Kabanata 12

TUTOK NA tutok ang mga mata ni Tyler habang nakatunghay sa pinapanood nang makuha ng kanyang katabi ang kanyang atensiyon dahil sa pagkakasagi sa kanyang kamay na may hawak na cup ng juice na may nakatusok pang straw, dahilan upang matapon iyon ng kaunti.

Sa simpleng pagkakasagi sa kanyang kamay ay may hatid iyon na hindi niya kayang maipaliwanag na pakiramdam. Parang pamilyar sa kanya ang ganoong pagkudlit sa kanyang puso. Isang tao lang ang nakakagawa no'n sa kanya. Dala ng kuryusidad ay sinulyapan niya ang taong may gawa no'n.

Nilingon niya ito sa kanyang tabi ngunit gayon na lamang ang gulat niya nang makilala niya ito. Nahigit niya ang kanyang paghinga. Hindi siya pwedeng magkamali.

Parang biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo niya. Wala siyang ibang makita kundi ang tanging tao na nasa kanyang tabi. Animo'y isa itong anghel na bumaba sa lupa upang gawing miserable ang kanyang paghinga at pabilisin ang pagtibok ng kanyang mailap na puso.

Shandel!

His heart is thumping like crazy. Nakakabakla man na gawin 'yon ay hindi niya parin napigilang itapat sa kanyang dibdib ng palihim ang kanyang isang kamay. Pasimple niyang hinimas ang tapat ng dibdib baka sakaling bumalik ito sa dating huwisyo. Nakakatakot ang ganoong pakiramdam.

Mababakas din sa mga mata ng dalaga ang pagkagulat. Nakaawang pa ng konti ang mga labi nito habang nanlalaki ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Shit! Those forgiven hazelnut eyes. Walang may hindi maaakit sa taglay nitong mga mata na tila tumatagos sa kaluluwa ng sino man kapag tumititig.

Mas lalo pang gumanda ang dalaga. Alam niyang maganda na ito dati pa pero hindi inaasahan na may mas iga-ganda pa ito. Maliit ang mukha nito na may matangos na ilong, mapula at kissable lips, mapupungay na mga mata na tila tumatawa at palaging nangungusap, at bumagay din dito ang may kahabaan nitong buhok na alam niyang natural ang kulay nitong kulay ginto. Maputi rin ito. Her beauty is like a ray of sunshine that radiates in her. Damn it! She's really a beauty.

It's been years. But nothing's changed. Especially his feelings for her. It's true his feelings has never changed kahit kaunti ay walang nabawas. Maraming taon man ang lumipas ay hindi no'n natabunan ang feelings niya para sa dalaga. Marami ang magaganda, mayaman, sexy, at pwede niyang maging girlfriend pero wala manlang ni isa ang nakapantay kay Shandel. Iba ang karismang taglay nito. 'Yong tipong mahuhulog ka nalang ng hindi mo inaasahan tapos mahirap umahon sa pagkakahulog mo na 'yon sa kanya.

Bata pa lang siya ay aware na siyang may pagtingin na siya para dito. Pero hindi niya iyon pinansin dahil sa mura nilang edad. Dinaan niya na lang sa pang-aasar at pang-iinis ang lahat, sa ganoong paraan ay napapansin siya ni Shandel.

Oo, napapansin nga siya ni Shandel pero masama naman ang loob nito sa kanya. Palaging magkasalubong ang mga kilay, palaging nakasigaw sa kanya, halos hindi rin maipinta ang mukha nito sa t'wing nakikita siya nito. Nai-imagine niya rin na umuusok ang ilong nito kapag sinusungitan siya nito. But he find it cute!

Ibayong kaligayahan ang dulot niyon sa kanyang munting pusong umiibig, puppy love kumbagang maituturing, sa t'wing nasa kanya ang atensiyon nito. Hindi nako-kompleto ang araw niya kapag hindi niya nasisilayan ang nakabusangot nitong mukha.

