Kabanata 29
NANG hapon ding 'yon ay nauna ng umuwi mag-isa si Shandel. Kung maaari lang sana ay gusto niyang mapag-isa muna. Kasalukuyang lulan siya ng isang pampasaherong dyip na dumadaan sa kanilang subdivision. Wala siyang sasakyan at tanging si Ianny lang ang may kotse sa kanilang dalawa kaya palagi siya nitong isinasabay sa pag-uwi at pagpasok sa VC o sa kahit saan man siya magpunta. At humihiram lang siya rito tuwing may emergency.
Bagama't sigurado siyang walang alam ang kaibigan niya hingggil sa tagpong nangyari sa kanya kaninang umaga ay nahihiya parin siyang humarap dito. Ito ang unang pagkakataon na hindi niya makakasabay sa pag-uwi si Ianny.
Kaya't natitiyak niya na magkakaroon ito mamaya ng misa sa kanya. At mahaba-habang paliwanagan naman ang gagawin niya rito. Sana nga lang ay paniwalaan siya nito. Mas malakas pa kasi sa aso ang pang-amoy nito, pag nalaman nitong may problema siya ay paniguradong hindi siya nito tatantanan, kung kaya't kinakailangan niyang hindi magpahalata dito.
Sa katunayan ay gusto niyang ipaalam kay Ianny ang lahat-lahat nang sa gayon ay gumaan-gaan naman ang pakiramdam niya. Ngunit, wala siyang lakas ng loob na ibahagi rito ang saloobin niya kaya ngayon palang ay pinag-iisipan niya ng maglubid ng buhangin.
Alam niyang madidismaya si Ianny sa oras na malaman nitong naglihim siya, lalu na pag nalaman nitong nahulog ang loob niya sa kauna-unahang pagkakataon. Ang mas malala pa ay sa taong hindi na pwede.
Pero para yatang hindi niya magagawa sa kaibigan ang gano'ng bagay.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga saka nanlulumong napatungo.
Pakiramdam niya ay may nagawa siyang isang napakalaking kasalanan. Nahihiya siya sa kanyang sarili dahil sa nangyari. Bakit parang tinu-torture niya yata ang sarili niya kapalit ng panandaliang saya. Nakaw na saya na mula sa isang taong pag-aari na ng iba.
Dios Mio! Bakit ba nangyayari sa akin 'to? What did I do to deserve this? Wala sa sariling napasabunot siya sa kanyang sariling buhok.
Tila pinagkakaitan siya ng tadhana dahil ito ang unang beses na tumibok ang puso niya sa isang lalaki. Pero may mahal ng iba. Isa lamang ang ibig sabihin niyon, kailan man ay hindi ito mapapasakanya at malabong magmilagro ang langit na masuklian din nito ang pagmamahal niya.
Oo, aminado na siyang may nararamdaman siya kay Tyler na hindi niya dapat maramdaman. Ano'ng magagawa niya, e, hindi niya makontrol ang puso niya na 'wag tumibok para sa binata.
Dahil sa lalim ng iniisip ay hindi niya namalayan ang mga ilang beses nang pag-iingay ng kanyang cellphone.
Lingid sa kanyang kaalaman na nasa kanya na pala ang buong pansin ng mga pasahero.
Ngunit, may isang pasahero ang naglakas-loob ang kumalabit sa kanya, “Miss, kanina pa nagri-ring ang phone mo. Baka importante 'yong tawag, sagutin mo kaya muna.”
Binigyan niya ito ng alanganing ngiti saka tumango. She immediately accepted the call without looking at the caller.
Wala sa oras na nailayo niya ka'gad sa tainga ang cellphone nang marinig ang mala-busina ng ambulansya na boses ni Ianny. “Hoy! Nasa'n ka na ba? Kanina pa ako naghihintay sayo dito sa labas ng Y2K-B room. Alam mo bang pinapapak na ako ng lamok dito? 'Yot naman, maawa ka sa akin. Pantal-pantal na ang malaporselana kong kutis. Puntahan mo na ako dit—” hindi niya pinatapos sa pagtatalak sa kanya ang kaibigan dahil alam niyang lupig pa nito ang SONA ng pangulo at sulating pang-burador sa Filipino. Malamang ay bukas pa ito matapos sa kakadada sa kanya.
