CHAPTER 2
Hikare POV
"Hi, Hikare right?" Natigil ang pagmumuni-muni ko ng magsalita ang katabi ko. Nilingon ko naman ito at sinagot.
"Oo, ako nga." Mahina kong ani. Napatango-tango naman siya at muling tumungga sa basong may lamang alak na masakit sa ilong ang amoy.
Natahimik ulit ang pagitan namin at tugtog lang na pinapatugtog ng DJ ang bumalot sa katahimikan.
Narinig kong inilapag niya ang baso sa mesa at tumayo kaya nilingon ko ito, noong una ay bumungad sa akin ang naka side view niyang mukha na talagang nakaka-attract lalo na ang matangos niyang ilong.
Napaiwas at napatikhim ako ng bigla siyang lumingon sa pwesto ko.
"Gusto mong maglakad lakad muna? Masyado kasing maingay dito, may alam akong lugar na tahimik dito." Nakangiting ani nito kaya lumingon naman ako sa kaniyang nagtataka.
"Ano sasama kaba? Kasi piling ko your not into this kind of place." Napaisip naman ako sa sinabi niya. Oo nga naman, tama naman siya, sa totoo lang ay kanina pa sumasakit ang ulo ko dahil sa lakas ng tugtog sa loob.
"Sige na nga. Sumasakit na kasi ang ulo ko dahil sa ingay dito." Ani ko na ikinatawa niya. Nagsimula na siyang maglakad habang nakapamulsa kaya sumunod nalang ako.
Gusto ko na talagang umalis doon. Kung alam ko lang talaga na sa ganitong lugar ako dadalhin ni Darya ay aayaw ako, tama si Aisa sa sinabi niya kanina, I'm not into this kind of place.
Napangiti naman ako dahil doon.
"Anong ngini-ngiti mo diyan." Napitlag ako ng biglang magsalita si Aisa. Nilingon ko naman ang paligid, malayo na pala kami sa Mansyon. Sa tingin ko ay nasa Malawak na garden kami ngayon dahil sa mga bulaklak at punong nakahelera.
Binalik ko naman ang tingin ko sa kaniya at umiling.
"Ah, wala naman." Ani ko gamit ang mahinang boses. Ang awkward pa dahil nakatitig siya ng deretso sa akin.
Tumango-tango naman siya sa sinagot ko at naglakad ulit. Sumunod naman ulit ako sa kaniya habang naglalakad.
Hindi na siya nagsalita pa kaya nagmunimuni nalang ako habang sinusundan ang mga yapak ng paa niya.
Matangkad siya at mahahaba ang binti kaya malalaki rin ang hakbang niya. Parang hanggang balikat niya ngalang ako eh.
Napanguso ako. Ganon naba talaga ako kaliit kaya kapwa ko babae ay mas matangkad narin kesa sa akin? Daya naman ni Lord, pero biro lang.
Habang sinusundan ang yapak ng mga paa niya ay napansin kong palaki ng palaki ang mga hakbang niya kaya halos talunin ko na upang makaapak lang sa inapakan niya.
Ngunit habang ginagawa iyon ay bigla naalamang akong natapilok dahilan kung bakit muntik na akong masubsob sa sementong dinadaanan namin.
Ngunit bago pa magkita ang semento at mukha ko ay mga mga brasong sumali sa akin habang nakatalikod ako, agad niya akong itinayo ngunit dahil sa hindi agad ako nakaready ay napahawak ako sa braso at balikat nito.
Ramdam kong umiinit na ang mga pisnge ko ng magsalubong ang mga mata namin. Takte! Buti nalang ay medyo madilim siguradong hindi niya mapapansin ang mga pisnge kong mukhang kamatis na.
"Ayos kalang?" Nag-aalala nitong ani. Tumango naman ako at agad inayos ang tayo pagkatapos bitawan ang balikat at braso niya.
Binitawan niya narin ang bewang at siko ko. Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"S-salamat." Nahihiya kong ani. Grabi! Never in my life na nagkaganito ako sa babae. I'm straight you know kaya hindi ako kinikilig sa mga babae, kaso iba ata ang tama ng isang ito sa akin. Mukhang babalikuin niya ang tadhana ko ah.
"Hmm... welcome." Tumatangong ani nito.
"Upo muna tayo." Ani nito at itinuro ang bench na malapit lang sa pwesto namin. Tumango nalang ako at umupo. Umupo rin naman siya sa tabi ko ngunit malayo ang pagitan namin.
