Chapter 3: From the Officer's Handcuffs
TINITIGAN ko ang patalim na nakatutok sa lalamunan ko. Abot ang lamig at amoy ng metal nito sa mga butas ng ilong ko. Batid kong kahit isang maling galaw o salita ay maaaring makapagpapagilit sa leeg ko at makapagpapaligo sa akin sa sarili kong dugo. Ang unang mayanig ang magiging talo ng larong ito.
"Pinapahirapan mo 'ko," Eldridge sighed out of amusement and frustration at the same time, one side of his lips lifted as its evidence. "How could you even solve that?" It almost seemed he wanted to laugh, yet the creasing of his forehead gave it away--- that his suspicions were rattling him today.
I guess it wasn't just your ordinary chessboard case, after all, was it, Pherenn? But will you really kill me this early without even finding out how I did it?
"Answer me. Identify yourself, and I'll spare you," he demanded with gritting teeth.
Deep inside, I knew he wouldn't be able to corner me any further, for I could sense another presence approaching the door outside. Thus, I waited and stood my ground, neither evading his aura nor his sharp eyes that were as black as coals.
"Sir, kailangan na po nating umalis," pag-imporma ng presensyang napuna ko habang ramdam ko ang bulto nitong lumapat sa katawan ng pinto. "He's on his way here," he added, tension evident on the first word and concern over the latter ones.
My brows twitched with the silence that pronoun produced. Hindi lamang ito basta-basta pangngalan kundi halatang pagkukubli ng tauhan kung sino ang tunay na pinapatungkulan nito. Ito malamang ang taong ani ni Pherenn na kanilang target. Ang tao na siyang punto ng operasyon na sunugin ang apartment building. Dahil kung hindi siya nakaligtas mula sa sunog, hindi na dapat naghihintay pa rito ang mga alipores ng Familia.
Nang hindi inaalis ang tingin sa akin, binawi ni Eldridge ang patalim mula sa leeg ko at saka muli itong inilihim sa dilim. Sa isang iglap ay pinutol nito ang tagisan ng titig at napukol ang atensyon sa tauhang nasa labas at naghihintay ng susunod na utos. "Kung ganoon, ba't hindi pa natin siya batiin? Ihanda mo ang mga tauhan." Ito ang utos. Ma-awtoridad ang tono at walang alinlangang utos.
Nakahinga man nang maluwag kahit papaano, sumunod na palaisipan sa akin kung kailan ako makakakalas sa kaniyang kalso. Lalo na ngayong naibalik na sa trabaho ang atensyon nito. Pero wala pa mang isang minuto matapos ng utos, inilayo niya mula sa ulo ng white queen na chesspiece ang kanang palad ko at marahas na hinatak ito.
"You don't think I'll let you go just because our conversation was interrupted, do you?" he playfully asked, tilting his head in innocence as if he were the one receiving the shorter end of the stick. I can't help but scoff at him for being shameless.
Since he was shameless enough to use his gentle facade, I no longer held back and rolled my eyes away. The doctor chuckled as we knowingly agreed to behave towards each other without further verbal exchange, but it didn't mean he was giving up the captor's role.
Paulit-ulit na tumakbo sa kokote ko kung sino ang taong puno't dulo ng hangarin ng malupit at naglalagablab na apoy. Kung hindi ako, sino? Hindi ito mawala-wala sa isip ko kahit nang inakay na ako sa braso ni Eldridge para lumabas ng inn na nirentahan nila para subaybayan ang nangyaring sunog.
At tingnan mo nga naman ang tadhana, hindi na ako pinahirapan pang paghalukayin ng kasagutan, bagkus ito pa ang naglatag sa akin ng katotohanan.
Nanlilisik na mga mata, tinging mas matalas pa kaysa sa patalim na kaninang nasa aking lalamunan, at pinangungunahan ang mga kapwa nakasuot ng pamilyar na asul na uniporme, naroroon si Calvin. At lahat ng tinging nakamamatay niya, kay Eldridge niya ibinaling.
"Senior Inspector, magandang tanghali," magalang na bati ng nakaputi. Kakarampot pa niyang iniyuko ang kaniyang ulo bilang pagpapakita ng respeto na akala mo'y may magandang relasyon ang mga pulis at mafioso. "Anong maipaglilingkod ko sa inyo?"
