Kabanata 1
"SHANDEL! Bilisan mo naman. Male-late na tayo sa first subject natin. First day of school pa naman ngayon. Tsk, ang bagal talagang kumilos." Sigaw ni Ianny mula sa ibaba ng bahay nila.
Dali-dali niyang hinablot ang kanyang bag na nakapatong sa bedside table saka patakbong bumaba.
"Good morning 'yot. Ang aga natin ah." Masiglang bungad niya sa kaibigan. Ngunit, umismid lang ito sa kanya. Kaya nag-peace sign siya gamit ang kanang kamay.
"Hindi mo 'ko madadala sa paganyan-ganyan mo. My Gosh! Shandel. Saan mo ba dinala 'yong mga gifts ko sayong alarm clock?" Tinaasan siya nito ng isang kilay.
Mula grade one hanggang ngayon na college na sila ay puro alarm clock ang regalo nito para sa kanya. Mabuti na lamang at kapag birthday lamang niya. Naiiba lang kapag Christmas at Bestfriend's Day nila. Yes, sine- celebrate nila ang araw na maging magkaibigan sila. And it started when they were five.
Pinalamlam niya ang mga mata bago palambing na nagsalita. "Nanghihinayang akong gamitin eh. Ang gaganda kasi ng mga designs at styles, and since marami naman—" She paused for a moment. Pagkuwan ay tinitigan niya ang kaibigan sa mga mata upang makita kung gumagana ang pagpapalusot niya. Hindi niya kasi masabi-sabi sa kaibigan na ayaw niyang nagigising sa tunog ng alarm clock. Sumasakit kasi ang ulo niya. "Ginawa ko nalang na collection. Sapat na ang mala-megaphone na boses ng ate ko para magising ang buong sambayanan. Mabagal lang talaga akong kumilos." Palusot niya.
Irap lang ang naging tugon ng kaibigan niya saka umupo.
Sumulpot naman ang ate niya mula sa komedor na may dalang breakfast para sa kanya. "Hindi ko 'ata alam na mala-megaphone pala ang boses ko, baby girl." Nang-uuyam na wika ng ate niya. Inilapag nito ang hawak na tray na may lamang pagkain. Saka naka-pameywang na humarap sa kanya.
"Don't worry Teh, ala- megaphone lang 'yong sayo kay Mommy 'yong ala-speaker. 'Yong malaking speaker na parisukat at ginagamit sa mga plaza tuwing may sayawan." Biro niya pa dito.
Napailing nalang ang ate niya sa kanya. "Be thankful baby girl. Mom's not around. Dahil kung hindi, lagot ka."
Nginisihan niya lang ito. Umupo na siya sa hapag at inumpisahang lantakan ang pagkaing inihain sa kanya ng kapatid. "Teh, what time ka papasok sa work mo?"
Sinipat nito ang wrist watch na suot. "Don't worry it still early. I'll go to work after I serve you." Ang sweet talaga ng ate niya. Kahit madalas na wala ang mommy nila dahil busy sa work ay pinupunan ng ate niya ang pagkukulang at pag-aalaga ng mga ito sa kanya. Wala na silang Daddy, namatay ito no'ng highschool siya. Ang mommy nila ang mag-isang itinataguyod sila. Pero tumutulong na rin naman ang kanyang ate dahil naka-graduate na ito at kasalukuyang nagtatrabaho.
Tumango siya. "Sana next week pa ang start ng regular class ng mga private school. Minsan talaga e, naiinggit ako sa rules and regulations ng mga public and universities. Bakit ba kasi ang strict ng Bordeaux's College?" May panghihinayang na sabi niya.
Bordeaux's College is a prestigious, exclusive for rich people and state of the art private school. Afford niya ang mag-aral doon ngunit hindi pumayag ang mommy niya. Gusto nito na magtapos siya sa SNS, Ang Alma Matter ng kanyang ina. Pero syempre, dahil nagpumilit siya at sadya yatang hindi siya kayang tiisin ng ate niya ay ito na mismo ang nangumbinse sa mommy nila.
"Okay lang 'yan. After you graduate college ay pwede kang magpahinga kung gusto mo at kahit hindi ka kaagad mag-work ay ayos lang. I'll assure you that." Nakangiting tugon ng kanyang ate.
Ginantihan niya lang din ito ng isang matamis na ngiti.
"Now, finish your food. Male-late na kayo." Dugtong pa nito.
Imbes na tumalima ay mabilis niyang kinuha ang tuna sandwich na gawa nito para sa kanya saka humarurot palabas ng bahay nila.
Napailing nalang ang kanyang ate sa inasal niya.
Samantala, padabog na tumayo mula sa pagkakaupo sa single sofa si Ianny na hindi maipinta ang mukha. "Grabe, ang sama talaga ng ugali. Nakalimutan pang may naghintay sa kanya." Sumunod ito sa kaibigan.
