Kabanata 13

"HE WILL be mine soon. Lahat ay gagawin ko upang mapasaakin siya. No one can stop me, by hook or by crook. Kung hindi ko siya madadaan sa santong dasalan, dadaanin ko nalang sa santong paspasan." Desperadang saad ni Ianny sa kanya. Kanina pa ito nagmo-monologue about the love of her life kuno. Hindi niya mawari kung seryoso ba ito sa sinasabi nito o nagbibiro lamang. Etchusera talaga itong kaibigan niya. E, sa pagkakatanda niya ay parehas silang walang boyfriend. Hindi lang 'yon, NBSB silang dalawa ever since the world begun.



Napapantiskuhang tinitigan niya ito kung may bahid na nagbibiro lamang ito. Ngunit, bigo siya. Ibig sabihin ay seryoso nga ito sa kanyang mga sinasabi. "What do you mean? Oh goash! 'Wag mong sabihin na balak mong pikutin 'yon?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya.



"Bakit hindi?! Kung 'yon lang ang tanging paraan para maging akin siya." Nakangising tugon nito habang nakataas pa ang isang sulok ng labi nito.



My gosh! She's crazy. I doubt it. Alam kong hindi niya talaga magagawa 'yon.



Nang matapos sila sa panonood ng movie at pamamasyal sa mall ay nagpumilit na ihatid sila ni Gyth pauwi. Ayaw niya na nga sana baka makaabala pa sila, tutal naman ay may dala silang sasaktan pero ang walang hiya niyang kaibigan ay gumiit na magpahatid sa binatilyo. Gusto raw nitong lubos-lubusin ang presence ni Gyth.



At dahil gustong mag-sleep over ng kaibigan niya sa kanila, ayun! Wala siyang nagawa. Ayaw magpaawat e. Mahaba-habang puyatan na naman ito sa parte niya.



Para itong nananaginip nang gising habang ikwene-kwento sa kanya ang sweetness daw at pagiging gentleman sa kanya ng binata habang dakut-dakot pa ng mga palad nito ang kapiraso ng bedsheet.



"Sigurado ka na ba talaga diyan?! Hindi ka na ba talaga magpapaawat? Wag kang umasa 'yot para iwas nganga. Ikaw rin. Baka sa bandang huli ay masaktan ka lang." Hindi niya napigilang sabad. Baka sakaling matauhan ito sa pag-iilusyon.



Agad na nagbago ang kislap ng mga mata nito. Naging tila biyernes santo ang mukha nitong nakatunghay sa kanya. "Excuse me, kung makapag-advice ka akala mo naman ay may karanasan na sa ganitong usapin. Expert lang? Tsaka, sino ba ang hindi tatablan ng alindog kong pang dyosa, aber?" Hindi niya alam kung saan humuhugot ng lakas ng loob itong kaibigan niya.
Sobrang lawak ng imagination tsaka ang tayog ng self-confidence nito.



Pinaikot niya ang kanyang mga mata ng 360 degrees dahil sa sinabi nito.
"Oo. Alam kong maganda ka, nando'n na tayo. Given na 'yon, ang sinasabi ko lang naman sayo ay wag kang umasa dahil baka puro luha lang ang mapala mo sa kanya. Maghanap ka nalang ng iba. 'Yong wala kang gaanong kaagaw. Parang suntok sa buwan 'yang gusto mo."



Marahan siya nitong hinampas sa kanyang balikat.
"You know what?! Walang patutunguhan itong pag-uusap natin. Kung makapag-advice ka naman na maghanap ako ng iba ay parang mamimili lang ako ng damit sa ukay-ukay? Ano'ng magagawa ko kung sa kanya tumibok itong puso ko? Siya ang isinisigaw ng nguso ko at pinipintig ng ano ko? Basta, siya ang lahat sa akin. Ayokong ibaling sa iba itong feelings ko. Sa panahon ngayon, pati mga pangit at hindi naman kagwapuhan ay wagas kung mag-two time. Kabi-kabila kung makapambabae. Yikes!"



Tama. May punto ang kaibigan niya. "Paano mo naman nasabi na sa kanya tumitibok ang puso mo?" 'Di niya napigilang itanong. May gusto rin kasi siyang mabatid. Nais niyang malaman kung tama ba ang kanyang hinala.



"Duh?! Syempre, kapag nasa malapit siya ay bumibilis ang pagtibok ng puso ko. 'Yong feeling na parang tinakbo ko ang Samar mula Leyte? Kahit hindi naman. 'Yong ngitian niya lang ako pero parang nasa cloud nine ako. Magdikit lang ang mga balat namin ay tila makukuryente ako dahil sa bolta-boltaheng electricity na dumadaloy sa mga ugat ko. 'Yong pakiramdam mo ay kaya mong gawin lahat para sa kanya. Parang pak-pak, ganern-ganern." Isa lang ang napansin niya habang sinasabi iyon ng kaibigan niya. May kakaibang kislap ang mga mata nito. 'Yong parang punong-puno ng pagmamahal para sa isang tao.



Marahas siyang napabuntong-hininga. This is bad! Mukhang tinamaan nga ito ng pana ni kupido. And the worst thing is, they're on the same state. Gano'n din kasi ang nararamdaman niya para sa isang tao. Atleast, may nakikita siyang pag-asa sa kaibigan niya, e, siya? Mukhang malabong mangyari 'yon.



Wala siyang masabi sa inilahad nito sa kanya. Kaya nanahimik na lamang siya. Maya-maya pa'y sinipat ni Ianny ang wristwatch na nasa kanyang bisig bago iyon kinalas at ipinatong sa bed side table.



Humikab ito ng pagkawagas-wagas na akala mo'y hindi babae bago siya nito tinapunan ng mga mata nitong mapupungay dala siguro ng antok. "Matulog na tayo. Inaantok na ako. Pasado na pala alas dos ng madaling araw. Sorry, hindi ko napansin ang oras."



Nag-atubili siyang tumango. Kapagkuwa'y umusod si Ianny palapit sa kanya saka siya hinalikan sa kanyang pisngi. "Goodnight." Halos pabulong nitong saad.



Kapwa na sila nakahiga. Batid niyang nakatulog agad ang kanyang kaibigan ngunit hindi manlang siya dalawin ng antok.



Gusto niya sanang magpabaling-baling sa kanyang kama ngunit hindi niya ginawa dahil baka magising niya ang nasa kanyang tabi na mahimbing ng natutulog. Malikot kasi siya sa kama kapag ganitong may gumugulo sa kanyang isipan.



Nang sa wakas ay tumihaya siya, 'yon na lamang ang pinili niyang posisyon. Ayaw niya namang lumabas sa kanyang veranda upang magpalipas ng oras. Kaya pinili niya na lang manatiling nakahiga. Nakatutok sa kisame ang dilat na dilat niyang mga mata habang naglalakbay ang kanyang diwa sa binata. Ayaw mawala sa isip niya ang nangyaring engkwentro sa pagitan nila ni Tyler kanina.



Balewala lang ba dito ang ginawa nitong paghalik sa kanya? Oo nga't mga musmos pa lang sila no'n at sa kanyang pisngi lang ito humalik, pero big deal parin 'yon sa kanya. Ayaw niya mang isipin, pilit niya mang binabaon sa limot ay 'di niya parin kalimutan. Tila ayaw lumimot ng kanyang puso.



Siguro ay panahon na para ibaling niya ang kanyang atensiyon sa iba. Baka sakaling matauhan na siya sa kanyang pag-iilusyon. Baka may mas deserve sa feelings niyang iba.








Hiya people!

Please vote, comment, and share! Thanks 😘

Keep safe 😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top