Kabanata 07: Tagapagligtas
BALIK trabaho, kahit lahat ng buhay namin nasa peligro.
Nasa office ako ngayon sa kompanya na pinagta-trabahuhan ko. Kahapon, pagpasok ko ng hapon, pinatawag ako ng boss naming mukang maasim at sinabi na kailangan kong i-double time yung paggawa sa floorplan project na binigay sa akin. Kailangan na daw makita ng client para ma-plano ng maaga ang pagpapatayo sa gusali. Kahit hindi ko alam kung kakayanin ko yung project dahil sa mga kung ano anong tumatakbo sa isip ko, kailangan ko padin subukan dahil trabaho 'to, at minsan lang ako magkaroon ng project. At, tangina mauubusan na talaga ako ng pocket money kaya kailangan ko 'to.
May butas ako sa puso. ATRIAL SEPTAL DEFECT. An atrial septal defect is a birth defect of the heart in which there is a hole in the wall (septum) that divides the upper chambers (atria) of the heart. A hole can vary in size and may close on its own or may require surgery. An atrial septal defect is one type of congenital heart defect. Congenital means present at birth.
Bakit wala akong ala-ala at matandaan sa mga nangyari? Kahit sabihin mong dahil walang sinasabi na kahit ano sila Mom at Dad na tungkol dito, dapat may memorya padin ako. Pero wala, blangko ang ala-ala ko. Nagsisimula lahat ng ala-ala ko nung gumising ako sa kuwarto ko sa bahay at sabi sa akin ni Mom na success ang operasyon na ginawa sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit nila tinatago yung tungkol dito, puwede naman nilang sabihin sa akin ang lahat. Para namang babalik yung butas sa puso ko kapag sinabi nila at malaman ko ang totoo. May mga bagay pa bang hindi ako nalalaman 16 YEARS AGO?
Napalitan na yung puso ko, pero bakit may hika at inaatake padin ako?
"PATCRIC!" Nagulat ako nang biglang may sumigaw sa second name ko. Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko alam na pumasok pala sa office ko si boss. Timing nga naman. "Naka tunga-nga nanaman? Hindi ba't sinabi ko sa'yo kahapon na I need that floorplan as soon as possible? Kailangan na makita ng engineer yan bukas. Hindi kaba nakakaintindi? Kailangan ko ba ulit-ulitin isigaw sayo kung gaano ka importante yang plano na ibinigay ko sa'yo?"
Shit! "Sorry po, boss." Kinuha ko naman agad yung tracing paper ko at nilatag sa lamesa. Mabilis ko ding nilabas sa bag yung mga materyales na gagamitin ko. Kung kaya ko lang talaga mag-solo hindi ako magtitiis sa kompanyang 'to.
"Back to work!" sigaw niya sabay labas ng office.
Ugh! Fuck you in passionately! Kung hindi lang kita boss, patay ka sa akin, lakas manigaw sa loob ng sarili kong office. Kainis, kainis kasi itong buhay ko ngayon, pati trabaho ko naaapektuhan sa mga nangyayari. Kailan ba matatapos ang mga 'to?
Kinuha ko nalang yung tasa ng kape ko saka umupo sa upuan sa tapat ng drafting table. Pagtapos ko humigop, nilapag ko muna yung tasa sa gilid ng table kung saan patag at kinuha yung cellphone ko. Pumunta ako sa internet para mag hanap ng mga unique na materyales sa panahon ngayon pero matibay kapag ginamit. Rare na kasi ngayon yung mga unique pero matibay na materyales, hindi sa problema ko kung anong materials ang gagamitin nila, gusto ko lang mag suggest at ikumpara sa floorplan para ma-picture ko sa isip ko kung anong kalalabasan ng gusali. Sa gitna ng pagbabasa ko, biglang nag-block out yung cellphone ko, pero bigla din bumalik sa pagbukas at sa binabasa ko kaya tinuloy ko nalang yung pagbabasa.
8 Innovative Materials / Posted 1 Year Ago
Innovation is such a crucial thing for mankind. It fills in the cracks and changes the way of our living. From stone-age to the Romans, Industrial Revolution may nakatingin sa'yo to Internationalism, the construction industry has seen abundant innovative materials. But the grind doesn’t stop here!
