Chapter 1: Free
AKO lang ba o kakatwa ang konsepto ng pangako? Kung gaano kabilis banggitin ang mga salita ay siya ring kay dali at bilis nitong hindi tuparin. I can't even fathom how could a person be able to sacrifice so much for a few fickle words, for words are simply words. And I guess I would never know, for I also betrayed my own word.
I, his only ally and twin left him before he could return. I ran away with the others─ the very people he was so wary of, scared for my life, and the promise somehow didn't matter anymore at that time. I'm a traitor, and yet I'm also a survivor. If it means finally living what's 'real,' I would simply wait for the consequences to come and get me.
"Quinzel, papasok na ako sa trabaho!"
Nakuha ang atensyon ko sa pamilyar na pagpapaalam sa akin ng kaibigan nina Archer at Hunter. Sa tuwing nalalapit nang pumatak ng alas-otso, nililisan niya ang apartment na ito suot-suot ang uniporme para sa mga taong huli ko sigurong maiisipan na hingan ng tulong― ang kapulisan.
"Gising ka na ba?" marahan niyang tanong kasabay ng ilang pagkatok sa pinto ng silid ko. "May pagkain na sa hapag-kainan. Huwag kang magpapalipas ng gutom, ha?"
At tulad ng lagi niyang ginagawa sa may pintuan, maririnig ang malakas na pagbuntong-hininga niya. Buntong-hiningang dulot marahil ng pagod at pagkalito sa bagay na hindi naman niya obligasyon sa una't sapul pa lang.
Ibinaba ko na ang lapis na hawak ko gamit ang aking kaliwang kamay at saka inilapag ito kasabay ng sketchpad sa lamesa. Sa paglipas ng ilang segundo ay napansin ko ring lumamlam na ang presensya niya. Nang tuluyan itong naglaho at pumarinig ang pagsara ng pinto mula sa labas, pagkakataon ko naman na bumuntong-hininga sa sitwasyon naming dalawa.
Like I've always done for the past seven months, once Calvin leaves, I'll stand from my study table, iron my plain sundress with my calloused palms, and tighten the silver hair cuff's grasp on my braid. I'd walk in front of the small rectangular mirror hanging on the wall and remind myself of who I should finally be.
"You're Quinzel de Agustin. Twenty-six. You are free now. You don't have to fear anything at all," I mumbled despite how my voice trembled. It trembled as if I was saying an obvious lie. It's as if any word I uttered is not mine.
It's okay. It will grow on you. Just keep telling that to yourself every day, and you'll be fine.
I repeated the same words over and over until my throat can no longer even produce a whimper. Tila may lihang kinakaskas sa lalamunan ko sa tuwing sinusubukan kong magsalita, isang parusa na sa aki'y iniabot bilang huling ganti ng mga among tingin sa akin ay walang utang na loob na lumisan mula sa pugad nila.
Nang lumabas ako ng kwarto, pawang nakabibinging katahimikan lamang ang sumalubong sa akin. Sa sobrang tahimik ay malinaw ko na namang nasusubaybayan ang alitan ng mag-asawa na nakatira sa unit sa taas namin at ang lasing na naghihimutok sa kasunod na unit.
Nevertheless, the rooster's crows remain the same, and the neat living room is just as it was yesterday. I cannot deny that Calvin is quite good at keeping his domain spotless, regardless of it being a second-rate apartment.
He also makes sure to leave detailed and colorful notes on how I should heat food in the fridge if the ones on the table are insufficient. Every chore in the house, he does it. He never misses a grocery moment every week and always leaves a snack and a glass of milk at my doorstep before he goes to sleep.
Quite friendly for a police officer. But then... aren't all policemen only nice until you're at the receiving end of their gun?
Pagkatapos kong kumain, iniligpit ko ang bawat kubyertos sa kung paano ko rin nakikitang kunin sila nang isahan ni Calvin. Though I've been a slave my whole life, it's quite surprising to realize I can't even do the simplest of tasks so he won't have to take care of me every single time. I'm not even sure in what order should I wash these tablewares. Kaya heto, nagtititigan lang kami ng mga hugasin sa lababo.
Para namang huhugasan ng mga kubyertos ang sarili nila kapag tinitigan ko. Hays.
I pouted in disappointment as I didn't want to mess things up kung magmamagaling ako. Amid my frustration, my eyes led me to the lime-colored plastic bowl containing various fruits on top of the table, and a bulb simply lit up.
As a way to tell how apologetic I am, dinampot ko ang dalawang mansanas at i-pwinesto ang mga ito bilang pares ng mga mata bilang panimula. Samantala, naglapag ako ng isang lansones sa pagitan ngunit bandang ibaba ng mga mansanas nang sa ganoon ay magmukhang ilong ito. At panghuli ay nagtanggal ako ng mga apat na saging mula sa piling para magporma ng mga labing nakabagsak sa magkabilang dulo.
