Chapter 2: The Chess Pi_ces

WITHOUT any idea how much time had passed, the darkness still at the tips of my lashes, I woke up to the soft sounds of a bell charm somewhere. It seems to be tightly hung on a space that opens to a wider one, being blown freely by warm and embracing summer air.


'I could feel it,' my body tells me as it recognizes the same air that brushes past my skin. The ticking clock's hand continues to travel around the numbers endlessly, yet the heat remains unmoving like one of that distinct early afternoon touch.


Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko sa malalabo at naghahalong mga kulay ng puti't kayumanggi. Sa kada pagkurap at bawat segundong tumatagal na nakatingin ako sa unang direksyon na pinagkagisingan ko, natagpuan ko ang isang bentilador na marahang umiikot ang elisi sa de-kahoy na kisame.


Even though the image gets clearer in no time, my other senses sensitively notified me of my now slow yet steady breathing. The subtle clinking of ice cubes in a glass evidently contains whiskey's rich aroma. A lying cigarette, its rod inclined to perhaps, an ashtray, burns and blends its smoke naturally into the air.


Sa kung anumang dahilan, nakapapanatag sa dibdib ang bawat tunog, bawat maliit na galaw sa paligid, ang malambot na kamang kinahihigaan ko, at kahit na ba ang naghahalong amoy na dumaraan sa ilong ko. Nakapapanatag dahil bahagyang katulad nito ang naaabutan kong eksena sa silid niyang 'yon. Pero... nasaan nga ba ako?


Saktong pagsampal sa akin ng katanungang ito sa isipan ko, isang mukha ang sumulpot sa paningin ko. Masasabi kong may katangkaran at kalakihan ang katawan ng taong ito sa kung paanong madaling natakpan ng pigura niya ang sinag ng araw na nagmumula sa kaliwa ko. Sandaling hindi ko matunghayan ang wangis niya dulot ng pagkakahiga ko at pagkasilaw ngunit kalaunan, madaling tumatak sa akin ang bawat tampok nito.


Nangapa ang mga mata ko sa pangingilala ngunit sa sumunod na segundo ay natukoy ko rin ang pagkakakilanlan nito. Siya na ngayo'y abot sa magkabilang tenga ang ngiti sa akin na animo'y kinapapasalamat ang pagkagising 'ko.


Eldridge Cain Pherenn?


"Gising ka na pala. How do you feel? May masakit ka bang nararamdaman?" he asked gently, like any outstanding doctor in his residency stage would to his bedridden patient.


I almost wanted to snicker as he was wearing a plain polo that was as white as his lab coat. I almost wanted to indulge in that famous care of Dr. Pherenn, as his existence simply invites peace.


Almost... Not until I remembered who he belonged to and where he was affiliated.


Awtomatikong umalertong muli ang isipan at katawan ko, sa paraang agarang pinaalala sa akin ng kokote ko ang nangyari mula sa pagkasunog ng apartment building na tinitirhan namin ni Calvin hanggang sa nakalululang pagtakas ko.


Nang napansin ni Eldridge ang hindi ko pag-imik, hinayaan kong dumaloy ang pagtataka sa kaniya. Nang sa ganoon ay boluntaryo niyang ilapit ang sarili niya sa akin. Kanang kamay niya ay papadampi na sa may bandang leeg ko nang mabilis itong hablutin ng kaliwang kamay ko at pwersahan siyang hinatak upang nakawan siya ng sarili niyang balanse.


"What are you―" He was about to inquire, but my current position will not be advantageous enough for interrogation with him yet. And so I swiftly lifted both my legs around his arm and squeezed it, inflicting enough pain for him not to realize that I'd hooked my right leg onto his shoulder and neck.


When he was about to counter using his remaining free arm, I poured half of my strength into my right hand to grab his collar and the other to my right to push him aside and pull myself up. In a few blinks of his eyes, our positions flipped, him stuck on the fluffy mattress under me and me sitting atop his abdomen.


Susubukan pa niya sanang ulitin ang 'di natuloy na depensa nang pinayupi ko ang kanang braso ko upang masiko ko ang dibdib niya. Eldridge groaned in pain at the force. "Argh! How did you―"


I switched my right arm's control from his collar to his remaining arm and pinned it down beside his head. Nanlalaki ang mga mata niya akong tiningnan, nalulunod sa pagkalito kung bakit ganito ang posisyon na aming kinahantungan.


