Kabanata 28
MALAYO pa lang ay tanaw na ni Ianny ang tila wala sa sariling naglalakad na si Shierra. Parang awtomatikong tumalim ang kanyang mga mata at tumaas ang isang sulok ng kanyang labi pagkakita sa dalaga. Unang kita niya palang sa babae ay hindi maitatangging mabigat na ang loob niya para dito. Alam niyang hindi maganda 'yon, parang lumalabas kasi na judgemental siya't may pagkaatribida subalit gano'n talaga ang intuition niya pagdating sa dalaga. Tsaka hindi niya ugali ang mag-adjust para sa iba. Hindi rin sila close! At never na magiging close silang dalawa ng babaeng hindi naman kagandahan itinataga niya sa bato.
Kasalukuyang kalalabas niya palang ng cafeteria nang matanaw niya itong naglalakad papunta sa kanyang direksyon. Ayaw niya mang makaramdam ng inis dito ay hindi niya maiwasan. At kagaya nga ng sabi niya, hindi niya ugali ang mag-adjust para sa iba. Except lang kay Shandel.
Gayunpaman, wala siyang gagawin sa dalaga na ikasisira nito at ng kanyang sarili. Hindi niya ito paglalaanan ng kanyang golden time, tsaka may golden rule siya na sinusunod na hindi niya sasayangin sa isang taong hindi naman deserving at kagandahan. Kahit napatunayan niya na, na may maitim na budhi si Shierra. Nangyari iyon nang masaksihan niya kung paano nito paiyakin ang kaibigan niyang si Shandel. Si Shandel na mabait, si Shandel na walang malay! Puro nalang si Shandel!
Wag lang talaga nitong pagbuhatan ng kamay ang kanyang kaibigan baka hindi niya na ito matantya, paniguradong maghahalo ang dugo sa tinalupan. Hanggang ngayon ay hindi niya parin maiwaglit sa kanyang isipan ang nakakapanlumong tagpo na kanyang nasaksihan nang minsang habulin niya si Shandel.
Pilit niyang hinahabol si Shandel subalit hindi niya ito maabutan. Ang gaga, sinabihan lang siya na magkita na lang daw sila sa cafeteria kahit alam naman nito na iniiwasan niyang mapunta roon o kahit ang mapadaan man lamang dahil nagdi-diyeta siya. Syempre, ngayon palang ay pinaghahandaan niya na ang magiging most talked and grandiose wedding nila ni Gyth. Her bebe! Kahit hindi pa sila ay mahal niya na ang binata at kahit hindi pa sila ay faithful siya kay Gyth.
Pagkatapos ng panandaliang paglakbay ng kanyang diwa papunta kay Gyth ay siya namang pagkawala na lang nito bigla na parang bula sa paningin niya.
Sa'n ba kasi pupunta ang babaeng 'yon? Parang lupig pa nito ang isang mataas na opisyal na may appointment sa presidente sa pagmamadali ng bruha niyang kaibigan.
Pero buo ang kanyang loob na habulin ang kaibigan. Paano ba naman, sa t'wing magkasama sila ni Shandel ay lumilitaw sa paningin niya ang kanyang pinakamamahal na binata sa buong mundo. Kahit hindi pa sila ay sobrang mahal niya na ito't faithful siya dito. Kaya naman itinodo niya na ang kanyang lakas na parang awtomatikong nag-summoning technique tsaka nag-sage mode.
Sumilay ang isang napakatamis na ngiti sa kanyang labi- ngiti ng tagumpay nang matanaw niyang malapit na siya sa kaibigan.
Ilang hakbang pa ang ginawa niya ngunit gayon na lamang ang gulat niya nang bumangga ito-bumangga sa isang matigas at matipunong pangangatawan. Sa katawan ni Tyler. Naudlot ang tangka niyang paglapit dito, bagkus ay ikinubli niya ang kanyang sarili sa pader sa hindi niya malamang kadahilanan. Siguro ay gusto niya lang bigyan ng privacy ang dalawa.
Privacy? Sa gitna ng hallway na may maraming mga eatudyante na hindi magkamayaw sa pagmamadali? Napangiwi siya sa isiping 'yon.
Exaggerated mang pakinggan ngunit nasaksihan ng kanyang mga mata kung paano kumislap ang mga mata ng dalawa. Kislap na puno ng pag-iibigan, 'yong tipong pag-ibig na may kakayahang hamakin ang sinuman.
Take note, hindi pa sila niyan a. Ano pa kaya kung sakaling mangyari nga ang bagay na 'yon? Baka siguro malamangan na ng dalawa ang LizQueen, KathNiel at sina Jack and Rose.
