Kabanata 38
"I-I'M OKAY." Lumunok siya nang maramdaman ang pagbara sa kanyang lalamunan. Pilit niyang kinakalma ang sarili. Palihim siyang humugot ng isang malalim na hininga. Nakalimutan niya na kasing huminga dahil sa binata.
Gusto niyang bumuka ang lupa para kainin siya ng buo ng sa gayon ay makaiwas sa awkward moment na kinasasangkutan niya ngayon.
Shit! Self, umayos ka. Makisama ka sa akin kahit ngayon!
Bumuntong-hininga ito, "sorry, hindi kita napansin dahil magmamadali ako." Right. Don't explain yourself. Sino ba naman ako para pansinin ng isang kagaya mo? Marami na ang nagbago. Marami na ring nangyari.
Pilit siyang ngumiti, pinapagaan ang atmosphere. "Ayos lang. Hindi naman ako nasaktan e, tsaka, kasalanan ko rin naman kasi hindi ko rin tinitingnan ang nilalakaran ko. Sorry din." Kumbinsi niya rito.
Napatungo siya nang dumaan ang panandaliang katahimikan. Hindi kasi ito umimik.
Wala na talaga siyang choice kundi ang umalis, nag-angat siya ng tingin, "ahm, sige, una na ako. Ingat ka." Ipinaskil niya sa kanyang mga labi ang isang matamis na ngiti.
"Can we talk about our report? I assured you it'll not take long."
Nag-alinlangan siya. Ngunit, may isang bahagi sa kanyang utak ang gustong pumayag. May parang bumubulong din sa kanya na wag pumayag. Pero, about sa report naman 'yon e. There's nothing wrong about it, I guess?
"Sige. Sa'n tayo?" Sa puso mo ba? Hindi pa yata ako prepared. Hindi po siya excited. Promise!
"I know a place. Malapit lang dito." Saad nito habang hindi parin inaalis ang mga mata sa kanya.
"E, di lakarin nalang natin." Suhesyon niya. Para masulit niya ang quality time with him. Ahae.
Dinala siya nito sa rooftop ng building ng Preona's-Bar-BBQ. Sumakay pa sila sa elevator. Ang taray! Kala mo naman e, magho-hotel na. Pero alam niya namang hindi iyon magagawa sa kanya ni Tyler. Malaki yata ang tiwala niya rito. Mabuti naman, isang dakilang marupok po ako na dalagang marikit na dilag. Syempre, magkababata sila e. Tsaka, classmates din. Idagdag pang partners sila sa reporting sa Math. 'Yon lang. Di po siya disappointed, promise!
Taray, ang higpit ng security ng lugar. Parang isang bar lang naman ang building na ito e, na may kasamang bilyaran, diskuhan tsaka ano pa ba? Yun lang kasi ang napansin niya e. Hindi naman kasi nila nilibot 'yong lugar. Pero, promise, mukhang first class po siya. Naisip niya tuloy yayain si Ianny na magpunta rito.
"Madalas ka ba rito?" Hindi niya naawat ang sarili na itanong kay Tyler.
Tumango ito. Ouch! Hindi manlang nagsinungaling. May ibang babae pa kaya siyang kasama bukod sa girlfriend niya? E, ano naman ngayon? Kahit lahat pa ng babae sa mundo ay shota ni Tyler, wala akong pakialam, promise!
Parang nawalan na tuloy siya ng gana. Tinanong mo pa kasi e.
"Aux, is that you?" Tanong ng isang babae.
Babaeng maganda. Hala! Parang may kamukha. Selena Gomez? Grabe, sobrang ganda, ang liit ng mukha, ang liit din ng ilong pero ang tangos, bilog din ang mga mata tapos mahahaba ang mga pilik-mata, maputi, matangkad at sexy din. Pwedeng itong ihanay kina Kendall Jenner, Gigi Hadid tsaka Andriana Lima, sobrang ganda talaga, promise!
Hindi niya napigilan ang sariling lingunin sa kanyang tabi si Tyler. Matamis itong ngumiti sa nagtanong.
"Yeah. Punta lang kami sa rooftop." Sagot ni Tyler.
Gumanti rin ng ngiti 'yong babae, "okay. Do you want some food up there? Magpapadala ako." Kapagkuwa'y tinapunan siya ng tingin saka nginitian din, "you're pretty."
Nag-init ang kanyang pisngi dahil sa papuri nito, "t–thank you." At sumaiyo din po!
Shucks! May GMRC (Good Manners and Right Conduct) din ang babae, gusto niya tuloy itong tawagin na Miss Perfect.