Gayunpaman, hindi ako ang maaaring maunang bumigkas ng salita, lalo na't wala akong kaide-ideya kung paanong sa pagbukas ng mga mata ko ay isang miyembro ng Familia de Montelier ang una kong masisilayan.


I can't be cautious enough. Bakit siya nandito? Kilala ba niya 'ko? Tinutunton din ba nila 'ko?


"M-Miss? I wasn't trying to do anything suspicious to you at all! Gusto ko lang sanang i-check kung maayos na ang kondisyon mo. Doktor ako!" medyo natataranta niyang ani.


Hmm. He could've murdered me in my sleep, but he didn't...


With my face just not even half a meter away from his, I noticed how he awkwardly tried to turn his head in the other direction. He doesn't seem lying but rather awfully shy of my presence. Well, hindi ko naman siya masisisi. Not to mention considering the position we're in.


"P-Pwede bang umalis ka muna sa i-ibabaw k-ko? This is a little bit inappropriate..." Eldridge, in a stutter, requested. His cheeks are flushed red, and his almond-shaped eyes hopelessly attempt to avoid mine.


Subalit kaysa sa makaramdam ng hiya tulad niya, mas nakahinga ako nang maluwag dahil kahit papaano, masasabi kong wala siyang ideya kung sino ako. With that, I gave his freedom back.


"Christ... Unang beses kong makatanggap ng ganitong reaksyon mula sa pasyente," para bang nabuhusan ng malamig na tubig na bulong ng lalaki sa sarili niya pagkaalis ko mula sa pagkakaupo sa may tiyan niya. He also combed his tousled black hair with his fingers as if to console himself.


Halos matawa-tawa pa siya hanggang sa bumangon hanggang sa matalim niya akong binalingan. "Kung ganiyan ka rin pala kalakas, I guess you're already fine from inhaling so much smoke from the fire."


Napalunok ako sa namamangha niyang ekspresyon na sa akin. Anuman ang pagkamangha na ito, tiyak kong hindi ito positibo sa panig ko. I stood up from the edge of the bed and evaded his gaze, but then I realized...


For a Montelier associate to be here of all times and to help me when I collapsed at such short range from the blazing building, could it be...?


"Para gumising sa loob lamang ng dalawang oras at kalahati matapos makalanghap ng usok na tiniyak kong makasisira sa baga ng kahit na sino, napaka-swerte mo naman," komento ni Pherenn na walang duda ay minamaskarahan lamang ang nais ipahiwatig habang binabangon ang sarili. "Napaka-swerte para sa taong huling lumabas ng gusali."


His voice trailed off to a dangerously low tone, which fell along the smile he showed when I woke up. All I felt as I stood two meters away from him while nibbling my left elbow was pressure. Hindi man niya kilala na ako ang dating katauhan ko, ngayon naman ay naghihinala siya sa bagong ako.


"Kung ikaw ang huli, dapat ikaw ang may pinaka-nasagap na usok. Ikaw dapat ang may pinakamataas sa tiyansa na maunang mamatay mula roon."


Dapat yata ay tinuluyan ko na siya kanina.


Pinagbawalan ko ang balat ko na kumunot o mabigla sa kahit na anong salitang binitiwan niya para takutin ako. Hindi ko man matanggal ang duda niya, malabong kumilos siya kung hindi maiiba ang kompostura ko.


Eldridge then pursed his lips, probably thinking that he couldn't ignore even the slightest possibility that I might just be one unlucky civilian. "Fine. You're not our target anyway," he nonchalantly surrendered as if everything was a whim for him in the end. "You're lucky we found you."


We?


He rustled his hair one more time as he turned his back on me. "Akala ko pa naman inatake mo ko dahil akala mo may maitim akong balak. For your information, my female colleague is the one who cleaned and changed you, not me," ma-depensa ngunit nakaluluwag hininga niyang pag-imporma sa akin. Ipinagkibit-balikat ko naman ito dahil iyon na marahil ang huli sa maiisip ko sa sitwasyon ko.


