CHAPTER 8
Hikare POV
Nang makuntinto ay humiwalay na ako sa pagkakadikit ng mga labi namin. Pinakatitigan ko ang mukha ni Aisa na gulat parin hanggang ngayon.
Napahagikgik nalang ako dahil doon. Ang cute niya parin kasi. Kaylan ba kasi siya papangit?
Inalis ko ang mga kamay mula sa pagkakahawak sa mukha niya at pinaglaruan ang mga daliri ng hindi parin siya bumabalik sa dati. Nagulat ko ba talaga siya? Maybe that's not the right thing that I did kaya siya nagkaganiyan.
Ano ba 'yan kasi Hikare! Bakit kasi nagpapadalusdalos ka baka mamaya pinaprank kalang ni Aisa. Omygosh, paano kaya kung pinaprank niya lang talaga ako. Nakakahiya. Umasa lang ako kung gano'n.
"P-prank lang ba 'to Aisa?" Tanong ko sa kaniya habang hindi makatingin sa kaniyang mukha. Nakakahiya kaya.
Gulat parin ang mukha niya ngunit nakita ko sa gilid ng paningin ko ang pagngiti niya ng malaki. Abot pa hanggang mata.
Tatawa naba siya? Sasabihin naba niya na nauto niya ako? Ano ba 'yan, gusto ko nalang umiyak dito.
"No, Hikare. Look at me." Hindi ko siya pinakinggan at yumuko lang at hinarap ang TV nila.
Ngunit maya-maya ay naramdaman ko ang paghawak niya sa baba ko at pinalingon niya ako sa kaniya. Ngunit hindi parin ako tumingin sa mga mata niya.
"Look at my eyes Hikare." Ani nito. Hindi ko sana siya papakinggan pero napakaseryoso na ng tingin niya sa akin na ikinanguso ko nalang at salubong ang kilay na tiningnan siya sa mata.
Napangiti ulit siya dahil doon pero hindi ko iyon ginantihan. Bakit ba kasi nangpa-prank.
"Everything I said is true, I love you Hikare the first day I meet you. Everything I said is not a lie and a prank, ok?. I love you Hikare." Ani niya habang nakatingin sa aking mga mata.
Mahal niya ako? Totoo?
Napangiti ako dahil doon at napaluha. Ever since I was a kid, walang nagbigay ng pagmamahal sa akin. Mapamagulang man iyan, kapatid o ibang tao. That's why I hate my family kasi sarili lang nila ang iniisip nila hindi ako, ang anak nila.
Nakita kong napataranta si Aisa.
"Hey why are you crying. May nasabi ba akong mali? Hikare?"
Umiling ako bago suminghot.
Pinunasan naman niya ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya.
"Ok kana?" Tumango ako bilang sagot at muling suminghot. Binitawan niya ang mukha ko at lumapit ng bahagya sa akin bago ako niyakap.
Nabalot kami ng payapang katahimikan habang nasa pagitan ako ng mga binti niya at nakasubsob ang mukha sa leeg niya. Yakap yakap niya rin ako na napakasarap sa pakiramdam.
Tapos na ang pinapanood namin kaya madilim na ang buong paligid ngunit hindi naman nakakatakot dahil nandito si Aisa at yakap-yakap ako.
Hindi ko tuloy maiwasang kiligin dahil dito. Akalain mo iyon, ang inaakala kong kaibigan lang ang tingin sa akin ay may gusto pala sa akin— hindi! Mahal niya pala ako.
"Hikare." Maya-maya ay tawag sa akin ni Aisa.
"Hmm?" Ang sagot ko naman. Busy kasi ako sa pag-amoy sa napakabango niyang leeg.
"'Yong ginawa mo kanina. Anong ibig mong sabihin doon?" Namula ako ng maalala ang paghalik ko sa kaniya. Pero hindi naman ako nagsisisi. Ang lambot kasi ng mga labi niya, nakakaadik.
Inangat ko ang ulo ko at tiningnan ang mata niya sa dilim. Nagsisilbi ring liwanag ang buwan kaya nakikita ko pa ang mukha niyang napaka pogi at ganda.
"Aisa kaya kita hinalikan kanina kasi, trip ko lang." Napakunot ang noo niya sa sinabi ko na ikinatawa ko naman.
"Joke lang." Ani ko at tumawa ulit hanggang sa napangiti nalang habang nakatingin sa kaniya.
"Mahal kasi kita kaya kita hinalikan." Diretsong ani ko. Wala ng utal-utal. Basta ba ligawan niya ako, biro lang.
Nakita ko ang pagngiti niya sa akin.
"Talaga?" Hindi makapaniwalang ani niya na tinanguan ko naman.
Niayakap niya ulit ako, isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko habang ako naman ay niyakap ang ulo niya.
"So, that's mean tayo na?" Bumitaw siya sa pagkakayakap habang ako naman ay taas kilay na tiningnan siya.
