CHAPTER 3

Hikare POV


Nagising ako dahil sa walang tigil ang pagtunog ng alarm clock sa Cellphone ko, gusto ko pa mang matulog at hayaan nalang ang alarm ay pinilit ko nalang itong kunin at tingnan ang oras.




7:45 am na at Monday ngayon.



Nanlaki ang mga mata ko ng marealize na lunes pala ngayon! Ano ba 'yan. Kunting oras nalang ay male-late na ako sa klase.




Agad akong bumangon at patakbong oumunta ng banyo upang maligo na. Sa pagmamadali ay muntik ko ng makalimutan ang magsahon at shampoo.




Nakakainis kasi 'yong babae na 'yon eh. Kasalan niya kung bakit ako nalate nahising ay gabi na natulog.




Pagkatapos niya kasi akong batiin ay kinausao niya pa ako ng matagal gamit ang text message at ako naman itong si tanga, hindi na inalala ang araw kinabukasan dahil nalunog na sa Conversation naming dalawa. Hayst! Nakakainis.



Agad akong lumabas ng kuwarto pagkatapos mag-ayos.




Naabutan ko namang kalalabas lang rin ni Darya sa kuwarto niya. Gulo gulo ang buhok nito at halatang masakit ang ulo dahil nakahawak ito sa ulo niya.




Taka niya naman akong tiningnan ng nagmamadali akong dumaan sa harapan niya upang bumaba ng hagdan.




"Bakit ka nagmamadali para ka tuloy hinahabol ng aso." Ani nito.





Nagmamadali namang akong naglagay ng palaman sa loof bread at isinubo ito, ng manguya ay agad kong ininom ang gatas na tinimpla na medyo matabang pa dahil sa kamamadali. Syempre, kailangan may laman ang tiyan ko kapag umalis ng bahay kahit na late na ako.




"Gaga! Wala ka bang balak pumasok ngayon? Late na tayo." Ani ko ng malunok ang kinakaing Sandwich.



Narinig kong napasinghap naman ito bago napatili na ikinangiwi ko. Nakakainis rin itong babaeng ito, nagmamadali na nga magtili pa.




Narinig ko ang mga yabag niyang pabalik sa taas. Mayroon naman siyang damit dito kaya wala na siyang problema.




Agad kong isinuot ang rubber shoes bago ay isinuklay ang buhok. Hindi na ako nakapagpulbo at nakapabango dahil sa pagmamadali.




"Dar! Bilisan mo." Sigaw ko ng makalabas ng bahay. Narinig ko naman ang mga yabag niyang tumatakbo.




Lumabas siya ng naka-ayos na at nakamake-up pa. Late na nga magmake-up pa, buti siya mas mabilis mag kilos kesa sa akin.




Pagkasakay ng sasakyan ay agad na siyang nagmaneho habang naglalagay ng hindi ko alam kung ano, na kulay itim sa pilik mata at talukap ng mata nito ako naman ay pinagpatuloy ang pagsusuklay sa buhok kong pagkahaba-haba. Kaya ang hirap suklayin eh, dahil sa haba.



Gusto ko sanang gupitan kaso baka kapag nagkita kaming muli ng papa ko ay madisappoint siya kaya hinayaan ko nalang na humaba.



Pagkapark ni Darya ng sasakyan sa parking lot ng University ay hindi na ako nag paalam pa sa kaniya at nagmadaling tumakbo.




Iba kasi ang department niya sa akin. Buti nga malapit lang ang building ng department niya eh sa akin mga tatlong building pa ang lalakarin bago makarating sa mismong building ng department ko. Nakakainis!




Pagkarating sa Pinto ng room ay huminga muna ako ng malalim bago sinuklay ang medyo tuyo ko ng buhok gamit ang mga daliri ko bago kumatok ng tatlong beses.





Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin si Ms. Ramos na isa sa mga Professor ko na mabait. Buti nalang talaga mababait lahat ng Professor ko kung hindi ay yari talaga.




"Oh, Ms. Sciagro. Buti naka abot kapa sa klase, magsisimula palang kasi ako." Ani nito bago ako pinapasok.





"Salamat naman po. Good morning po pala Ms. Ramos." Bati ko, nginitian niya lang ako at bumalik na sa table nito. Umupo narin na ako sa upuan ko at nakinig na sa pasimulang pagtuturo ng Professor namin.




Napabuntong hininga nalang ako dahil sa pagod. Yari talaga ang babaeng iyon sa akin.




PAGKATAPOS ng klase sa umaga ay agad akong pumunta sa Cafeteria kung saan lagi kaming nagkikita ni Darya kapag tanghalian na o break time namin.




Pagpasok ay bumungad sa akin ang mga ka school mate na kumakain kasama ang mga kaniya kaniyang grupo.







Umupo nalang ako sa isang table na pang apatan upang doon hintayin si Darya.