NASALUBONG ni Shandel ang kaibigan nang tangkain niyang balikan ito sa loob ng bahay nila. "Sorry 'yot. Babalikan sana kita sa loob. Tutal, nandito ka na—" Naputol ang sasabihin niya nang sinamaan siya nito ng tingin.
Kahit nakasimangot ang kaibigan ay ikinawit niya parin ang kanyang mga braso dito saka nagpatuloy. "Let's go 'yot. Baka ma-late na tayo nito. Hihi."
"Ewan ko sayo." Pagtataray nito sa kanya sabay irap. Napahalakhak na lamang siya sa ginawi nito.
FILIPINO 101 ang first subject nila. Since, first day of school pa lang — requirements, grading system and introducing oneself lang ang ginawa nila and they're dismissed early.
They're both enrolled in the Engineering Department. Halos magkasundo silang magkaibigan sa lahat ng bagay including addicted to numbers. That's why they decided to take the same course.
They decided to grab a bite in the cafeteria. They ordered food. And they eat.
"Yot, alam mo na ba 'yong bali- balita?" Ianny asked her sabay subo ng Hawaiian pizza.
Nagsalubong ang mga kilay niya. "About what?" Tanong ni Shandel saka sumimsim ng pepsi in can. (A/N: Hindi po ako endorser)
"Bumalik na raw si Tyler Torres."
Nanlaki ang kanyang mga mata.
"What!" Gulat na naibulalas niya sa kaibigan. Lumingon sa kanila ang ibang naroon din na kumakain dahil medyo napalakas ang boses niya.
Linunok niya muna lahat ng pagkain na nasa bibig niya. Uminom ng Pepsi blue na nasa bottle at muling nagsalita. "As in Tyler Torres? Si Talyer? Si TT? " Sunod-sunod niyang tanong.
"Ayy. Nagulat lang? E, di ba, isa lang naman ang Tyler Torres na naging classmates natin no'ng elementary tsaka highschool? 'Yong palaging nangti-trip sayo, remember?" Sikmat ni Ianny sa kanya.
Dahil sa sinabi ng kaibigan, ang bahagi ng may kalayuan na ring kahapon ay bumalik sa kanyang isip.
"SHANDEL!" Nakangiting wika ni Tyler na humarang sa daraanan niya. Pauwi na siya at hindi niya kasabay ang kaibigang si Ianny dahil pinauna na itong pauwiin ng kanilang guro sa kadahilang masama ang pakiramdam.
Napaatras siya saka napahawak sa bahaging dibdib dahil sa gulat.
"What's with you, huh? Ba't ba nanggugulat ka? Ano bang kailangan mo sa akin?" Pagalit niyang tanong dito.
"Gusto ko sanang humingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko na ikinasama ng 'yong loob." Matiim na matiim ang titig nito sa kanya saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"Kaya ko lang nagawa ang lahat ng 'yon ay dahil gusto kong mapansin at magpapansin sayo." Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis sa kanya.
Shucks! Ang pogi. First time niyang masilayan ang matamis nitong mga ngiti. Palagi kasi itong nakangisi sa kanya.
Baka patibong lang 'to, she cleared her throat, pilit na linalangkapan ng pagkayamot ang kanyang boses, "I don't care. Napahiya mo na ako't nasaktan. Sa lahat ng ayoko ay 'yong mga kulang sa pansin. Paraanin mo na ako." Sinadya niyang samahan ng tigas ang tinig sa pag-asang masisindak niya ang batang lalaki.
Gayunpaman ay pinili niyang ignorahin ang kakaibang pakiramdam na hatid sa kanyang puso dahil sa ipinagtapat nito sa kanya. Pakiramdam na bago sa kanya at hindi niya mapangalanan.
Ngunit hindi kumibo o tuminag man lang sa kinatatayuan si Tyler.
"Hindi mo ba ako narinig? Padaan sabi eh, kelan mo ba ako lulubayan?" Nag-gagalaiti na niyang tanong. Kailangan niya na talagang makaalis. Baka makahalata na ito sa totoo niyang nararamdaman.
"Iyon ba talaga ang gusto mo?" Balik nitong tanong. Pagkuwan ay bumuntong-hininga. "Sige. Lalayuan na kita. Paalam. Mag-iingat ka palagi." Ngumiti ulit ito sa kanya. Ngiting unang beses niya pa lamang nasilayan. Ngiting may kasamang pagkislap ng mga mata.
Weird!
Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanya. Tila nahihipnotismo ang utak niya sa ngiting ipinagkaloob nito sa kanya.
Pigil-hininga siyang nagpakurap-kurap nang maramdaman ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang pisngi.
"Take care of yourself always. Alis na 'ko. I'm gonna miss you, Shandel." Malambing na sambit nito.
Natulos siya sa kanyang kinatatayuan. Pilit na ina-absorb ang nangyari.
Mahigit isang minuto siyang nanatili sa pagkakatayo. Nagpalinga-linga siya at nang mahinuhang siya lamang ang naroon at medyo nagdidilim na ang paligid ay wala sa sariling tinahak niya ang daan pauwi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top