Chapter 10: See Kindness

PITONG buwan. Ilang araw ko ring halos bali-baliktarin ang utak ko na tila damit labahin ngunit kahit anong piga at pagnanais kong hampasin ito, panay dumi't bula pa rin ang umaagos mula rito. Hindi ko na alam kung sadyang wala itong maibigay na konkretong kasagutan sa akin o ako mismo ang tumatanggi sa puntong dinadala nito sa akin.


Pitong buwan. Pitong buwan na ang nakararaan nang tumakas ako kasama sina Archer, Hunter, at Violet── mga taong kapwa nagising din tulad ko mula sa ilusyon ng Institusyon na nagpalaki't kumupkop sa 'min. Noong araw na 'yon, hindi 'yon ang eksaktong tiyempo na inaantay namin subalit anong magagawa namin kung ang sitwasyon na ang tumatawag sa amin na kumilos? At sinasabi ni Eldridge na sa mga panahon ding iyon ay nagsimula ang tensyong wala naman noon sa pagitan ng magkaibigan at magkatuwang na sina Caesar at Julian?


Only a fool would believe it's a mere coincidence. And I'd be a fool, too, if I refused to consider myself a possible reason why a raven is forced to become the Red Circle's obedient dog.


"Miss Quinzel? Nako, kanina pa po namin kayo hinahanap. Nandito lang po pala kayo ulit~"


In a surprise, I lifted my chin and both hands from the balustrade, following the relieved voice of a man assigned to be my personal guard. From peeking behind the glass door, he strides into the blinding and warm balcony, skipping steps as if the floor's only for a hopscotch game.


"Hmm~" Rupert casually hummed as he confusingly checked what I'd been looking at. "Why are you here, though? Mr. Montelier dispatched us just now to search all over the building because he didn't find you in your room when he returned from the morning briefing. It's been a while since he called for you. Won't you get in trouble?"


My brows furrowed at what he told me, unaware of why Caesar would order a search for me when he put me in a position of a princess-locked-in-a-tower role here. It was only when I caught a glance on my guard's watch that I remembered something.


"Ah!" I clapped my hands in realization. "Ang sabi niya huwag munang lumabas hangga't... hangga't hindi pa siya bumabalik kasi may pag-uusapan kami." Pumahina nang pumahina ang boses ko, nahihiya na sa hindi ko pag-alala ay nakapagdulot pa ako ng abala.


Higit pa roon, lagot ako. He may not look like it but the man I married is a nagger.


"Sor──"


"Oops! You keep saying sorry again, ma'am!" agarang suway sa akin ni Victor bago ko pa tuluyang mabuka ang bibig ko. Iniharap pa nito ang mga palad niya sa akin na animo'y sa lahat ng bagay ay paghingi ng paumanhin ang pinaka-hindi niya nais matanggap mula sa 'kin. "You're his wife! You don't have to always apologize! And it's not like no one has ever forgotten what they were told to do so, right? You can do anything you want! Isa pa, siya 'tong halos walang paramdam after you came here. Anong akala niya, marry and run ang ganap ninyo?"


I can't help but smile whenever he does this. So long as it's not arguing against Caesar face to face, he would always mythically stand by me, spurring me on. Thanks to his company and the others, I hardly noticed that my so-called husband indeed didn't visit me for a while. Not that I have the confidence to face him, though. Not when I might've already caused a problem for him before we ended up being married. 


While his nose is scrunching due to the celestial object that resembles his hair color, he exhaled haughtily. "Siya may gusto nito, 'di ba? You can make him wait. You can let him sulk as long as he wants. He already signed the marriage paperwork. Wala na siyang magagawa, hmp! Hindi ka na niya maire-refund pabalik kay Aguirre!" aniya at pinagbigkis pa niya ang dalawa niyang braso sa kaniyang dibdib.


Simula nang maitakda siyang guwardiya ko sa araw na dumating ako rito, pagkagaling na pagkagaling niya mismo sa bakery, Rupert Albert Victor still hasn't failed on being both surprising and refreshing. He swore his allegiance to me as if it was the most natural thing to do. He had enthusiastically pulled a chair and offered me the first slice of cheesecake as if it didn't originally belong to Ethan. He'd escort me everywhere I went and indulge any trivial request I had.