"Nga pala, sa Eastern University karin ba nag-aaral? Pamilyar kasi ang mukha mo noong makita kita kanina." Ani nito kaya napalingon ako sa kaniya. Hindi siya nakalingon sa akin kaya malaya kong napapagmasdan ang sideview niyang mukha.
"Oo, bakit? Doon karin ba nag-aaral?" Sagot at balik na tanong ko dito. Tumango naman siya bago sumagot.
"Oo, tsaka lagi kasi kitang nakikitang kasama ni Darya kaya naging pamilyar sa akin ang mukha mo." Ani nito at lumingon agad ko namang iniiwas ang tingin sa kaniya. Grabe, kinabahan ako doon. Sana hindi niya napansing nakatingin ako sa kaniya kanina.
"Loko talagang Darya na 'yon. Alam mo bang halos lahat ng ka-school mate natin sa University ay kaibigan niya." Ani ko at tumingin sa kaniya ngunit hindi sa mata, dahil piling ko kasi inaakit ng mga mata niya akong lumapit sa kaniya at pakatitigan.
Bahagya siyang napatawa. "Oo nga eh, napakabait rin kasi ng kaibigan mong 'yon kaya maraming nagiging kaibigan. Sana lang talaga ay hindi siya mapahamak sa mga 'yon." Ani nito.
"Sos, 'yon mapapahamak? Imposible, marami kayang guard iyon na nakapaligid sa kaniya. Hindi lang natin madalas makitang kasama niya dahil pinagmamasdan lang siya mula sa malayo. Nakalimutan ko na ang tawag sa mga guard niya eh, ano nga ba 'yon... buter? Badler? Iwan, basta. Pang sosyal kasi iyon." Mahaba kong ani na ikinatawa niya ulit.
"Ang daldal mo pala." Nahiya naman ako dahil ngayon ko lang narealize na grabi ako magkwento sa kaniya. Piling close lang? Nakakahiya!
"Ah, madaldal ba talaga ako?" Mahina kong ani.
"Hahaha, don't be so awkward towards me. Ituring mo akong kaibigan. In fact, kaibigan na nga turing ko sa'yo." Nakangiting ani nito. Nilingon ko naman siyang nakataas ang dalawang kilay.
"Talaga? Eh, bakit hindi mo sinabi? Tsaka, hindi naman ako awkward sa 'yo 'no. Pilinhira ka, alam mo 'yon?" Tumawa naman siya ng malakas na ikinagulat ko.
"Ang saya mo namang kasama." Nakangiting ani nito. Napatawa nalang rin ako sa kaniya at nagpatuloy sa pakikipag-kwentuhan.
Ang saya niyang kasama. Akala ko talaga kanina ay cold at introvert siya.
"Saan ba kasi ang account mo dito? Ang dami dami mong kapangalan." Ani nito habang nagi-scroll sa Tumbler.
"'Yong may kamay kasi na may singsing na heart ang profile, kanina ko pa sinasabi sa 'yo na 'yon ang hanapin mo hindi karin nakikinig." Reklamo ko sa kaniya habang nakasilip sa Cellphone niya.
"Aish, sorry na ok? Hindi ko kasi narinig." Sagot naman nito at nag scroll paitaas sa screen.
"Ano ba 'yan! Ang lapit lapit ko na sa'yo hindi mo parin narinig mga sinasabi ko."ani ko naman. Nakakainis kasi, tatanungin niya ako kung anong name ko sa Tumbler tapos no'ng sabihin ko naman 'yong name at profile hindi nakinig.
"Ayan oh, sa pinaka-una pala eh." Agad na ani ko ng makita ang profile ko.
Bumuntong hininga na lamang siya bago ako finallow.
Kanina pa kami dito sa garden habang nakaupo sa bench. Pagkatapos kasi ng kwentuhan namin ay tinanong niya ang mga account ko sa Twitter, Tumblr, IG, Facebook at Snapchat. Halos nilahat eh, buti nalang may mga account ako each app and social media.
Ngayon naman ang Number ko ang tinanong kaya binigay ko naman.
Kahit kanina lang kami nagkakilala ay gumaan na agad ang loob ko sa kaniya dahil ang sarap niyang kausap at ang bait pa, grabi. Pasok na pasok- ano self?
Hayst! Straight talaga ako promise!
"O-k, tapos na. Thank you-" ani nito at lumingon sa akin ngunit maling moves ang ginawa niya dahil muntik ng maglapat ang mga labi namin sa isa't isa. Buti nalang talaga bahgya akong nakalayo!
