Kabanata 27

"WHAT was that all about?" Mahinahon ngunit puno ng diing tanong ni Tyler sa kanyang kasintahan. Kung pwede nga lang na hindi niya na kumportahin ang kasintahan ay hindi niya na sana gagawin pa. Pero hindi niya mapapalagpas ang pagkakataong ito.



Shierra's always been a friendly person. Kaya naman labis siyang nagtataka kung bakit gano'n na lamang ito umakto sa harap ni Shandel. Shandel look nice, pero bakit hindi manlang ito in-approach ng maayos ni Shierra?



At hindi rin niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit siya apektado on how Shierra would treat Shandel. Maybe, Shandel doesn't deserve Shierra's rudeness towards her. At sa kabilang banda naman, ay hindi niya hahayaang magpatuloy na umakto ng gano'n ang kanyang kasintahan, she's Shierra minus the rudeness. And besides, Shierra's never showed this side of her to anyone- to him.





NANG maramdaman ni Shierra ang mapanuring titig sa kanya ni Tyler ay umiwas siya ng tingin saka tumungo. Parang hindi niya kasi kayang salubungin ang titig nito sa kanya. Pakiramdam niya ay tumatagos iyon sa kanyang kaibuturan.



Sa totoo lang ay gusto niyang ilabas at ibahagi kay Tyler ang nasa saloobin niya pero wala siyang lakas ng loob. Ano naman ang sasabihin niya?



Sorry kasi nadala lang ako ng selos?! Stupid. Is that even a valid reason to be mean with someone?



Aminado naman siyang nagkamali siya at sinadya niya ang nangyari kanina. Naunahan siya selos na kahit minsan man ay hindi niya pa naramdaman kanino man. Pero ano namang magagawa niya? Nangyari na 'yon at hindi niya na maibabalik at mababago pa iyon.



Hindi niya binalak na maging mean kay Shandel pero naunahan siya ng selos at mas nangibabaw ang takot sa kanyang dibdib-takot na mawala sa kanya ang binata.



Nang makita niya na malapit sa isa't isa ang dalawa ay bigla siyang kinabahan. Iyon ang unang pagkakataon na lumapit si Tyler sa isang tao, at naturingan pa na sa isang magandang babae. Himala nga at sa kanya lang nakakatagal na makipag-usap ang binata noon hanggang ngayon, kaya naman hindi inaasahan na makikita niya si Tyler sa gano'ng tagpo. At nang, makalapit pa siya ng husto ay do'n na siya tuluyang binalot ng takot at sakit sapagkat malinaw niyang nasaksihan kung paano kumislap ang mga mata ni Tyler kay Shandel. Kislap na ni minsan man ay hindi niya nasilayan sa binata sa t'wing tinitingnan siya nito. May lihim bang pagtingin si Ty sa babaeng 'yon? Ang isipin pa lang ang bagay na 'to ay sobra na siyang nasasaktan. Baka ikamatay niya na kung mangyayari nga ang kanyang pinangangambahan. Iyon ang hindi niya papayagang mangyari. Gagawin niya ang lahat para sa binata.



I'm so sorry Ty, promise babawi ako sayo. Hindi kita bibigyan ng rason para iwan at ipagpalit mo ako sa iba. And I'll never let anyone to steal you away from me. I'll do anything for you because you are my everything.





SA cafeteria ng school sila nagtungo dahil sa kagustuhan ni Shierra, matapos siya nitong hatakin palayo kay Shandel, kasalukuyan silang nakaupo ng magkaharap habang kumakain. Pagkatapos ng nangyari kanina ay hindi na siya inimik pa ni Shierra at gano'n din siya. Kaya naman siya na ang unang bumasag sa katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa. Alam niyang walang mangyayari kung paiiralin niya lang ang kanyang pride. Ngunit, ni isa mang kataga ay walang binibigkas sa kanya si Shierra. Siya na ang sumuko at ang unang nagsalita, nagbabasakaling mag-o-open up sa kanya ang dalaga pero bigo siya, ni ang tingnan siya ay hindi nito ginawa.



