Kabanata 10: Pagguho
"SANDALI! Ikaw— Hindi ba ikaw yung kinuha naming photographer nung nagkaroon kami ng event sa carnival. Ikaw yung kumuha ng mga litrato namin. Ikaw yung photographer."
"Ako nga. Anong kailangan niyo sa akin?"
"Anong kinalaman mo sa sumpa na meron kami? Bakit puro ganun ang kuha mo sa mga litrato na nakuhaan mo?! Bakit simula nung kinuhaan mo kami nagkaganito na ang mga buhay namin?!"
"Kung ganu, totoo ang pamahiin."
× × × × ×
Nasa sofa ako ngayon nakaupo at nagkakape, si Sy naman ay nakahiga sa tabi at nakapatong yung ulo sa hita ko habang nakalingon kung nasaan yung malaking TV. Nandito padin kami sa mansion ni Sean, dahil sa lahat ng lugar na puwede kaming kampanteng magpahinga o matulog, dito na iyon sa mansion ni Sean. Pero dahil artista si Sean at nurse si Leila, kailangan padin nila pumasok, kahit gusto kong pumarito muna sila para sama-sama kami at walang ibang mangyayaring masama na hindi alam ng isa. Si Sy at Carmen naman ay pinili munang hindi pumasok. Si Aidan, nasa sulok kaharap yung laptop niya at naghahanap ng kung ano-ano duon na puwedeng makatulog sa amin. Habang si Connie naman— Conz, nakaupo sa kabilang upuan nanunuod din ng TV.
"Connie," tawag ni Aidan ng hindi inaalis yung tingin sa laptop. "In that book you've read, THE MISSING PIECE. D'ya read or is it written there what we have'ta do to break this curse?"
Umiling si Conz, "Ang naaalala ko lang na nabasa ko sa libro na may kinalaman sa pagkatapos ng sumpa ay may ginawang deal o kung ano yung character na si Aidan, ikaw Uncle, para matigil yung sumpa na kapalit ang buhay mo."
Kung ganun hindi namin nasolusyunan ang sumpa— wala kaming nahanap na paraan para matapos ang sumpa. Kailangan pa ipagpalit ni Aidan yung buhay niya para matapos ito, na mukang hindi naman worth it dahil bumalik padin yung sumpa para patayin ang mga magulang ni Conz, na kami ni Sy sa future.
"Sounds like me."
"Ten years old palang ako nung sinimulan ko basahin yung librong yun, hindi ko na maalala yung ibang ditalye, ang alam ko lang ay gustong-gusto ko basahin at tapusin yung istorya. Hindi ko alam na— totoo pala lahat ng nandun."
Pero kahit na ganun, natutulungan niya padin kaming dagdagan yung mga impormasyon na kailangan namin, kahit maliit na detalye malaking butas na ang kayang takpan. "Okay, ngayong nalaman na na— bakit?"
Magsasabi sana ako ng mga nasa isip ko nang bigla silang sabay-sabay na tumingin sa akin, si Sy parang nabuhayan at umayos ng upo pati si Carmen, si Aidan naman tinigil niya bigla yung pagla-laptop niya at nangalumbaba pa habang nakangisi ng tingin sa akin, na parang inaabangan talaga nila na magsalita ako.
"Wala. Sige na ituloy mo na yung sasabihin mo. Nakikinig kami."
Napakamot nalang ako ng ulo, "Tsk. Ngayon diba nalaman na natin na demonyo yung namumuno sa mga pag-atake sa atin dahil sa sumpa. Kailangan natin mag-doble ingat, magdala tayo lagi ng mga gamit na puwedeng makataboy sa demon na yun, hindi lang sa kanya pati sa mga vengeful spirits na humahabol sa atin dahil kaya din nila tayong saktan tulad ng demonyo. Kailangan natin protektahan sarili natin ng mabuti dahil puwede tayong ma-possessed at wala tayong alam na paraan para mapigilan yun."
"Actually, there is. This tattoo, for example." sabi ni Aidan. Tinaas niya yung manggas ng damit niya saka pinakita yung tattoo sa braso niya. Star na parang pentagram na nasa loob ng circle at may apoy sa paligid, yung hugis ng tattoo niya. "This is a Anti Possession Pentacle Sigil. When you have this tattoo, no one can possessed your body. Vengeful Spirits nor Demons. Yo' body's safe by any possible possession."
"Anong ibig mong sabihin magpapa-tattoo kami ng ganyan sa katawan namin? Gusto mo bang matanggal kami ni Sy sa trabaho namin?" sabi ni Carmen. "Mahigpit yung boss namin."
