Kabanata 39

NAGKUNWARI SIYANG hindi niya napansin ang paninitig sa kanya ng binata. Mahirap na, baka makahalata si Fourth. Tsismoso pa naman ang pinsan niyang 'yon. Tsaka, punong-puno ng malisya sa katawan. Hmp.



Tumikhim siya ng makalapit sa mga ito, "ano bang gusto niyo?" Tanong niya. Hindi parin siya tumitingin kay Tyler. Good!



"Anything." Sagot ng choosy niyang pinsan. Hmp. Siguradong masasapok niya ito mamaya kapag nagreklamo ito sa kanya.



Tumalima siya. Nagtungo siya sa kusina saka nagluto ng sisig. Nagprito din siya ng lumpiang shanghai dahil mayro'n na siyang ready to cook na nakalagay sa isang tupperware na nasa refrigerator. Mahilig kasi sa lumpia si Ianny kaya dinamihan niya na rin. Nagprito narin siya ng french fries, para sa kanya, syempre.



Pagkatapos niyang magluto ay inihanda niya ito, inilagay niya sa tray ang mga pulutan kasama 'yong fries niya. Dinala niya ito sa lasinggero niyang pinsan, pati sa classmate niya. Hmp, di po siya disappointed, promise!



Pilit niyang iniignora si Tyler, mahirap na at baka magpanic na naman siya, "here's your pulutan mga bossing." Inilapag niya sa center table ang kanyang dala.



Pinandilatan niya ang kanyang pinsan nang kumuha ito ng fries, "akin 'yan." Inagaw niya ang fries na nasa kamay nito saka ibinalik sa lalagyan nito.



Sinimangutan siya ni Fourth, "ang damot mo naman pinsan. Dapat dinamihan mo na 'yong prinito mo. Favorite namin to e, diba Tyler?" Angal nito.



Hindi parin siya lumilingon kay Tyler, mahirap na. Baka pagsisihan niya pa.



Labag man sa kanyang kalooban ay inilagay niya na lang ang kanyang fries sa lamesa, "sige, sa inyo nalang. Magluluto nalang ako ng para sa akin." Nakanguso niyang saad.



Humalakhak si Fourth, "hahaha, kelangan ko lang palang  banggitin itong si Tyler para magparaya ka pinsan. Kung tayong dalawa lang dito siguradong binugahan mo na ako ng apoy." Iiling-iling na turan nito.



Tinaasan niya ito ng kilay. Aba't pinapahiya siya ng pinsan niya sa harap ni Tyler. Laglagan na ba ito mga besty?



"Excuse me po, Mr. Aproponio. For your information, naisip ko lang namang mag-adjust kasi may bisita tayong taga-Maynila. Kaya umayos ka diyan. Wag mong lalagyan ng malisya ang mga bagay-bagay. Mahiya ka naman, may girlfriend na 'yong tao o." Hindi parin talaga siya tumitingin kay Tyler. Excellent job!



Narinig niyang humagikgik sa kabilang banda si Tyler, pero hindi niya parin ito sinusulyapan. Outstanding! Hindi siya marupok.



Nginisihan siya ni Fourth, "defensive much? Ang haba ng sinabi. Oo na, no need to explain yourself. Pwede ba, itigil mo 'yang kakatawag mo sa'kin ng pangalan ko." May pagkayamot na sagot nito saka nagkibit ng mga balikat.



Napangisi siya. Iyon lang kasi ang weakness ng pinsan niya. Agad ding napalis ang ngisi sa kanyang labi nang makita ang 'dont-try-me' look ng kanyang pinsan. Mahirap na, baka kung sa'n pa mapunta ang usapan nila. Tsk. Tinalikuran niya ang mga ito. Nagmartsa siya patungo sa kanilang kitchen ng nakabusangot ang kanyang mukha lalu na nang marinig niya ang malakas na tawanan ng mga ito. Tsk.



Kahit naiinis sa kanyang pinsan ay itinuloy niya ang pagprito ng fries, dinamihan niya para sa kanyang kaibigan.



Nang matapos ay sinilip niya ang dalawang nag-iinuman. Siguro naman ay hindi ako mapapansin ng mga 'yon, parang may mga sariling mundo e. Patakbo siyang pumanhik sa ikalawang palapag ng kanilang bahay dala ang kanyang fries, lumpiang shanghai ni Ianny at tatlong in can beer. Hihihi. Syempre, tinago niya sa paper bag ang beers niya. Smart siya e.



Pumwesto siya sa balkonahe. Doon niya ipinatong sa maliit na round table ang kanyang dala. Umupo siya saka inumpisahan ang kanyang balak. Kapag may alak, may balak! Wag kakalimutan. Charoot lang!


Tinungga niya ang beer mula sa lata. "Ahh." Namiss niya ang lasa ng beer, yung manamis-namis na medyo mapait. Humagod iyon sa kanyang lalamunan kaya marahas siyang napabuga ng hangin.



