Kabanata 14
NAPABALIKWAS ng bangon si Ianny nang malakas na nag-ingay ang alarm clock na nakapatong sa bed side table. Halos hindi niya maimulat ang namimigat pang talukap ng kanyang mga mata. Nag-inat muna siya bago sapilitang idinilat ang kanyang mga mata.
Inilibot niya ang kanyang paningin. Sa bahay pala ni Shandel siya nag-sleep over kagabi. Grabe, inaantok pa siya. Napahaba kasi ang kwentuhan nilang magkaibigan. Mabuti na lamang pala at Wednesday ngayon, civilian attire is allowed. Manghihiram na lang siya ng susuotin niya kay Shandel. Alam niya rin na marami itong stock na mga undergarments.
Babangon na sana siya nang mapansin na wala sa tabi niya ang kaibigan. Hala! Nasaan na 'yon?! Mas tulog-mantika kaya 'yon keysa sa kanya kaya nga mas madalas na siya ang sumusundo dito e. Lalo na ngayong puyat ito, imposible namang inistorbo at ginising ito ng Ate no'n. Dahil kung gano'n ay magigising din siya. Sobrang lakas kaya ng boses no'ng Ate no'n, tinalo pa yata ang busina ng ambulance sa sobrang tinis at lakas ng boses.
Napakamot siya sa kanyang batok bago tuluyang tumayo. Lumapit siya sa closet ni Shandel saka naghalungkat ng pwede niyang suotin. Hmp. Walang taste. Hindi niya type ang mga damit nito pero pwede na ring pagtiisan.
Isang kulay pula na fitted dress ang kanyang napili, medyo may kahabaan 'yon pero kaya pa namang gawan ng paraan. Kumuha rin siya ng isang pair ng undergarments na susuotin bago siya nagtuloy sa loob ng c.r na nasa loob din mismo ng silid ni Shandel.
NAGKUKUMAHOG sa pagmamadali si Shandel sa pagkilos nang mapagtantong inabot siya ng tatlong oras sa pag-ligo. Nang mapadaan siya sa whole body mirror ay napasimangot siya sa ayos niya. Tutal ay fit ang kanyang dress, tinupi niya iyon pailalim para mas lalong umikli 'yon. Ipinaabot niya iyon hanggang binti niya.
"Ang galing mo talaga!" Puri niya sa kanyang sarili habang nakaharap sa salamin nang masiyahan sa kanyang ayos.
Dinampot niya ang kanyang handbag saka lumabas ng kwarto.
SALUBONG ang mga kilay ni Shandel habang nakatingin sa may hagdaan. Paano ba kasi, mula sa itaas ay naririnig niya na ang mga paang nagma-martsa pababa ng hagdan.
Nang bumungad ang kaibigan ay naguguluhan niya itong tinapunan ng nagtatanong na tingin.
"Grabe, parang hindi kaibigan! Hindi manlang ako ginising. Ang sama ng ugali." Reklamo nito ng hindi tumitingin sa kanya.
Bumuntong-hininga siya. Parang nagiging matampuhin yata itong kaibigan niya lately. Matiim siyang sumulyap dito saka nameywang. "Aysus! Nagtampo pa, halika na nga't maupo ng makakain na tayo. For your information, gumising ako ng maaga dahil nagluto ako ng breakfast natin dahil wala rito ang Ate, nagtext kasi siya kagabi na out of town siya e. At may natanggap akong message galing sa classmate natin na wala raw tayong pasok sa first subject natin, kaya hindi na kita ginising ay para makapagpahinga ka pa. Alam ko namang napuyat ka sa pag-i-story telling mo about sa love of your life mo e. Na-istorbo ba ng mahiwaga kong alarm clock na gift mo mismo sa akin ang mahimbing mong tulog? Sorry, nakalimutan ko kasing i-off." May bigay-diin na sabi niya.
Lumambot ang ekspresyon ng kanyang kaibigan at biglang may sumilay na matamis na mga ngiti. "Ahw! Thank you 'yot. Ang swerte ko talaga sayo. Don't worry sweet din naman ako sayo, diba? Pero, maiba ako, buti nagising ka ng maaga? E, diba tulog mantika ka?"
Mahina niya itong nahampas sa balikat. "Pasaway ka! Syempre, nasa pamamahay ko ang isang prinsesa kaya dapat lang na pagsilbihan kita." Sabay silang napabungisngis dahil sa kanyang sinabi.
"At least, ngayon ay alam mo na ang feeling kung paano binubulabog ng alarm clock ang masarap kong tulog." Pabulong niyang dagdag.
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Ianny ang kanyang sinabi kaya naman pabiro siya nitong binatukan. "Gaga! Lahat kaya ng mga regalo ko sayo ay puro useful and helpful. Ikaw lang talaga itong hindi marunong mag-appreciate sa mga 'yon."
"Oo na. Ako na ang walang certificate of appreciation. End of conversation. Kumain na nga tayo." Yakag niya sa kaibigan baka kung saan naman mapunta ang usapan nila.
NAPAGDESISYUNAN nilang magkaibigan na mas maagang pumasok sa school. Kaya naman, one hour before their class ay natungo na sila ng school.
Gusto niya sanang tumambay sa library ngunit hindi 'yon natuloy nang igiit ng kanyang kaibigan na sa gymnasium nalang daw sila magpalipas ng oras.
"Bakit ba dito mo pa naisipang magpunta, ha?"
Kunot-noo siya nitong tinapunan ng tingin. "C'mon! Don't tell me, hindi mo naa-appreciate ang nagkalat ditong mga magagandang tanawin?!"
Dahil sa sinabi nito ay mabilis na lumapat ang kanyang kamay sa batok para sana masapok niya ito ngunit agad rin namang nakaiwas. "Iyan na lang ba palagi ang ira-rason mo sa akin, ha?"
Nagpipigil ito ng ngiting linapitan siya saka ikinawit ang kamay nito sa kamay niya. "Joke Lang! Ang serious natin today a? Hindi ka pa rin ba nasasanay sa akin?"
Nagpatianod na lamang siya ng hilain siya nito papunta sa isang bakanteng upuan para doon pumwesto.
"You know what?! Life is truly unfair." Usal nito na hindi manlang siya tinapunan ng tingin kundi sa mga katawan na nakabalanda sa harap nila.
Akala siguro ni Ianny ay siya lang ang marunong makipag-usap ng hindi tumitingin?! Pwes, marunong din siya. At dahil naaasiwa siya sa magandang tanawin kuno na nasa harap nila ay itinuon niya na lang ang kanyang tingin sa kanyang cellphone. "Bakit mo naman nasabi 'yan?"
Marahas itong bumuntong-hininga pero hindi parin siya nito nililingon. Ngumuso ito, "look at them." Turo niya sa ibang mga couples na naroon din sa loob ng gym. "May mga love life sila. Samantalang, tayo ay wala. My gosh! E, mas hamak na maganda pa tayo sa mga 'yon, diba?"
Walang kagatol-gatol na sinapok niya si Ianny.
"Ano'ng problema do'n? Hayaan mo sila, nagmamadali yata sila sa buhay nila. Hindi naman kasi lahat ng bagay ay minamadali. Kung minsan kailangan din natin maghintay, naniniwala akong may nakalaan ang bawat isa sa atin. And I want to meet mine in the right place on the right time."
★
Hiya people!
Please don't forget to vote, comment and share!
And please follow me for more updates 😁
#KeepSafe
#StayAtHome
#StayStrong
#StayCOVIDFree
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top