CHAPTER 9

Hikare POV






"Love may pupuntahan tayo ngayon." Napalingon ako sa pintuan ng Bahay ko ng biglang pumasok doon si Aisa na nakapormal na damit na ipinagtaka ko naman. Iniwan ko muna ang ginagawang assignment at nilapitan siya.




"May pupuntahan? Akala ko ba wala tayong gagawin ngayong araw." Ani ko naman. Lumapit siya sa akin at niyakap bago hinalikan sa Noo na nakasanayan ko na magmula ng ligawan niya ako.




"Basta. Magbihis ka nalang ng desente at hihintayin lang kita sa Labas. And don't worry you'll like it...I think it's called suprise?" Patanong na ani niya sa huling salitang binanggit niya na ikinatawa ko naman. Pati ba naman sa surprise na word hindi siya pamilyar?




Tumango nalang ako sa kaniya at umakyat na sa taas at siya naman ay lumabas na ng bahay. Ano naman kaya ang sinasabi niyang surprise. Ipinilig ko nalang ang ulo at pumili ng dress na maiisuot. At dahil summer na ngayon ay pinili ko nalang ang isang Boho patchwork Sundress na paburito ko at isang flat shoes na babagay dito.





Matapos makapag-ayos ay kinuha ko nalang ang wallet at phone ko bago lumabas na ng bahay. Naabutan ko naman si Aisa na nasa tabi ng sasakyan niya habang may kausap sa telepono.






Ini-lock ko muna ang pintuan ng bahay bago lumapit sa kaniya.





"Ok sige, Thank you." Ani nito bago ibinaba na ang telepono. Tumingin siya sa akin at ngumite ng masilayan ako na ikinapula naman ng pisnge ko.





"So beautiful." Bulong nito na hindi ko naman narinig ng maayos. "Let's go." Ani nito at pinagbuksan ako ng pintuan sa Passenger seat. Pumasok narin ako matapos makapagpasalamat.





Matapos pagtakpan ng pintuan ay umikot na siya at pumasok sa driver seat. "Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko. Binuhay na niya ang makina ng sasakyan at tumingin sa akin bago ngumite.





"Sa bahay." Ani nito ng nakangiti. Sa bahay lang pala nila, pinatagal pa sabihin eh. Tumango nalang ako sa kaniya.




"Oh I forget." Ani nito bigla na ikinatingin ko naman sa kaniya. May kinuha siya sa Likod at pagharap niya sa akin ay iniabot niya ang bouquet of tulips na ikinapula ko naman. Ito ang hinihintay ko kanina pa, akala ko nakalimutan na niya.




"Thanks." Ani ko na namumula. Itinago ko nalang ang mukha sa kaniya dahil nakakahiya.





"Welcome." Matapos niya sabihin iyon ay nagsimula na siyang magmaneho. Ano naman kaya ang gagawin namin sa bahay nila at mukhang nagmamadali pa siya.





Tahimik ang biyaheng nakarating kami sa Mansion nìla. Pagka-park niya sa parking lot nila ay bumaba na siya at muli akong pinagbuksan ng pinto. Inilahad niya ang kamay niya na tinanggap ko naman.





"Ang romantic naman nito." Ani ko na ikinatawa niya naman. "Syempre, if I'm not doing this to you paano ko pa makukuha ang puso mo?" Kinilig naman ako dahil sa sinabi niya.




Piling ko tuloy prinsesa ako kapag kasama ko siya. Nagsimula na kaming maglakad papuntang pintuan, at medyo nakaramdam ako ng kaba ngayon dahil baka nandiyan ang mga magulang niya. Once in a moment ko pa lang naman sila nakita kaya medyo kinakabahan ako. Plus, hindi ko pa sila masyadong kasundo samantalang nanliligaw na ang anak nila sa akin.




Pagbukas ng pinto ng Mansion ay bumungad sa akin ang tahimik na loob na ikinahinga ko naman ng maluwag. Mga maid lang ata ang nandito ngayon at kasama niya. Hindi rin kaya siya nabo-bored or nalulungkot kapag wala ang magulang niya dito?





"Hikare? Are you ok?" Nilingon ko si Aisa na nag-aalalang nakatingin sa akin. Binigyan ko siya ng ngiti bago hinalikan sa pisnge.