I tugged the hem of his jacket and chuckled. "He'll scold you if he were to hear that."


As if possessing no kind of fear, he shrugged. "No worries! Miss Quinzel is good at secrets, right? Hindi mo naman ako ilalaglag, 'di ba, ma'am?" At inihayag niya sa pagitan naming dalawa ang hinliliit niya. Naguguluhan ko naman itong tiningnan, hindi batid kung anong nais niyang ipahiwatig o ipagawa sa akin.


Tulad ko ay napahilig din ang ulo niya sa pagkalito. "Pinky swear tayo, ma'am~" halos nagtatampo at tila naglalambing na aya nito. Base sa kung paano na naman siya nakanguso tulad ng sa tuwing pinagagalitan siya ni Reinald, mukhang napagkamalan niyang may ayaw akong gawin kasama siya.


But... what is a pinky swear?


"Geez." Victor unfolded his other arm toward me. "Give me your hand," he told me and I immediately gave my left hand to him. Pagkasalo niya rito ay pwinesto niya ang kamay niya sa hinliit ko at dinala ito sa ere tulad ng sa kaliwa niya.


"Pinky swear is what you do to make a promise about something," paliwanag niya habang naaaliw ko siyang pinanonood na pinalilingkis ang maliit kong hinliliit sa kanya. "At kapag nagpinky swear, hindi dapat mabali ang pangako. Oki?"


Oooh. So that's what it is. Tumango ako bilang tanda ng pagkakaintindi ko at doon ay sabay naming niyupi ang mga hinliliit sa isa't isa. Kahit na ba sa tingin ko ay tila pambata ang gawi na ito, nakatutuwa na may taong nagbibigay halaga rito. Dahil tiyak kong hindi rin naman kulang sa pang-unawa si Rupert na miyembro ng High Command sa konsepto ng mga pangako── na para itong isang tingting na maaaring bumalukto't mabali sa isang mali at bara-barang kilos.


Habang naglolokohan kami kung sino ang unang babawi ng kanilang hinliliit, napawi ang hagikgikan nang umabot sa pandinig namin ang isang tikhim. Tikhim na kahit hindi namin sundan kung saan at kanino galing, sapat na ito makanuyot ng lalamunan at saya ng sandali.


"Oras ba talaga ng paglalaro ngayon?" matatas na sermon nito habang ang likod ay nakasandal sa may pintuan. Tulad ng kung paano niya ako binantayan no'ng sinasagutan ko ang ilang assessments na hinanda ni Reinald, naroroon ang titig at buntong-hininga niyang nanghuhusga. "Sa pagkakaalam ko, may iniuutos si Mr. Montelier sa atin, Rupert." 


"Heto na naman po siya," naiirap na bulong ni Victor matapos naming magsalitan ng tingin. Humirit pa nga ito ng isang malalim na hininga bago magpinta ng pekeng ngiti at harapin ang kasamahan. 


"Hello, Aljaz Louis Tyrell! Napakaganda ng umaga na ito, hindi ba? Ba't hindi mo tanggalin ang sibangot sa 'yong mukha nang ang langit ay sumaya──"


"Ang sabi ni Mr. Montelier, dalhin kaagad sa kanya ang asawa niya."


Parang niyebeng natunaw kaagad ang mga balikat at ngiti ng guwardya ko. Halos manggalaiti ito sa pagputol ni Jaz sa kanya na akala mo'y dala-dala ang hagupit ng lahat ng init ng araw. "Pigilan mo 'ko, ma'am, kundi malalaman na niya talaga ang gumising nang durog-durog na ang PS5 niya."


Gayong alam ko sa sarili ko na ako ang nakalimot at nagsimula ng abala, balak ko sanang umapak paabante para depensahan si Rupert. Subalit gumuho rin ang inisyatibong 'yon nang maging ako ay agad niyang pinutol bago pa makautal ng isang kataga. 


