CHAPTER 1

Hikare POV

"Bilisan mo namang kumilos Rere! Ilang oras na tayong late dahil sa kabahalan mong kumilos." Rinig kong reklamo ng maarte kong kaibigan na si Darya habang nandito naman ako sa kuwarto ko, inaayos ang pagkakaayos ng simple dress na suot ko.

"Oo ito na! Saglit lang." Saad ko at tiningnan muna ang sarili sa salamin sa huling pagkakataon bago binuksan ang pinto ng kuwarto at bumaba.

"Ang tagal mo naman! Nakakainis kana. Ang ganda ganda na nga ng suot mo kahit simple lang." Ani nito habang nasa dibdib ang mga braso at nakasalubong ang dalawang kilay.

Napatawa nalang ako dahil sa kaniya dahil sa kasewwtan niya na kahit na inis na inis na sa akin ay kino-complement parin ako.

"Tara na nga." Ani ko nalang bago siya hinila palabas ng bahay na tinitirhan ko.

Ngumuso nalang siya na ikinatawa ko. Pagkatapos ilock ang bahay ay agad na akong umangkas sa kaniyang sasakyan sa Passenger seat.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin, huh? Sinabihan mo akong magbihis ng ganito tapos hindi mo man lang sinabi kung saan tayo pumunta." Tanong ko dito bago sinuklay ang nakawag-wag kong buhok gamit ang mga daliri.


"Sa isang party na pupuntahan ko, inimbeta kasi ako ng friends ko sa gaganaping birthday party niya kaya pupunta ako at total naman na day off mo ay isinama nalang kita dahil baka mabulok kana diyan sa bahay mo habang walang ginagawa." Sagot nito habang nagmamaneho. Napairap nalang ako.


"Alam mo naman kung ano ang rason ko hindi ba?" Ani ko naman bago nagbuntong hininga.


"Alam mo My dear GBFF, Hindi ka naman nila makikita eh ang layo kaya nila dito sa lugar kung saan ka nakatira tsaka, imposibleng pupunta sila sa ganitong lugar eh maaarte naman ang mga 'yon." Napailing at napatawa nalang ako sa kalukuhan niya.


Ngunit Hindi ko nalamang siya sinagot at pinagmasdan nalang ang mga nadadaanan naming palayan at kabahayan.

Maya-maya ay pumasok kami sa isang subdivision at inihinto niya ang sasakyan sa harap ng isang Mansyon.


Dito na siguro ang tungo namin dahil sa ang daming sasakyan ang nakaparada sa harap at marami naring tao, isama pa ang malakas na tugtog at mga ilaw. Gabi na kaya magandang tingnan ang mga ilaw na nagpapatay sindi na nanggagaling sa garden ng mansyon.


"Lets go~" Kantang ani ni Darya bago ako hinila. Nagpahila nalang ako sa kaniya habang pinagmamasdan ang paligid.

Naraming nag-iinoman at ang iba pa'y naghahalikan. Iniiwas ko nalang ang tingin sa paligid at yumuko nalamang. Hindi kasi ako sanay makakita ng gano'ng eksena at ang awkward kaya kung ganon.


"Hey! Buti nakapunta ka." Napataas ang tingin ko ng marinig ang boses na iyon. Siguro isa sa mga kaibigan ni Darya at siya siguro ang may Birthday.


"Oo naman ikaw pa. Nga pala, ito kaibigan ko, si Hikare. Hikare si Angel, Birthday Girl." Nakangiting ani ni Darya. Ngumuti naman ang babae.


Ngumiti rin ako pabalik. "Happy Birthday and Nice to meet you." Ani ko. Tumango naman siya.


"Nice to meet you too. Sige doon muna ako, enjoy lang kayo." Mahinhin na ani nito bago umalis ng tumango kami. Mukha siyang mabait dahil bukod sa kaniyang boses ay dahil rin sa maamo niyang mukha.


"Halika Rere, may ipapakilala ako sa'yo. Isa ulit siyang Friend ko sa University." Napailing nalang ako dahil sa binggit niya.


