Kabanata 30

PINAGPAWISAN siya ng malapot, hinihingal na rin siya dahil sa lumalakas na kabog ng kanyang dibdib. Tila nagwawala na naman 'yon dahil sa presensiya ng binata. Hindi malaman ni Shandel kung paano pakikiharapan ang bagong dating.





Ang binata ang dahilan kung bakit siya nagsinungaling sa kaibigan kani-kanina lang ngunit ngayon, ay nasa harap niya ito.





“I'm sorry, I'm late. May dinaanan pa kasi ako."





Pinagsalikop niya ang kanyang mga nanlalamig at nanginginig na mga palad na nasa ilalim ng lamesa.





Pasimple siyang sumagap ng hangin nang maramdamang halos hindi na siya humihinga. Hiling niya na sana ay bumuka ang lupa at kainin siya ng buo. Maiwasan lang ito.





Umupo si Tyler sa mismong harapan niya, kaya hindi niya mawari kung sasalubungin niya rin ba ng titig ang binata o hindi. Ayaw niyang mag-assume subalit alam niyang nakatitig ito sa kanya sa hindi niya malaman na kadahilanan.





Pinagtritripan ba siya ng tadhana? Dahil kung oo, grabe lang, ang tindi ng tama sa kanya e. Tagos hanggang buto.





Bakit ngayon pa? Hindi ako prepared e.





Tuluyan nang binasag ni Fourth ang katahimikan nang mapansin nito na parehong walang-imik ang dalawa, “as I was saying a while ago, I've met Tyler earlier, pero humiwalay siya no'ng nagpunta siya ng bookstore. And I was actually looking for a place when I saw you here kaya tinext ko siya na sumunod na lang dito to catch up things, you know."





Gusto niyang pandilatan ng mga mata ang pinsan niya, ngunit nang mahalata niyang nakatingin sa kanya si Tyler ay malapad siyang ngumiti sa pinsan upang ikubli ang pagkairita rito. At pagkataranta dahil sa presensiya ni Tyler.





Shit! Ang tanga niya. Bakit ba niya nakalimutan na magbe-bestfriend nga pala sina Tyler, Fourth, Zeno—pinsan ni Ianny at Gavriel. Si Gavriel ay isa sa kanilang mga kababata na lumuwas din ng Maynila no'ng naghighschool ito.





Malakas niyang sinipa sa paa na nasa ilalim ng lamesa ang pinsan nang mapansin niyang mukhang nag-eenjoy ito sa pagiging tensiyonada niya. Halata ring nagpipigil itong huwag mapahalakhak.





Sinipa niya ulit ito, medyo may kalakasan na kaya palihim itong napa-igik, na ikinangiti niya.





Noon pa ma'y tinutukso na ni Fourth sa kanya si Tyler. Bagama't wala lang 'yon sa kanya dati kaya hindi niya na lang 'yon pinansin. Subalit ngayon ay ibang-iba na ang sitwasyon. Dahil presensiya pa lang ni Tyler ay sobrang apektado na siya.





Hindi nga niya alam kung saan ito namulot ng ideyang tuksuhin ito sa kanya no'n. No'ng hiniling niya rito na wag siya nitong i-link kay Tyler ay tinawanan lang siya nito't sinabihan na, 'He's good. At hindi malabong matutunan mo rin siyang mahalin.'





Ang gago lang e. Na-bull's-eye tuloy siya ng wala sa oras.





“So, kamusta kayo ni Shan, Tyler? Is everything's smoothly good? I mean—”





Hindi niya napigilan ang sariling sumingit. Baka kasi kung saan-saan naman mapunta ang usapan nila. Natitiyak niyang wala itong alam sa nangyayari kay Tyler. Lalu na pagdating sa kanya.





"We're actually classmates and he's in a relationship and I have suitor. He's good. And I'm good. At mukha yatang wala kang balak na kumustahin ang best friend kong si Ianny. Well, she's also doing great, marami siyang suitor pero wala do'n ang atensiyon no'n dahil may isang lalaking kinababaliwan ngayon 'yon."





As she expects, "sino? Do I know him? Bakit wala akong alam?"





Nginitian niya ito ng nang-uuyam bago nginisihan, "pinsan, chill! Napaghahalataan kang apektado. At bakit kailangan mo pang malaman, aber?"





Halatang napahiya ito kaya in-snob lang siya ni Fourth saka binalingan si Tyler, “bro, is that true? And who is the lucky girl who captured your elusive heart? Marami kang ikwe-kwento sa akin mamaya."





Nagkibit-balikat lang si Tyler kay Fourth.





Sa kanya naman natuon ang atensiyon ng pinsan niya, "and you—sino'ng nagsabi sayo na pwede ka ng makipagrelasyon?"