"Ito po ba talaga ang dapat niyong ginagawa ngayon, Mrs. Montelier?" Aljaz sighed disappointingly, enough for my nerves to urge my lips to be pursed. "Napagsabihan ko na po kayo noon pa, hindi ba? Pang-ilang beses na po ba 'to? Sapat na po na si Rupert ang isip-bata rito sa grupo. Sana huwag na kayong dumagdag."


Nabahiran ng nginig ang pagkurap ko sa taas kilay at diretsa na kritisismo na 'yon. At bagama't alam kong wala siyang karapatan para pagsalitaan ako nang hindi tinatanong ang buong pangyayari kung bakit ako nandito, hindi ko mahanap ang lakas na ipagtanggol ang sarili ko dahil malinaw sa 'kin kung ano lang ang papel ko rito. 


"Sana kahit papaano, matuto kayo sumunod sa mga simpleng habilin," huling ani nito at saka niya pinutol ang pagkakatitig sa 'kin upang lisanin ang balkonahe.


Naibaba ko ang ulo ko sa sahig, nakararamdam ng kirot ng hiya kahit bulong ng konsensya ko ay wala akong malaking kasalanan. Pasalit-salit na tumingin ang guwardiya ko sa papalahong likod ni Tyrell at sa akin hanggang sa natataranta niya akong inalo.


"Hala, 'wag mo nang pansinin 'yon!" Tinapik-tapik pa ako nito sa likod. "Ganyan lang talaga si Jaz sa una, parang pinaglihi sa sama ng loob. Hindi naman siya laging nandito kaya huwag mo na lang pong intindihin. Wala na 'e, wala po talagang gamot sa sama ng ugali no'n."


As much as I'd want to appreciate his words of kindness, it wasn't enough to wipe off the bitter impression that the cybersecurity director left on me. Sa una? I doubt that. Tyrell is known for having the pleasure of being a women's man. And though he uses this image and reputation to achieve his personal interests and goals as a Montelier High Command, he never once flaunts such hostility to any woman as he does with me.


Naging ganoon man ang bungad ng umaga, pinili kong ipagkibit-balikat muna ito. 'Pagkat kumpara sa oposisyon ni Tyrell na tingin ko'y hindi na lalamlam katagalan, ang kasarkastikuhan ni Caesar? Aba'y maya't mayang inuudyukan ako na hilutin ang sentido ko. And while I think of what he could possibly say about me not staying still, I noticed how Rupert's feet subtly shifted to a different direction when we clearly decided to bring ourselves on his boss' door. Instead, he escorted me back to my room with his expression unchanging, yet his hand pretending not to reach for his ear piece tells me otherwise.


"Did something happen?" I finally asked.


Though a little startled, Victor willingly gave up the façade. "Ethan called," he admitted. "A few members of the Red Circle came."


"And Reinald wants me to stay hidden?"


"On the contrary, he wants you to wear whatever he prepared for you in your room and come into the conference as soon as possible."


Knowing that the consigliere has yet to discuss the results of the assessments he gave me, not to mention his plans to explore what capabilities I have deep beneath my sleeves, I sunk into confusion as to why he'd suddenly entrust me to show my face in front of those mafia leaders.


And as if it could not get any worse, I found myself baffled as soon as I returned to my temporary room, staring at the lying raven-blue slacks and coat on the bed, paired with silver-colored buttons and accessories. One cannot fail to recognize; these are the colors a Montelier Family member would adorn.


For there is no time to stall and gawk, I began to undress, my thoughts surrounding the closest assumption I could come up with as to why I have to be revealed out of the blue: The information about a woman being kept here in the raven's tower has been leaked.


Dahil kung hindi 'yon, ano? And to think this has to happen after Caesar subtly avoided me for the past few days. That's what we are to talk about this morning, but this happened. 


"Para sa kaalaman niyo, Miss Quinzel, ang mga taong nandoon sa silid na 'yon... they're the ones we need on a leash. They're the traitorous dogs." Bagama't nasa kabilang panig ng portable screen divider, hindi maitatanggi ang pag-aalala sa pananalita ng aking guwardiya. Ngunit gayon din ang pagkamuhi niya sa mga taong ngayo'y nakararampa sa pugad ng grupo nila.