Kalaunan, dumapo ang pansin ko sa mga bagay-bagay rito sa maliit na kwarto. Mga bagay na nadetekta ko na bago ko pa buksan ang mga mata ko. Ang nakasabit na bell charm sa may pintuan, ang baso ng alak sa may desk sa kaliwa ng kung nasaan ang kama, hanggang sa mapatalikod ako at matagpuan ang ashtray na pinagmumulan ng usok ng sigarilyo.


Sa pagkakaalam ko, hindi naninigarilyo si Eldridge Pherenn, lalo na at siya ang opisyal na doktor ng pamilya ng mga Montelier.


I'm not certain, but I don't feel like the doctor is the one I've last seen before I lost consciousness. I guess what's certain now is that he is a smoker, which is not much of a shocker since most of the people in the Underground do that to lessen their stress and tension in body and mind.


"Ah! Sorry about that!" nagmamadaling lumapit sa kinaroroonan ko ang doktor at dinampot ang ashtray mula sa pabilog at babasaging lamesa. Ang awra ng kapahamakan kanina ay isang pahina nang nakalipas. "Tsk. Ang sabi ko patayin at itapon niya bago siya umalis 'e," iritable pa nitong bulong pagkatalikod para tunguhin ang basurahan na kalapit ng pintuan.


Natural na bumalik ang pagmamasid ko at sa pagkakataong ito ay sa mga papeles na nakakalat sa lamesa. Dito ay may chessboard case na nakabukas at sa ibabaw nito ay apat na piraso ng chesspieces na kung susumahin ay random na inilagay. Under the case are photographs of walls filled with scribbles and papers indicating the measurements of the room where this case is found.


Is this for a password? And indeed, as I look closer, there is a metal lock on its handle. A lock that is quite common where you have to set three numbers as its security measure. Pero bakit hindi na lang nila sirain kung gusto nilang buksan?


"Do you want to take a try?" magalang na alok ni Eldridge Pherenn na katatapos lang itapon ang laman ng tray at ipinatong ito sa kabilang lamesa. He heaved out a sigh once he finally sat on the nearby chair, his left elbow resting on the table. "Wala pa 'yong magso-solve nito mismo so we're sort of playing around and who knows, it might open," he explained.


Normal na laro ba ang karampatang tawag kung ganito karaming papeles ng mga kalkulasyon na ang isinagawa nila? If he's that jolly confident to offer me to try, this case of black and white tiles is probably significant and perhaps, has a formidable lock that he thinks I cannot decipher as well.


I like games, though... I pouted as I remembered Calvin's gameboards, cubes, and crosswords that gradually bored me to death. It won't hurt to try before asking if I can leave, will it? Wala namang mamamatay sa pagkompyuta.


And so, I collected the papers and photographs in a pile first kung saan tinulungan ako ni Eldridge na ayusin. Kinonsidera ko rin ang mga sulat ng taong tingin ko ay ang nagligtas sa akin sa bawat papeles. Nag-iwan siya ng ilang notes sa pamamagitan ng pulang tinta sa bawat butas o ideyang pumasok sa isipan niya ukol sa mga numero at letra. Maging ang pwesto ng mga kagamitan at layo nito sa isa't isa sa silid ay inilista niya. Malinaw ang sulat-kamay niya at maging ang mga palaisipan para sa sarili niya ay malaya niyang nilapat sa maputing papel.


I like how his handwriting is as beautiful as how his mind works.


"My partner has this little madness about puzzles and mysteries. You have to forgive him." He clicks his tongue exasperatingly as he picks up more papers from the floor, but here I am, smiling like a fool knowing that that stranger may not be a stranger to me at all. He's just like me.


If you have to beat a game that could lead to something big, being mad is yet to be the biggest sacrifice you could make.


Sinaulo ko ang bawat detalyeng inilagay niya at saka isa-isang hinanap kung saan ang kasukat na paliwanag tulad ng kung paano pagkabit-kabitin ang mga piraso ng jigsaw puzzle. Nang mapagtagpi-tagpi ko na ang apat na sulok ng puzzle, sinimulan ko na sa kabilang panig ng utak ko na galugarin ang ugat o 'di kaya ang unang istratehiya ng gumawa nito para lituhin ang sinumang magtatangkang buksan ito.


At ang unang nakita kong ugat ng pagkalito. Ang metal lock.