Maya maya pa ay narinig ko na ang boses nitong makatawa ay halos umangat sa ingat ng mga istudyante sa loob nitong Cafeteria. Napapailing nalang ako dahil sa laki ng boses nito.




"Oh, 'yon na pala si Rere. Doon na tayo umupo, mukhang puno na halos lahat ng table." Rinig kong ani nito kaya nilingon ko siya. Nakita kong kasama niya sina Aisa at Clark, noong nagtama ang paningin namin ni Aisa ay agad niya akong nginitian ngunit nginusuan ko lang siya at tumalikod.




Nakatalikod kasi ako sa kaniya habang nakaupo.




"Rere, naaalala mo pa diba sila?" Tanong ni Darya ng makaupo sila sa table na kinauupuan ko.






Tumango nalang ako at pinaglaruan ang water bottle na hawak ko sa ibabaw ng mesa.




"Sige dito muna kayo order muna ako ng pagkain namin." Ani ni Darya at tumayo.





"Oorderan ko narin ng pagkain si Aisa kaya sabay na tayo." Ani naman ni Clark at tumayo. Tumango nalang si Darya at lumakad na sila habang nagku-kuweantuham.



"Hey." Ani ng kaharap ko kaya itinaas ko ang tingin sa kaniya ngunit ibinalik rin sa watter bottle.




"Akala ko ba friends na tayo, bakit hindi mo ako pinapansin?" Nakangusong tiningnan ko naman siya.




"Ikaw kasi! Bakit kapa kasi nagtext sa akin kagabi? Muntik na tuloy akong malate sa klase." Ani ko. Awkward naman siyang tumawa at napakamot sa likod ng ulo.




"Sorry. Na-miss agad kasi kita-" napatigil ito ng marealize ang sinabi. Ganon din ako kaya agad na uminit ang mga pisnge ko. Napansin ko ring namula rin siya at umiwas ng tingin.




Omygosh! Ano 'yon?!





"Oy oy oy! Sobrang init ata ngayon kaya kayo namumulang dalawa." Napalingon ako kay Darya ng sinambit niya iyon gamit ang nang-aasar na boses.



Iniiwas ko nalang ang tingin sa kaniya at pinakatitigan nalang ang water bottle na nasa pagitan ng kamay ko na hindi ko namalayang pinipiga ko na ng husto.




Umupo sa tabi ko si Darya ganon din si Clark sa tabi ni Aisa.




"Oh, ito na pagkain mo." Ani ni Darya at inilapag ang plato ko na may roong tamang kanin at beefsteak na paborito ko.




Nabasa ko nalang ang labi ko ng matakam sa ulam ko. Alam talaga ni Darya ang bibilhin para sa akin.




"Ehem." Napalingon kaming tatlo kay Aisa ng bigla nalang itong tumikhim.




"Ayos kalang ba?" Tanong ni Clark matapos uminom ng Gatorade.



Tumango naman si Aisa at nagsimula ng kumain. Ganon din kami.




"Nga pala, mag kapatid ba kayong dalawa? Magkamukha kasi kayo." Ani ni Darya habang nakatingin sa dalawang nasa harapan namin, hindi sumagot si Aisa kaya si Clarknalang ang nagsalita.




"Oo magkapatid kami. Clark Aison Onaibo ang whole ko at Clake Aisa Onaibo naman kay Aisa. Actually magkakambal nga kami eh." Ani ni Clark na ikinagulat ko.




"Totoo?" Hindi makapaniwalang ani naman ni Darya.




Tumango naman si Aisa habang sumusubo ng kinakain.




"Wow! Ngayon lang ako naka-encounter ng kambal. Ang galing." Ani ni Darya. Bago sumuno.




"Eh, kayo? Magkaano ano kayong dalawa." Tanong naman pabalik ni Clark.




"Hindi kami magkamag-anak pero magbestfriend kami simula noong isinilang palang kami." Sagot naman ni Darya.




"Talaga? May tumatagal palang friendship na ganon?" Mangha namamg ani ni Clark.




"Oo naman." Sagot naman ni Darya. Nakinig lang ako, pati narin si Aisa sa usapan nulang dalawa.




Ayaw ko ring magsalita dahil baka may kung ano pa akong masabi, nakakahiya lalo na nasa harap ko si Aisa at kasamang kumakain- wait! Bakit nga ba ako mahihiya?




Hindi ko na talaga alam ang sarili ko.




Parang wala ring balak na magsalita at makisingit sa usapan ng dalawa si Aisa.




'Yong dalawa kasi ay mukha ng may sariling mundo dahil sa sila lang ang nag-uusap at hindi pa nawawalan ng topic.





Itong si Clark, akala ko maangas at badboy noong unang pagkikita namin 'yon pala magkaugali lang sila ng kaibigan ko.





Siguro sa future sila ang magkakatuluyan.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top