Kabanata 19
TILA nahimasmasan si Tyler mula sa pagkakatulala kay Shandel na mabining nakaupo habang nakikipagkwentuhan sa kaibigan, nang maramdaman ang marahang pagdampi ng face towel sa kanyang pisngi. Nilingon niya ang may gawa niyon.
Alanganin siya nitong nginitian, "magseselos na ba ako niyan? You were staring at them for almost an hour! Sila rin 'yong nasa mall no'n diba? Sino ba sa kanilang dalawa ang tinitingnan mo?" May bahid ng selos na usisa ni Shierra sa kanya.
Nakilala niya si Shierra Hidalgo sa Maynila. No'ng nagtransfer siya dahil sa pagkakapromote ng Papa niya. Ito ang unang lumapit sa kanya para makipagkaibigan at nang maglaon ay nakapalagayan niya ng loob. Hindi ito mahirap pakisamahan, bagama't may pagkamataray minsan ay alam niyang mabait ito. Maganda, maaalalahanin, at nagkakasundo sila sa halos lahat ng bagay. Niligawan niya ito pagkalipas ng isang taon ng pagiging magkaibigan na agad rin siyang sinagot.
Nang malaman nitong aalis na sila sa Maynila ay nagpumilit itong sumama dahil hindi raw nito gusto ang long distance relationship. Pinayagan ito ng parents niyang sumama pero ang kondisyon ng mga ito ay kailangan nitong bumukod ng matitirhan. Pumayag si Shierra, pero isinama nito ang kanyang nanny. At ngayon nga ay nagrerenta ito ng apartment with her nanny na siyang gumagawa ng lahat na gawain.
Wala itong alam tungkol kay Shandel at sa nakaraan niya. Ang tanging sinabi niya lang dito ay nagkaro'n siya ng puppy love no'ng elementary siya. Hindi naman siya nito kinulit kung sino iyon. Kaya wala itong ideya na si Shandel ang tinutukoy niyang puppy love.
"Ano na? You didn't answer my question? Sino nga sa kanila? They're both beautiful kaya hindi ko alam kung sino sa kanila ang nakakuha ng atensiyon mo?" Sunod-sunod nitong tanong pagkalipas ng ilang sandaling pananahimik niya.
Bumuntong-hininga siya. "They're both familiar to me." Tugon niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang ang hirap mag-open up dito tungkol sa kanyang nakaraan. It isn't a big deal anyway.
"Hindi ka siguro kilala o nakilala man lang ng mga 'yon. Sa gwapo ng boyfriend ko, imposibleng hindi ka nila pansinin kung kakilala ka nga nila."
"Yeah, right."
"Magbihis ka muna. Baka matuyuan ka ng pawis sa likod mo. Do you want something to drink?" Tinanguan niya ito. Kapagkuwa'y iniabot sa kanya ang kanyang pampalit saka siya iniwan.
Pasimple niya muling ibinalik ang kanyang mga mata kay Shandel. Kahit siguro kailan ay hinding-hindi siya magsasawang pagmasdan ang maamo nitong mukha. Batid niyang marami ang nagkakagusto sa dalaga pero ang dinig niya ay wala itong may hinahayaang makapasok sa puso nito. Mailap daw ito sa mga kalalakihan. Hindi na siya magtataka kung gano'n nga ito. Alam niyang mula no'n ay ganito na ito. Pero himala yatang hindi na ito nanininghal.
Isang matamis na ngiti ang kumawala sa kanyang mga labi nang sumagi sa kanyang isipan ang kanyang kamusmusan kasama ito. Kung paano siya nito sungitan, paningkitan ng mga mata, pagtulakan at ang naging reaksiyon nito ng halikan niya.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang mapansin niyang bigla itong kinaladkad ni Ianny palabas ng gym. Ano kayang problema? Hindi parin talaga nagbabago si Ianny. Sala sa init, sala sa lamig. Tsk.