Sa mas mababang boses, malamig na dagdag pa niya, "Kung ako lang, dinispatya ko na sila. Dahil kung hindi natin sila magiging kapanalig, ano pang silbi nila? Hindi ba't mas mabuti nang itali silang mabuti nang hindi sila makapanakit?"


Tumindig ang balahibo ko sa paglalarawan ni Rupert sa sitwasyon, sapat na para mapalingon ako sa anino niya sa screen ngunit nananatili itong nakatayo ng tuwid at nakatalikod. Malaki man ang bibig nito, tiyak kong hindi pagkadulas ang pangkukumpara niya sa mga bisita sa tuta. 'Pagkat tuta rin mismo ang insultong bansag na binigay ng mga ito sa amo niya.


"To introduce me all of a sudden... does that mean someone found out about me and they want to confirm what I'm here for?" Given how he let a shade of him shows, I chose to be blunt, my hands still unstoppable from buttoning the coat.


Hinintay ko ang pag-imik ni Victor subalit wala ni ubo o tikhim akong natanggap mula sa kanya, patunay lang na nakasalalay ang tagumpay ng mga susunod na plano ng High Command sa kung paano ko ipakikilala at dadalhin ang sarili ko sa oras na tumapak ako sa conference room.


"Ma'am?" he called again, but now sounding like how'd a kitten ask for a caress from its owner. "You know I hated how traditional, formal, and strict Reinald is, right?"


My brows frowned at the sudden mention of their apparent bantering relationship and the freaking tightness of my sparkling four-inch stiletto.


"But you see, I trust his judgments and decisions when the occasion calls for it. Sometimes the old ways have their use."


Napatigil ako sa pagtatali ng laso ng sapatos, iniintinding mabuti ang mensahe sa pagitan ng mga salitang binitiwan ng lalaking bagama't itinalagang bantay ko ay tiyak kong may duda pa rin sa 'kin hanggang ngayon. Kindness is perhaps one of the best way to mask one's true thought or opinion. It suits my guard, though.


"And I'm one of his decisions. Do you trust me to do a good job, then? Do you think I have some use?" I replied warily as I looked up at him, gauging the real persona of Rupert Albert Victor behind the childish grin to speak of what he feels about me being here.


I saw how his head almost turned in my direction. After all, his height almost matches the very thing that separates us both. As if accurately sensing the weight of my question, he coughed softly. "You better get going now, ma'am. They're calling for you."


Inilagan man niya ang tanong, walang sumayad sa akin na pagkalumbay. Bagkus, nagbuhat pa ang tugon niya ng ismid sa 'king bibig. Maaari siyang magsinungaling, maging isip-bata sa mga mata ko hangga't naririto ako at paniniwalaan ko 'yon, ngunit hindi niya dinakot ang pagkakataong 'yon.


Instead, he remained honest by not allowing me to indulge in delusions, but he didn't precisely repel my sincerity to do a good job either. He's negotiable, and that's more than enough for me.


"If I succeed in putting those dogs on a leash, will you and Ethan bring me to a bakery? I'm craving a croissant right now."


"Pero baka hindi ka payagan ni Mr. Montelier."


Tumayo na 'ko mula sa gilid ng kama, dala-dala 'di lang ang eleganteng kasuotan kundi pati ang determinasyon na pakitaan ang mga lalaking ito ng kung anong kaya kong gawin. And see if I can win them, even for a bit. 


Sa pagkaharap kong muli sa salamin, kumislap ang pulang kinang na mahigit bente-kwatro oras ko nang hinihintay na sumilay matapos kong udyukang gumanang muli. Kinang na senyales na hindi rin magtatagal ay makababalik na siya nang hindi nadedetekta ni Aljaz Tyrell.


"Then I will make it possible," I said excitedly, the earrings' diamonds dangling from my ears.


Napasinghal ang guwardiya sa tila arogante kong remarka. "Putting those old men on a leash or making our boss permit you to go to a bakery?"


"Both."



******

BETA READER x AUTHOR CORNER

My beta reader being torn between her love and annoyance toward Jaz:

Also her when she realized Quinzel is not exactly being submissive and cooking something:


Read. Like. Comment. Follow.

Do know that this story has a slower pace than the rest of my previous stories. Hehe (cuz angst is lyf)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top