Kabanata 16

NAGULAT si Shandel nang sikuhin siya ni Ianny sa kanyang tagiliran. Kahit talaga kelan ay brutal itong bestfriend niya. Tila napukaw siya mula sa pagkakatulala sa binata na kanyang pinagmamasdan.



"Naks! Kung makipag-eye to eye contact ka kay TT ay parang may saringan lang 'yang mga mata mo. Wagas kung makatitig 'yot. Baka gusto mong ikurap muna 'yan?!" Nakataas ang isang bahagi ng sulok ng labi nito.



"Ano?! Hindi naman siya ang tinitingnan ko e." Nakanguso niyang tugon, pagkuwa'y biglang may itinuro. "Ayun o! 'Yong isang guy sa may corner ng basketball court. 'Yong lalaking walang pang-itaas na damit na nakasuot ng jersey short na kulay violet."



Pinasadahan nito ng tingin ang taong binanggit niya. Sa bandang likuran ni Tyler nakapwesto ang sinasabi niyang guy. Kaya akala yata ni Ianny ay kay Tyler siya nakatingin.



Sumimangot si Ianny nang makita ang taong tinutukoy niya. "Kanina pa 'yon nakatitig sayo. As in, kanina pa talaga, mula nang pumasok tayo rito sa gym ay nakamasid na 'yon sayo. Halos hindi inaalis sayo ang mga mata ng taong 'yon." Nagtaka siya ng mas lalo pang sumama ang timpla ng mukha nito.



Akala nga niya kanina ay guni-guni niya lang 'yon. Pero nang pasimple niya ulit na tiningnan ang lalaking 'yon ay nakatingin parin sa kanila, kay Ianny lang pala. Ni hindi nga napansin no'ng guy na maya't-maya niya rin itong sinusulyapan e. Todo titig kasi ito kay Ianny na wala manlang pakialam sa mundo.



At 'yon din ang dahilan kung bakit hindi niya rin napansin na nakatingin daw si Tyler sa kanya. E, hindi niya naman kasi ito napansin at nakita man lamang.



"Totoo ba 'yang sinasabi mo? 'Yong hinayupak na lalaking mukhang alikabok na napapagitnaan ng dalawang malanding higad ba ang tinutukoy mo?!" Ang bitter naman pakinggan ng kaibigan niya. Animo'y isang girlfriend na nagbubunganga.



"Mismo!" Mabilis niyang saad.



Biglang umamo ang kanyang mukha na nakatunghay parin kay Ianny. "At talaga rin bang nakatingin sa akin kanina si Tyler?" Hindi niya napigilan ang kanyang sarili na usisain ito.



Nagdadalawang-isip kasi siya kung lilingunin niya ba ang kinaroroonan ng binata o hindi. Pero naunahan agad siya ng hiya kaya hindi niya na lang ginawa ang kanyang iniisip.



Tinaasan siya nito ng kilay. "Hm. And why are you so interested? Kung ako sayo, papatayin ko na agad kung ano man 'yang nararamdaman mo para sa kanya. Look at them," harap-harapan pa talagang nginuso ni Ianny ang binatilyo. Hindi manlang nahiya. "He already found his k-landmate."



Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. "What do you mean? I mean, ano ang k-landmate?!" Naguguluhan niyang tanong.



"Duh?! Hindi mo alam? K-landmate? Kalandian-mate. As in kalandian sa buhay."



"Pasensya na alam mo namang wala akong alam sa mga ganyang bagay, diba?"



"At ano ang tingin mo sa akin? Expert?! Common sense ang tawag do'n."



Tumuwid ito ng upo, pinaningkit pa nito ang mga matang matiim na nakatitig sa kanyang mga mata saka pinagkrus ang mga kamay sa ibabaw ng dibdib nito na tila isa itong pulis na handa sa pakikipag-interrogate.



"I want you to be honest with me. Pero ayos lang sa akin kung ayaw mo, hindi kita pipilitin. Alam ko rin naman kung nagsasabi ka ba ng totoo o hindi sa akin. Psh, ano pa ang silbi ng pagiging mag-bestfriend natin sa loob ng napakahabang panahon kung hindi rin lang kita makikilala ng lubusan."



Humugot ito ng maraming hangin bago muling nagsalita. Ang OA na talaga ng kaibigan niya. Wala rin itong pinipiling lugar kapag sinusumpong ng ka-OA-han nito. "Isang tanong isang sagot lang 'to. Straight to the point at walang patumpik-tumpik, ok?"



Para namang may choice siya. Alam na alam niya ang mangyayari kapag hindi niya ito sinunod sa gusto nito. Dalawang bagay lang ang kahahantungan nito kapag hindi siya rito makipag-usap ng masinsinan. It's either, hindi siya pansinin ng one month o hindi ito magpakita sa kanya sa loob ng tatlong linggo.



Syempre, 'yon ang ayaw niyang mangyari. Oo nga't marami siyang mga kaibigan at kakilala. Pero iba parin kapag 'yong best friend mo ang kasama at kausap mo palagi. Kay Ianny lang kasi siya kumportable e. Ayaw niya namang pilitin ang kanyang sarili na makipag-plastikan sa iba, dahil hindi siya gano'ng uri ng tao. Naku, baka masabihan pa siyang loner kapag nagsolo Lang siya.



"Do you like Tyler?"



"N-no.. I m-mean... I d-dont know."



Mas inilapit pa ni Ianny ang mukha nito sa kanya. "Ang sabi ko, isang tanong isang sagot lang, diba? Bakit dalawa ang sagot mo?"



"E, hindi ko naman kasi talaga alam ang sagot. Paano mo ba masasabi o malalaman kung may gusto ka sa isang guy?" Napa-face palm ito dahil sa kanyang sinabi na parang naubusan na ng pasensya.



"You know what?! Hindi na normal para sa isang tao 'yang kainosentihan mo. 'Di ba madalas tayong manood ng mga korean drama? Ano ba ang nagiging reaksiyon do'n ng mga babaeng bida kapag nakikita at nakakasama nila ang cute at singkit nilang boyfriend?"



"K-kinikilig?" Alanganin niyang tugon.



"Seriously? Bakit parang hindi ka sigurado?"



"E kasi, hindi ako siguro kung kinikilig ba talaga ang bidang girl sa palabas o hindi? Paano ko malalaman ang nararamdaman nila? Ako ba ang nasa sitwasyon nila? Ako ba ang may boyfriend? Hindi ko nga alam kung bakit nagta-transform ka na parang bulate kapag nanonood tayo ng k-drama e. Namimilipit ka na parang naiihi, saka para kang kinukulam habang nakangisi." Napakamot siya sa kanyang ulo habang sinasabi niya 'yon nang maalala niya ang nagiging reaksiyon ni Ianny sa t'wing nanonood sila ng k-drama. At least, ngayon ay malalaman niya na ang kasagutan sa kabila ng ikinikilos nito.



"Ok, walang duda. Wala ka ngang gusto sa kanya. Kumbinsido na akong wala ka nga talagang pagtingin kay TT. Ayoko ko ng makipag-usap sayo. Lumuluwang mula sa pinagkakabitan ang isang turnilyo ng utak ko. Baka mabaliw ako nito ng wala sa oras."



"Grabe ka naman. Parang pinalalabas mo na nakakabaliw ang pakikipag-usap sa akin." Tumungo siya habang nakatulis ang mga nguso.



"Hindi nga ba?"





Vote, comment and share! Thanks 😊 keep safe people 😘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top