Nasasabik akong lumayo kaagad mula sa mesa upang tingnan ang ginawa ko ngunit habang mas tinititigan ko, mas nagdududa ako. Makukuha naman niya siguro ang mensahe ko sa ganito, hindi ba? O hindi...?
Napakamot ako ng ulo sa pagkawala ng katiyakan ko na sapat na ito para maiparating ang nasa isipan ko. Kahit kasi kayanin kong makapagsalita ng ilang kataga, binigyang diin nina Archer at Hunter na mas ligtas na rin na akalain ni Calvin na pipe ako. Nang sa gayon, hindi niya ako laging susubukang lapitan o hindi kaya'y tanungin ng kung anu-ano tulad ng kung sino ako at kung saan ako galing.
Sa bandang huli, napag-desisyunan kong isang kahibangan ang nasa lamesa at isa-isa ko ring ibinalik sa pinanggalingan nila ang mga prutas. It's better for him to think of me as an ungrateful wench rather than being curious of what kind of person I actually be.
After all, I'm only staying here to hide from my hunters temporarily.
My gaze then inadvertently turned to the sofa where peeking white bags containing complicated puzzles, cubes of different shapes and sizes, books, and discs of various genres were resting. My feet pulled me right in as I tried to stimulate myself as much as when the first time he bought me things. But this time, my chest is rather cold, unmoved by the repetitive gesture.
Anong akala niya sa 'kin? Bata? Geez. I can't help to smile in appreciation for his efforts. Nevertheless, it wasn't enough that both sides of my lips eventually lay flat.
The puzzles, in the end, would always get solved. It's up to me whether to finish it quickly or slowly. The cubes are merely like holes and cracks in a wall. You can leave it fixed or undone, but it doesn't change the fact that it's a wall. The books are interesting but, sadly, fiction--- not true and products of imagination. And every time I notice that I'm being sucked into that fiction, it's like another cage using illusions to restrict me from facing the reality I mean to see.
'The real world is out there.' Iyan ang linya nina Archer at Hunter na pinakatumatak sa akin na kalaunan ay nagpabaluktot sa prinsipyong ipinakilala ng mga amo ko. Ngunit bakit ganito? Bakit matapos ang pitong buwan ay nakakubli pa rin ako rito at hindi nararanasan ang mundo?
"Sunog! Sunog! Mga kapitbahay, may sunog! Gising, mga kapitbahay!"
Mula sa pagkakayuko sa mga regalo ay agad akong napatayong muli nang tuwid at inilinga-linga ang ulo ko sa pinagmumulan ng mga sigaw. Base sa lakas at linaw nito, mula ito sa labas, hindi sa mga katabing unit kundi sa labas mismo. Dali-dali kong iniwan ang sopa at nagtungo sa may pintuan ni Calvin kung saan naroroon ang nag-iisang balkonahe. Subalit nang sinubukan kong ipihit ang seradura nito, may humaharang sa makinarya na siyang ibig sabihin lang ay nakasarado ito mula sa loob.
Shit.
"Sunog! Tumawag kayo ng bumbero!" muling paghingi ng saklolo ng mga tao mula sa labas. Hindi naglaon ay naramdaman ko rin ang dagundong ng mga yabag ng mga tao mula sa itaas na palapag, marahil ay nagmamadaling magsihanap ng paraan nila para makalabas ng gusali kasama ang mahahalagang kagamitan.
"'Yong mga bata buhatin niyo na!"
"Lito, 'yong mga dokumento sa drawer, 'wag mong kalimutan dalhin!"
"Punyeta, kakaumpisa pa lang ng laro 'e!"
Bawat dabog mula sa itaas at baba ang nakapag-kumbinsi sa 'kin na lumayo muna't pwersahang sipain ang pinto. Sa pangalawang tadyak ay kumalas ang kandado sa pintuan at bumukas na sa wakas ang daan papasok sa silid. Papatakbo kong pinasok ito ngunit sa puntong hinablot ko ang slides papuntang balkonahe ay abang hindi ito mahatak pagilid.
I keep yanking the door only to listen to its rattles. I checked if it was also locked, but it wasn't, which brings me to the conclusion that the doors had been stuck due to an external factor.
Sinong magsasara nito mula sa labas?! Para bang may kung sinong sumadya na harangan ang lahat ng posibleng labasan sa silid ni Calvin o hindi kaya... sa 'kin.