"Yes I'm ok. So ano ba ang surprise mo?" Ngumite siya bago ako biglang hinalikan sa pisnge at walang salitang hinatak na ako sa loob papuntang dining nila. Pagpasok namin doon ay nagulat ako dahil nandoon ang pamilya niya at ang kambal niya.






Family Reunion ba 'to? Or Family dinner? Bakit hindi niya sinabi, baka ang pangit ko tingnan. Baka hindi nila magustuhan ang suot ko, ano ba 'yan kasi Hikare. Summer dress pa kasi ang sinuot mo. Paano kung hindi nila type ang mga ganitong style?






Bago pa kami nila mapansin ay tumigil ako sa paglakad at hinila si Aisa pabalik. Tiningnan naman niya ako ng nagtatanong na ekspresyon.





"Bakit hindi mo sinabi na nandito ang mga magulang mo? Paano kung hindi nila magustuhan ang damit ko? Aisa naman, nakakahiya sa magulang mo—" Pasigaw na bulong ko sa kaniya ngunit pinutol naman niya ang pagsasalita ko.





"Hikare, everything will be alright. Huwag kang matakot kasi nandito naman ako, don't worry your self, ok?" Pagpapakalma niya sa akin na gumana naman. Bumuntong hininga ako bago ko siya tinanguan.






"Ok." Ani ko. Hinila na niya ako papalapit sa lamesa. Si Clark ang unang nakapansin sa amin na nginitian ko naman. Ngumite siya pabalik.






"Mom, Dad." Tawag pansin ni Aisa sa magulang niya. Lumingon naman sa amin ang Daddy at Mommy niya.





"Aisa, buti at nakarating ka." Masayang bati ng Mommy niya at nilapitan si Aisa bago niyakap ganon din ang Ama niya sa kaniya. Nilingon ako ng Mommy ni Aisa na ikinakaba ko.






"Oh, so ito na ba ang nililigawan mo anak? 'Yong babaeng pro—" Sa tono pa lang ni Mrs. Onaibo ay halatang inaasar ito ni Aisa. Mapaglaro pala siya. Akala ko talaga noong una ay seryso eh.
"Mom!" Pigil ni Aisa sa Ina na ikinatawa naman ni Mrs. Onaibo.




Bumuntong hininga si Aisa bago ay hawakan sa bewang at nagsalita. "Anyways, Meet Hikare Irish Flores."





Tumingin sa akin si Mrs. Onaibo at nginitian ako. Binigyan ko naman siya ng magaan na ngiti, para naman hindi ako maging mukhang creepy.





Lumapit sa akin si Mrs. Onaibo, sa pag-aakalang kakamayan niya ako ay inilahad ko ang palad ko sa harap ngunit nabigla nalang ako ng hinila niya ako at niyakap.





"Nice to meet you Iha. Hindi man tayo maayos na nagkausap noong una nating magkita, pwes ngayon ay susulitin na natin." Masiglang ani niya at kumalas sa pagkakayakap. Ginawa niyang palaman ang mukha ko sa mga palad niya.





"Ang ganda ganda mo, ang cute pa. Ang galing talagang pumili ng anak ko." At muli na naman niya akong niyakap. Nagdadalawang isip man ay niyakap ko nalang siya pabalik.




Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagkamot ni Aisa sa likod ng ulo niya na ikinangiti ko naman. Hindi naman masyado ang nanay niya. Nakakatuwa nga eh, hindi ko aakalaing ganito pala ang ugali niya.




Kumalas na rin sa wakas si Mrs. Onaibo mula sa pagkakayakap. "Anyways, mamaya na natin ituloy ang pagkukwentuhan. Umupo na kayo para makapag simula na tayong kumain." Ani ni Mrs. Onaibo bago naupo sa kaninang inuupuan niya. Lumapit naman sa akin si Aisa at hinawakan ako sa bewang.





"Pasensya na kay Mommy huh." Ani nito. Nginitian ko naman siya. "No it's ok." Ani ko nalang.





Pinaghila na niya ako ng upuan na ikinapasalamat ko naman. Naupo na ako at ganon din siya sa tabi ko. "So, anong kurso ang kinuha mo ija?" Tanong ni Mrs. Onaibo habang inilalapag naman ng mga katulong ang mga pagkain.