"I'll go ahead." Paalam nito bago ito tangayin ng hangin. Charoot!
Binalingan ulit siya ng binata, "let's go?" Tumango siya saka sumunod dito.
Nang makarating sila sa rooftop ay hindi niya napigilan ang mapamangha sa kanyang nakita. Malamig na hangin ang yumakap sa kanyang katawan, mataas ang building kaya naman halos buong lungsod ay tanaw na tanaw niya at kay ganda ring pagmasdan ang iba't-ibang kulay na nagmumula sa mga kabahayan, establishments, ibang buildings at street lights.
Marami ding mga bulaklak at halaman ang naroon sa rooftop.
Iginiya siya ng lalaki sa may bahaging sulok, may wooden table at chairs roon. Umupo siya sa mahabang upuan na gawa sa kahoy. "Ang ganda dito. Madalas ka ba rito?" Usisa niya. Inilapag niya sa kanyang tabi ang may kaliitan niyang bag pack.
Umupo si Tyler sa tabi niya, "yeah. Nakakarelax kasi rito. Mula rito ay magandang pagmasdan ang sun rise at sun set."
Kumbinsido siya roon. Kaya naman na-curious siya kung ang girlfriend ba nito ang kasama nito habang pinagmamasdan ang paglitaw at paglubog ng araw. Iniiling niya ang kanyang ulo dahil sa naisip. Bakit ba affected siya?
"About our report, next week na nga pala 'yon." Tanong nito sa kanya. Kapagkuwa'y isinandal ang likod sa sandalan ng kanilang inuupuan.
"Yeah. Don't worry 'bout me. Kahit next week pa 'yon ay prepared na ako." Sandaling umurong ang kanyang dila. Ano pang ginagawa ko dito kung prepared na pala ako sa report ko? Kaya nag-isip kaagad siya ng idadahilan, "b-but I'm still working for my presentation and hand-outs." Sobrang busy kasi ako, busy sa kaiisip sayo.
Tumango-tango si Tyler, "kung gano'n, ako nalang ang bahala sa hand-outs mo para makapagpokus ka sa presentation mo. Bigyan mo nalang ako ng copy ng report mo, yung nasa presentation mo."
Shucks! Nakakahiya pero, once in a lifetime opportunity lang 'to kaya iga-grab niya na. Wala ng hiya-hiya, gorabells na, "sure. Thank you! Malaking tulong 'yon sa akin." Ngumiti siya ng pagkalawak-lawak 'yong tipong pati mga gilagid niya ay makikita rin. Ba't ba ngiti ako ng ngiti sa kanya?
"Okay, it's settled then."
Maya-maya lang ay may kumatok sa pinto ng rooftop, "sandali lang, 'yong snacks na siguro 'yan." Umalis ito at nang magbalik ay may dalang tray na puno ng pagkain.
"Let's eat." Ipinatong nito ang tray ng pagkain sa lamesa.
Naamoy niya ang aroma ng mga pagkaing nakahain kaya kumalam ang kanyang sikmura, "sorry, mukhang ang sarap kasi ng mga 'yan lalu na 'yong barbeque."
"Yeah, specialty ni Preona ang barbeque kaya sigurado akong masarap 'yan." Inilagay ni Tyler ang isang pinggan sa kanyang harapan na punong-puno ng masasarap na mga pagkain. May barbeque, lumpia, pancit at halo-halo (A/N: Hindi po ako endorser ng Mang Inasal) Wala ng hiya-hiya, linantakan niya ang mga iyon.
"Grabe, ang sarap!" Sambit niya kahit patuloy parin sa pagnguya.
Napangiti na naman si Tyler. Malayong-malayo sa hitsura nito no'ng una niya itong makita. Wag ka nalang kaya magsmile, ang pogi mo e! Mahuhulog na talaga siya. Konting-konti nalang.
Kinuha nito ang tissue tsaka dumukwang palapit sa kanya. Matiim siya nitong tinitigan kaya gayon nalang ang pagwawala ng kanyang dibdib. Wag po koya!
Walang sabi-sabi nitong pinunasan ang gilid ng kanyang bibig. Hindi po siya disappointed.
Nagkatitigan sila. Tila tumigil sa pag-ikot ang oras ng mga sandaling 'yon.
Lahat ng nasa loob ng bibig ni Shandel ay linunok niya nang hindi sinasadya. Siya ang unang nagbawi ng tingin, di niya kaya e. Nagpanic na naman kasi siya.