I immediately left the room and proceeded to try my luck on the unit's main door. Paulit-ulit kong pinihit ang seradura ngunit hindi man lang ito kumalahati ng galaw. Kumalampag din ako sa pagbabaka-sakaling may makatantong may tao pa rito sa loob subalit mabilis din akong tumigil. Dahil sino pa ang makapapansin kung ganitong puno ng pagkataranta ang mga tao para sa kanilang mga ari-arian at buhay?
Just as I gave up on attracting anyone's attention, smoke seeped into the unit, bringing the distinguished odor of fuel and... one that I recognized as unlisted from permissible chemicals in the commercial market. It heightens the effect of carbon monoxide, carbon dioxide, and irritants that can damage one's respiratory system or, worse, cause death.
Whoever started the fire meant to establish a threat or... execution.
Pero bakit? This is a second-rate apartment in a remote area just outside the capital city. Imposible rin namang nalimutan ni Calvin na i-scan ang mga kwento ng bawat umookupa sa bawat unit bago kami lumipat dito gayong ipinaliwanag sa kaniya mismo nina Archer at Hunter ang kahalagahan ng lugar na pagpapanatilian ko. Higit sa lahat, para mag-orkestra ng ganitong sabotahe... tiyak na ang taong gusto nilang takutin rito ay hindi basta-basta.
I ran to the kitchen and pulled a considerably long piece of cloth from one of the drawers. Once I attained one, binuksan ko ang gripo at nagragasa kaagad ito ng malamig na tubig na siyang ginamit ko para basain ang puting bimpo. Itinakip ko ito sa bibig at ilong ko, at 'di ko rin kinalimutan na magpuno ng tatlong tabo para ipaligo sa sarili ko.
Pagkabalik ko sa pintuan nang basa ang buong katawan ay malala na ang liksi ng pagkalat ng usok na malapit na nitong mapuno ang buong unit. Halos hindi na masilayan ang matitingkad na kulay ng mga prutas sa lamesa o 'di kaya ang presensya ng ilang kagamitan sa sala. Kung ganito rin ang bilis nito, wais nang isipin na malaki na ang apoy at wala ring inaaksayang oras na dulutan ang bawat palapag.
There's no more time to see if the handle is warm; I have to get out of here, especially if this trap may be intended for me. It was only when I was preparing to barge out of the room that I realized how heavy my breathing was and how my chest couldn't be still heaving up and down.
"Tulungan niyo po kami!"
"Ayaw namin masunog dito nang buhay!"
"Get us out of here, please! Ahhhhh!"
Tsk. Of all things...! Lahat ay napakalinaw pa rin sa memorya. Putangina.
Binuksan ko ang mga talukap ko na sandali kong ipinikit dulot ng pagkarindi sa mga boses ng sarili kong nakaraan. Kapwa nanginginig ang mga ito kasabay ng mga labi't braso ko. Ilang luha ang kusang nag-umapaw at nahulog, sapat na para pag-initin ang gilid ng mga mata ko at basain ang mga pisngi ko. Subalit hindi ko na ito ininda pa, 'pagkat tanging kailangan ko lang ay ang makalabas dito at sikaping dagdagan pa ang mga araw ng buhay ko.
I grasped the towel on my mouth harder as I summoned all force I had. Filling myself with rage while also restricting myself from yelling, I bit my lips hard for every kick until the door opened wide, and alas, darker puffs of smoke broke in when it did.
Pinasingkit ko ang mga mata ko upang maiwasan ang pinakamatinding hapdi na maaaring ibigay sa akin ng kontaminasyong dulot ng usok. Pagkaapak ng kanang paa ko sa labas ay wala ng katao-tao sa pasilyo at kung mayroon man, malabo ko na silang mamataan sa itim ng usok. Kaya imbes na humanap pa ng saklolo, prinayoridad ko na ang pag-abot sa fire exit ng ikatlong palapag kung saan ako naroroon.
The moment I pushed the fire exit open, I was welcomed by rusted and wobbly stairs installed outside the building. Sa tantya ko ay kung dito dumiretso ang mga kabitbahay nang sabay-sabay ay paniguradong guguho ito. Though I'm desperate to prolong my life, I'm not that keen to entrust the remaining on a stair that could fall down any minute.
In the meantime, I closed the exit door from my back, hindering the smoke from reaching me while I contemplated from about 33 to 38 feet height. It's only a matter of time before this rundown building crumbles to ash. The fire station might take another ten minutes to reach this place, and by that time, there's nothing more to salvage in this establishment except for items that miraculously survived the heat and chemical effects. If I don't decide now, I might as well just die.
Mamatay sa pagkahulog o mamatay sa pagkasunog?