Anong!? Napatigil ako sa pagbabasa nang may mabasa akong tagalog. Kinusot ko yung mga mata ko saka binasa ulit yung parte na nabasa ko kanina, wala naman na. Parang may nadaanan talaga tagalog yung mga mata ko. Hinde! Guniguni ko lang 'to. Stressed lang ako kaya nag-i-imagine ako ng kung ano-ano. Focus. Kailangan ko matapos yung floorplan ngayon.
1. Self-Healing Concrete
The name is enough to make you understand the bottom line. This innovative material conquers nakatayo siya sa likod mo the biggest drawback concrete has, i.e. susceptibility to form cracks. But how does it work??
A bacteria named Bacillus nakatingin siya sa'yo Pasteurii along with its food (a form of starch) is added to the concrete wag kang lumingon mixture. And the rest is magic! Whenever a crack forms and air fills in, the bacteria wakes up and starts palapit na siya sa'yo consuming the starch. It may creep you out, but the bacteria excrete calcite (a form of calcium carbonate) and make a bond with concrete, wag kang tumigil magbasa thereby filling up the cracks.
Around the globe, there are several duguan ang muka niya types of self-healing wag kang lumingon concrete being made or under the research process. Initially, as the method and material are new, it malapit na siya can cost 3-4 times more than nasa gilid na siya ng muka mo the concrete itself. But if we see in the long run, this material is a huge savior in terms of maintenance, cost, and time.
L U M I N G O N K A !
Biglang namatay yung cellphone ko at nangilabot yung buo kong katawan nang mag reflect yung sarili ko sa screen ng phone, at sa gilid ng muka ko may ulo duon na nakadungaw, walang balat yung muka niya, duguan, halos kita mo yung buong mata niya at ngipin dahil sa walang balat na tumatakip dito. Nangilabot pa ako ng husto nang pagbukas niya ng bunganga, kasabay ng nakakatakot na ungol na pumasok sa tenga ko, may mga dugong nagsilabasan sa bunganga niya na may kasamang iba't-ibang insekto.
Chap Chap Chap. "HOLYSHIT!" Binuhos ko lahat ng lakas ko para makagalaw at tumayo sa pagkakaupo ko. Pagtayo ko, natabig yung tasa ng kape at natapon sa tracing paper na nakalatag sa drafting table. Hinanap ko sa likod ko yung nakita ko sa cellphone, pero wala naman akong nakita.
"PATRIC!" Napalingon ako kay boss na kapapasok lang, napatingin siya sa drafting table ko kung saan nakalagay yung tracking paper na naliligo ngayon ng kape. Oh Shit! "Kahit kailan talaga! Alam ko ng hindi ka maaasahan! Totoo nga yung sinasabi ng mga clients na hindi ka pa bagay sa trabahong ito dahil sa edad mo."
"Uulitin ko nalang,"
"No. YOU'RE FIRED!"
× × × × ×
"Dumi na ng office na binigay niya sa akin, matumal pa ang kliyente ng kumpanya, laging mabaho yung restroom at wala pang lock, tapos lakas pa ng loob niyang tanggalin ako? Tangina, bilang na nga lang ang taon bago pumanaw yung mga architect na pinagmamalaki niya dahil sa edad na sinasabi niyang professional sa trabaho. Kala mo naman kaya kong matagalan yung maasim niyang muka, peste."
Pagtapos ko maubos yung beer ko tinawag ko ulit yung bartender.
"Hi, another glass mug of Armageddon, please?"
"No. He'll have Virgin Wine Spritzer."
"Hindi ako baguhan sa dito, Aidan."
"I know," sagot ni Aidan. "If you just told me that we're up to Bar, I woulda told you that I'm workin' in one, downtown, and I coulda given you the best pint we have there. Man, that drink will fuck yer' head tomorrow and get yo' bed messy."
Nagtatrabaho siya sa bar? "Ano palang suggest mo, Sherlock?"
Tinignan ako ni Aidan, tinaasan ko lang siya ng kilay para sabihing 'go on, impress me' naintindihan niya naman saka tumingin sa bartender. "A'right. Do you have Cuervo Gold margaritas?"
"Yessir. How'd we like it?"
"I would like it on the rocks with salt and lime, then put it on rocks glasses."
