Kabanata 08: Gawa ng Isang Demonyo

NANUNUOD ako ng kung ano-ano sa cellphone ko -dahil wala naman akong magawa at wala ding TV dito sa room kung nasaan ako na confine- habang bantay ako ni Aidan at Connie. Si Aidan, kapag hindi siya hunter, tulad ng sinabi niya sa akin, isa siyang bartender tuwing gabi sa downtown bar kung saan pagmamayari din ng isang hunter. Kung alam ko lang talaga na may bar pala siyang pinagtatrabahuhan sana duon nalang ako naglasing nung nakaraang araw. Si Connie naman, hindi ko alam sa batang yan kung bakit parang walang plano gawin sa buhay niya. Hindi niya man lang alamin kung ano talagang dahilan kung bakit hindi siya namatay at napunta siya sa taon na ito.

Pinatay ko muna yung cellphone ko at umupo ng maayos sa kama. May mga gusto pa pala akong tanungin kay Aidan, "Aidan," tinaasan niya lang ako ng kilay habang nagbabasa. "May itatanong ako."

"Shoot it,"

"Nung nakaraang linggo, bago pa namin kayo makilala, hindi ko alam kung sinapian ba si Leila o hindi pero parang wala siya sa sarili niya." Nag-assume lang ako na sinapian siya kasi parang hindi talaga siya yung sumakal sa akin, parang ibang tao, ang lakas. "Tapos may mga luha na kulay itim ang lumalabas sa mata niya. Puwedeng paki paliwanag?"

Sinara niya yung libro ng 'The Count of Monte Cristo' na binabasa niya at tumingin sa akin yung blue niyang mata. "You're right, she's possessed, by a vengeful spirit. Most of these fuckers possesses human bodies to harm someone physically, you'll know it when you see those black liquid thing coming-out to the eyes, ears, mouth, nose of the person they've possessed." paliwanag niya. "That black liquid is simply just a rejection of the body itself, cause holdin' a vengeful spirit ain't what human vessel made of."

Iron. Yun yung kadena na pinalibot ni Sy kay Leila kaya nawala yung sumapi sa kanya, tulad ng sabi ni Aidan lahat ng klase ng bakal ay ayaw ng mga kaluluwa o vengeful spirits na sinasabi niya. Ngayon naiintindihan ko na. Ang dapat nalang namin gawin ay hanapin si Mary ang huling survivor, saka humanap kami ng way para makaalis sa sumpang ito.

"Hindi mo naman pinaplanong magpasapi sa mga kaluluwang yun para maranasan? Tama ba?" biglang tanong ni Connie habang naglalaro ng video games sa cellphone ni Aidan.

"Po," sabi ko, kasi mukhang nalilimutan niya na matanda sa kanya yung kinakausap niya. "Kahit ganyan yang ugali mo, mas matanda parin ako sayo kaya gumalang ka. Hindi maganda sa bata ang walang galang. Saka hindi ako magpapasapi. Ano ako? Tanga?"

"Buti alam mo." Gagong bata talaga 'to.

× × × × ×

Ching, Clang, Ching. Nagising ako sa kakaibang tunog na narinig ng tenga ko. Hindi siya katulad ng madalas na naririnig namin, yung tunog nito ay parang mayroong nag-hahasa ng kutsilyo. Hindi ko alam kung saan galing yung tunog, pero malapit lang. Dinilat ko yung mga mata ko, unang nakita ko ay isang bumbilya na nakasindi sa kisame, kulay dilaw ang ilaw nito at gumagalaw pa kaliwa't kanan na parang hinahangin.

Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero parang may mga pumipigil sa akin. Ching, Clang. Palakas ng palakas yung tunog. Tinaas ko yung ulo ko at tinignan kung bakit hindi ko magalaw ang buo kong katawan. Nang laki ang mga mata ko nang makitang may mga nakataling barbed wire sa magkabilang paa ko, halos bumaon yung mga tusok ng wire sa balat ko sa higpit ng pagkakatali nito. Tatanggalin ko sana nang pag-aangat ko ng kamay ko, nakaramdam ako ng sakit sa palad ko. Duon ko nalang napansin nakapako ang magkabilang palad ko sa kahoy, nagdurugo, duon ko lang naramdaman lahat ng sakit. Nanginginig kong i-angat yung palad ko pero pinipigilan ng ulo ng pako.