"MAHAPDI na ang sikmura ko 'yot. Hindi pa ba tayo kakain? Kanina pa tayo paikot-ikot e." Kanina pa nagrereklamo si Shandel kay Ianny pero hindi siya nito pinapansin. Matapos ang madamdaming pag-uusap nila kanina ay inaya siya nitong maglakad-lakad para raw matanggal ang stress nito sa katawan na dulot daw ng pagtatanong niya.
Ang OA lang! Nagtatanong lang ang tao e. Tsaka may point naman siya a. Feeling niya talaga kasi ay may tama sa kaibigan niya 'yong guy kanina. Si Ianny lang talaga itong walang keber. Ang galing manghula ng feelings ng ibang tao pero manhid naman sa mga nagkakagusto sa kanya.
Kinalabit niya sa tagiliran ang kaibigan.
Nakabusangot na hinarap siya nito ng nakapameywang, "Pwede bang mam'ya na lang?" Sinipat nito ang suot na wristwatch, of course, with a brand on it says, MK o Michael Korse. Charoot! Kapagkuwan ay sumimangot na naman. "Maraming tao ngayon sa Cafeteria, tiyak na wala na tayong mapwe-pwestuhan. May two hours vacant pa tayo. Masyado pang mahaba ang oras natin, tutal ay maaga pa naman, mag-jogging na lang muna tayo."
"SERIOUSLY?! Kasasabi ko pa lang sayo na nagugutom na ako diba? Tapos gusto mo mag-jogging tayo? Gusto mo bang mamatay ako ng wala sa oras? My gosh, you're unbelievable! Masyado ka bang naapektuhan sa mga titig ng guy na 'yon at pati ang mga brain cells mo ay ayaw gumana?"
Kapagkuwa'y pinaningkit niya ito ng mga mata, "umamin ka nga 'yot, naapektuhan ka sa mga titig no'ng guy na 'yon, noh? Ayaw mo lang talaga aminin kasi wala kang tiwala sa akin. Kanina mo pa sinasabing wala kang pakialam sa kanya, na kesyo-- wala siyang dating sayo, na kesyo may mahal ka na. Pero ang totoo, may hatid na kilig sa puso mo ang mga titig niya."
Inismiran siya nito. "See? Over na 'yang reaksiyon mo!"
"Tumigil ka na nga. May ibang bagay akong iniisip. Hindi ang katulad ng mukhang alikabok na 'yon ang paglalaanan ko ng oras at panahon. Tsaka pwede ba ay tumahimik ka muna baka masungalngal kita diyan. Pero tama, kinilig ako kanina---"
Bigla na lang itong tumili. "Really? I told you--"
Hindi niya ito pinatapos, "oo, kinilig ako. Sobra talagang kinilig ang bumbunan ko." Puno ng sarkasmo na saad niya.
"At saan mo naman nakuha ang ideyang kinilig ako sa babaerong 'yon? Gusto mo bang isa-isahin ko sayo kung sino-sino ang mga guy na nagpapakilig sa akin ng sobrang wagas?"
Sunod sunod na tango ang naging tugon ni Shandel. Ayaw na muna niyang ibuka ang kanyang bibig at baka mabugahan na siya ng apoy ng naggagalaiti niyang kaibigan na mukhang dragon.
"Isasama ko na si Gyth. Kahit alam natin pareho na siya talaga ang the love of my life ko. Makinig kang mabuti sa sasabihin ko para hindi mo na ipilit sa akin 'yang imahinasyon mong may gusto ako sa lalaking alikabok na 'yon. Ang mga lalaking nagpapatibok sa puso ko at nagpapakilig sa akin ay sina--- Gyth, Jimin, G-Dragon, James Dean, Shawn Mendez, Jung Hyung Hwa at Top. Okay na?! Masaya ka na? Gets na?!"
★
Hi'ya there! Thank you po sa lahat ng mga nag-add nitong story ko sa kanilang reading list 😘
Your votes, comments and share are highly appreciated 😁
Please check out my other stories 😊
Keep safe 😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top