"Dalawa ng sinabi niya." sabi ko sabay kukunin ko na sana yung wallet ko para magbayad nang naunahan na ako ni Aidan mag lapag ng pera sa counter. "At coke dito sa batang kasama niya." tumango naman yung bartender, kinuha yung bayad, at ginawa na yung drinks namin. "Grazie,"
"Hindi na nga ako bata, tsk." rinig kong bulong ni Connie.
Nasa bar kami ngayon. Hindi ako lasing, medyo, pero hindi, tangina. Kanina, nung sinisante ako ng mukang maasim kong boss, gusto kong uminom. Hindi ko naman puwede istorbohin si Sy sa trabaho niya, at wala na akong ibang kaibigan na kilala dito kundi sarili ko lang. Kaya naisipan ko yayain si Aidan, binigay niya yung number niya sa akin at sinabing tawagan niya alang ako kapag kailangan ko ng tulong, kaya sinend ko yung pangalan ng bar kung saan ako pupunta. Kailangan ko lang ng makakausap.
Hindi ko naman akalain na isasama niya ang buntot niya na si Connie. Hindi ko din alam kung paano siya nakapasok sa Bar, pero ang sabi niya eighteen na siya diba? Saka galing siya sa future, namatay siya sa future, baka wala talaga siyang mapupuntahan kundi kay Aidan lang. Nakakatawa din kung iisipin mo.
"Nagta-trabaho ka sa Bar? Akala ko ba Hunter ka?"
"I am, but bein' a hunter means no one's gonna pay you money or goods, cause no one woulda believe what's we're doin'. So need to find somethin' y'know. I worked at the bar downtown as a bartender every night, or when I'm not huntin'. The owner there's a hunter too, so he ain't giving shit if I disappeared or didn't come one day or week." paliwanag niya. "Some of us really could used a money, we're always broke as 'ell."
"Walang nagbabayad sa inyo? Saan mo pala nakuha yung shotgun mo?"
"That," tawa niyang sagot. "You don't wanna know. We have supplies 'n everythin' but you'll hate me if I tell you how were gettin' all of that."
Dumating yung bartender na dala yung drinks namin. "Two Cuervo Gold margaritas and one coke. Enjoy your drinks." Ngumiti lang kami saka kinuha yung margarita tig-isa, kinuha ko din yung coke at binigay kay Connie na salubong yung kilay pero kinuha niya din at ininom.
Wag mo ko tignan ng ganyan underage ka padin para sa akin.
"So, what's your plan?" tanong ni Aidan.
"Idontknowfuckingknow," sagot ko sabay ininom yung margarita. "Shit!"
"That good?"
"Ve—ry. Saan mo natutunan naman 'to?" tanong ko sabay punas ng bunganga ko dahil nararamdaman ko na naglalaway na ako. Uminom ulit ako, hinayaan kong gumuhit yung alcohol sa lalamunan ko at mag-init, nagbabakasakali na malunod na'ko ng tuluyan sa alak bago pa mapatay ng mga gustong pumatay sa amin. "Shit," bulong ko sa sarili ko nang maramdaman ko yung puso ko na kumirot.
"Alright, that's it. You gotta go home,"
"Sandali, hindi pa ako lasing."
"Naglalaway kana. Anong gusto mo sumuka pa? Sumalampak dito at umiyak ng parang tanga para lang ma-realize mo na lasing ka na talaga? Tignan mo nga sarili mo." sabi ni Connie na ikinasama ko ng tingin sa kanya. "Hindi mo talaga kayang umiwas sa alak no? Tsk."
"Bastos 'tong batang 'to ah."
"Should I phone Sy—?"
Binaba ko yung margarita ko at umiling agad, "No!" Puta, napa-english ako dun ah. "Wag, baka gusto mong mamatay ako ng maaga? Hindi ko pa nga sinasabi na —hick," naputol yung sasabihin ko nang magsimula akong sinukin. "— sinasabi na natanggal ako sa trabaho tapos —hick papuntahin niyo siya dito na ganito ako? Edi —hick patay, pati kayo lagot sa kanya."
"Talagang patay ka," bulong ni Connie na parang mas kilala niya pa si Sy kesa sa akin.
Kilala niya nga ba? Baka naman kilala niya kami dati at nagpapanggap lang siya na hindi dahil may ginawa kaming masama sa kanya? Well— ako, dahil sa akin lang siya bastos, baka may ginawa ako sa kanya. Ako ba pumatay sa kanya sa future kaya siya nandito ngayon? Bakit ko naman gagawin yun kung ganun nga? Bata pa siya. Ako? Hanggang pagtatangka lang na patayin at paliguan sa kumukulong tubig yung mukang maasin kong boss ang kaya ko, hanggang imagination lang, di ko maiisip na talagang gawin o ano.