Omygosh! Muntik na niyang makuha ang first kiss ko! Magkadikit na ang dulo ng ilong namin, pinamulahan rin ako ng mukha ng tumitig siya sa mata ko.
Nang dahil sa hiya ay agad akong lumayo at dumistansya sa kanya bago umiwas ng tingin at tumikhim.
"Ah, Akin na nga Cellphone mo." Nahihiya kong sambit bago hinablot ang cp nito, hindi naman siya umangal at sumagot kaya nakahinga ako ng maluwag. Grabi! Isang napaka-awkward na pangyayari iyon!
Nawala ang isip ko sa nangyari ilang segundo lang ang nakakalipas ng makita ang wallpaper niya. Mukha niya itong nakanguso habang nakadikit ang pisnge sa super cute niyang pusa na kulay itim.
Pumunta nalang ako ng contact app niya at inidagdag ang Phone Number ko bago sinave iyon.
"Sige na. Tayo kana diyan, dahil kailangan ko ng umuwi dahil madilim na at baka lunod na sa alak si Darya." Ano ko at tumayo bago ibinigay sa kaniya ang Cellphone nito.
Ngumiti naman siya at tumango bago kami naglakad pabalik sa mansyon.
Halos lahat ay bagsak at lasing na ng makabalik kami. May roon pa namang ibang nagpaparty parin pero karamihan ay tulog na.
Lumapit ako sa isang lamesa ng makita si Darya na tumatawa habang kausap ang isa pang babaeng lasing narin.
"Hahahaha! Nakakatawa talaga si Spongebob, naghuhugas ng plato gamit ang sponges hindi niya alam kalahi niya iyon." Malakas na ani nito at Tumawa ng malakas ganon din ang kausap niyang babae.
Agad akomg lumapit dito.
"Darya uwi na tayo." Lumingon naman siya sa akin at sa likod ko. Nakasunod pa pala sa akin si Aisa hindi ko man lang namalayan.
"Sige. Gusto ko naring umuwi, wala man lang akong nabingwit na Hot boy dito. Puro pangit kasi!" Sigaw nito na ikinalinhon ng ibang lalaki. Ano ba 'yan! Nakakahiya talaga ang babaeng ito.
"Tara na nga." Hinila ko na siya at inakay ang isang braso dahil halos hindi na siya makatayo dahil sa sobrang kalasingan.
"Tulungan na kita?" Napalingon ako kay Aisa na nakatayo sa harap namin. Hindi ko kaya ang kabigatan ni Darya kaya kakapalan ko na ang mukha ko.
"Pwedi ba? Ang bigat kasi ng babaeng ito eh." Ani ko, agad naman siyang lumapit sa amin at kinarga si Darya ng pa-bride style at naunang naglakad.
Napanganga nalang ako dahil sa lakas nito. Pagkarating sa sasakyan ni Darya ay agad kong binuksan ang backseat door, inihiga naman ni Aisa si Darya doon, pagkasara ko ng pintuan ay agad ko siyang pinasalamatan.
"Salamat huh." Ani ko tumango naman siya at ngumiti.
"Walang ano man, sige una na ako." Ani nito, tumango nalang ako kaya umalis na siya.
Umikot naman ako sa sasakyan at pumasok sa Driver seat. Buti nalang talaga at maaga akong naturuan magdrive ng kotse.
Agad na akong nagmaneho pabalik ng bahay ko.
Hindi ko na muna ihahantid si Darya sa bahay nila dahil siguradong masesermunan nanaman siya ng mga ito.
Pahirapan pa akong inakay siya papasok sa bahay papuntang kuwartong nakalaan para sa kaniya, dahil sa bigat nito.
Buti nalang talaga ay may isa pang kuwarto sa bahay na talagang para sa kaniya.
Minsan kasi ay dito siya tumatambay kapag nag-aaway sila ng Magulang niya.
Inunat ko ang mga braso bago lumakad papuntang kuwarto ko at nagbihis ng pantulog.
Paghiga ay tumunganga muna ako sa kesame bago pumikit ngunit napamulat rin ng tumunog ang cp ko na nasa lamesa katabi ng higaan ko.
Pagbukas nito ay bumungad sa akin ang pangalan ni Aisa at ang mensaheng ipinadala niya.
[Hi] Automatic na napangiti ako sa simpleng Hi niya lang kahit na text lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top