Animo'y nadagdagan ng tinik ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang sinaryong ito kung saan kabilang ako. Para dalhin ng sarili niyang mga paa rito, tiyak kong sa isang punto, hindi lingid sa kaalaman ni Calvin na sinadya ang sunog at higit pa roon, na siya ang target nito. Pero ang maturo kaagad kung nasaan nagkakanlo ang mga nais pumatay sa kaniya... hindi nga ba't kakatwa ang detalye na ito?
Gayunpaman, binalewala ni Calvin ang mga pagbati at inupos ang nandidilim na paningin. Sa akin ay siya'y nakangiti at inialok ang kaliwang kamay niya sa 'kin. "Quinzel, I've been looking all over for you. Nandito ka lang pala. Halika na?" maamo niyang alo.
Subalit sa hindi ko malamang dahilan, hindi nagkusang umusad ang mga paa ko para bumalik sa kaniya at pawang tinitigan ko lang ang kamay niya.
Eldridge didn't waste time and used this to get on his nerves. "Oh my, do you even know this man?" he exclaimed, purposefully exaggerating his surprised reaction to subtly accuse the other as a stranger. "Inspector, don't you think you should visit an optical center soon? You might have mistaken her for someone else~"
Bumalik ang sentro ng mga mata ng kabilang panig sa katabi ko at hindi ko na kailangan pang usisain para siguraduhing may ngisi sa wangis ng doktor.
"I'm her legal guardian. Hindi ba't ikaw dapat ang tinatanong ko kung sino ka at bakit ka nakadikit sa kaniya?" patutsada ni Calvin kasabay ng pag-ekis ng kaniyang mga braso sa dibdib.
The mafioso grinned with his remark and proceeded on doing the same gesture. "Grabe ka naman, Mr. Aguirre. Do you even have to be that cold? It's not like we're absolute strangers to one another," he taunted while acting offended at the same time. "You know who I am just as well as I know you."
In that last quote, the police carefully tightened his jaws as he squinted his eyes at him. "Dr. Eldridge Cain Pherenn..."
Kahit na ba walang kaalam-alam si Calvin sa tunay kong kwento bago pa ako ipinagkatiwala sa kaniya na tulad ng isang kuting, may hula na ako sa kung ano ang kasalukuyang tumatakbo sa utak niya. Hindi niya nais na madamay ako sa gulo na mayroon siya sa mga mafioso.
And as much as I wanted to appreciate that, he's definitely going the wrong way. Sa pagtawag niya sa pangalan ko, sa pagpapakilala bilang legal guardian ko at ang malakas niyang depensa na ilayo ako, hindi ba't parang binigyan niya na rin ng panibagong kuryosidad si Eldridge tungkol sa amin?
"Quinzel, halika na. Don't make me tell you twice," tawag muli ni Calvin sa akin nang akmang yuyuko sana ang ulo ko para iwasan ang tensyon sa pagitan nila.
Dama ko ang ilang dosenang pares ng mga matang sa akin nakatuon; at malinaw rin na mas matimbang ang pag-aalala niya kaysa pagbabanta... Or at least, that's what I thought before Eldridge Pherenn butted in.
"It's funny. I met this little girl who we rescued a few days ago. Nang ibabalik na namin siya sa mga magulang niya, hindi niya magawang lumapit sa kanila o tumakbo nang may saya." He instantly mentioned a story out of the blue.
Bumuntong hininga siya at ikinalas ang mga brasong kanina'y nasa kanlungan ng dibdib niya. "Turned out, she's being abused by her parents," makahulugang pagtatapos niya sa kwento na awtomatikong nagpalingon sa 'kin sa kaniya. Ni hindi isang malisyosong ngiti ang itinugon nito sa akin kundi isang kompostura na nagsasabing alam niya ang ginagawa niya.
No matter what it seems, you're practically accusing him of abuse?!
"What a sad story," maikling reaksyon ni Calvin na pawang sinasakyan lamang ang kwento. "Then, care to tell us the story of how Quinzel ended up being with you, of all people?" Sinalag niya kaagad ang puntong pinararating ni Eldridge sa pamamagitan ng pagbato ng bagong anggulo. Hindi sa pamamaraan ng kwento kundi diretso.
I can feel the shiver and disbelief reach my spine up to the very skin as the conversation stirs south. Meanwhile, the people on their sides share the same energy of contempt for one another, blazing and unfading. They do know each other.