"Pero ayun lang yung paraan para hindi tayo sapian ng mga kaluluwa at ng demonyo." sabi ni Conz. "Puwede naman sigurong itago—"
"Sa tingin mo papayagan kita?" Napatingin kami ni Conz kay Sy sa gulat nang putulin niya yung sasabihin ni Conz at sabihin niya yung mga salitang iyon. "Diba sabi mo teenager ka palang? Hindi kapa puwedeng mag lagay ng kahit anong kolorete sa katawan mo. Pangit tignan ang tao na may kung ano-anong nakalagay o nakasulat sa katawan nila. No offense, Aidan."
"No offense taken," mabilis na sabi ni Aidan dahil mukang seryoso si Sy sa sinabi niya. Parang nag switch sa mother mode yung aura niya dahil lang sa tattoo. Nakakatakot siya, parang may banta na nakalagay bawat salitang sabihin niya at siguradong pagsisisihan namin kung sakaling suwayin namin iyon.
"So—sorry, Mom." sagot tuloy ni Conz sabay yumuko na parang napagalitan. Bakit pakiramdam ko kailangan ko din mag sorry? Wala naman akong kasalanan.
Nang ma-realize ni Sy na tinakot niya kaming lahat dahil sa biglaang mother mode niya, namula bigla yung muka niya. "AHAHAHA. Ano ba kayo, nagbibiro lang ako. Sinubukan ko lang kung bagay sa akin maging nanay. Hindi pala AHAHAHA, nakakatanda." tawa niya bigla habang hinahampas ako. "Pero hindi ka magpapa-tattoo, Conz."
"Parang hindi naman biro yun. Saka matanda ka naman na, ano pang itatanda m—ARAY!." mahina kong bulong pero sapat na ang hina para marinig ni Sy, kaya nakatanggap ako ng pino niyang kurot sa tagiliran na parang saksak ng kutsilyo. Kawawa lagi tagiliran ko. "AIDAN! Wala na bang ibang paraan para hindi kami masapian ng demon na yun? Yang tattoo lang ba talaga? Sino ba kasi may sabi na magpapa-tattoo kaming lahat?" pagbabalik ko ng topic.
"Naalala ko na, may kwintas si Mom at Dad na lagi nilang suot nun. Hugis ganyan sa tattoo ni Uncle, 'eto nga binigyan ako ni Mom ng isa." May pinakita si Conz na kwintas na suot niya. Ganun na ganun nga sa tattoo ni Aidan yung pendant ng kwintas.
"Yes, right I forgot. That necklace can also work if you wear it all the time." sabi ni Aidan. "It can protect you from being possessed by any creatures. Just don't take 'em off, they're not safe like a tattoo can, someone can snatched it away from you without knowin' and all."
"Pero mas maganda na yun kesa magpa-tatto pa kami." sabi ko. "Kailangan natin lahat magsuot ng kuwintas para hindi na natin problemahin kung sino ang puwedeng masapian o hindi." sabi ko, tumingin ako kay Sy para tanungin kung tama ba yung sinabi ko at tumango naman siya.
"The problem is— where to find it."
"Saan?"
"Out of this town, at MARKUS & ALASTAIR'S." sagot ni Aidan. "Those father and son know a lot that I, sure they have a lot of that thing with them. I can hit the road now and get a couple of that if you want, I could also asked 'em if they knew summat 'bout demon and all that stuff."
Tumango ako. "Sige, magandang magkaroon na tayo agad ng mga kuwintas. Hindi natin alam kung kailan tayo susunod na aatakihin ng mga espiritu, mabuting handa tayo. Saka isama mo na din si Conz sayo."
"Ako?"
"Connie? Why?"
"Cooper. Bakit ipapasama mo pa si Conz kay Aidan? Mahaba yung biyahe. Baka mapagod lang siya, wala naman siyang alam sa pupuntahan nila." angal ni Sy. "Dito nalang siya sa atin."
"Sy, hindi ko alam kung paano protektahan si Conz, pati ikaw kung sakaling may mangyari nanamang masama. At least kapag kasama ni Aidan si Conz, mapapanatag ako na ligtas siya. Isa lang ang aalalahanin ko sa inyo dahil alam kong ligtas ang isa sa inyo kay Aidan." sabi ko. "Isa pa, hindi ako makakakilos pag may umaaligid na bata dito na gustong kontrahin lahat ng sasabihin ko." biro ko.
"Hindi na nga ako bata."
Alam ko, pero mas tiwala ako sa kakayahan ni Aidan na protektahan ka kesa sa kakayahan ko. Kung puwede lang na ipasama ko kayong dalawa ni Sy kay Aidan ginawa ko na, pero alam kong hindi papayag si Sy.
"Connie, tama si Cooper, ibig kong sabihin ang Dad mo, ang magiging Dad mo. Magiging ligtas ka kay Aidan, dahil marami siyang alam sa kung ano-ano na hindi namin alam para protektahan ka." sangayon ni Carmen.