Tsaka magdadahilan lang din naman, 'di pa totoo. Hmp, pinapapak daw siya ng lamok? E, wala namang lamok sa VC e. Gaga talaga ang best friend niya. Palaging palpak sa pagpapalusot. Tsk. If I know, baka ibang lamok 'yong pumapapak sa 'yo.
“Sorry 'yot, bigla kasing sumama ang pakiramdam ko kaya nauna na lang akong umuwi—”
“Why?! I mean, what happened? Nasa'n ka na ngayon? Please tell me you're okay. Gusto mo bang puntahan kita ngayon?” Puno ng pag-aalalang sambit ng kaibigan.
“No! Okay lang ako. Gusto ko lang magpahinga.”
“Gano'n ba? Sige, get well soon. And don't forget to take medicine.”
“Okay. Ingat ka sa pag-uwi mamaya. Thank you 'yot, love you.”
“Oo na. I love you too. Just call me if you need something.”
“Got it. Bye,” aniya bago pinatay ang tawag.
Marahas siyang nagpakawala ng buntong-hininga. She didn't mean to lied to her. But she has no choice. Ayaw niyang mag-alala ng husto si Ianny sa kanya, nararamdaman niyang may problema rin itong kinakaharap at ayaw niya ng dagdagan pa ang isipin nito kung kaya't hanggang maaari ay gusto niya na munang ilihim ang lahat dito.
Nagpapara siya ng matanaw ang mall, tutal ay maaga pa naman kaya isasabay niya na lang ang pagbili ng mga materyales na gagamitin niya sa paggawa ng visual aids para sa kanyang report. Ayaw na ayaw kasi ni Miss Fabillar na dumepende lamang sa power point presentation ang mga reporters sa kanyang subject. Kaya kung gusto nila ng mataas na grade dapat daw ay double effort. As in A for effort. Tsaka, gusto niyang malibang muna, ilihis ang kanyang atensiyon sa ibang bagay.
HAWAK niya sa magkabilang kamay ang mga pinamili na nasa loob ng paper bag. Kanina pa siya naglilibot kaya medyo pagod na siya.
Napagdesisyunan niyang bumili ng maiinom upang mapawi ang uhaw na nararamdaman at baka sakaling makapag-isip isip din siya ng mabuting gawin.
Pumasok siya sa isang food court saka pumila, kaagad niyang inilapat sa kanyang bibig ang straw ng in-order niyang coke float nang iabot ito sa kanya.
Nagpalinga-linga siya upang maghanap ng mauupuan. Kaagad siyang naupo nang makakita ng bakante, may isang round table at tatlong upuan sa may bandang gitna, ayaw man niya sa gano'ng uri ng pwesto ay wala siyang magagawa, nangangalay na ang kanyang mga paa at pagod na rin siya. Agad siyang lumapit ro'n upang maupo.
Nangangalahati na siya sa kanyang iniinom nang bigla na lang sumulpot sa kanyang tabi ang isang lalaking may maaliwalas na mukha, may matamis na mga ngiti sa labi at nagtataglay ng matinding atraksiyon sa mga kababaihan.
Nilingon niya ito sa kanyang tabi. Medyo nagulat siya pagharap niya rito dahil tinusok ng isang daliri nito ang kanyang pisngi. Saka siya nginisihan.
“OMG! Ang gwapo no'ng guy!”
“Artists ba 'yan? Grabe, ang pogi!”
“I think I'm in love!”
“Sarangheo Oppa!” Ano raw? Ang sarap mong upakan? In fairness, medyo familiar ang linyang ito sa kanya dahil madalas niya itong marinig kay Ianny tuwing nanonood ito ng Korean movie.
'Yan ang mga naririnig niya kaliwa't kanan. Puro papuri ang sinasabi ng mga kababaihan sa lalaking bagong dating. Haay, ano pa nga ba ang aasahan niya? Kahit saan ilagay o mapunta itong lalaking 'to ay talaga namang impossibleng hindi mapansin nino man.
