CHAPTER 6
Hikare POV
"Hala talaga? P'wedi isama niyo naman kami minsan sa bahay niyo." Nasiko ko nalang sa tagiliran si Darya.
Ang kapal ng mukha. Habang kasi ay kumakain kami ay nagkwekwentuhan ng mga kung ano ano tapos nabanggit ng kambal na nakatira daw sila sa Private Subdivision. At alam na natin kung ano ang klase ng bahay sa mga Private Subdivision hindi ba?
Syempre mga Mansion. Tapos itong Darya, umiral ang pagkamakapal ang mukha, eh meron naman silang ganong bahay.
"Ano kaba naman Darya." Bulong ko dito. Nginusuan niya lang ako at hindi pinansin.
"Sige na, sama niyo kami." Ani pa nito kay Clark, tumawa lang si Clark bago tumango at sinabing isasama nila kami kapag weekend.
Nahihiya naman akong tumingin kay Aisa, na hindi ko alam kung kanina pa ba siya nakatitig sa akin o hindi. Nagtama ang tingin namin at ayan na naman ang mga ngiti niyang nagpakabog ng puso ko, sobra.
"Loko loko ka talaga Darya. Nakakahiya 'no." Ani ko nalang matapos iwasan ang tingin si Aisa. I feel so Awkward habang nararamdaman ko ang mga titig niya.
"Hindi. Ok lang naman sa amin Hikare, 'di ba Aisa?" Ani nito at tumingin kay Aisa.
Nalipat naman sa kaniya ang paningin naming tatlo. Nakatingin parin siya sa akin hanggang ngayon na parang walang narinig sa kapatid niya.
"Aisa? Hoy! Baka malunod kana diyan at matunaw si Hikare sa tindi ng titig mo sa kaniya." Agad akong pinamulahan ng mukha dahil sa sinabi ni Clark. Narinig ko namang tumawa si Darya at inasar pa kami. Tae! Ayaw ko sa lahat ang mga ganitong pangyayari eh.
Nakita ko namang umiwas ng tingin si Aisa sa akin pero hindi man lang nahiya sa pang-aasar sa amin ng kaibigan ko at kapatid niya. Tae! Wala ba siyang pakiramdam?
"Ano bang tinatanong mo?" Tanong nito sa kapatid. Napailing nalang si Clark bago tinanong ulit ang kaninang tinanong.
Hindi nalamang ako nagsalita at nakisali sa kanilang kwentuhan hanggang sa matapos kaming kumain.
Pagpasok ng Room ay inasar pa ako ni Darya dahil doon kaya nahihiya ko nalang siyang sinusuway.
Natapos ang hapong klase at ngayon ay papunta na kaming parking lot. May date rin kasi sila ni Clark pero hindi naman sinabi kung saan ang punta.
Hindi ko rin naman simabi kay Darya na may lakad rin kami ni Aisa. Masyado kasing malaki ang bunganga baka mamaya asarin na naman niya ako ng mga walang katutuhanang salita.
"Ingat ka Darya. 'Wag kang magpagabi baka mapagalitan ka na naman nila Tita." Mala nanay na paalala ko dito.
"Oo naman 'no tsaka dadaan rin kami sa bahay." Ani nito kaya napatango nalang ako, maya maya pa ay nagpaalam na silang aalis kaya tumango nalang rin ako.
Ngayon ay kami nalang dalawa ni Aisa ang naiwan sa parking lot. Tahimik at wala rin naman akong balak magsalita. Baka mamaya mapiyok pa ako at mapahiya pa sa harapan niya.
"So... Tara na. May date rin naman tayo ah." Ani nito na ikinalingon ko sa kaniya pero iniwas rin ang tingin ng magtama ang paningin naming dalawa.
So she considered it as a date? Talaga, wait baka mag-assume na naman ako.
Tumango nalang ako bipang sagot. Hindi ko naman alam sa sarili kung paano siya kakausapin. Matapos ang naganap ngayong araw, iwan ko nalang kung paano pa ako makikipag-usap.