"I'll take that as another yet compliment"
"Bahala kayo." walang magawang sagot ni Conz. "Bakit nga pala hindi niyo muna hanapin yung taong kumuha ng mga litrato niyo? Tutal sa mga litrato niya naman nagsimula ang lahat, malay niyo may alam siya na di niyo alam."
"Sinubukan na siya hanapin ni Sy at Cooper, hindi padin namin siya nahahanap hanggang ngayon. Pero mamaya tatanungin ko yung isa kong kaibigan na kakilala yung photographer na kinuha namin. Baka may alam siya kung nasaan." sabi ni Carmen.
× × ×
Kaming dalawa lang ni Sy ang nandito sa mansion ngayon.
Hindi ko alam kung nagkakailangan ba kami o ano kasi— Oo matagal na kami magkasama, pero parang nakakailang lang pag nalaman mo na kayo pala magkakatuluyan sa hinaharap at magkakaanak pa kayo. Parang may awkwardness na namamagitan sa inyong dalawa dahil sa mga nalaman niyo. Basta, nakakailang na hindi ko mapaliwanag. Naglalaptop kasi ako sa kusina naghahanap ng mga kung ano-ano at trabaho, habang pasulyap-sulyap kay Sy na nakahiga dun sa sofa sa salas.
Nagdadalawang-isip tuloy ako kausapin siya. Hindi niya ba ko kakausapin? Tanga, ano naman dahilan para kausapin niya ako? Hindi niya ba ako pinapansin? Okay naman kami kanina ah.
Muntik na ako mahulog sa kinauupuan ko nang biglang tumunog yung telepono, "Cooper, may tumatawag sa telephone. Sasagutin ba natin?"
Pumunta ako sa sala at tinignan yung telephone. Baka manager ni Sean 'to, pero pumasok naman siya diba? Tawagin muna namin yung guard sa labas, pero baka importante. "Sagutin ko?" tanong ko kay Sy at nagkibit-balikat lang siya. Kinuha ko nalang at sinagot. "Hello?"
'Hello, Cooper. Napanuod niyo ba yung balita sa TV? Nandiyan na ba si Leila?'
Sean,
"Ha? Anong balita? Saka wala dito si Leila, nasa hospital siya diba? Hinatid mo siya sa trabaho niya. Kung tama ako, ang sabi niya baka mamayang gabi pa ang balik niya." sagot ko habang nakatingin sa orasan. "Anong meron?"
"Cooper bakit? Sino yan?"
'Buksan mo yung TV, look at the news.'
Tumingin ako kay Sy at tinuro yung TV, dahil malayo sa akin yung remote. "Sy, paki bukas yung TV. Si Sean, may balita na gusto niyang makita natin." Nagmadali si Sy na kunin yung remote at binuksan yung TV.
"Tulad ng nakikita niyo, live po nating nakikita ang pag-guho ng gusali ng isang hospital dito sa xxx street. Marami ang nasugatan ngunit wala pang nababalitang namamatay. Bukod sa patuloy na pagsagip sa mga napinsala ng insidente, masusing inaalam kung ano ang dahilan ng biglaang pagguho ng nasabing gusali."
"Si Leila, diyan siya nagtatrabaho—"
× × × × ×
Nasa kabilang hospital kami ngayon ni Sy, nasa harap kami ng Emergency Room, palakad lakad ako, hindi mapakali, habang si Sy nakaupo sa isang upuan. Dito daw sinugod lahat ng napinsala ng pagguho ng building ng hospital kung saan nagtatrabaho si Leila. Nung malaman namin yun, agad kaming nagmadali pumunta dito, tinanong namin kung nandito si Leila at kasalukuyan daw siyang nasa Emergency Room.
Hanggang ngayon marami paring sinusugod, andami ng nabalitang mga namatay, karamihan ay natabunan. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari kay Leila pero tangina sana ligtas siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko pag unti-unti kaming nalalagas ng ganito. Kung alam ko lang na mangyayari ito, tangina, nagpumilit sana ako na wag muna lahat sila pumasok.
"Cooper! Sy!" Nakita namin si Carmen na kararating, tumakbo siya papunta sa amin habang may kasunod na lalaki. Hindi ko siya kilala, pero pamilyar yung itsura niya sa akin. "Si— Leila?"
Tumayo si Sy at sinalubong si Carmen, "Carmen, kararating lang din namin, hindi pa namin alam kung anong nangyari kay Leila pero nasa E.R. daw siya ngayon. Naghihintay kami ng balita."
Yung mukhang yun, oo kilala ko. Siya yung—
"Cooper, Sy. Siya yung photographer na kumuha sa atin ng mga litrato"
Putangina! Siya nga! "Hello—"
Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya nang biglang sinalubong ko yung kamao ko saka muka niya. Napaupo siya sa lakas ng suntok ko, hindi pa siya nakakabangon nang dinampot ko yung kwelyo niya at inangat siya sabay sinuntok ulit yung muha niya hanggang sa mamusarga yung pagmumukha ng hayop na taong 'to.
