1
Tiffany
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?"
Nilingon ko si Tanya habang ang kamay ay hindi huminto sa pagtitiklop ng damit saka inilagay ang mga iyon sa maleta. There was a small smile hanging on my lips, laced with unexplainable eeriness. My gaze was dark and sinister.
Tanya shuddered at my gaze and quickly shifted her eyes away as I opened my mouth to answer. "Kung hindi ako sigurado, sa tingin mo ipapasa ko sa 'yo ang korona ng pagiging Number one model ng agency? I gave up my seat to execute this plan. Kailangan kong manalo sa larong ito."
I heard Tanya sigh before she sat on the chair near my bed. "Hindi ka ba takot na mabigo ka at tuluyang mawala sa 'yo ang lahat? Hindi ka lang kamumuhian ng bestfriend mo. Sigurado akong hindi ka nu'n patatawarin."
I rolled my eyes hard hearing Tanya's comment. Ito ang nag-iisang pinay na kasama ko sa aming talent agency. Araw-araw ay iba't-ibang runway ang nila lakad namin, at pagkatapos noon ay mayroon pa akong photoshoot para sa mga mamahaling brands na minomodelo ko. I am proud to say that I am one of the most in-demand models and my schedule is always packed. Ako na lang ang umayaw dahil sa pagod, but I felt happy. This has been my dream since I was young.
Masakit man sa akin na mawawala ang lahat ng ito dahil sa laro na gagawin ko sa bestfriend ko mula pagkabata, ay nakahanda akong magsakripisyo para manalo.
Halos mag-iisang dekada na kaming magkasama ni Tanya. Sabay kaming umalis ng Pilipinas upang makipagsapalaran sa ibang bansa, kahit pa pinigilan ako ng Daddy ko. I regretted my actions now that something had happened.
"Don't be a jinx, Tan. Just give me your full support dahil kung hindi ay babawiin ko sa 'yo ang korona," biro ko pero alam naming pareho na may bahid iyon ng katotohanan.
Tanya and I were like peas in the pod. Inseparable. Kahit minsan ay ramdam ko na naiinggit siya dahil mas successful ang career ko sa kanya. Ang hindi niya alam, bago pa man lumapit sa kanya ang mga sponsors at brands ay inuunahan ko na ang mga ito kapag alam kong si Tanya ang gusto ng mga ito. I don't give a damn kahit sinisira ko ang hagdan niya para hindi siya makaakyat sa taas. I should be the one in the limelight, always.
"Alright then." Tumayo siya saka kinuha ang maleta na ngayon ay nakahanda na.
Ngumisi ako at kinuha ang handbag na nakalagay sa ibabaw ng mesa na nasa tabi ng kama saka sumunod kay Tanya matapos kong bigyan ng huling tingin ang kuwarto ko. I've been living in this apartment for years, and even though I am a mean person, I am quite sentimental.
This apartment will remain in my name hanggang matapos ko ang aking plano. Whether I succeed or not, that is the plan for the other day.
Tanya dropped me at the Paris Charles de Gaulle airport. It is a long flight, but since I am used to it from my years of experience traveling, my journey became easy. Inabot ng labing-anim na oras ang biyahe at gabi na nang makarating ako sa NAIA. No one knew I was going back because I went straight to the hotel. Pagmamay-ari ni Earl, ang bestfriend ko na subject ng laro ko, ang hotel na pupuntahan ko kaya nakalibre ako ng tirahan. bago ako umalis ng Paris ay siya lang ang nag-iisang taong pinagsabihan ko ng pag-uwi ko kaya naghihitay na siya sa akin sa hotel.
"Tiffy!" excited na salubong sa akin ni Earl. Nakabuka ang braso nito upang salubungin ako ng yakap.
Simula noon ay sobrang close na namin. Ilang beses pa nga kaming napagkamalang magkasintahan pero hanggang magkaibigan lang talaga kami.
"You are finally back. Bagama't nagtatampo ako sa 'yo dahil hindi ka um-attend ng kasal ko last year ay nakahabol ka naman sa first anniversary namin." Binuhat ako ni Earl saka pinaikot-ikot at saka ibinaba.
Sabay kaming nagkatawanan. "I am so happy to be back. Pero mas masaya ako kung bibigyan mo na ako ng oras mo." Kinindatan ko siya bago iniabot sa attendant ang dala kong luggage.
Inakbayan ako ni Earl at sabay kaming naglakad papasok. "'Wag kang mag-alala. Babawi ako sa 'yo ngayong nandito ka na."
"What about your wife? What if ayaw ka niyang payagang makipagkita sa akin?" I pouted and acted coquettish. This is how I seduce him every time I had something I wanted. At hindi ako laging nabibigo.
"Well, I can just ask her. Puwede rin natin siyang isama kapag hindi siya busy sa work niya."
Nawala ang ngiti ko dahil sa narinig. Eto ang unang beses na hindi ako pinagbigyan ni Earl. My irritation started to crawl on my face and I stayed quiet. I swear, if Earl suggested bringing his wife with us again, I would charge straight into that woman's face and slap her hard. Wala siyang karapatang pigilan ako na isama si Earl sa mga escapades ko.
"Isang taon pa lang kayong kasal at hawak ka na niya sa leeg? Do you even have freedom from her?" puno ng iritasyon na tanong ko.
"Don't talk like that. Mabait si Carol."
Umikot ang mata ko saka napabulong. 'What a bitchy name.'
Hinatid ako ni Earl hanggang sa top floor, sa VIP room ng hotel, at hinalikan ako sa pisngi upang magpaalam. Pagod na rin ako kaya magpapahinga muna ako bago ko simulan ang pagsira sa relasyon nila. Ngayong nakita ko nang masiyadong solido ang relasyon ng dalawa ay kailangan ko ng lakas para sigurado ag aking tagumpay.
Bago ako maligo ay sinend ko kay Carol ang larawan na pasikreto kong kinuha habang hinahalikan ako sa pisngi ni Earl. Dahil masiyadong tricky ang anggulo ay nagmumukhang sa labi ako hinalikan ng bff ko. That's it for now. Bigyan muna natin ng patikim si Carol.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top