2

Tiffany

Kinabukasan, excited akong umpisahan ang plano ko. Wala akong dapat sayangin na sandali dahil habang tumatagal ang araw na magkasama sina Earl at Carol ay lalong mahuhulog ang loob ng mga ito sa isa't isa. Dahil sa jetlag ay hapon na ako nagising kaya bago makaalis ng hotel ay saktong uwian na ng mga nag-oopisina.

Suot ang kulay pulang bestida na walang manggas ay naghintay ako sa taxi na maghahatid sa akin sa restaurant na i-b-in-ook ni Earl. Ang sabi niya ay may dinner date daw siya at si Carol. I lied to him that I could not join them because I was jet-lagged, but my plan was to surprise them with my 'chance encounter'.

Of course, alam na alam ko ang likaw ng bituka ng bestfriend ko. Ayaw niyang mag-isa akong gumala kaya sigurado akong hindi niya ako ipagtabuyan.

Bago ako pumunta sa restaurant ay dumaan muna ako sa opisina ni Carol. If I want to gather evidence about her 'infidelity', I need to confront her face to face. Sa panahon ngayon madali na ang gumawa ng kasinungalingan na sigurado akong papaniwalaan ni Earl.

Hindi gaanong kalayuan ang opisina ni Carol mula sa hotel, may construction business ang pamilya nito, at ito ang namamahala.

When I arrived at her office building, I saw her walking out with a broad and excited smile while talking on her phone after exiting the taxi. "What a relief. Hindi ko na kailangang magpakahirap sa pagpasok."

Matapos bayaran ang driver ay dali-dali akong bumaba ng taxi at palihim na sinundan si Carol habang sekreto itong kinukuhaan ng litrato. Hanggang lumiko ito sa isang eskinita sa gilid ng building ay nakasunod ako. Ilang metro ang layo ko sa kanya pero nang makarating ako sa bukana ng eskinita ay nakita ko na ang sinusundan ko ay nasa dulo na at papasakay ng kotse.

I shrugged my shoulders and then a satisfied smile crept onto my lips as I whispered. "You looked excited, huh?"

It took me half an hour to reach the restaurant on the rooftop of one of Makati's tallest buildings. It is near Earl's workplace, and I doubt he chose this location because it was a convenient drive from work.

Bago ako pumasok ay dumaan muna ako sa toilet upang mag-ayos. Hindi ko akalaing maabutan ko roon si Carol na nagre-retouch ng lipstick. Nagkasalubong ang mukha namin at tipid ko siyang nginitian pero bahagya lang umangat ang kilay nito bilang tugon. She doesn't recognize me?" tahimik kong bulong.

Mukhang tama nga ang hinala ko dahil kahit magkatabi kami sa sink at nag-aayos ay hindi na ito kumibo. Pasimple kong pinagmasdan ang repleksyon nito sa salamin. Medyo nagulo ang buhok nito at nagusot ang suot na bestida. Tahimik akong napaismid.

'Did she and Earl make out in the car? Daring, huh? Huwag kang mag-alala, my sweet little Carol. Once na maagaw ko sa 'yo si Earl, hindi lang halik ang gagawin namin ng asawa mo sa kotse niya. Higit pa riyan na sigurado akong ikakabaliw ni Earl at makakalimutan niyang may asawa siya.'

Limang minuto ang pinalipas ko bago ako lumabas sa banyo saka pumunta sa restaurant. Dahil nasa rooftop ito ay kailangan kong sumakay ng elevator pataas. Hindi ko akalain na May makakasabay akong kakilala na matagal ko nang hindi nakikita.

"Kevin?" magkasalubong ang kilay na tanong ko dahil hindi ako sigurado kung siya nga ang nakikita ko.

His looks were different from what I remembered. Kung pogi ito noong ay mas pumogi ito ngayon at lumakas ang appeal.

"Tiffany? Is that you?" Ngumiti ito at pinigilan ang akmang papasarang elevator. "Coming in?"

Tumango ako at agad na pumasok sa loob. "Akala ko ba ay lalabas ka na?" Pagbubukas ko sa usapan.

Kevin was my classmate in college and my die-hard suitor. Pero kahit halos apat na taon itong nanligaw sa akin ay hindi ko ito sinagot at ayaw rito ni Earl.