Habang umiinom ay panaka-naka siyang tumitingin sa ibaba. Inaabangan ang pagdating ng kanyang kaibigan. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagpaparamdam sa kanya si Ianny. Tsk.





HALOS MALAGLAG ang panga ni Ianny nang hindi kanais-nais na tanawin ang bumugad sa kanya nang makapasok siya ng bahay. Of course, she's not expecting the two monkeys to be there! Na kahit sa hinagap ay hindi niya ine-expect na magpupunta pa ro'n si Tyler, maliban sa tarantadong si Fourth. Parehas ng mamula-mula ang pisngi ng dalawa. Inilibot niya ang kanyang mga mata sa loob ng kabahayan.



Nang mapansin ni Fourth ang kanyang presensya ay tumayo ito, "hi there sweety pie! Wanna join us?" Pasigaw na bati nito sa kanya sabay alok ng isang bote ng pilsen beer (AN: Hindi po ako endorser ng San Miguel beer pilsen) na itinaas pa nito sa ere. Parang tanga lang!



Tinaasan niya ito ng isang kilay saka pabulyaw na sumagot, gamit ang mala-kidlat na boses niya. "DON'T YOU EVER CALL ME SWEETY PIE, YOU PIECE OF SHIT! I'M NOT ONE OF SLUTS." Naglakad pa siya palapit sa dalawa.



Napangiwi si Tyler. Samantalang si Fourth ay bumungisngis na animo'y nasisiyahan sa nangyayari. Iyong tipong kinikilig.



"I miss you too. You're the only one I love, you know that. Tsaka, wala akong kabit. Ikaw lang sapat na. Sweety pie, hanggang ngayon pa ba ay hindi parin nagbabago 'yang paraan mo ng paglalambing sa akin? Tsaka hindi rin nagbago 'yang bibig mo na parang armalite, ratatatata." Malambing na turan nito.



Halos umusok ang kanyang ilong. Miss you my ass! Wala daw kabit? Sino'ng niloko niya? Hmp. Gusto niyang isatinig. "Gago! Oo, armalite 'tong bibig ko na handa ring barilin 'yang bastos mong bibig. You know what? I hate you! I just hate you. Tse!" Inirapan niya ito.



Hindi na siya nag-abala pang pagtuunan ito ng pansin. Naisip niyang KSP o kulang sa pansin paman din itong si Fourth. Psh! Inilipat niya ang kanyang pansin kay Tyler, "Where's Shan?" Tanong niya dito.



"Nasa itaas." Tinuro pa nito ang kisame, another tanga!



"Sweety pie, where are you going? Dito ka lang—" napahinto siya sa tangkang paghakbang kapagkuwa'y nilingon niya ito gamit ang kanyang death stares, subalit itinuloy nito ang sinasabi, "sa puso ko." Promise, wala siyang nafeel na kung ano.



Pinameywangan niya ito, nangangamatis na ang kanyang mukha, hindi dahil sa kilig kundi dahil sa inis. Handa na siyang pumalatak ng mura dito nang bumanat na naman ito, "Be careful my sweety pie, hate is a strong word, but love is stronger. I love you a latte and I'll always love you with every pizza my heart!" Bwisit! Kung makabanat akala mo naman ay in love. Manloloko naman 'tong gago.



Hindi niya na sana pag-aaksayahan pa ng laway ang binata subalit nagngingitngit na ang kanyang kalooban sa lalaki.



"Are you always this retarded or are you making a special effort today? Well, you sound better with your mouth closed" Puno ng sarkasmo niyang usal. Kapagkuwa'y padabog niyang tinalikuran ang mga ito saka pumanhik sa itaas ng bahay.



Humanda ka sa akin, Shandel!



Nang makarating sa ikalawang palapag ay hinagilap niya ito. Ngunit, hindi niya ito makita. Baka nasa kwarto niya.



Naglakad siya palapit sa pinto ng kwarto ni Shandel saka pinihit ang doorknob ng pinto ng kwarto ni Shandel. Padabog niya itong binuksan, napalakas yata siya dahil may humiyaw, 'yong tipong matinis!



"Ouch! Ang sakit a." Reklamo nito habang sapo-sapo ang noong nasaktan.



Nag-isang linya ang kanyang kilay, "masakit ba? Gusto mo bang hambulasin pa natin?" Nakasimangot niyang tanong.



Mukhang hindi ito makapaniwala sa nakita, mas lalong siya! Malalaki ang mga mata ni Shandel habang pinapasadahan siya ng tingin.



"Oh my gosh! Is that really you? Kelan ka pa dumating? Ba't ngayon ka lang? Nakita mo ba siya?" Sunod-sunod na usisa nito sa kanya sabay yakap.



Wait! Nakainom ba ito? Kahit hindi niya ito amuyin ay alam niyang nakainom ito dahil nangangalingasaw ang amoy e. Amoy beer. Namumula narin ang mukha ng bruha.