Eldridge hummed, swiftly evading the route his enemy wants to go to and continues to make his own point stand out. "Hindi naman siguro siya mapupunta sa puder ko kung may tumulong sa kaniya makalabas, tama ba?"
"Uso pala sa doktor na dumampot na lang ng babae at ipasok siya sa inn kaysa ipagkatiwala sa mga awtoridad ng barangay at health center," mas mabilis pa sa kidlat na natatawang balik ng kabila. Maging ang pulis ay walang binibigay na ideya ng pagsuko sa kanya.
"Kung ganoon..." lumawak ang ngiti ng katabi ko. "Uso rin pala sa pulis na mangandado ng unit kung saan naroroon ang pipeng babae na tinatago nila~"
Para akong nabingi sa huling tugon. Napatameme ang kapaligiran habang pumaulit-ulit na pumarinig ito sa magkabila kong mga tenga. Naghintay ako ng kasunod. Naghintay ako ng kontradiksyon para mahawi ang ideyang kahit kailan ay hindi dumaan sa isipan ko dahil si Calvin ang pinagkatiwalaan nina Archer at Hunter para sa kaligtasan ko.
But Calvin... neither answered nor attempted to brand the argument as a lie.
I was left dumbfounded and disappointed, my eye level lowering to the doctor's fairly muscular arm. Curious thoughts flooded in faster than the blood beginning to boil in my veins. Does that mean all the possible entrances and exits are already locked since the beginning and not just this morning?
"Quinzel... Let's go." I looked at the person who I thought to be so charitable and generous all this time with now a dimmer light. With his teeth and fists clenching, Calvin seemed to have stood closer than where I found him last. "Don't listen to him. He only speaks lies," he told me hoarsely, as if he was losing time; as if he was losing all excuses he once had.
Does he?
"I am many things, but I would never tolerate any deed of betrayal, Aguirre," Pherenn called him out with finality, clearly feeling insulted by his enemy's desperation. This response sent the other to shift his gaze in a different direction. He insists it's a lie, yet he can't look me straight in the eye.
Nasa sa akin kung sino ang paniniwalaan ko pero sa tuwing iisipin ko na sa mga nakaraang buwan na ito ay tinuturing na pala akong preso, kinikilabutan na ako. Nakapangdidiri isipin na nanirahan ako sa kulungang tila kapareho ng sarili kong kahapon.
I felt stupid and useless, blindly trusting a person again without even considering his intentions in the first place. History is repeating itself and I wanted to slap myself so badly for witnessing it roll in front of my face again. 'No more,' my soul screamed with the most writhing voice but couldn't be heard.
Kaya naman inabot ko ang manggas ni Eldridge. Hindi siya manhid pero umaasa akong sa pagsalubong niya sa mga mata ko, makukuha niya ang ibig sabihin ko. 'Tulungan mo ko,' ito ang gusto kong ipakiusap.
He didn't utter anything. Instead, he merely stared at me as if searching for that message I'd been trying to tell him. I wasn't aware if he was getting closer to it, but I do know our time for a non-verbal exchange is fleeting.
And so, I pulled my gaze away along with my dainty fingers from his sleeve. Though it displeased my mind and heart, I walked toward Calvin, whose relief was beyond his facial expressions.
"So long, Dr. Pherenn," he triumphantly told the doctor. He then gladly took my hand with warmth while all my skin felt was wrath.
"Don't worry, Inspector. I'm sure it won't be," the doctor bids ominously.
Wala ng ibang salita ang nailathala sa pagitan nilang dalawa nang sumama na ako sa kapulisan. Marahil sa isip ni Calvin ay nanalo siya subalit naipapasa ang titulo ng pagkapanalo sa araw-araw. Tanging panalangin ko lang ay mapagtanto ni Eldridge ang mensahe sa mga mata ko. Nang sa gayon, ako naman ang manalo sa araw na susunod.
In the end, my life will and always has been in your hands, Caesar Montelier.
******
BETA READER x AUTHOR CORNER
My beta reader when things escalate so quickly between Quin and doc:
Us who cannot wait for the 'Caesar Montelier' to appear:
Read. Like. Follow. Comment.
Isa pa lang 'yang si Eldridge. Marami pa tayong ML na pwedeng i-mine kaya hinay-hinay lang po.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top