Ngumiti siya ng pilit, awkward, "sorry, ang dungis kong kumain no? Napasarap kasi ako." Hindi parin siya tumitingin.
Narinig niya lang ang pagsang-ayon nito at mahinang pagtawa, "yeah."
Nang matapos sila sa pagkain ay sinipat niya ang kanyang pambisig na relo. Shit! Baka nasa bahay na si Ianny, siguradong lagot siya, lalu na kapag magkrus ang landas ng dalawang 'yon. Tsk.
Inililigpit na ni Tyler ang kanilang mga pinagkainan. Promise, nagkusa siya kanina ayaw lang talaga siyang payagan ni Tyler. Kaya wala siyang nagawa kundi ang ipagkaloob kay Tyler ang gawain.
"Hatid na kita." Nagdalawang-isip siya. Baka may magalit e. Ayaw niya pa namang nakakasakit ng damdamin ng iba.
"O–okay lang ba sayo? Lakarin nalang din natin ulit, malapit lang naman dito ang bahay namin e." Okay lang siguro. Sa girlfriend ni Tyler, kung sino kaman, pahiram ng sandali. Well, naisip niyang wala namang masama do'n e. Right?
Tahimik siya nitong inihatid. Dahil sa sobrang tahimik at walang ganap na nangyari ay naglakbay ang kanyang isip. Ano kayang feeling ng may boyfriend na sumusundo at naghahatid sayo? Yung HHWW na sinasabi nila ay gustong-gusto niyang maranasan. Yung tipong kahit saan sila magpunta ay nagho-holding hands sila while walking. Haay, life, why so unfortunate?
Huminto sa paglalakad so Tyler kaya napahinto rin siya. Napasarap kasi siya sa pag-e-emote kaya hindi niya namalayan na kasama niya ito. Nandito na pala sila.
Hinarap niya ito saka ngumiti ng matamis, "thank you sa paghatid sa akin. Ingat ka sa pag-uwi—"
Naputol ang iba niya pang sasabihin nang may isang dumating.
Inakbayan nito si Tyler, "hiya there, happy couple! Bro, let's have a drink. Pasok ka." Hinila nito si Tyler papasok ng bahay. Wala itong nagawa dahil halos kaladkarin ito ni Fourth. Samantalang siya ay naiwang nakatunganga sa labas.
Shit! Si Ianny. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa bago dinayal ang numero ng kaibigan.
"Nasa'n kana?" Iyon kaagad ang pambungad niya. Siguradong magwawala ang kaibigan kapag nalaman nitong nasa bahay si Fourth. Tsk.
"Aray! Ba't ka ba naninigaw? Busy pa ako. Punta na lang ako diyan mamaya after ko dito, bye." Yun lang ang sinabi nito bago siya binabaan ng tawag. Ni hindi manlang siya binigyan ng pagkakataong makapagsalita.
Malalaki ang mga hakbang ni Shandel papasok ng kanilang bahay. Pagpasok niya pa lang ay nakapwesto na sa living room ang dalawa. May tag-dalawang bote ng beer.
Binalingan siya ng kanyang pinsan, "Shan, wala akong makitang pulutan. Pwede mo ba kaming dalhan dito?"
Bago tumalima ay tinanong niya ito, "ahm, magtatagal ba kayo dito?" Baka kasi dumating 'yong mala-tigre niyang kaibigan.
Nag-isang linya ang mga kilay ni Fourth, "bakit? Ayaw mo bang nandito kami? Well, don't worry, aalis din kami pagkatapos nito." Turan nito.
Nakahinga siya ng maluwag. Thanks gracious!
Umakyat siya sa kanyang silid. Nagpalit ng pambahay. Nang mapadaan siya sa kanyang vanity mirror ay napataas siya ng kilay. Sinipat ang kanyang suot.
Pinalitan niya ng sando ang suot niyang t-shirt, bukod sa naiinitan siya, e, bakit siya ang mag-a-adjust? Maikling maong short at sando ang kanyang suot nang bumaba siya ng hagdan.
Hindi niya mawari kung guni-guni lamang ba ang nakikita niya. Sa kanya nakatingin si Tyler. Goodness gracious!
★
A/N:
Hello there! First and foremost, thank you sa lahat ng mga nagbabasa 😁
Sorry sa mga typos, errors and kachuva-ek-ekan na mapapansin niyo.
Please VOTE, COMMENT & SHARE 😘
Paki-follow na rin po ako ang aking Wattpad account @Abel_Claros
Thank you and take care always mga kabebs 💋💋
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top