Kabanata 17
NAG-BIYERNES santo ang mukha ni Shandel dahil sa pang-aasar sa kanya ni Ianny. "Eto naman, masyadong seryoso. E, binibiro lang naman kita. Baka mas lalu pang dumami ang kaso ng mga baliw sa 'Pinas kapag naging friend ka. Alam mo naman na ako lang ang nakakatagal sayo diba? Immune na kasi ako sa mga gaya mo."
"Ay, grabe siya o! Ginawa pa akong baliw. Hmp. Sige lang, gan'yan ka naman talaga makisama sa akin diba? Parang wala ka ng paki sa akin. Palibhasa ay marami kang friends na pwedeng ipalit sa akin." Nakanguso nitong saad.
Malakas na napatawa si Ianny. Alam niyang nakakuha na sila ng atensiyon ng iba sa pagkakataong 'yon pero wala siyang pakialam. Ganito sila magbonding ng bestfriend niya. Mabingi na ang nakikinig at mabulag na ang nakatingin sa kanila pero wala parin siyang pakialam. Basta wala silang inaapakang tao. "Ikaw talaga ang advance mong mag-isip? At sino naman ang nagsabi sa'yo na kaya kitang ipagpalit sa iba? Aba! Nag-iisa ka lang yatang best friend ko." Ginulo niya pa ang buhok nito saka napailing.
Matamis siyang nginitian ni Shandel, "totoo? Forever?"
Sunod-sunod siyang tumango. "Forever and ever, amen!"
Oo, marami siyang friends, hindi naman kasi pwedeng porke't may bestfriend na siya ay hindi na siya makikipag-kapwa tao sa iba, pero ni minsan man ay hindi sumagi sa kanyang isip na palitan ang kanyang best friend. Never! Ang gusto nga niya, kung papalarin lang na makatagpo siya ng matinong lalaki at magkaanak in the near future, gusto niya ay maging mag-bestfriend rin ang kanilang mga anak.
Nagtataka niyang nilingon si Shandel nang mas umusod pa ito lalu sa kanya. Mas lalo pa siyang naguluhan nang mapansin na para itong may sinusupil na ngiti sa mga labi.
Napataas siya ng kilay. Hmp, ano na naman kaya ang trip nitong kaibigan ko? Patagal ng patagal ay mas nagiging weirdo na yata ito!
"Pero 'yot, alam mo hindi parin talaga ako maka-move on do'n sa paninitig sayo no'ng guy. Naku, kung nahuli mo lang siya kanina na nakatitig sayo no'ng papasok pa lang tayo dito ay wagas. 'Yong para bang iyon na ang huli niyang chance na masulyapan 'yang beauty mo."
Bigla siya naubo nang masamid siya sa kanyang sariling laway. "No way!"
"Yes way."
Mahina niya itong binatukan sa ulo. Ok, ang OA niya maka-react do'n. Pero anong magagawa niya? E, masyado siya nabigla sa sagot nito.
Ano naman ang dahilan ni Dustin para titigan siya? Ang pagkakaalam niya ay wala naman siyang atraso dito?
'Wag nitong sabihin na hindi pa ito nakaka-move on sa huling engkwentro nila no'n? Sabagay, ang mga katulad ng mukhang alikabok na Dustin na 'yon ay hindi kayang tumanggap ng pagkatalo. Psh. Sorry nalang ito at siya ang nakatapat nito.
"Yot, normal ba sa isang guy ang tumingin sa ibang girl habang may kasamang naggagandahang mga babae?" Shandel asked out of nowhere.
"Ano ba 'yan? Para naman akong nasa quiz bee nito, hindi ko pa nga nasasagot sa isip ko 'yong tanong mo kanina ay may kasunod ulit? Pwede ba 'yot dahan-dahanin mo naman ako. Normal akong tao. 'Di pa nga tapos mag-loading ang utak ko sa mga pinagsasabi mo ay may bago na namang kasunod. Mas mabuti pa yatang kausapin ko nalang ang sarili ko, baka sakaling masagot ko ang sarili ko ng tama." Puno ng sarkasmo niyang bulalas dito.
"Ang high blood lang ng peg mo 'yot. Tingnan mo kasi 'yong sinasabi ko sayong guy, o! Mukhang papalapit dito."
Dala ng kuryusidad ay sinulyapan niya ito. Tama nga ang kaibigan niya. Mukhang papalapit sa kanila ang lalaking mukhang alikabok na sadya atang ipinaglihi sa habagat.
Biglang may kumalabog sa kanyang dibdib habang nakikipag-tagisan ng titig kay Dustin. Oo, aaminin niya, madali siyang ma-attract sa mga cute at gwapong mga lalaki. Pero mas mabilis pa sa kidlat na naglalaho ang attraction niya kapag lumalabas na ang tunay na kulay ng mga ito. At isa na ro'n ang lalaking fuck boy na nasa harapan niya. Wala siyang keber kung gwapo man ito o may mala- Hercules man na pangangatawan, mala-James Dean na pisikal na kaanyuan at kasing yaman man ito ni Bill Gates. DUH?! Ni hindi nga kinilig ang matris niya dito.
Bigla siyang napangiwi ng akbayan nito ang dalawang babae na mukhang tipaklong na nasa tabi nito.
Ang walang hiya, hindi na nahiya, dala-dalawa pa talaga ang babae. 'Yong mga babae naman ay parang may mga diperensiya sa pag-iisip. Sino ba naman kasing normal na babae ang papayag na may kahati sa boyfriend nila? Yucks! Ang sagwa! Payag ba sila na may kahati sila sa shota nila? Sa mga palabas niya lang napapanood ang mga ganitong klase ng senaryo. Pambihira, e, bakit ba siya apektado?
Mabuti na lang at sa isang tao lang tumibok ang pihikan niyang puso. Sa isang taong kagaya ni Gyth na may ginintuang puso kagaya ng sa kanya.
And take note, sa best friend mo siya inlove at hindi sayo! Susog ng isip niya. Pero walang gusto si Shandel kay Gyth, alam niya 'yon. Sigurado nga ba siya sa bagay na 'yon?
Marahas siyang napabuntong-hininga. Tila may hatid na kirot iyon sa kanyang dibdib.
Ilang hakbang na lang ay alam niyang nasa harapan niya na ang kaisa-isahang tao na ayaw niyang makita kung maaari. At dahil naniniwala siyang, 'pag gusto ay maraming paraan, 'pag ayaw ay may dahilan..
Kaya naman uunahan niya na ito. Mabilis niyang dinakot ang braso ni Shandel para tumayo. Bagama't naguguluhan ito ay hindi nito nagawang magprotesta sa kanya. Kaya naman, hindi na siya nag-atubili pang sabihin dito na gusto niyang iwasan ang binata. Walang lingon-lingon na nilisan nila ang gym.
★
Hello. I dedicated this chapter sa lahat ng nag-add nito sa mga reading list nila 😁
Thank you! Please follow this account for more updates and stories 😊
Keep safe always 😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top