"GYAAA! FUCK! AIDAN! CONNIE!"

Lumingon lingon ako sa paligid, ang dilim. Nasaan ako?

Sa di kalayuan, may nakita akong higis ng tao na nakatayo, may hawak siyang kutsilyo at hinahasa niya ito sa bakal na poste kung saan siya nakasandal. Ching, Clang, Ching. Hindi ko makita yung mukha niya sa dilim.

Ching, Clang. Huminto yung paghahasa niya. At unti-unti niyang nilingon yung paningin niya sa akin, at lumapit ng dahan-dahan. Nang matamaan ng ilaw yung katawan niya, nakilala ko agad siya, yung naka-itim na hood. May hawak siyang kutsilyo, at sa unang pagkakataon nakita ko yung muha niya. Lalaki siya. Nakakakilabot niyang mukha. Nakangiti siya na parang mapupunit na ang bibig niya, nagdurugo yung mga pula niyang mata at parang may mga ugat na itim na umaakyat sa mukha niya mula sa leeg niya.

"Si-sino ka? Ano bang kailangan mo!?" Sinubukan ko uling kumawala pero wala talaga, lalo lang nagdurugo yung kamay at paa ko.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, na parang pinag-iisipan kung anong gagawin niya sa akin, saka naglakad papunta sa side kung nasaan ako nakahiga. Bumilis yung takbo ng puso ko nang simulan niyang i-angat yung kutsilyong hawak niya, tinapat sa kaliwang binti ko, saka ngumiti ng sobrang laki.

"Anong gagawin mo!? Wag! Wag!!"

Kasabay ng pag tarak ng kutsilyo niya sa binti ko ang paglabas ng sobrang pulang mga dugo sa bunganga niyang nakangiti. Paulit-ulit niyang sinasakasak yung matalim niyang kutsilyo na parang gusto niyang putulin ang mga binti ko. Gusto niyang putulin ng tuluyan habang namamalipit ako sa sakit.

"AGHHHHHHHHHGH-"

× × × × ×

Sa pagbangon ko, agad na hinanap ng kamay ko yung binti ko. Lumingon ako sa paligid at hinanap yung lalaking naka hood pero wala na siya, wala na yung barbed wire sa paa ko at pako sa kamay ko. Nasa hospital na ulit ako. Panaginip nanaman. Nangyari nanaman, ano bang kailangan niya sa amin? Bakit gusto niya kaming patayin?

"Shit," bulong ko na nakahawak sa sintido ko.

"Tanda. Ayos ka lang?"

Napatingin ako kay Connie na nasa gilid ko. Nakaupo siya sa upuan habang naglalaro ng games sa cellphone. Tumango lang ako saka pinunasan yung mga pawis at luha ko sa mukha. Hindi ko na talaga kaya mga nangyayari ngayon. "Si Aidan? Asaan siya?"
P
"Sa bar, nagtatrabaho, panggabi siya diba? Nandito na si Syrin, bumili lang siya ng makakain natin." sagot niya sabay binaba yung cellphone niya, pumunta sa lamesa at nagtimpla ng kape. "Dumaan din si Leila para i-check ka kanina."

Bumalik nalang ako sa pagkakahiga sa kama at pinanood siyang mag timpla para maalis yung pag-iisip ko sa mga nangyayari sa panaginip at realidad. Kinuha ni Connie yung tasa, saka nilagyan ng dalawang kutsara ng kape, nilagyan ng tatlong kutsarang coffemate, at apat na kutsarang asukal, saka hinalo. At kinuha niya yung termos at nilagyan ng mainit yung tasa, kalahati lang. Saka nilagyan niya ng tubig na hindi mainit. Kalahati mainit, kalahati hindi. Saka hinalo niya at pumunta sa akin para iabot.

Bumangon ulit ako, "Para sa akin?"

"Ayaw mo?"