Mas lalong sumama ang timpla ng kanyang mukha. Dahil sa inis ay binatukan niya ito, pero mahina lang. Kapagkuwa'y kumawala sa yakap nito. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ipaalam mo sa akin kapag nandito yung tarantado mong pinsan. Ba't nandito rin si Tyler? Ba't ka naglalasing?" Konting-konti nalang talaga at matutuyuan na siya ng matris!



Ngumuso ito, "ikaw kasi e, tinawagan kita kanina pero binabaan mo lang ako ng tawag. Ang tagal mo at sobrang nainip ako, kaya uminom nalang ako ng beer pero tatlong can lang naman. Pampalipas ng oras." Malapad siya nitong nginitian.



Huminga siya ng malalim. Parang ayaw niya na yatang maki-sleep over kina Shandel. Ang isiping nasa paligid lang ang damuhong si Fourth ay sobrang naiirita na siya. Alam din niyang hindi siya nito tatantanan.



Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Shandel ng mapansing nahulog siya sa malalim na pag-iisip. "Hey, I know that look. Dito ka lang. Walang aalis, tsaka iwasan mo nalang siya. Ikaw din, baka isipin pa no'n na affected ka parin sa kanya."



Sa totoo lang ay yun din ang iniisip niya. Oras na siguro para harapin niya ito ng face-to-face na walang ilangan at bangayang magaganap. Kasalanan din naman niya yung nangyari e. Isa pa, nakaraan na yun. Dapat ng kalimutan at ibaon.



Hinawakan siya ni Shandel sa kanyang pulsuhan saka iginiya papunta sa balkonahe. "Nagluto ako ng paborito mong lumpia at french fries."



Halos maglaway siya sa nakahaing pagkain para sa kanya. My favorite!



Nilantakan niya ka'gad ang mga iyon. Nang makita ni Shandel na halos paubos na ang mga iyon ay ngumiti ito ng malapad. "Ang sarap, no? Gusto mo pa? Ipagluluto pa kita."



Humalukipkip siya, "okay. Damihan mo a. I know it's bad for my health but I can't help it."



"Yes Mam!" Sumaludo pa talaga ito sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapahagikgik.



Nag-uumpisa na namang mairita si Ianny. Kanina pa hindi bumabalik si Shandel. Mag-dadalawang oras na itong hindi siya binalikan. Sobra pa naman siyang mainipin. Tsk. Baka nakatulog sa kusina.



Nagpapadyak ang mga paang sinundan niya ang kaibigan. Napasimangot siya nang magpapansin na naman sa kanya si Fourth pagkababa niya, "you're back sweety pie! Come here, sit beside me." Hindi talaga siya titigilan. Tsk.



She frowned. "Stop it. Nagmumukha ka ng tanga. Kahit ano pa ang sabihin mo, 'di na ako affected sayo. Hmf."



Tumaas ang isang sulok ng labi nito, "tanga na kung tanga, pero mahal kita." Bagama't nakaramdam na tila may tumambol sa kanyang dibdib ay pilit niya iyong inignora.



Aba! Ang lakas talaga mg topak ng gago.

Inismiran niya ito, "alam natin pareho na kahit kailan ay hindi mo ako minahal. Sa ating dalawa, ako ang nagmahal at ako lang din ang nasaktan, there are some people who come in your life pretending that they love you only because they need you. Bato, bato sa langit. Ang tamaan ay yung may kasalanan." Paliwanag niya bago nagmartsa papunta sa kusina.



Hindi niya na hinintay pa ang naging reaksiyon ni Fourth. It doesn't matter, anyway.



Nagulantang siya sa kanyang nadatnan. Putcha!

Inagaw niya ang boteng hawak ni Shandel habang tinutungga iyon. "A–ano ba! G–gushtow k–ko fang uminom." Nauutal-utal na reklamo nito habang inaagaw ang bote ng beer sa kanyang kamay.



Alam niyang hindi siya tatantanan ng kaibigan kaya tinungga niya ang halos nangangalahating alak. Marahas siyang napabuga ng hininga. Napasabak pa tuloy siya dahil sa kalokohan ng kaibigan. Ibinaba niya sa mesa ang boteng wala ng laman ni gapatak. Nauhaw yata siya. Umupo siya sa upuang kaharap ni Shandel saka iiling-iling na kumuha ng nakahain sa lamesa, ang kanyang  lumpia at fries.



Halos nakapikit na ang mga mata ni Shandel habang nakatunghay sa kanya. Tsk. "D–dito ka lang 'yot. Hik. Hik." Sa pagkakataong iyon ay sumubsob na ito sa lamesa. Mabuti na lamang at nakalahad ang mga braso nito, kaya do'n bumagsak ang ulo nito. Drink responsibly nga diba, psh!









A/N:

Vote 👍
Comment 😘
Share 💋

Paki-follow na rin po ako 😁
Wattpad account @Abel_Claros

Thank you and keep safe always 😘☺️




















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top