The Moment I Knew (One Shot)
Isa po ito sa mga earliest works ko. And dahil wala pa akong time na i-edit siya, expect errors and excuse my amateur writing style.
UNREVISED
Copyright © 2013
girlinparis
All rights reserved.
—————
"Moks, inayos na nina mama yung sa debut ko. Ikaw escort ko ha." ginulo niya ang buhok ko kaya lumayo naman ako.
"Ano ba!"
"Oo na! Kung hindi lang kita mahal hindi ako papayag eh."
"Ang kapal mo! Ikaw kaya ang nagrequest niyan. Anong palagay mo sakin pipilitin pa kita? Hell no!" sabi ko tapos tumalikod na ako sa kanya.
"Joke lang! Ikaw naman masyadong pikon.. Ako na nga ang escort mo. I promise.." Inakbayan niya ko tapos sabay pisil sa pisngi ko.
Tama. Sa debut ko. Aamin na ko sa'yo, Diego. Wala naman sigurong masama sa pag-amin di ba? Wala ka namang girlfriend ngayon at sa palagay ko nakamove on ka na naman kay Kristina.
"Hoy. Kanina pa kita kinakausap.." sabay pitik niya sa noo ko, "Ang sakit nun ha."
Pinitik ko din siya sa noo pero nahawakan niya ang kamay ko. Ilang saglit din kaming nagkatitigan ng sinubukan kong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero dahil sa pagpipilit ko.. nadali ko ang softdrinks niya.
"Shit, Drea! Nabasa tuloy ako!" Tumayo siya at tiningnan ang puti niyang pantalon na namantsahan na ng coke.
"Hahahaha! Buti nga sa'yo!" sabay dila ko pa sa kanya.
"Ahhh ganun ha. Ganyanan ang gusto mo.." Hinawakan niya ang basong iniinom ko kanina at nakangising nakatingin sa akin.
"Hoy ano yan! Bitawan mo nga yan! Isa! Diego Fontel-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng ibuhos niya sakin yung tubig na hawak niya. Gagong to! Mukha tuloy akong-
"Hahahahaha. Mukha kang basang sisiw!"
"Ang isip bata mo!"
Nagbasaan lang kami doon.. Hindi na naman napansin na madami na palang nakatingin samin dahil sa kababuyang ginagawa namin.
Pero aaminin ko. Masaya ako. Lagi naman eh, lagi naman akong masaya kapag kasama kita.
"Andrea nasan na daw si moks mo?" Alam ni mama na may gusto ako kay Diego. Suportado naman siya sakin kaya masaya ako. Ang sabi niya.. Lahat ng gusto ko, gusto na din niya. Malapit din naman kasi si mokong kay mama.
"Hindi ko nga po macontact eh. Kanina ko pa siyang tinatawagan."
"Aba anong oras na, 30 minutes na lang magsisimula na ang party."
"Hintayin na lang natin, ma. Dadating siya.. Nangako siya eh."
Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero hindi pa rin niya ito sinagot.. Lumipas na ang 30minuto, 1 oras at kalhati... Wala. Walang Diego na nagpakita.
"Ok ka lang ba, Andrea?" Naalimpungatan ako ng magsalita ang escort ko sa gabing ito. Si Majo. Isa sa lalaking nanligaw sa akin noon pero dahil nga gusto ko si Diego.. hindi ko siya sinagot pero eto kami ngayon. Hindi ko inexpect na siya pa ang magvovolunteer na kapalit ni Diego. Nasan ka ba Diego? Bakit hindi ka tumupad sa pangako mo?
"Teka lang ha. Pupunta lang akong bathroom. Kain ka lang diyan."
"Okay ka lang ba talaga? Naluluha ka.."
"Wala to. Okay lang ako."
Pagdating ko sa cr, hindi ko na kinaya at napaupo na lang ako sa sahig at nag-iiyak. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko lang sobra akong nadissappoint kay Diego. Sobra akong nasaktan dahil hindi siya pumunta. Naturingan pa siyang escort tapos siya pa ang mawawala sa party ko. Binigo mo na naman ako, Diego.