Hindi alam ni Ianny kung ilang minuto niya ng pinagmamasdan ang dalawa. Ang tanging alam niya lang ay parang lumundag ang puso niya sa saya. Oo, maligaya siyang nakikita na masaya ang nag-iisa niyang kaibigan. Sino ba namang butihin at huwarang kaibigan na tulad niya ang hindi masaya kapag masaya ang kaibigan nila? Syempre, 'yong mga kaibigang fake, backstabbing, gold-digger, at kontrabida.
Kasabay nang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi ang paglandas ng mga butil ng luha sa kanyang pisngi. Hindi nakaligtas sa kanyang matatalas na mga mata ang biglaang pagkawala ng sigla sa mukha ng kaibigan nang eksaheradang pumasok sa eksena ang babaeng hindi naman kagandahan.
Ang kanina lang na ligayang naramdaman niya ay biglang napalitan ng awa at lumbay. Gusto niyang lapitan ang kaibigan at aluhin ito. Ngunit, alam niyang sa mga oras na 'to ay gusto nitong mapag-isa.
Walang hiya naman o! Hindi pa nga masyadong nagkakalapit ang dalawa ay pinagkakaitan na kagad ng tadhana. Tsk.
Pero isang bagay lang ang natitiyak niya...
Ang sarap sabunutan ng babaeng bruha na 'yon tapos ay ipasagasa ng sampung beses sa isang ten wheeler truck saka ilibing sa aspalto. Hmp! Nanginginig ang kanyang kalamnan sa gigil.
Hindi tuminag sa pagkakatayo si Ianny. Nang matanto niyang papunta ang dalaga sa kanyang direksyon ay matiyaga niya itong hinintay.
Ang puta parang langgam kung maglakad, tila bangag ito na hindi natulog ng sampung taon sa hitsura nito. Aabutin yata siya ng siyam-siyam sa kanyang kinatatayuan sa bagal nitong maglakad.
Relax ka lang self, the best virtue in human life is patience. And patience is a must!
Nang sa wakas ay malapit na ito sa kanya ay inihanda niya ang kanyang pamatay na posture. Tuwid na tayo, tingin ng diretso, chin-up, cup C breast out, at stomach in. Ngayon, sino ang papalag sa kanya? Wala! Kahit nga yata si Miss Universe Catriona Gray ay mahihiyang tumabi sa kanya.
Bago pa siya malagpasan ni Shierra ay maagap niyang hinablot ang braso nito. Iginiya niya ito paharap sa kanya saka sinalubong ang nagtatanong nitong mga mata gamit ang kanyang nanlilisik na mga mata.
'Yong tipong dadagain at lulukubin ito ng matinding takot kapag pinandilatan niya ito, ngunit gumanti rin ito ng titig sa kanyang malamig na mga mata tila hindi papasindak sa kanya.
"I know what you did, bitch!" puno ng diin niyang saad.
Walang namutawing salita sa bibig ni Shierra na ikinainis ni Ianny kaya naman mas hinigpitan niya pa lalu ang pagkakapisil niya sa braso nito.
Sinulyapan siya nito gamit ang nagtatanong na mga mata.
"I-I don't know what you are talking about." Nauutal nitong sambit animo'y umurong agad ang tapang nito.
Nagpanting ang tainga niya sa sinabi ni Shierra. Ang lakas naman ng loob nitong magmangan-maangan. Dahil sobrang bad trip na siya ay mas triniple niya pa lalu ang higpit ng pagkakahawak niya sa dalaga. 'Yong tipong mag-iiwan iyon ng marka tulad ng pasa.
"Hey, let me go! You're hurting me." Nag-iba ang ekpresyon ng mukha nito. Tila naging palaban muli ito at handa siyang suungin.
"Wag kang mag-alala dahil wa-warning-an pa lang kita sa ngayon. Pero sa oras na may gawin ka sa kaibigan ko na hindi ko ikatuwa-simulan mo nang hukayin ang libingan mo." Pagbabanta niya rito.
Marahas na binawi ni Shierra ang braso nito sa kamay niya na binitiwan niya naman kaagad dahilan upang mawalan ito ng balanse dahil sa lakas ng pagkakabawi nito sa braso nito kaya natumba ito. Sumalampak ito sa sahig.
Tinalikuran niya ito ng may matamis na ngiti sa mga labi.
Sa ganoong paraan niya nilisan ang babae.
A/N💜
Hello sa inyo. I'm so sorry for the super, duper, over late update. Masyado po kasi akong nabusy. Bawi na lang po ako sa next chapter 😘
Gravee, ang mean ni Baby Yanie 😭
Anyways, please, follow me on:
Wattpad: Abel_Claros
FB: Abel Claros
Instagram: Abel Claros
Like, Comment & Share everybody!
PS: Salamat sa mga walang sawa na nagbabasa at sumusuporta sa story ko 💋💋💋
Thank you and I love y'all 💜
💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top