Kabanata 4

"HI! I'm Tyler Aux Torres, 22 years. There's a saying that, the only constant thing in this world is change." Hindi manlang kababakasan ng anumang emosyon ang mukha ng binata habang nagsasalita.



Ibig bang sabihin ay hindi niya na ako aasarin? Tanong niya sa isip.
Syempre! Ni hindi ka nga pinansin diba? Paano ka pa aasarin no'n? Hindi naman kayo close. Baka nga ni kaibiganin ka ay hindi pa no'n gawin sayo. Kontra ng isip niya. Napasimangot tuloy siya dahil do'n.



Mas umasim pa ang mukha niya nang marinig ang lantarang papuri at pagpapalipad hangin ng mga kaklase niya kay Tyler.



"Oh My Gosh! He's so handsome."



"Can I get your number, IG and messanger account?"



"Hey, bro you can hang out with us if you like." Anang isa sa mga kaklase nilang lalaki.



Hindi namalayan ni Shandel ang pagdikit sa kanya ng matalik niyang kaibigan kaya gano'n na lamang ang gulat niya nang bulungan siya nito.



"Based on my own observation 'yot ay mukhang nagbago na nga siya." Napahawak siya sa kanyang dibdib na halos tumalon sa kinalalagyan niyon.



Sinimangutan niya ang kaibigan. "Wag ka nga manggulat! Kung may sakit ako sa puso, malamang bumulagta na ako rito dahil sayo." Mahinang bulong niya.



Ayaw niya kasing mapabaling ang atensiyon ng lahat sa kanilang dalawa. Natural nakakahiya iyon. Baka masabihan pa silang mga epal.



"Ay, nerbiyosa lang ang peg mo 'day! Are you okay, alright? Or alright, okay? Tingnan mo si TT oh—" At dahil walang hiya ang friend niya ay nginuso at tinuro pa talaga ni Ianny si Tyler na nasa front. "Mukhang hindi lang ang ugali niya ang nagbago. Kundi pati narin ang kanyang hitsura. Tingnan mo o, he looks like Shawn Mendez! The oh-so-yummy hunk in our school." Kinikilig na pahayag nito.



Tama nga ang best friend niya. Malaki ang ipinagbago ni Tyler. Medyo kumapal ang mga kilay nito na bumagay sa mukha nito, sobrang tangos din ng ilong nito, natural na mapula ang mga labi na sa palagay niya ay masarap halikan—



Erase! Erase! Erase!



Hay, ano ba itong mga pinag-iisip ko. Puro yata mga kahalayan. Tsk.



Hindi niya namalayan ang paglingon sa kanya ng binata kaya gayon na lamang ang gulat niya nang magtama ang kanilang mga mata. Taranta niyang binawi ang mga mata.



Nahihiya siyang tumungo. Her heart beats so damn fast. Wala pang may sinuman ang nakakagawa no'n sa kanya ni isa.  Sigurado rin siyang nangamatis ang kanyang mga pisngi kaya mabilis niyang hinablot ang kanyang notebook na nasa ibabaw ng kanyang armrest upang ipangtakip sa kanyang mukha.



Bakit ba ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko kapag nakaka-eye contact ko siya.



She took a deep breath to calm herself. Haay, ano ba 'tong nangyayari sa akin. Ba't ba ako nagiging ganito sa kanya? Please act normal, self!



Ang tunog ng bell ang nakabawas sa kanyang alalahanin. Without looking at her instructor and classmates she immediately left the room.



Mabuti na lamang at may one hour vacant siya. She still have a time to compose herself.