Kinuha ko naman saka ininom ko, tama lang yung tubig, hindi malamig at hindi din mainit. Katamtaman lang, pati yung lasa. Tulad ng pag timpla ko ng kape ko. "Paano mo naman nalaman ganito ako mag timpla ng kape?" tanong ko sa kanya, napatawa ako nang nanlaki yung mga mata niya.

"Ha?" lang yung nasagot niya.

"One cup, two coffee, three coffemate, four sugar. Kalahati mainit, kalahati hindi. Para tama lang kapag ininom, hindi nakakapaso. Kanino mo naman nalaman na ganyan ako mag timpla ng kape? Manghuhula kadin ba? Akala ko traveler ka lang? O baka naman caretaker ka sa future at naging pasyente mo ako sa home of the ages. Pasaway siguro ako duon kaya ang sama-sama ng loob mo sa akin ngayon."

"Gago. Tinuro kanina sa akin ni Syrin—"

"Anong tinuro?" Napatingin kami sa pintuan, at nakita si Sy na kapapasok lang. May dala siyang plastic bag na may laman 'ata na pagkain. "Cooper, buti gising kana. Ang akala ko hihilata ka nalang magdamagan. Sabi nga pala sa akin ni Leila baka bukas puwede ka ng lumabas."

"Buti naman, hindi ako makatulog ng maayos dito."

"Hindi ka lang kamo sanay. May binili akong lugaw. Gusto mo kumain?"

Nilabas ni Sy yung lugaw sa plastic at umupo sa kama sa tabi ko, hinalo niya muna yung lugaw habang pinapalamig. Nang malamig na, kumuha siya sa kutsara at tinapat sa akin para subuan ako. Hindi ko magalaw yung dominant hand ko dahil sa saksak sa balikat at likod ko kaya ngumanga at hinayaan nalang siyang subuan ako. Kahit medyo- inappropriate, dahil may bata kaming kasama.

"Alam niyo kung hindi ko kayo kilala kanina pa ako nasuka dito sa ginagawa niyo" sabi ni Connie habang nakaupo sa upuan at naglalaro na ulit ng cellphone.

Natawa kami ni Sy sa kanya, "Inggit ka lang. Gusto mo saksakin din kita sa likod para subuan ka din ni Sy? May gusto ka 'ata sa kanya eh kasi tuwing siya yung nagsasalita pinapakinggan mo at nagkakaroon ka ng galang. Sorry, bata kapa, saka ako ang nauna sayo. Para sa pagkakaalam mo, matagal ko siyang niligawan. Kaya kung gusto mo siya agawin, na imposibleng mangyari, dadaan ka muna sa malamig at matipuno kong bangkay." Hinampas lang ako ni Sy sa balikat ng mahina.

"No, Thanks."

"Cooper, magandang balita pala. Kaninang papunta ako sa mini store para bumili ng pagkain, may tumawag sa akin, hindi ko alam nung una pero nagpakilala. Si Mary daw siya, yung isa sa mga survivor na hinahanap natin." Nilagay niya muna sa lamesa yung lugaw. "Tinatanong niya kung nasaan tayo, binigay ko yung pangalan ng hospital at yung room number natin. Para makausap nadin natin siya."

Binaba ni Connie yung cellphone niya, "Hindi ba delikadong agad niyong ipinaalam yung lokasyon natin ngayon?"

"Hindi naman siguro. Bakit ba lagi mo kaming kinokon—"

Naputol yung sasabihin ko nang tumunog yung cellphone ko sa lamesa. Inabot ko naman yun at tinignan yung unknown number na tumatawag sa akin. Sasagutin ko ba? Bakit parang may kutob na ako na may mangyayari nanaman na masama. "Hello—"

"Cooper!" si Aidan? Pero hawak ni Connie yung cellphone niya ngayon. Ilang cellphone ba meron 'tong taong 'to? "Listen, get Connie and whoever's with you and get the 'ell out there right now!" hinihingal niyang utos, na parang tumatakbo. "Go anywhere else but there, now!"

Pinindot ko yung loud speaker ng cellphone para marinig ng mga kasama ko. Ano nanaman ang meron? Tangina. "Anong nangyayari nanaman?"