"Business Administration Management po." Magalang na ani ko. Tumango tango naman siya. At sinabing magsimula na kaming kumain.





Naeenjoy ko naman ang pagkain dahil sa napakasarap na pagkain na nakahain sa lapag at ang saya rin kausap ng Mommy ni Aisa. Ano pa kaya ang mangyayari kung naging kami na? Hmm, ilang buwan naring nanliligaw sa akin si Aisa eh. I think...





"Mom, Dad. Doon lang muna po kami sa Garden." Paalam ni Aisa sa magulang na tinanguan lang nila. Tumayo na ako at nilapitan ni Aisa, hinawakan niya ako sa bewang at naglakad na palabas papuntang garden nila. The sun is setting kaya napakaganda ng tingnan ang kalangitan ngayon.





"Kumportable kaba kanina?" Tanong ni Aisa. Nilingon ko naman siya at tinanguan. "Yup, ang saya nga kausap ang Mommy mo." Sagot ko naman.





"Hmm, that's good." Ani niya at niyaya akong maupo sa isang bench na kaharap ang paglubog ng araw. Lalo pang gumanda dahil sa mga bulaklak na nakatanim sa graden nila.




"Hikare." Maya-maya ay tawag niya sa akin. Nilingon ko siya at binigyan ng nagtatanong na ekspresyon.





"Hmm?"





"Kumportable ka ba sa akin?"





"Why did you ask that? Syempre naman Oo 'no. Kumportableng-kumportable ako sa 'yo." Ani ko at hinawakan ang kamay niya. She intertwined our hand at itinaas ito para lang halikan ang likod ng palad ko. Nginutian ko siya ganon din siya sa akin. We stared for about a second bago ko napansing may kinuha siya sa Bulsa niya na kung ano na hindi ko na pinansin pa.





"Do you love me, Right?" Tumango ako habang nakangiti parin. "Do you trust me, Right?" I answer with a nod and stare at her with suspicious habang nakangiti parin.





"Hikare Irish Flores..." She said. Then biglang lumuhod sa harapan ko na ikinagulat ko naman. W-what is she doing?






May inilabas siyang black ring box mula sa bulsa niya. Unti-unti ay nababasa na ang mga mata ko dahil sa ginagawa niya ngayon. Was she about to do it?





"I think 8 months of courting you my love is enough. I love you and forever Hikare, you can trust me at hinding hindi kita Iiwan. Will you be my Girlfriend?" I gasped and cover my mouth with my palm. Tuluyan ng bumagsak ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan.





Is this true? Parang wedding proposal. But this is awesome!






"Oo!" Ang masayang sagot ko at dinamba siya ng yakap. Girlfriend ko na siya!





"Oo? YES! Girlfriend na kita!" Sigaw nito na ikinatawa ko naman bago ibinaon ang mukha sa leeg nito at doon lumuha habang nagsasaya ang mga kaluoban ko. Hindi ko mapigilan ang maluha dahil sa kasiyahang naganap lang ngayong gabi. Parang ang bilos lang, kung dati hindi ko siya kilala ngayon Girlfriend ko na siya.






Itinayo ni Aisa kaming dalawa at niyakap rin ako ng sobrang higpit at paulit-ulit na hinalikan ang gilid ng ulo ko. "Thank you so much love. I love you." Ani nito na ikinahagulgol ko naman.






Nakarinig ako ng sigawan ng mga tao, tunog ng mga camera at pagputok ng mga confetti na ikinaangat ng mukha ko mula sa pagkakabaon sa leeg ni Aisa. Nakita ko sina Clark, Darya at sina Mrs. Onaibo and Mr. Onaibo sa harapan namin. Alam ba nila ito?





"Congratulations Rere!"





"Congratulations Kambal!" Bati ng magshota at nilapitan kami bago niyakap ng mahigpit. Ganon din sina Mrs. At Mr. Onaibo na ngayon ay nakangiti na. Niyakap ako ni Mrs. Onaibo.






"Congratulations Ija!" Masayang bati niya. Pinasalamatan ko naman siya bago tumawa nalang ng bahagya.






"Grabe naman po kayo, hindi naman po ito wedding proposal." Natatawang ani ko na ikinatawa naman nina Darya.