Pagkalabas niya ng comfort room ay bumungad sa kanya ang kaibigan.
"Walang hiya! Kailan ka pa natutong mang-iwan ng kaibigan? Hah? Pa'no mo nagawa sa akin 'to? Naging mabuting kaibigan naman ako sayo diba? I did my best. But I guess my best wasn't good enough—"



Mabilis niyang itinapat sa bibig nito ang palad niya para patahimikin ito sa panenermon sa kanya.
"Hep. Ano bang pinagsasabi mo? Naiihi na kasi ako. Pakiramdam ko ay puputok na ang pantog ko kaya dali-dali akong nagtungong comfort room." Palusot niya. Minsan kasi ang OA na ng best friend niya. Madalas ay hindi niya masakyan ang trip nito.



"Gano'n ba? Bakit naman hindi mo kaagad sinabi? Maiintindihan ko naman e. I am your best friend. You are my best friend because…you are you, you let me be me, and still we love each other—"



"Ano bang pinaglalaban mo 'yot? Utang na loob! Gusto ko ng katahimikan." Hindi niya na napigilang ibulalas iyon sa kaibigan.



Tumaas ang kilay nito na animo'y naghugis bundok. "Bakit hindi mo subukang magpunta ng sementeryo? 'Yon lang ang alam kong tahimik na lugar." Sarkastikong tugon nito na ipinagkrus pa ang mga kamay sa ibabaw ng dibdib nito.



Paano ba ako nakatiis sa isang 'to? Sana kontrata nalang ang pagiging magkaibigan. Para may expiration at may renewal. Joke! Kung nababasa lang ni Ianny ang nasa isip niya ay siguradong ipa- mercy killing siya nito.





NAGDESISYON ang magkaibigan na magpalipas ng oras sa kanilang tambayan, sa CE' garden ng kanilang department. Sa isang bench na gawa sa kahoy na nasa ilalim ng punong mangga. Nakasanayan na nila iyon gawin tuwing vacant time nila.



Hindi na maipinta ang mukha ni Ianny habang pinagtitinginan ng mga dumadaang estudyante sa may gawi nila. "GUSTO MO BA TALAGANG NAGMUMUKHA AKONG TANGA DITO HAH?!" Sigaw nito sa kaibigan.



"Hindi ka pa ba sanay? Ilang taon na ba ang senaryong ito 'yot?"



"Yon na nga ang problema e, ilang taon mo na akong ginaganito. Utang na loob, tigilan mo na ang ganitong gawain 'yot. Magbago ka na. Si TT nga ay nagbago na."



Sobrang nagulat si Ianny nang tumalon si Shandel mula sa  sanga ng punong mangga na kinauupuan nito at nag-landing sa ibabaw ng lamesang kahoy na nasa harap mismo ng kanyang kinauupuan. Mula noong elementary hanggang sa magcollege sila ay hindi nawala kay Shandel ang ganoong galawan. Mannerism na nitong akyatin ang matipuhan nitong puno.



Kaya pinagtitinginan si Ianny ng mga estudyante ay inaakala ng mga ito na nagsasalita ito ng mag-isa. As in mag-isa. 'Yong tipong walang kausap. Sino nga ba naman ang mapapaisip na ang kausap niya ay nasa itaas ng puno. Hello?! College student na po sila at naturingan pang babae. Iniisip ata ng mga ito na may saltik siya. Kaya minsan ay hindi niya sinasagot si Shandel kapag may sinasabi o tinatanong ito sa kanya.



Sinamaan siya nito ng tingin. "Ano bang paki ko kung nagbago man siya? Ke, magbago siya, nagbago siya, nagbabago siya o magbabago siya ay wala akong keber. Buhay niya 'yon! Hindi nakasalalay sa mga palad ko ang pagbabago niya!" Pagkatapos nitong magpuyos sa galit ay nagmartsa ito palayo sa kanya.



Napailing siya. "Over naman kung maka-react parang may sama ng loob do'n sa tao. Grabe, ang arte talaga ng best friend ko. Nilagyan pa ng meaning ang sinabi ko. E, hindi naman 'yon double meaning. Sadyang meaningful lang talaga ako magsalita."







Thank you so much for reading my story. Vote and leave a comment if you feelin' it 😁
💜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top