"I found somethin' bout the last survivor we're lookin' for, Mary, found the address of apartment she's living and all but she ain't there anymore. I asked the landlord bout her, but the landlord just showed me this footage. She jumped outta roof of the apartment. She's already dead." Tumalon? "But her body is missing, after the jump, the landlord said she just disappeared leavin' gallons of blood on the floor."

"Hi—hinde, imposible yang sinasabi mo, Aidan." sabi ni Sy na parang natatakot. "Dahil kanina lang nakausap ko siya sa cellphone, tumawag siya sa akin at tinanong kung nasaan kami. Pupunta nga daw siya sa dito ngayon para makausap tayo."

Shit! "That ain't Mary anymore! Damn it! Her body might be possessed by a vengeful spirit, but she's dead and all, it's impossible. I have another theory what's happenin', and I hope to god that it's not what's really happenin' right now, but you have to go. She'll kill y'all." sabi ni Aidan. "Cooper, promise me, don't fuckin' let anything bad happen to Connie cause he's you— TINNNNGGG."

Napatakip ng tenga si Sy nang may matining kaming tunog na matining na nagputol sa linya ni Aidan sa cellphone saka bigla itong nag-block.

"Nagdurugo tenga mo." sabi ni Connie.

Napatingin naman ako kay Sy at duon ko nakita na may mga dugo nga na lumabas galing sa magkabilang tenga niya. Kumuha agad ako ng tissue na nakalagay sa lamesa sabay pinunasan yung dugong umagos galing tenga niya. "Ayos ka lang?" tanong ko at tumango naman siya. "Kailangan natin umalis dito ngayon. Alam na niya kung nasaan tayo. Ang importante ay— Shit!"

Biglang nag patay sindi yung ilaw.

"Nandito na siya." sabi ni Connie.

"Cooper, Anong ginawa mo?" tanong ni Sy nang makita niya akong tumayo.
Hinalungkat ko yung drawer ng lamesa at naghanap ng kung ano-anong puwedeng makatulong. Isang tape at mga bulak lang ang nakita ko. "Alcohol," sabi ko kay Sy saka turo lamesa malayo sa akin na hindi ko maabot dahil sa wero ko. Kinuha niya naman at binigay sa akin. Saka binuhusan ko muna ng alcohol yung kamay kung nasaan nakakabit yung swero ko, tapos kumuha ako ng tape na mahaba at hinanda, saka hinugot ko yung swero paalis sa kamay ko. May sumirit na mga dugo palabas nang hugutin ko yung mahabang karayom, kaya agad kong nilagyan ng bulak at binalot ko sa tape.

"Okay," sabi ko ng matapos ko yung pag balot ng tape sa kamay ko. "Kailangan natin siyang mapigilan pumasok dito." Pumunta ako sa pintuan saka kinandado. Alam kong hindi 'to uubra, pero kailangan namin siyang pigilan makapasok kundi mamamatay kami dito.

"Yung sofa," sabi ni Sy.

Nakuha naman namin ni Connie kung anong ibig niyang sabihin kaya nagtanguan lang kami. Tinulak namin ni Connie yung sofa saka dinagan sa pintuan na nakatayo. Kahit nagsisimula ng humilab yung likod ko, hindi ko nalang iniintindi dahil kailangan ko ngayon yung dalawa kong kamay.

"Maghanap tayo ng asin o kahit anong bakal na—"

BLAGG!! Nagulat ako nang bigla nalang tumalsik yung sofa at natamaan nun si Connie na nakatayo malapit sa pintuan. Tumalsik siya kasama ng sofa at dumagan sa kanya ito. Tumakbo ako papunta sa kanya para tulungan siya, nang umangat ako sa ere bigla, at tumalsik papunta sa pader. Dumikit yung likod, kamay, at paa ko sa pader na parang magnet at nanatili ako duon na hindi nahuhulog. Sinubukan kong kumawala, pilit kong inangat yung kaliwang kamay ko, pero hinatak lang ito pabalik sa pader na parang may kung anong nagdidikit sa katawan ko duon. Hindi ko maalis yung sarili ko.

Shit! Connie!

"Coop—" Sy?