Hindi niya rin alam kung anong pumasok sa kukote niya no'ng araw na magpapaalam sana siya dahil luluwas sila ng kanyang Mama sa Manila at doon na siya magpapatuloy ng kanyang pag-aaral dahil na promote ang kanyang ama sa pinapasukan nitong Law Firm. Labag man sa kalooban niya ay wala siyang nagawa sa desisyon ng kanyang mga magulang.

Gusto niyang makita ang sinisinta ng kanyang puso kahit sa huling pagkakataon na 'yon, hindi para nakawin ang unang halik nito. Bagama't hindi niya intensiyon na gawin 'yon kay Shandel ay wala siyang nadama ni katiting na pagsisisi.

Maraming taon ang lumipas ngunit hindi nawaglit sa kanyang isipan ang dalaga.
Ipinasa niya ang entrance examination sa Vernidiax's College ng mag-first year college siya, pero hindi pumayag ang parents niya na umuwi kaya naman wala siyang nagawa kundi ipagpaliban ang pag-uwi. At ipinagpatuloy na lamang ang pag-aaral sa Manila.

At ngayon nga na nag-retired ang kanyang ama ay kinumbinse niya ito pati na rin ang kanyang Mama na bumalik na sa dati nilang lugar. Mabuti nalang at nakumbinse niya ang mga ito.

Nagdesisyon siyang gugulin ang kanyang summer vacation nang sumapit 'yon, sa dati nilang lugar, sa lugar kung nasaan si Shandel ngunit isang pangyayari ang hindi niya inaasahan nang makitang muli ang dalaga---

"I---m s--sorry." Pabulong nitong saad. Halos hindi 'yon umabot sa kanyang pandinig. Nabasa niya lang iyong sa pagbigkas nito. Hindi siya sigurado kung sadyang mahina lang talaga ang pagkakasabi nito o hindi niya talaga narinig ng lubusan dahil naglalakbay ang kanyang diwa.

"It's f-fine." Medyo nauutal niya ring bulalas. It's not a big deal anyway.

Tinanguan siya nito saka iniwas ang tingin. Humarap ulit ito sa screen at doon na muli pinukos ang atensiyon nito na parang walang nangyari.






HALOS pangapusan ng hininga si Shandel sa nangyari. Of all places? Of all people? Bakit dito pa? Bakit siya pa? Destiny, na nanadya ka ba talaga?!

Ano bang problema kung siya ang nasagi mo? Bakit parang big deal naman yata sayo? Oo, wala naman talaga siyang pakialam kung hindi lang sana nagwawala ang puso niya kapag nasa paligid ang binata.

Ni hindi niya nga alam kung paano umakto at kung ano ang ia-akto niya kapag nasa paligid si Tyler. Ang OA kasi ng utak niya e, nagma-malfunction kumbaga sa computer, nagha-hang na nga matagal pa mag-loading.

Kahit nakatingin siya sa kanyang pinapanood ay wala ro'n ang isip at konsentrasiyon niya, kundi nasa binata parin. Nag-aalala siya baka isipin ng binata na careless siya at medyo may pagkatanga. Haay, buhay. Ang saklap!

Pilit niyang linabanan ang sariling lingunin ulit si Tyler kaya naman inilihis niya ang kanyang tingin sa kaibigang katabi niya.

Na sana ay hindi niya na lang ginawa. Para itong namamaluktot. Hindi niya mawari kung dahil ba sa kilig dahil hawak ni Gyth ang isang kamay nito o dahil sa lamig?

Bigla siyang napabungisngis nang mapagtanto niyang nakapang-summer attire nga pala ito. Hihi. Kahit paano ay nabawasan ang alalahanin niya sa binatilyong katabi.




Hiya people!

Please vote, comment and share my stories 😁 You can also flow me if you want 😉

Keep safe 😘

Sorry, patikim lang muna ang PoV ni Tyler 😜😝

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top