"Para saan pa ang make up na to, para saan pa ang magandang damit na to.. kung hindi ka lang pala magpapakita?! Para saan pa ang pagpapaganda ko ngayon kung hindi mo naman ako makikita?"
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa may narinig akong kumatok sa pintuan. Hindi ko na sana papansinin ng magbukas ito at iniluwa ang mga kaibigan ni Diego.
"Oh my god, Andrea! Ok ka lang ba?! Tumayo ka nga diyan!"
Umiling lang ako sa kanila at sinabing, "Hindi. Hindi ako okay.. A-ang sabi niya kasi pupunta siya eh. B-bakit hindi siya tumupad sa pangako niya?!"
Tinayo nila ako at niyakap ni Julie. "Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Diego. Alam mo naman yung kolokoy na yun.. Sigurado ako na may dahilan kung bakit hindi siya umattend ngayon hindi ba?"
"Oo nga! Malay mo may surprise siya or something!"
"O kaya baka nalate lang!"
"O baka naman mamaya pa siya talaga darating kasi gusto ka niyang masolo, sa tingin mo? Think positive."
"Wag ka na umiyak ha. Day mo ngayon dapat nakangiti ka lang ha?"
Kahit papano ay gumaan ang loob ko sa sinabi nila at sa isa pang pagkakataon, umasa na naman ako na totoo lahat ng sinabi nila.
Na darating siya..
Kinantahan nila ako.. Nagbigay ng isa-isang message.. Dumating ang 18roses, gifts, hanggang sa natapos na ang seremonya.. Tila wala akong naririnig o nakikita sa paligid ko. Buong gabi, sa pintuan lang ata ako nakatigin. Umaasa na pagbukas nito, siya na ang lalabas pero.. Wala pa rin.
Wala pa ring Diego na nagpakita.
Nagsorry na naman sakin ang mga kaibigan niya. Tinatawagan daw nila pero hindi din daw nila macontact. Hinayaan ko na lang. Siguro, hihintayin ko na lang, baka batiin niya pa rin ako. Makakahabol pa siya. Birthday ko pa rin naman di ba?
Diego calling..
Dali-dali kong sinagot ang call niya, nakahiga na ako ngayon sa kama at nakangiti pa ko nun ng magsalita siya sa kabilang linya, "Uy sorry. Hindi ako nakapagcharge kanina kaya nung tumawag ka biglang nawala.. Ano ba yung sasabihin mo?"
Aaminin ko, nasaktan ako sa sinabi niya kaya hindi ako nakapagsalita. Nakalimutan niya? Paano niya ako nagawang kalimutan? Bakit sa birthday ko pa?
"A-" pinutol niya ang sasabihin ko ng isang buntong hininga, "Alam mo ba Drea, ang saya-saya ko ngayon.."
Buti ka pa masaya. Ako 'tong may birthday pero hindi ako naging masaya sa araw na to.
"Kami na ulit ni Kristina!"
Napatakip na lang ako ng bibig ng marinig ko 'yun. Nag-unahan na din ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang buong akala ko hindi na niya mahal si Kristina pero bakit nagkabalikan sila ngayon?!
"Sorry ha. Tinago ko sa'yo. Alam ko namang sa simula pa lang ayaw mo na si Kristina para sakin.. Ayoko din naman na magalit ka sakin kaya hindi ko sinabi."
"Teka-umiiyak ka ba?" Napahawak ako sa bibig ko at umiling kahit na hindi niya ako nakikita.
"H-hindi."
"Masaya ka naman para sakin di ba? Kalimutan mo na yung away niyo ni Kristina, matagal na yun eh. Ang importante mahal niya ko at mahal ko pa rin siya.."
"Tama, siguro nga."
"Sorry ha."
Hindi niya naaalala. Siguro kailangan ko na talagang dumistansya sa kanya. Masaya na siya.. siguro kailangan ko na lang din na maging masaya para sakanya. Kahit na masakit at kahit na hindi ko kaya.
Sana kaya kong kalimutan na mahal ko siya. Sana kaya ko.
"Sorry din, dahil minahal kita.."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top