Kabanata 20

"SIGURO naman ngayon ay hindi mo na ipipilit sa akin ang hinayupak na 'yon! And please lang--- wag na wag mo akong ili-link sa ibang guy kapag kasama natin si Gyth my bebe. Baka ma-turn off sa'kin 'yon. Naku, kapag nagkataon, masasabunutan na talaga kita 'yot." Litanya sa kanya ni Ianny.



Haay. Ang lakas talaga ng tama ni Ianny kay Gyth. Tsk. Siniko siya nito nang hindi siya rito tumugon.



Napangiwi siya, "oo na. Gets na. Grabe lang, si Gyth talaga ang mas iniisip kesa sa akin na bestfriend mo. Tss." Masyadong obsess. Partida hindi pa sila niyan. Paano pa kaya kung maging sila? Wait?! Paano ba magiging sila ng kaibigan niya, e, parang hindi naman nanliligaw si Gyth kay Ianny.



Biglang may sumagi sa isip niya na ikinatango niya ng sunod sunod. "Tama!" Pabulong ngunit excited niyang usal.



Naningkit ang mga mata ni Ianny nang mapansin na parang tumatango-tango ang kaibigan habang kinakausap ang sarili. "Ano'ng tama 'yang pinagsasabi mo? Tama sa utak? Aminado ka na ngayon 'yot na malakas ang tama mo sa utak?!"



Ngumuso siya. "May iniisip lang ako." Tumungo siya dahil sa sinabing iyon ng kaibigan niya. Tama agad sa utak? Hindi ba pwedeng may naiisip lang akong paraan kung paano pa siya mapapalapit ng husto kay Gyth?



Bestfriend niya si Ianny at nararamdaman niyang seryoso ito sa feelings nito para kay Gyth, kaya naman naisipan niyang tulungan ito sa buhay pag-ibig nito.



Napapantiskuhang pinagkrus ni Ianny ang magkabilang kamay sa ibabaw ng dibdib nito bago humalukipkip.
"O? Hihintayin pa ba natin ang pagputi ng uwak bago mo sabihin 'yang nasa matino mong utak? Ano na? Ano 'yong iniisip mo?" Wika nito na halatang nauubusan na ng pasensya sa kanya. My gosh! Matutuyuan ako nito ng matris ng wala sa oras dahil sa kaibigan kong ito. Minsan ay matino naman itong kausap pero mas madalas na nakakawala ng patience at positive vibes. Tulad nalang ngayon.



"W-well naisip ko lang naman na... Paano magiging kayo ni Gyth, e, hindi ka naman niya nililigawan diba? Sa palagay mo paano matutupad ang pangarap mong maging kayo kung wala siyang balak na ligawan ka?"



Wow! In fairness, mukhang active yata ang brain cells nito ngayon. Sa dami ba naman ng pwedeng isipin ay ang tungkol pa talaga sa namamagitan sa kanila ni Gyth! Seriously?! Nahihiwagaang bulong ni Ianny sa isip.



"Kaya mo ba siyang makita na may ibang kasamang babae bukod sa ating dalawa? Pero 'yot wag mo sana akong isama sa mga babaeng may pagtingin kay Gyth, a. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya pero ikaw ang bestfriend ko. Kahit araw-araw pa kaming magkasama na dalawa hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya. Hanggang do'n lang 'yon."



Tinaasan niya ito ng kilay. Medyo naguguluhan na siya sa tinatakbo ng kanilang pag-uusap. Kung kanina ay pinagpipilitan nitong may gusto raw si Dustin sa kanya pero ang manhid raw niya para hindi niya maramdaman na may ibig palang ipakahulugan ang mga titig nito sa kanya, ngayon naman ay ang tungkol naman sa status nila ni Gyth ang prinoproblema nito.
"So? 'Yon ba talaga ang iniisip mo? 'Yon ba ang dahilan ng malalim mong iniisip at napapatango-tango ka pa na mag-isa?"



"Oo. May naisip kasi akong solusyon para mapansin ka ni Gyth."