"Hmm? Tayo agad? Ay hindi p'wedi ineng. Palibhasa mahal mo ako tayo na agad? Hindi ba p'weding ligawan mo muna bago mo sabihing tayo na." Mataray na ani ko dito na ikinatawa naman niya.
Napangiti ako dahil doon. Nakakahawa talaga ang tawa niya.
"Sige... Can I court you Hikare?" Tanong niya.
Mas lalo pang lumaki ang ngiti ko bago niya Tinanguan. Why naman kasi hindi bigyan ng chance eh mahal niya ako, mahal ko rin siya. Kulang nalang ay magmahalan kaming dalawa.
Nang gabing iyon ay nagyakapan lang kaming dalawa hanggang sa binalot kami ng antok at nakatulog ng nakangiti.
"THIS IS the End of Discussion student, See you all in Monday and please ready your projects. Good bye." Paalam ng Professor namin bago umalis.
Nagkaniya kaniya tayo naman na ang lahat at ako naman ay iniligpit narin ang mga gamit bago isinukbit sa braso ang bag.
Wala akong kasama ngayon dahil may Family dinner ang pamilya ni Darya so Absent siya. But, kahit na wala siya excited parin akong makalabas ng Classroom dahil nasa labas na ang manliligaw ko.
Nakangiti akong tumayo at naglagay papuntang pintuan. Gulatin ko kaya?
Dahan dahan akong naglakad papuntang pinto at ng makalapit na ay huminto muna ako. Sigurading nasa gilid siya dahil nakikita ko ang anino niya.
"Bulaga!" Ngunit hindi man lang nagulat, hindi man lang gumalaw o nakitaan ng pagkabigla sa mukha.
Siguro alien 'tong babae na 'to. Nakita kong tumawa siya ng Bahagya habang ako naman ay sumimangot lang.
"Bakit ba hindi ka nagugulat?" Inis na ani ko. Tumawa naman siya bago ako sinagot.
"I don't know." Sagot nito ng nakangiti ngunit kalaunan ay tumawa na naman. Ano kayang naiisip ng babaeng ito ngayon? Kung nakakabasa lang talaga akong utak ay kanina ko pa siyanabasa.
"Your so Cute." Ani nito matapos kumalma na ikinapula ko naman. Marupok pala ako.
"I know." Mataray na ani ko nalang bago ako tumalikod. Wala ata siyang ibibigay sa akin ngayon.
"Hey sorry." Ani n8ya ngunit hindi ko siya pinansin. Ano ka ngayon.
"Hey Love, here Flowers para naman mawala ang inis mo at mahalin nalang ako." That Nickname. Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisnge ko dahil sa sinabi niya.
Humarap ako at tinanggap ang bulaklak. "Akin na nga." Ani ko nalang.
"Hmm pakipot kapa." Inis ko siyang tiningnan ngunit nawala iyon ng halikan niya ako sa pisnge.
Nanliligaw palang iyan pero kung tratuhin na ako parang ano.
Tumawa lang si Aisa bago ako hawakan sa bewang at nagsimula na kaming mag-lakad na ikinakilig ko naman.
Her sweetness. Ugh! Piling ko matutunaw ako kapag ginagawa niya sa akin ito araw araw.
It's been a week since ang kaganapan ng gabing iyon and this week ay lagi siyang sweet, inaabangan ako sa labas ng classroom para sunduin at dalhan bouquet of sweet flowers. Nakakakilig as in.
Naiimagine ko na tuloy kapag sinagot ko siya. Hm? Kailanan ko kayasiya sasagutin.
Hindi pa nakakaabot ng isang buwan ang panliligaw sagot agad? Basta mahal.
"Love, what do you want to eat?" Napalingon ako kay Aisa. Nandito pala kami sa isang Restaurant na hindi ko alam, kakain daw bago ako ihahatid pauwi.
Tumingin ako sa Menu at damn, super mahal. Nakakapanghinayang.
"I know that look. 'Wag kang mag-alala dahil ako naman ang magbabayad at libre ko, didn't you remember that I am your Suitor?" Ani niya ikinatingin ko naman sa kaniya.
Oo nga naman, mayaman pa pero syempre hindi naman ako ganon na palibhasa mayaman ang manliligaw ay magpapalibre na lagi.
"'Yong oorderin mo nalang din 'yong akin." Ani ko na ikinatango naman niya bago tumawag ng waiter para sabihin ang order namin.
Pinagmasdan ko lang siya habang kinakausap ang waiter. I can't! Hindi ako makapaniwala na manliligaw ko na siya. But, is it ok kahit na hindi ko pa siya gaanong kilala? Hindi pa kami gaanong magkakilala? Will, manliligaw ko pa naman siya.
"Are you ok? Namumula ka." Nabalik ako sa ulirat ng magsalita siya. Umiling naman ako.
"Wala lang 'to. Normal na ito kapag kasama kita." Ani ko nalang na ikinatawa niya. Bakit? Totoo naman eh, normal nalang ang mag-blush pagdating sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top