"Oh, c'mon! I'm already in my college life, let me enjoy my youthful days, bakit hindi pwede? I'm already twenty one and as far as I know, pwede na nga akong makipag-one night stand e," huli na upang bawiin niya ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig.





Natutop ni Fourth ang sariling bibig dahil sa sinabi niya, samantalang nanlaki naman ang mga mata ni Tyler dahil sa narinig tila hindi ito makapaniwala sa mga salitang binitiwan niya.





Shit! This is fucking awkward. Self, kung ipapahiya mo na manlang ako, pwede bang tuloy-tuluyin mo na? Wala na yata akong mukha na maihaharap.





Nang makabawi ang pinsan niya mula sa pagkakagulat ay mabilis pa sa kidlat na napatayo si Fourth mula sa pagkakaupo, "what the hell, Shandel Elaija Reyes! Who the fuck give you an idea that you can do such thing? Is it Ianny?" Did I just the hit the beast mode in him?





Uh-oh! Patay. Siguradong kakatayin siya ni Ianny kung sakaling naririnig lang siya nito.





Dahil sa natatakot siyang pagbalingan nito si Ianny ay inunahan niya na ito, "teka naman pinsan, bakit nasali si Ianny sa usapan—"





Tuluyan nang naghisterikal ang kanyang pinsan, "tinatanong mo pa talaga? Sino pa bang tao ang may malaking impluwensiya sayo, bad influence, actually? Hindi ba't siya 'yong nagsulsol sayo na magpunta ng club na na-raid? Siya rin ang nagset-up sayo na makipag-blind date sa taong wala kang kaide-ideya kung sino na muntikan ka ng mapagsamantalahan at siya rin ang kasama mo no'ng naglayas ka para sundan sa Manila si—"





"SHUT THE FUCK UP, FOURTH!" Humahangos na sigaw niya. Walang maisip na paraan si Ianny kung papaano niya patitigilin ang pinsan. At 'yon lang ang naisip niyang gawin.





Natigalgal si Fourth sa pagsigaw niya. Syempre ito ang unang beses na may sinigawan siyang tao, nagkataon na ang pinsan niya pa ang buena mano.





Ngunit, wala kay Fourth ang atensiyon niya kundi na kay Tyler sa kasalukuyang walang-kibo, tila tinakasan ito ng ulirat nang sinulyapan niya ito.





Alam niyang nabigla rin ito sa mga narinig nito, kung ang reaksiyon ng mukha ang pagbabasehan. Yeah, right! Sino nga bang hindi? Na ang isang tulad niya ay masasangkot sa gano'ng eskandalo.





Holy shit! Sa rinami-rami naman ng taong pwedeng makarinig ng mga gano'ng bagay tungkol sa kanya ay bakit si Tyler pa? Iyon lang naman ang ipinanghihimutok ng butsi niya e.





Pasimple niyang kinurot sa tagiliran si Fourth, nang tingnan siya nito ay sinenyasan niya itong bawiin nito ang mga sinabi subalit umiling lamang ito.





"WHAT THE hell did I just heard?" 'Yon ang agad na namutawi sa bibig ni Tyler nang tuluyan na itong makabawi sa pagkakagulat.





Tinapunan niya ng nagtatanong na mga mata si Fourth, ngunit, inilingan lang siya nito ng ulo saka kakamut-kamot ng ulo na tumungo. Mukhang hindi ito kakanta sa kanya.





Kaya inilipat niya ang mga mata kay Shandel. Napansin niya ang namumuong luha sa mga mata nito kapagkuwan ay tumingala ito, halatang pinipigilan ang paglandas niyon sa kanyang pisngi. Tila may kung anong kumurot sa kanyang dibdib nang masilayan ang malungkot na mukha ng dalaga.





Panandalian niyang iniwaksi iyon sa kanyang isip.





Walang may gustong magsalita kaya nagtanong ulit siya, "may hindi ba ako nalalaman on what's going on here? Baka naman gusto niyong magkwento sa akin?" Sa pagkakataong 'yon ay mababanaag na ang galit sa tono ng pananalita niya.





Tumapang ang hilatsa ng mukha ni Shandel, sinalubong siya nito ng titig, mata sa mata. Hindi niya alam kung bakit siya napapalunok habang tinititigan ang maamong mukha ng babae.








A/N:

Another update for my dearest readers 😘

Na-edit ko na po 'yong iba 😘

Please VOTE, COMMENT and SHARE! Also FOLLOW this account @Abel_Claros

Thank y'all 💜

Thank you so much for reading my story and please continue supporting my works 😁😘

💋💋💋💋💋💋💋💋💋

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top