"Cooper? Hey! What's going on! Enough!"
Tumigil nalang ako nang bigla akong itulak ni Aidan palayo sa kanya at inawat ako. Pero yung paningin ko nagdidilim parin, gusto kong patayin yang lalaking yan, "Tangina! Anong kinalaman mo sa mga nangyayari sa amin? Bakit mo kami kinuhaan ng mga litrato na may nawawalang parte sa katawan namin? Gago ka magsalita ka!"
Sa halip na sagot yung marinig ko, nakita ko yung pag ngiti ng nagdurugo niyang labi dahilan para lalong uminit yung ulo ko. Tinulak ko si Aidan palayo sa kanya at sinugod ulit ng suntok, kahit hindi paman siya nakakatayo sa ginawa ko kanina.
"DAD! Tama na!"
Huminto ako nang marinig ko yung mga boses ni Conz. Napatingin ako sa kanya, nasa tabi siya ni Sy habang nakatitig sa akin. Bullshit! Natakot ko nanaman siya. Kasalanan mo 'to hayop kang photographer ka!
"Okay now, EVERYBODY CALM THE FUCK DOWN!" sigaw ni Aidan, saka titig sa akin. Dinampot niya ako sa damit ko palayo sa photographer at hinagis pakaliwa na walang kahirap-hirap. "Don't fuckin' wait for me to lose my one last nerve on you. I ain't gonna hesitate to break both 'yer bones if it meant to stop both your ass from fightin' like a cat 'n mouse. And you Mr. Photographer, you will talk, and tell us what the 'ells happenin' here and why all of your photos are fuckin' cursed. And I want it detailed, and complete! Or else!"
"Doc, si Leila. Yung nurse na sinugod dito, kamusta siya?" Napatingin kami lahat sa paglabas ng doctor at pagkausap sa kanya ni Sy. "Ano pong lagay niya ngayon?"
Napansin ko agad yung mga bakas ng dugo na nag mantsa sa damit ng doctor. Umasa ako, kami na magiging maganda ang sasabihin niya, pero sa pagbuntong hininga na pinakawalan niya bumagsak ng kusa ang katawan ko sa upuan. Nawala lahat yung lakas na gusto kong ibuhos duon sa tarantadong photographer.
Fuck! Hindi! Isa-isa na kami mamamatay, tulad ng sinabi ni Conz. Wala na kaming kawala. Hindi ko sila maililigtas, wala akong maisip na paraan, hindi ko naligtas si Leila. Tangina.
"Ikinalulungkot ko. Dinala siya dito at sinabi ng mga rescuer na nadaganan ng pader yung dalawang binti niya, nadurog ang magkabilang buto niya mula hita hanggang paa. Sinubukan naming mag proceed sa amputation para mailigtas siya, pero madaming nawalang dugo sa katawan niya. She gave up in the middle of operation. I'm so sorry but, she's gone."
"Hi—hindi..." Napaupo din si Sy sa upuan habang alalay siya ni Conz.
Napatingin ako sa mga kamay ko, bakas duon ang dugo ng photographer. Hindi ako makahinga, sumisikip dibdib ko. Eto na naman yung puso ko. Lagi nalang ipinapaalala sa akin na siya ang magiging dahilan ng pagkamatay ko.
Pagkaalis ng Doctor, pinanuod kong hablutin ni Aidan yung leeg ng photographer at dinikit sa pader ng madiin. "We already lost two of us, so I ain't gonna fuckin' waste my time askin' you, whatever you have to say, go and talk! Now!"
Nanlalabo paningin ko, hangin.
"Bakit ba ako tinatanong niyo? Bakit hindi niyo tanungin yung tatay na doctor niyang lalaking nakaupo?" Napatingin lahat sa akin sa sinabi ng photographer. Si Dad ba ang tinutuloy niya? Bakit, anong kinalaman ni Dad dito? Sinabi niya na lahat ng nalalaman niya. "Nakita ko siya last week sa carnival, nagpa-picture siya sa akin. Nung makita niya yung larawan, nagulat siya at parang kilala niya yung taong naka-hood na itim sa bandang likod niya dahil tinatanong niya sa akin kung nakikita ko daw ba o hinde."
Si Dad?" Pumunta si Dad sa carniva—"
Patayo sana ako nang biglang nag dilim yung paningin ko. At huling nakita ko ay yung lalaking naka black na hood na papalapit sa akin. Sobrang lapit. Nakangiti siya habang may mga dugong lumalabas sa bunganga niya.
"Coop—pa,"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top