Paano naman niya ako mapapansin e nasa sayo lang ang buong atensiyon niya? At ang sobrang manhid mo para hindi mo 'yon maramdaman. Himutok ni Ianny sa kanyang isip.



"So, ano nga? Pwede ba 'yot, wag ka ng magpaligoy-ligoy pa! Just straight to the point." Ani Ianny na tila nauubusan na ng pasensya.



Shandel pouted her lips, "Excited much? Dapat may pa-suspense effect para cool. 'Kaw talaga, pag tungkol kay Gyth ang usapan ay napakamainipin mo. Tsk."



Agad na nagbago ang hilatsa ng mukha ni Ianny. Konting-konti nalang ay tuluyan na talaga siyang sasabog na parang bulkan. "E, kung hinahambalos ko 'yang nguso mo para makita natin 'yang sinasabi mong pa-suspense effect mo? Masabi mo pa kayang, Wow, that's cool! Ewan ko nalang kung hindi humaba 'yang nguso mo!"



Humugot ng isang malalim na hininga si Shandel. "Oo na. Seryoso na kasi, just don't interrupt me while I'm talking. Let just me finish first before you react. Ikaw kasi, chill lang. Hindi ko pa nga sayo nasasabi ang climax ng plano ko para sayo."



Gumanti si Ianny ng isang buntong-hininga. Ngumiti siya sa kay Shandel kapagkuwa'y pinipilit na kumalma. "Talaga? Sa hinaba-haba ng sinabi mo kanina ay wala ka pa sa climax ng gustong mong sabihin sa akin? So, nasa'n palang pala tayo nito? Prologue?!"



Matiim siyang tinitigan ni Shandel. Biglang lumambot ang ekspresyon ng kanyang mga mata. "Yot, ba't parang galit ka? Alam mo, parang napaka-moody this past few days. May problema ka ba? You know you can always count on me."



Napailing si Ianny. Parang hindi niya na talaga gusto ang tinatakbo ng kanilang pag-uusap. Hangga't maaari sana ay ayaw niyang mag-open up kay Shandel tungkol sa tunay niyang nararamdaman. Parang sobra naman yata kasi siyang unfair. Wala namang kinalaman si Shandel about her feelings for Gyth.



Nginitian niya so Shandel ng pagkatamis-tamis, bukal 'yon sa kanyang dibdib. Galing sa kaibuturan ng kanyang puso. "Alright, sorry kung para akong may mood swings nitong mga nakaraang araw. Parang hindi mo naman ako kilala. Hindi ako 'to kung palagi akong kalmado. Sige na, just tell me what you wanna say to me." Bahagya niya pang ginulo ang buhok ng kanyang kaibigan.



"Pero don't worry, kase kahit na ikaw pa ang maging bugnutin sa buong mundo ay mananatili ka paring bestfriend ko," Inakbayan ni Shandel si Ianny sa balikat nito. "Nag-iisa ka lang para sa akin." She smiled, a genuine smile.



"Oo na. We are bestfriend against all odds." Sambit ni Ianny na gumanti rin ng akbay sa kaibigan.



"Pero ano nga ba 'yong sasabihin mo sa akin? Masyado kasi akong naintriga e."



"Ah, 'yon ba? Wala 'yon. Isa-suggest ko lang sana sayo na ligawan mo si Gyth. Kumbaga ay ikaw na ang mag-first move sa inyong dalawa."

Dahil sa pagkabigla ay napasigaw si Ianny.
"AKO!?" 'Di makapaniwala na tanong niya.


Wala sa oras na naitakip ni Shandel ang dalawang palad sa magkabilang tainga niya. "Ouch! Gosh, my eardrums. Wag ka ngang manigaw diyan. Bakit ba parang nagulat ka sa sinabi ko?"


"As in, ako talaga?" Sa pagkakataong 'yon ay hindi na malakas ang boses nito.







★★★

A/N: Hello. Please don't forget to votes, leave some comments and share my story if you feelin' it 😘

PS: Please follow my account, this account actually 😁

@Abel_Claros

PSS: Keep safe everyone 😘









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top