"Nako ija, kahit na ano pa iyan mag-sasaya parin kami para sa inyo ni Aisa. Congratulations ulit." Ani niya at nakipagbeso sa akin. Tumingin ako kay Mr. Onaibo na nakatingin pala sa akin.





"Masaya ako para sa inyo ija. Sabihin mo lang kung paiiyakin ka ng Anak ko, at ako ang bahalq sa kaniya." Ani niya na ikinatawa ko naman. Mapagbiro rin pala ang Ama ni Aisa.





"Dad, I am not gonna gurt my Love." Saway naman ni Aisa sa Ama na naging dahilan nito sa pagtawa at pag-iling.





"PAPASOK na kami sa loob ija, mga Anak." Paalam ni Mrs. Onaibo na tinanguan naman namin. Hinila na niya ang asawa niya at pumasok na sa Mansion.





Ngayon ay kami nalang apat nina Clark ang naiwan sa labas. Katabi ko si Aisa na hindi man lang malayo sa katawan ko dahil kanina pa siya nakahawak sa bewang ko at nakadikut matapos ng masayang pangyayari kanina.





Habang sina Darya at Clark naman ay naglalandian lang sa harapan namin.





"So, pasok narin kami Clark, Darya." Paalam ni Aisa bago kami tumayo. Nilingon kami ng dalawa at nginitian.




"Sige. Enjoy your night." Mapaglarong ani ni Darya at kumindat pa na ikinapula ko naman. Agad siyang sinuway ni Aisa na ikinatawa nalang ni Clark bago kami pumasok sa loob ng Mansion papunta sa kuwarto ni Aisa.





"Are you tired Love?" Tanong ni Aisa na inilingan ko naman. "No."





"Hmm. Wait kukuhanan nalang kita ng damit." Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin at itinuro ang sarili.





"Dito ako matutulog?" Ani ko na ikinataka naman niya. Tumawa ako. "Joke lang naman. Ito seneseryoso agad." Ani ko at naupo sa paanan ng malaking kama niya.





Lumapit siya sa akin at yumukod bago hinalikan ako sa noo na ikinapikit ko naman. Ang sarap sa pakiramdam na may taong itinuturing kang prinsesa.






Naramdaman ko ang paghawak niya sa palad ko kung saan nakalagay ang singsing na ibinigay niya sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko at tinitigan siya sa kaniyang mga mata.





"I love you Hikare at pangakong pakakasalan kita." Binigyan ko siya ng isang malaking ngiti.








"Talaga ba? Baka nagbibiro kalang eh, bago palang tayo iyan na agad iniisip mo." Mapang-asar na ani ko. She chuckled then kissed my forehead before looking back at my eyes.





"No, kahit na bago palang tayo ang pagmamahal ko naman sa 'yo ay hindi babago at luluma. Kundi mananatili hanggang sa huli kong hininga." Ani nito na nagpaluha na naman sa akin.
Ano bang ginagawa niya at pinapaluha niya ako ngayong araw?






"Mahal rin kita Aisa ko." Ang mga salitang iyon ay galing sa puso ko at hinding hindi magiging peke dahil si Aisa ang bibigyan ko. Gaano na ba kalalim ang nahukay ko at ganito ako ka-inlove kay Aisa parang dolikado na ata ah.





Napakalalim at punong puno ng pagmamahal ang mga mata namin ni Aisa habang nakatingin sa isa't isa na hindi namalayang unti-unti ng inaadik na magdikit ang aming mga labi at maging isa.






Gumalaw ang mga labi niya na sinundan ko at bawat halik na ibinibigay niya ay tinatanggap ko. Mahal na mahal ko siya at hinding hindi magbabago iyon.





Kahit na ano mang Kasarian ang mayroon kaming dalawa basta ba, siya parin ang Aisa na nakilala ko noon at naging Girlfriend ko na ngayon. Kasalanan man ang umibig sa kaparehas na kasarian, ang mas importante ay ang nagmamahalan kaming dalawa at walang makakapagputol no'n.





Maging ang mundo mang puno ng panghuhusga lalaban ako para sa kaniya, para sa aming dalawa. Maikli man ang naging tagpo ay hindi doon mababase ang isang pag-ibig na tunay.






Mahal ko siya at mamahalin pa hanggang sa pinaka-imposible ng mundo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top