Paunang Salita


RinggRingg


"HELLO? Halie! Nakita mo na ba 'tong graduation picture natin? God! I can't believe this!"

Naglalakad ako ngayon pauwi ng bahay habang hawak ang mga litratong pinadala ni Hale sa akin, habang kausap ko siya sa cellphone. Hindi lang ako makapaniwala sa isang litrato. This ain't right or funny. Hindi ako makapaniwala na simpleng litrato lang ang sisira ng araw ko ngayon.

"Mary, calm down. Ano bang meron? Kade-deliver lang yan ng photographer kahapon. Sinabi ko na i-direct deliver sa bahay ng parents mo kasi diba sabi mo kahapon sa akin bibisitahin mo sila, kaya hindi ko pa nakikita."

"What?! Ugh, sino yang photographer na yan? Nag take siya ng picture, na hindi nakikita ang mata ko. I mean, wala akong mata sa picture na 'to. Completely. And he called himself a professional?" At first sa Carnival ako nakunan ng walang mata, then now in Graduation Picture? Wala naman akong mortal enemies para gawin at pagtripan ako ng ganito.

"Baka naman may complication lang sa printer ng pictures niya. Relax, puwede namang ipaayos yan."

Napairap nalang ako sa sinabi niya. Kung may complication yan dapat inayos agad yan at napansin.
Lumiko ako sa makitid na eskenita dahil may shortcut duon, "Complication? Kung nakikita mo lang 'tong picture na hawak ko, you wouldn't say that. Wala talaga yung mga mata ko! As in! Wala, parang phinotoshop. And it's strange kasi yung blank sa mata ko ay transparent sa background sa likod ko." Pagliko ko, may nadaanan akong taong nakaitim na jacket at naka-hood. Hindi ko nalang siya pinansin pero nadaanan ng mata ko yung hawak niyang barbecue stick.

"Sige, tatawagan ko siya. Papaayos natin yan."

Nang malayo na onti ako sa taong nakaitim na nakita ko, napansin ko na binaling niya yung ulo niya sa akin at naglakad, na parang sumusunod, kaya binilisan ko agad yung paglalakad. "Hale, help. May sumusunod sa akin—" Pabulong ko pero biglang may matining na kung ano ang tumunog sa cellphone ko kaya nabitawan ko. "AHHH!"

Dadamputin ko sana yung cellphone ko pero may naramdaman akong parang basa sa pisngi ko. Pinunasan ko ng kamay ko yung pisngi ko malapit sa mata, at napakunot yung noo ko nang makitang may dugo akong napunasan. What the hell.

Nagulat ako nang may marinig akong kaluskos sa likod ko, pagkatalikod ko nanduon na yung lalaki na nakasunod nga sa akin. He's close. "HELP! Some—body!!"

Hindi ko na kinuha yung cellphone ko, tumakbo nalang ako ng mabilis habang sumisigaw. Pero parang walang taong nakakarinig sa akin, at parang walang katapusan yung eskinita na dinaanan ko, ilang beses na ako dumadaan sa lugar na ito pero hindi ganito kahaba ang eskinita dati. Sa gitna ng pagtakbo ko, biglang may narinig nalang akong tunog na parang chinochop-chop na baboy o ano. Chop Chop Chop. Parang echo, pero parang sa tabi ng tenga ko lang nanggagaling yung mga tunog.

Pinilit ko pang bilisan yung takbo ko pero dahil sa taas ng takong na suot ko, natapilok ako at nagpagulong gulong sa lapag. This is not the fucking time. Jesus Christ! Agad kong hinubad yung takong ko at hindi ininda ang lahat, pero pagtayo ko, nakaharap ko yung taong humahabol sa akin, at laking gulat ko nang makita na wala siyang mga mata at nagdurugo't inuuod yung bakanteng mata niya.

Halos maduwal ako sa nakita ko, pero hindi ko na nagawa nang maramdaman kong mabilis niyang itinusok ang barbecue stick na hawak niya kanina diretso sa kaliwang mata ko, napaluhod ako sa naramdaman kong hapdi ng tulis ng pagkatusok sa mata ko. Gusto ko sumigaw pero parang walang lumalabas na boses sa bibig ko. Naging dilim yung paningin ng isang mata ko, at nakita ko nalang siya na umupo para tignan ang muka ko na duguan, at nagulat ako lalo ng onti-onting nagkakaroon ng mata yung kaliwa niyang mata.

Tinaas niya yung isa pang barbeque stick na hawak niya at pinaglalaruan niya ng paikot-ikot sa mga daliri niya. "Ple—ase..." Hagulgol kong pagmamakaawa. Ngunit tinusok niya padin ng madiin ang stick sa kanan kong mata hanggang sa wala na akong makita.

Chop Chop Chop

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top