Hindi talaga siya nawawalan ng kaibigan dahil bukod sa mga kakilala niya dito ay halow lahat ng istudyante sa University-ng pinapasukan namin ay kinaibigan niya para daw maging famous siya.


Natatawa nalang ako sa kaniyang rason, kahit naman na hindi niya kaibiganin ang lahat ng istudyante sa University-ng pinapasukan namin ay magiging sikat parin siya dahil sa bukod sa galing siya sa mayaman na pamilya ay mabait siya at maganda pa. Marami ring nagkakagusto sa kaniya kaso nga lang kapag naman nagco-confess ang mga lalake sa kaniya ay binabasted siya.


Not into pa daw siya sa mga gano'n, flirt flirt lang muna daw dahil ayaw niya pa sa mga serious relationship sa hindi ko malamang dahilan.


Huminto si Darya sa harap ng maliit na barstool, mayroong nakaupong lalaki at babae doon na nakatalikod sa amin. Umiinom siguro sila.

"Oy! Mga friend." Masayang tawag ni Darya sa kanila. Lumingon naman agad ang lalaki, ganon din ang babae ngunit napabukas ng bahagya ang labi ko ng bumungad sa akin ang nakakaakit niyang mukha.


Matotomboy ata ako nito ah. May roon siyang kulay abong buhok na hanggang balikat nito, makakapal rin ang kaniyang mga kilay na siyang ikinagwapo niya rin, may tamang habang pikit mata ito, ang kaniyang kulay kayumangging mata ay nakakaakit ganon din ang kaniyang perpektong sukat at hugis ng labi, mayroon siyang medyo mahabang leeg na talagang nakaagaw ng atensyon ko.

Kapag pa naman nakakakita ng ako ng mahaba at medyo payat na leeg ay agad akong naaakit dahil maganda ito para sa akin. Matangkad siya kung titignan at medyo payat rin.


"Hoy! Rere, kasama paba kita?" Nabalik ako sa ulirat ng biglang humarang sa harap ko ang mukha ni Darya dahilan kung bakit mawala ang atensyon ko sa hindi ko namamalayang tinititigan ko na pala ng matagal.

"A-ah, bakit?" Umayos naman ng tayo si Darya ng marinig ang tanong ko.



"Really Rere? Ganon naba kaakit si Aisa kaya nawala kana sa huwisyo mo?" Agad naman akong pinamulahan dahil sa bulgar niyang pagkakasabi. Grabi, kaya minsan ayaw kong kasama siya dahil kung mag salita ay walang kafilter-filter man lang.


"H-Hindi naman ganon Darya." Mahina kong ani. Nakarinig naman ako ng tawa sa harapan namin, nakita kong bumubungisngis ang lalake habang ang babae naman ay tumatawa ng mahina na dahilan kung bakit lalo akong pamulahan.


"Anyways, pinapakilala ko pala ang mga friends ko na sina Clark at Aisa." Ani nito ang tinuro ang dalawa. Napatango naman ako.

"Hello, Hikare nga pala, Rere nalang ang itawag niyo sa akin." Bati ko sa kanila. Tumango naman sila.

"Nice to meet you." Bati nilang dalawa.

"Oh, sige dito kana muna Rere dahil magpaparty muna ako." Pipigilan ko na sana siya ng tumakbo na siya pupuntang likod ng Mansyon.


Nahihiya naman akong lumingon sa dalawa.


"Sige, doon muna ako. Enjoy." Napalingon ako kay Clark ng magpaalamn siya.
Tumango nalang si Aisa kaya umalis na 'yong lalaki.


Ngayon ay nakakaramdam na ako ng awkwardness dahil sa babaeng nasa harapan ko.

Nakaramdam ako ng pangangalay kaya umupo muna ako sa isang upuan pero may pagitang isang upuan para malayo sa kaniya.

Grabi! Bakit ba ako nahihiya sa babaeng ito eh pwedi naman akong makipag-kaibigan.






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top