Hindi pa naman ako sanay sa mga taong minsan ko lang nakilala pero, iba naman ang pakeramdam ko sa kaniya.
Ngumite siya na muntik ko ng ikinatunaw. Biro lang.
"Just wait, kukunin ko lang ang sasakyan." Ani nito. Tumango nalang ako at nginitian siya. Ngumite siya bago umalis.
Minsan nagtataka narin ako sa kaniya, tinatanong sa sarili kung napapagod rin ba siyang ngumite ng ganon palagi.
Maya maya ay may huminto ng sasakyan sa harapan ko. Bubuksan ko sana ang pinto sa Passenger seat ng mabilis siyang lumabas at siya na mismo ang nagbukas ng pintoan.
Wow, gentlewomen ah. Hmmm... Pwedi na. What?
"Salamat." Ani ko bago pumasok. Naamoy ko kaagad ang nakakaadik niyang pabango sa loob ng sasakyan niya ng pumasok ako.
Pumasok narin siya sa Driver seat ng maisarado ang pintuan sa pwesto ko. Maya maya ay kumayag na kami sa hindi ko alam na lugar. Wala naman siyang sinabi kung saan kami pupunta.
"Ahm, saan mo ngayon gustong pumunta?" Napalingon ako sa kaniya na nakafocus lang sa daan ang tingin.
"Hmm, ikaw na ang bahala. Total ikaw naman ang nag-aya." Napangiwi ako sa sinabi. Seriously?? Hikare? Sa lahat ng matinong sasabihin iyon pa? Paano kung naoffend ko siya? Paano kung sumama ang loob niya sa akin?
Nabalik ako sa huwisyo ng tumawa siya ng mahina. "Ang cute mo kapag nag-ooverthink ka." Ani nito na ikinapula ng mga pisnge ko.
Takte! Baka mamaya pwedi ng pag-ihawan ang pisnge ko sa sobrang init nito. Teka, kinikilig ba ako?
"Anyways, ok lang ba sayong kung saan kita dalhin?" Tanong nito. Ok lang naman as long as hindi ko ikamamatay sa kilig, joke.
Landi ko na(ᗒᗣᗕ)՞
"Hmm ok lang naman." Ani ko dito. Napahigpit ang kapit ko sa bag ko dahil sa hiya. Ang corny ko ata ngayon.
Pagkatapos no'n nagkuwentuhan lang kami about school and other stuff.
Minsan naman ay hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya habang nagkukwento siya, nakakasilaw kasi ang mga ngite niya na siyang nagustuhan ko. Gusto ko na nga talaga siya. Pero, parang mahal? HAHAHA
Namalayan ko nalang na nasa lugar na kami kung saan maraming nagbibinta ng street food malapit sa isang park.
Agad naman natakam ako ng makita ang mga street food na iniihaw ng mga tindiro at tindira.
"Ok lang ba sayo na dito tayo?" Hindi naman ako makapaniwalang napatingin kay Aisa dahil sa sinabi.
"Tatanongin paba 'yan? Eh, halata naman ata sa mukha ko na masaya ako na dito mo ako dinalo tsaka, tagal ko naring hindi nakakakain ng street. Hindi ko nga akalaing ang isang katulad mong anak mayaman ay mapupunta sa lugar na'to eh." Ani ko. Ok, nagiging madaldal na ako.
Napatawa naman siya bago ay sumagot. "Sorry about that tsaka, hindi naman ako maarte katulad ng ibang anak mayaman dahil dati na akong laging pumupunta sa lugar na 'to." Ani niya.
Napatango tango naman ako at doon ay nagkuwentuhan lang kami ng nagkuwentuhan habang hinihintay na maluto ang mga biniling street food.
Hindi ko nga mapigilang mapangiti ng wagas dahil ang sarap niyang kakuwentuhan at ang ganda pa niya. Like sino ba ang sasama ang loob kung ganito kabait at kaganda ang kasama mo. Libre pa kung magpameryenda.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top