“Long time no see. Kumusta?”
Hindi niya pinansin ang sinabi ng binata, bagkus ay napahagikhik siya.
“Hey, I'm talking to you. Are you okay?” Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siya nitong siniko.
“Aray! Ano ka ba? Masakit kaya 'yon,” sabay himas sa parteng nasaktan.
“Hindi ko alam kung sinasadya mo lang na hindi ako pansinin o bingi ka talaga. Parang wala kasi akong kausap dito e.”
“E kasi naman, sabi no'ng mga girls ang gwapo mo raw. Pero, ano kaya ang magiging reaksiyon nila kapag nalaman nilang Aproponio Illinois Galvantez IV ang real name mo?” Ani Shandel saka tuluyan na itong napahagikhik.
Di napigilang mapabusangot ng lalaki nang marinig nito ang buong pangalan. Kinurot siya nito ng may kalasan sa kanyang pisngi na tinapik niya rin naman agad.
Sinimangutan niya ito ng saka hinimas-himas ang nasaktang pisngi. “You're so mean.” Hindi parin ito nagbabago. Mula noon hanggang ngayon ay ang pisngi niya parin ang pinagdidiskitahan.
“It's Fourth. Don't mention my name ever again. Sa ganitong paraan mo ba ako pakikiharapan after five years, pinsan?” Nagtatampong wika nito.
Nakonsensiya naman agad siya.
“Oo na, sige na. Hindi na. Bakit ba kasi ayaw mo sa real name mo? Hindi naman mabantot pakinggan a. You should be proud of your name, pinsan, kasi pang-apat na henerasyon ka na, na gumagamit ng pangalan ng kalolo-lolo-han mo.
Biglang nalukot ang mukha ni Fourth sa sinabi niya kaya itinikom niya ka'gad ang sariling bibig bago pa siya supalpalin nito. Ngunit, ngumiti rin agad na abot sa magkabilang tainga saka walang pag-aatubiling sinugod niya ito ng yakap.
“I miss you too, couz. Pero 'yong totoo—ako ba talaga 'yong namiss mo o si Ianny? Come on! Spill the beans.”
Tipid siya nitong nginitian saka ginulo ang buhok niya. Halatang inililihis ang usapan. “Do you want something to eat? What do you want—” panandalian itong natigilan na animo'y may naalala, “By the way, I've met Tyler—”
She cut him off.
“I know.” Inilihis ang mga mata kay Fourth. Tumungo siya upang ikubli ang pagbabago ng ekpresyon ng kanyang mga mata nang banggitin nito ang pangalan ng taong nagpapagulo sa sistema niya.
Gusto niyang unahan na ito baka kasi sa'n pa mapunta ang gustong ipahiwatig ng kanyang pinsan. Hindi siya malisyosong tao at ayaw niyang bigyan ng pinsan niya ng ibang kahulugan ang pagiging magclassmate nila ni Tyler lalo na't may girlfriend na ang huli.
Ngunit, gayon na lamang ang gulat niya nang marinig niyang nagsalita ang binatang laman ng puso't isip niya.
“I'm sorry, I'm late.” Sa pagkakataong 'yon ay tuluyan ng nag-ragudon ng husto ang kanyang puso.
Agad siyang nag-angat ng mukha at tiningnan ang pinanggalingan ng boses, unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata nang makumpirmang si Tyler nga ang bagong dating.
Holy Mother, Father, I'm so dead!
A/N:
Thank you so much user54660324andnathanael0330 at sa lahat po ng nagfollow sa akin at mga nagbabasa.
Another update for my dearest readers 😘
Parang may something si Fourth at Ianny. Hmm. Anyways,
Please VOTE, COMMENT and SHARE! Also FOLLOW this account @Abel_Claros
Thank y'all 💜
Thank you so much for reading my story and please continue supporting my works 😁😘
💋💋💋💋💋💋💋💋💋
KAUNTING KNOWLEDGE (KK):
Maglubid ng buhangin— magsinungaling
Malaporselana—makinis, maputi
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top