"Oh, I was, but then... you are here. Walang rason para lumabas ako," ngumisi ito saka kumindat sa akin. "How are you?"

Mahina akong napatawa. Alam na alam ko ang dahilan nito kung bakit ito nasa harapan ko ngayon pero hindi pa ito ang tamang panahon para isiwalat ang papel nito sa kuwento.

"I'm good. Sino ang mag-aakala na sa pagbabalik ko ay ikaw agad ang una kong makikita?" pabiro kong tanong.

Umangat ang isang kilay nito. "Are you sure about that? How about Earl?"

"Oh... him? I will meet him tonight. That's why I am here. If you are not in a hurry, you can join us. You don't mind, don't you?" nakangiti kong tanong. I mustered all my courage to invite him to join us.

Sandaling hindi nakasagot si Kevin at alanganin ang ngiti nito. "How could I? Alam mo naman kung gaano kainit ang ulo sa akin ng bestfriend mo." Sumandal ito sa pader sa gilid ng banyo at nagpatuloy sa pagsasalita. "Paano ka magkakaroon ng lovelife niyan kung laging nakadikit sa 'yo si Earl? Saka ang balita ko ay may asawa na 'yong tao. Hindi ba nagseselos ang asawa niya sa 'yo?"

Nagkibit ako ng balikat at naglakad upang iwan ito. "Hindi ko na kailangang sagutin 'yan. If that woman loved Earl and trusted him, she wouldn't feel jealous. Kung hindi ka sasama sa akin ay aalis na ako. Nice meeting you again, Kevin." Kinindatan ko siya na puno nang kahulugan.

Hindi pa ako nakakalayo nang tinawag niya ako. "Wait, Tiffany. Can I get your number? Maybe you want to hang up with me sometimes?"

"Sure!" masigla kong sagot saka sinabi rito ang number ko. This is my new number and there's no contact saved on it.

Nang makarating ako sa rooftop ay sinalubong ako ng waiter at nagtanong ng imbitasyon. Nang sinabi ko ang pangalan ni Earl ay hinatid niya ako sa kinaroroonan ng bestfriend ko.

"Earl, surprise?" masigla kong bati at niyakap ito mula sa likuran saka hinalikan sa pisngi. Napansin ko sa sulok ng aking mata na nakatingin si Carol kaya sinadya kong idikit ang dibdib ko sa likod ni Earl upang lalong magdikit ang katawan namin. Ngumisi ako nang nakakaloko nang makita ko kung paano naningkit ang mata ni Carol pero hindi ito nagsalita.

"Tiffy? Ang sabi mo hindi ka makakapunta?" Earl asked, flustered.

"Oh, I suddenly wanted to stroll around and accidentally met Kevin. Remember him? He was my most loyal suitor in college," I grinned.

Dahil magkaharap sila ni Carol ay umupo ako sa tabi niya. Earl ordered for me dahil alam niya kung ano ang paborito ko at hinayaan ko naman siya.

"Stop seeing him. Hindi siya mabuting tao, alam mo 'yan," he reprimanded me, his face dark as the squid pasta he was eating.

Napanguso ako sa sinabi niya saka sinulyapan si Carol. Mukhang balisa ito habang nakatungo sa pagkain nito. "Why? Para sa akin isa siyang mabuting tao, ah. Remember his perseverance that lasted for four years yet nothing happened?"

"That's because he's an asshole. May gusto lang siyang kunin sa 'yo kaya nagpupursige siya na ligawan ka."

Habang nag-uusap kami ni Earl ay tahimik lang na nakikinig si Carol. Paminsan-minsan ay nakikisali ito sa usapan, pero kadalasan ay nagmamasid lang ito sa amin ni Earl.

"Earl, I want that." Itinuro ko ang cheescake na malapit lang sa harapan ko at kaya ko namang abutin. "Subuan mo ako. Please..." Malambing kong sabi at ikinurap-kurap ang aking mata na tila batang nagmamakaawa.

Napapangiti at napapailing na sumunod si Earl at kumuha ng maliit na piraso gamit ang tinidor saka ako sinubuan sa harap ng kanyang asawa.

A stream of joy elevated inside me as I watched from the corner of my eye as Carol gritted her teeth in annoyance.

Simula pa lang ito, my sweet little Carol. Wala pa ito sa gagawin ko sa asawa mo para agawin siya sa 'yo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top