Tumingin ako kung saan ko huling nakita si Sy, kinabahan ako nang makita ko siyang bumagsak sa lapag. Hindi ko alam kung anong nangyari dahil naka focus ako kay Connie kanina pero nakahiga na siya, walang malay. Walang sinyales kung buhay pa— o hindi.

"SY! TANGINA! SYYY!!" hinatak ko ulit yung katawan ko paalis ng pader pero hindi talaga ako makaalis. "SYYY!" Tangina! Si Sy! Sa lahat ng kinatatakutan ko! Anong nangyari kay Sy!

Chop Chop Chop. Natuon ang atensyon ko sa babaeng nakatayo malapit kung nasaan nakahiga si Sy, maigsi ang buhok niya, duguan yung damit na suot niya at nung tumingin siya sa akin na nakangiti, may mga itim na ugat sa pisngi niya na galing sa leeg. Parang ganun sa nakita ko sa panaginip ko, ganun sa muka ng lalaking naka-hood. Hindi kaya si Mary 'to? Sinapian lang yung katawan niya katulad nung sinabi ni Aidan? Pero walang mga itim na likido ang lumalabas sa mata, ilong, bibig, o tenga niya. Yung mga ugat na kulay itim lang.

"Dad— tulong," rinig kong banggit ni Connie habang nakadagan sa kanya yung sofa, umiiyak siya na parang bata habang nakapikit. Paulit-ulit niyang tinatawag ang Dad niya, ngayon ko lang siya nakita ng ganyan. Shit! Kailangan ko siya iligtas, silang dalawa ni Sy.

"Con—nie!" Tangina! Paano ako makakaalis dito!?

Tumalikod sa akin si Mary, at humarap kay Connie. Duon ko nalang nakita yung hawak niyang mahabang palakol, kinaladkad niya ito habang naglalakad papunta kay Connie. Shit. Bakit si Connie ngayon ang target niya?

Chap Chap Chap.

"WAG! CONNIE!" sigaw ko habang pilit na umaalis sa pagkakadikit ko sa pader. Tinaas ni Mary yung palakol na hawak niya habang nakatingin kay Connie, sabay iha-hagupit niya na kay Connie, "CONNNIE!"

"CRISTO,"

Tumigil si Mary sa gagawin niya nang may sumigaw, alam kong boses ni Aidan yun kaya tumingin ako sa pintuan at nakita ko nga si Aidan na kararating lang habang hawak yung shotgun niya. Bumalik ako ng tingin kay Mary, nakatingin na siya kay Aidan— at yung mga mata niya, itim. Kulay itim yung dalawang mata niya. Medyo malayo ako pero kita ko, walang natitirang kulay sa mata niya, buo, kulay itim.

"I was right, sneaky bastard."

"Aidan...."

"She's not possessed by a vengeful spirit, 'member what I told you Cooper, when a vengeful spirits is possessin' a human body, you'll see a black liquid comin' out their body. Another thing is, vengeful spirit can't possessed a dead body." sabi ni Aidan habang nakatingin kay Mary. "You think I wouldn't know?"

Nagulat ako nang umangat bigla yung kama at tumalsik ito papunta kay Aidan, mabuti nalang mabilis kumilos si Aidan, umiwas siya sa pagdagan sa kanya ng kama ng walang kahirap-hirap at kinasa yung shotgun na hawak niya.

"That ain't gonna work on me, Demon."

A—Ano? Demon? Demonyo?

"MAGBABAYAD KAYO!" sigaw ni Mary na sobrang lakas, yumayanig, pero ibang boses yung lumalabas sa bibig niya, ang lalim, parang galing sa ilalim ng lupa. Nakakabingi, at yung puso ko parang unti-unting sumisikip sa tunog ng sigaw niya.

"Uncle..." mahinang sabi ni Connie. May malay na siya, pero napuruhan 'ata yung ulo niya dahil nagdurugo. Nakadagan padin yung sofa sa kanya kaya hindi siya makaalis. Nang makita ni Aidan si Connie, nagbago yung aura niya. Tumingin si Aidan kay Mary na may galit sa muka.

"You're gonna pay for that. You son of a bitch!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top