na 'yan, pa'no pa kaya kung apektado ka na, ha ha ha.." Ang walang hiya, mana sa bruha niyang pinsan. Ang sarap pektusan!
Halos umusok ang ilong niya habang pinagmamasdan ang binatang tumatawa. Pati ang mga gilagid ay nakikita niya na rin. Psh.
Maya-maya pa ay iniabot sa kanya ang isang bote ng beer, "ano 'yan? Ano'ng gagawin ko diyan?" Mataray niyang tanong.
Nginisihan siya ni Fourth. "Ang tawag dito ay beer. Iniinom to para malasing—yes, nakakalasing 'to kasi alak to. Kainin mo o di kaya ay gawin mong souvenir." Puno ng sarkasmo nitong sagot.
Aba't tarantado talaga! Utang na loob kaawaan mo ang matris ko. Ang nipis na ng matris ko dahil sa pinsan mo, dumadagdag ka pa. Mababaog ako sa inyong magpinsan.
Marahas siyang bumuga ng hininga, pilit na kinakalma ang naha-high blood niya na namang puso, "alam kong beer 'yang hawak mo. Alam ko ring nakakalasing 'yan, bakit mo binibigay sa akin?" Kalmado niya ng tugon.
"Uminom ka lang muna." Sa pagkakataong 'yon ay tinanggap niya iyon mula sa binata. Lumipas ang ilang sandali, hindi niya na namalayan kung nakailang bote ba siya ng alak. Ang huling natatandaan niya lang ay ang masayang tawanan nila ni Fourth.
NAGISING ANG diwa ni Shandel, ngunit hindi niya idinilat ang kanyang mga mata dahil nararamdaman niya na tila pinupukpok ng martilyo ang kanyang ulo sa sakit. Hang over! Hindi niya matandaan kung nakailang bote siya ng beer kagabi. Bagama't nahihilo ay napangiti siya habang nakapikit, may ibang hatid na pakiramdam sa kanya ang yakap niyang unan. Kaya mas lalo siyang nagsumiksik doon. Ang bango, super! Inilapit niya pa ang kanyang mukha para mas lalo pa iyong amuyin. Shucks! Nakakaadik ang amoy.
Nang marealize niya na parang pamilyar sa kanya ang amoy na iyon ay dagli niyang naimulat ang kanyang mga mata. Halos lumabas sa kanyang dibdib ang kanyang puso dahil sa sobrang gulat. WHAT THE FUCK! No this can't be. Paulit-ulit siyang napamura sa kanyang isip.
Umiling siya. Baka nananaginip lang siya. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata saka idinilat ulit. Nang hindi pa makuntento ay sinampal-sampal niya pa ang kanyang sarili. Sa pagkakataong 'yon ay tuluyan na siyang napamulagat. Hindi siya nananaginip. Totoo ang nakikita niya. Wala sa oras na napaupo siya sa kanyang kama kapagkuwa'y napatampal sa kanyang noo.
Napatitig siya rito gamit ang nanlalaki niyang mga mata. "What are you doing here? Bakit? Paano? Ano'ng nangyari?" Halos pabulong niyang tanong. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang sigawan ito. Pilit niyang ina-absorb kung ano ang nangyari. Kung paanong napunta sa kanyang kwarto ang binata. Kung bakit sila magkatabing natulog. Nang walang maapuhap na sagot ay napatulala siya sa binata saka nanlulumong napasabunot sa sarili niyang buhok. Dahil do'n ay tila nawala ang pananakit ng kanyang ulo. Labis siyang naguguluhan sa nangyayari.
Makailang beses siyang humugot ng malalim na hininga. Pilit na pinapakalma ang nagririgodon niyang dibdib. Gamit ang nanginginig na mga kamay ay kinalabit niya si Tyler na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi.
Nag-init ang magkabila niyang pisngi nang dumilat ito saka taimtim siyang tiningnan. "Good morning."
Napakagat-labi siya. Gusto niya rin itong batiin pabalik ngunit walang namutawing salita sa kanyang bibig.
Dahan-dahang bumangon si Tyler saka umupo bago humarap sa kanya. "May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong nito. Kapagkuwa'y sinipat siya nito.
Napalunok siya sa tanong nito, "ahm, p–pwede ba akong magtanong sayo? Gusto ko kasi malaman kung bakit magkatab—" Naputol ang sinasabi niya nang pumailanlan sa buong kabahayan ang nakabibinging sigaw mula sa kung saan.
Halos mapatalon pa siya sa kanyang kama dahil sa pagkagulat ganoon din ang kanyang kaharap. Nagkatinginan sila ni Tyler kapagkuwa'y nagkumahog na umalis sa ibabaw ng kama upang puntahan ang may-ari ng boses na iyon.
Mabilis nilang linisan ang kwarto ni Shandel. Unang bumaba ng hagdan ay si Shandel habang nakasunod sa kanya si Tyler.
Naabutan niyang sinisinghalan ang kanyang pinsan.
"WHAT THE HELL! HOW DARE YOU DO THIS TO ME! BAKIT MO AKO PINAGSAMANTALAHAN? Tinake advantage mo ang kalasingan kong hayop ka!" Halos maglabasan na ang mga ugat ni Ianny sa leeg nito dahil sa nakabibinging sigaw nito kay Fourth. Nakakrus pa ang dalawang kamay sa ibabaw ng dibdib nito na animo'y prinoprotekhatan ang sarili nito laban kay Fourth. My poor cousin. Tsk.
Kawawa naman ang pinsan niya baka nabasag na 'yong ear dreams. Tsk. Nagulat nga siya no'ng nasa itaas siya, 'yong pinsan niya pa kaya na katabi lang nito?
Lumapit si Ianny kay Fourth kapagkuwa'y pinaulanan ng hampas. 'Yong damuhong pinsan niya naman nakangisi lang animo'y nasisiyahan sa nangyayari. Tsk.
Bumuntong-hininga siya. Nagpagitna siya sa dalawa. "Please calm down, yot." Away niya rito.
"Paano ako kakalma? Alam mo ba ang ginawa ng pinsan mo sa akin?" May diing turan nito.
Yinakap niya ito saka hinagod ang likod. "Breath with me. Exhale, inhale." Bulong niya. Agad namang sumunod ang kaibigan niya.
Nang mapansing kumalma na ito ay inihiwalay niya ang kanyang sarili sa kanyang kaibigan. Nginitian niya ito bago ginanap ang palad nito. Kapagkuwa'y iginiya patayo. "Let's talk upstairs, shall we?"
Nilingon niya si Fourth. Pinaningkitan niya ito ng mga mata nang makitang nakatitig ito kay Ianny.
"Mag-uusap tayo mamaya." She mouthed.
A/N:
Hello! Pasensya na po sa mga typos, errors, and kachuva-ek-ek-kan. Hindi ko pa po ito nae-edit. Balak ko po kasing tapusin itong story ko this year, pero syempre po hindi ko po iyon maipapangako. But I'll do my best to finish it this year.
Vote 👍
Comment 😘
Share 💋
Paki-follow na rin po ako 😁
Wattpad account @Abel_Claros
Thank you and keep safe always 😘☺️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top