He let out a deep breath, sign of defeat, "Tell me, is there something wrong? You were always that sweet pero bakit gano'n na lang ang approach mo kay Shan?"



Ilang minuto ang lumipas ngunit nagsawalang-kibo parin ang dalaga.



Nanlulumong napasandal si Tyler sa sandalan ng kanyang upuan. Mukha yatang wala itong balak na kausapin siya. Gagunpaman, ay hindi niya ito pipilitin, "Maybe, we can just talk some other time, over coffee, I guess. Hindi kita pipilitin na magpaliwanag kung ayaw mo. Pero sana, 'wag mong hayaang magbago ang sarili mo lalu na ang ugali mo kung ako ang dahilan. Because I don't deserve it."



Parang may kumurot sa puso ni Tyler nang maaninag niya ang malungkot na ekpresyon ng mukha ng kanyang kasintahan nang tumayo ito mula sa pagkakaupo. Bigla siyang nilukob ng pagsisisi. Sana ay hindi na lang siya nagkomento pa nang sa gayon ay hindi siya nakasakit ng damdamin.



Maagap niyang hinawakan ang isang kamay ni Shierra upang pigilan ito nang magsimula itong humakbang. Ayaw niya nang ganito, ni minsan man ay hindi ito nangyari sa kanilang dalawa. Ngayon lang. He can say that they're a perfect couple, and he's hoping to stay them in that way. Kahit na, in reality ay walang gano'n. Ni minsan man ay hindi pa sila nagkaro'n ng misunderstanding o anumang problema in terms of their relationship.



"I-I'm sorry. I don't want you to be angry with me. Please forgive me if I hurt your feelings."



Dahan-dahang naglakbay ang kamay ni Shierra sa kamay ni Tyler na nakahawak sa kanya upang kalasin iyon. And she left Tyler without saying anything.





TAAS-noong naglalakad si Ianny sa pathway para magtungo sa lugar na pilit niyang iniiwasang puntahan o kahit ang mapadaan man lamang, ngunit, heto siya't hindi magkandaugaga sa pagmamadali papunta sa lugar na 'yon - sa cafeteria, upang kumain. Actually, hindi siya matakaw, nagugutom lang talaga siya ng konti. Pero dahil sa isang buwan na siyang diet at isama pa ang kanyang kaibigan na hindi makabasag pinggan at animo'y anghel ngunit nasa loob pala ang kulo at isa pang sadista ay mukhang masisira yata ang plano niyang gawin iyon.



Mag-isa niyang iginugol sa loob ng classroom ang kanyang two hours vacant, iyon lang kasi ang paraan upang maiwasan niyang makaamoy ng masasarap na pagkain at lalu na ang kumain. Oo nga't mahapdi na ang sikmura niya pero kaya pa namang tiisin kahit paano. Hindi dapat masira ang diyeta niya.



Nang bigla nalang pumasok ang butihin niyang kaibigan na may dala-dalang mga pagkain. Kapag minamalas ka nga naman o!



Karamihan pa naman ay mga favorite niya-lasagna, fries, blueberry cheesecake, spaghetti and chocolate float.



Parang anumang oras ay tutulo na yata ang laway niya dahil sa masarap na amoy na nanunuot sa kanyang ilong. Akala niya kasi ay kaya niyang pigilan ang sarili pero hindi niya na talaga kaya.



Gusto niya sanang humingi kahit 'yong lasagna lang pero wala yatang balak mamigay at maki-share ang best friend niya.



Kaya naman tumayo siya sa kanyang kinauupuan upang kumain.



Hayon, mukhang magkakaletse-letsa pa yata ang pgda-diet niya, hindi niya tuloy mapigilan ang sariling matakam sa mga pagkaing labis niyang inaasam kainin.










Merry Christmas and Happy New Year to all 🎉

Sorry for the late update! I've been so busy this past few weeks.

God bless you all!

Please VOTE, COMMENT, and SHARE my story if you feelin' it.

And follow this account @Abel_Claros

Thank you all 💞
💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top