Sinong nasa tamang pag-iisip ang magtatago ng kahit ano sa isang case na pinoprotektahan lamang ng isang lock na maaaring sirain?


Even so, the Monteliers are perhaps wary of what this might contain; thus, they are trying to open it as cautiously as possible.


"Suko na ba?" nakangising tanong ng kasama ko na lantarang pinakikita sa akin na hindi niya maintindihan kung bakit ako nagtiya-tiyagang sagutin ang problemang hindi naman para sa akin. "I only asked you since you seem bewildered about it. Huwag mong pilitin at baka sumakit ang ulo mo. You just woke up, after all."


I politely shook my head in response to say that I'm completely fine. Kapag nasa estado na ako ng ganitong konsentrasyon, nahihirapan na akong pigilan ang sarili ko. Marahil ay dala na rin ng nauna kong trabaho. Kaya wala akong mapagpipilian kundi ang tapusin ito.


The second thing that ticked me is that why are there chesspieces outside the board. The case is locked yet there are pieces standing on the surface. Isinuot ko ang ilang daliri ko sa nangangalawang na handle ng case at hinatak papalapit sa 'kin. Si Eldridge naman ay prenteng pinanonood lang ako, inaabangan kung magbubunga ba ang pagpapakasakit ko o hindi.


As I re-scan the papers, the chess pieces: a black knight and rook and a white queen and bishop, are all found in the same room in a manner that doesn't really stand out. It's not like anyone could easily shut the case closed and forget these significant pieces, right? Unless... they are the keys themselves.


Aligaga kong nilapag ang mga papeles na ikinahawak ni Pherenn sa dibdib niya. "You surprised me there. No need to rush. Why? Did you find something?" His pitch black eyes, though not sure, were left in disbelief when he handed me a red pen.


The equations... They are not just scribbles but actual hints. The only mistake my savior did on calculating them is that he solved it with linear and direct formulas. Kahit masagot niya ang bawat magkakahiwalay na equation na naiwan sa iba't ibang parte ng kwarto na inimbestigahan nila, kung hindi naman niya alam ang order kung paano ito ilalapat, wala ring silbi.


Kaya naman pinagsama-sama ko ang mga equation hanggang sa makabuo ng mahaba-haba at nakaduduling na grupo ng mga letra't numero. Hindi ko inekis ang mga sign at hinayaan itong apektuhan ang huling sagot hanggang sa maglabas ng mas maiksing porma.


Every digit is partnered with letters na covered ng tiles ng isang normal na chessboard. Walo ang layers ng mismong board. Dahil perpekto ang kada panig nito sa walo, madalas ding tinutukoy ang pwesto ng tile na paglalapatan ng piece sa pamamagitan ng alpabeto, mula sa letrang A hanggang H. Ang numerong kasama ng letra ay kung pang-ilang tile ito sa row o column. Indeed, the calculations are for the placing of the pieces on the board as keys. It's like how you can have many keys but a door only has one specific key.


I followed the signs to determine the turns of putting the pieces. Kung nauna ang puti at 'plus' sign, isa pang puti ang isusunod ko at kapag 'minus' sign naman ay itim. As I landed the last piece, which was the white queen on H5, a clack startled the both of us and made us freeze. It's open!


Unfortunately, my joy for completing another quest of games is not something I could share with the guy I thought to have calmed his nerves down regarding his doubts about me. Because before I could even peek a shadow inside the case, Eldridge snatched my hand that held the white queen's head using his left hand while the other had a dagger to my throat.


Ang masinag niyang mukha't personalidad ay para bang isang maaliwalas na langit na biglaan na lang sinakluban ng maiitim na mga ulap at kulog. At sa nakapanlalamig na boses, tumaas ang mga balahibo ko nang hindi inaasahan.


"You... Who are you?"


Tingin ko, ngayon,may mamamatay na nga sa pagkompyuta.



******

BETA READER x AUTHOR CORNER

Us when doc asked "May masakit ka bang nararamdaman?"

My beta reader (an accountancy grad) whenever I involve accounting references in my story: 


Read. Like. Follow. Comment.

Huwag kaagad mag-assume na ang unang lalaking magsasalita sa story ay ang male lead. Wala lang. Sinabi ko lang hehe.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top