At bago ko pa konsultahin ang lohikal na parte ng utak ko, I found myself taking off the towel from my mouth and climbing the railings without any bits of care on my sundress. It's stupid, but in the end, my hands voluntarily let go of the railing, disregarding any suggestion to think twice. At the same time, my feet kicked off from the platform, and down I went.
I don't want to die.
Nilagyan ko nang lakas sa abot ng makakaya ko ang talon nang sa gayon ay maabot ko ang sampayan mula sa kabilang gusali na namataan ko kanina. Kung nagkaroon lang ako ng mas mahabang oras at mas malaking espasyo para sa buwelo, hindi ako dadapuan ng kaba sa mga pinaggagagawa ko. Gayunpaman, nang sinangkalan ko ang bimpo at inabot ito ng kanang kamay ko, nakahinga na ako nang maluwag.
I don't want to die!
Sandali akong napalambitin sa sampayan ng pagkadami-daming mga damit. Kung ganito karami rin ang naisasampay dito, hindi na ako magtataka kung bakit nakayanan nito ang pwersa ng pagbagsak ko gayong nasa ikalawang palapag ang unit na may sakop ng sampayan na ito.
I won't die!
Sapagkat hindi rin magtatagal at kakalas din ang pinagkakatalian ng sampayan, iniangkla ko ang dalawa kong binti sa pagitan ng isa sa mga patayong rehas ng balkonahe. Sinigurado ko munang sapat na ang bigat na nasa ibabang bahagi ng katawan ko para suportahan ang paghatak sa itaas na bahagi bago ako tuluyang bumitaw.
Niyakap ko ang malamig na rehas pagkadikit ng katawan ko rito at tinunghayan ko ang pagbagsak ng bimpo sa madamo ngunit mabatong bakuran ng isa pang apartment building na ito.
If anyone would've seen me here, I'd definitely look crazy. Kailan pa naging normal ang babaeng naka-bistida at nag-aala Spiderman sa mga balkonahe?!
Napapilitik ako ng dila, iniisip kung bakit ganito kahirap panatilihin ang sarili ko na buhay. Mabuti na lang at masyado pang maaga ang ganitong oras para sa karamihan ng kapitbahay. Isa pa, bandang likod ito ng apartment namin kung kaya't malabong may makakita rin sa akin.
Sa pag-obserba ko pa lalo sa pagitan ng distansya ng bawat balkonahe, naisaulo ko ang perpektong oras nang pagbitaw at pagdapo ko sa susunod sa baba. Kung magkamali man ako, which is never pa nangyari, baling braso lang naman ang tatamuhin ko pero mabubuhay pa 'ko.
Given my confidence in my calculations, I didn't hesitate to let go of the railings again and fall to the next one below. The last one is the simplest, as I'm taller than average girls my age. The trick is only to ensure I landed without putting too much pressure on my legs to ensure no fractures.
Pagkalapag ko sa lupa, una kong pinagpagan ang mga kamay ko na namumula-mula hanggang sa ang damit ko naman na dinikitan na ng dumi lalo na't basa ito. When I was about to finally walk, the first step forward made by my left foot suddenly became heavy, similar to how an anchor ties a ship close to the shore.
My mouth is left agape, almost chasing after air, yet as I cough, blood soaks my right palm, and so is my chin. Today seems to be an unlucky day, huh?
At hindi ko na nga nakontrol ang unti-unting paglambot ng katawan ko. Hindi rin maikakaila na umiikot ang paningin ko, naghahalo ang mga kulay at parang walang sentro ng konsentrasyon. Animo'y papaupos na kandila ang katawan ko, isa-isang natutunaw ang bawat parte mula sa balanse, mula sa balikat, braso, at mga binti.
On the very last piece of my endurance, I can somewhat assume a figure of a man walking towards me. A tall one, but no matter how I tried to work out his features in my head, my wavering senses just won't let me.
Sa pagsuko ng katawan ko laban sa epekto ng usok, ang huling alaala ko ay ang pagsalo sa 'kin ng lalaking 'yon. I was supposed to will my body to move away from a stranger, yet I can't. Even so, that same will lost its roots when whatever sanity I have left in me recognized a familiar voice. It was faint but it's enough to fill my chest with tantalizing taste of peace.
Now that I think about it, today is like that day. The day I met the boy who wielded bronze against fire.
******
BETA READER x AUTHOR CORNER
My beta reader realizing Alex, Rieda, and Quinzel all have traumatic experiences with fire:
Also her when she remembered what I told her about Quinzel's past:
Read. Like. Follow. Comment.
Pay attention to the details. This is not your typical romance story. If you're a long-time reader of mine, alam mo na. Ang maliliit na detalye ang huhuli sa inyo sa dulo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top