Inubos ko yung margarita saka umalis ng upuan, pero pagbaba ko sa upuan hindi ko naramdaman yung paa ko kaya muntik na ako matumba pero nasalo naman agad ako ni Aidan at Connie, saka duon— sa ingay ng bar, may tunog na dumaan sa tenga ko at nagpataas ng mga balahibo ko sa katawan. Chop chop chop. Nawala sandali yung lasing ko sa linaw ng tunog sa likod ng mga taong nag-uusap sa loob ng bar. Napatingin ako kay Aidan nang marinig ko yung pag-ungol niya ng mahina, nakahawak siya sa tiyan niya, at parang nasasaktan.
"Uncle?"
"I'm fine. Let's get the fuck outta 'er." sabi ni Aidan sabay inalalayan ako maglakad palabas ng bar.
Paglabas namin, dumaan kami sa eskinita kung saan daw nakaparada yung kotse ni Aidan. Medyo madilim yung dinadaanan namin at nagdadalawa pa yung paningin ko kaya hindi ko alam kung ano ng nangyayari. Pinipilit ko nalang ihakbang yung mga paa ko habang akay ako ni Aidan at si Connie sa likod namin nakasunod.
Inis! Hindi ba puwedeng pahinga muna?
"Uncle —may sumusunod."sabi ni Connie, nilingon ko yung ulo ko habang naglalakad, nakita ko siya na nakatingin sa likuran kung saan isa-isang naglalabasan yung mga kaluluwa, kita sa muka niya yung takot pero hindi niya lang pinapahalata.
"Connie! Faster!"
Binilisan namin yung paglalakad namin, hindi makatakbo si Aidan dahil akay niya ako, at hindi ko naman kaya maglakad ng diretso dahil medyo nahihilo ako. Tangina. Ngayon pa talaga mangyayari 'to? Lumingon ulit ako sa likod ko, parami ng parami yung mga humahabol sa aming mga kaluluwa. Sinasamantala talaga niya kung kailan kami mahina, subukan kaya nila atakihin kami kapag nasa hardware kami, o sa salt shop, ewan ko kung mahabol pa nila kami ng ganyan.
Ano ba 'tong iniisip ko, mamamatay na nga kami kalokohan parin tumatakbo sa utak ko. Anong magagawa ko loko loko ako?
Nang makarating kami sa kotse ni Aidan, inupo muna niya ako sa tabi nun at binuksan yung likod ng kotse niya. May kinuha siya duon na shotgun, yung gamit niya nung nasa hospital kami, yung sinabi niyang may bala na rocksalt para mapaalis yung mga kaluluwa. Kinasa ni Aidan yung shotgun, at pagharap niya para patamaan yung mga kaluluwa, bigla siyang napaluhod at napahawak sa tiyan niya.
"Goddamn it!" Nabitawan niya yung shotgun niya saka namilipit sa sakit.
Pinilit ko naman agad tumayo para tulungan Aidan, pero nadaanan ng paningin ko si Connie na nakaupo sa sahig, nadapa 'ata siya, at may aatake sa kanyang kaluluwang halos lumabas na yung bituka sa tiyan. Umatras lang ng pa unti-unti ang kayang gawin ni Connie, hindi siya makatayo, natatakot siya.
"Connie!"
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas na bumangon ng hindi nahihilo pero nagawa ko. Pumunta ako kung nasaan si Aidan, kinuha yung shotgun na nabitawan niya, at tinutok sa kaluluwang aatake kay Connie saka kinalabit yung gatilyo. Pagputok ng shotgun, may lumabas na kung ano sa bandang likod ng baril, tumalsik papunta sa pisngi ko. Sobrang init at hapdi dahilan para gumuhit ang sugat at mag dugo.
Nawala yung kaluluwa.
Hindi pa man ako nakakahinga ng maluwag, na-alarma nanaman ako nang magpakita yung naka-itim na hood. May hawak siyang kutsilyo na duguan, nakatingin sa direksyon ni Connie, na parang siya yung aatakihin niya hindi kami ni Aidan. Chap Chap Chap. Shit! Sinubukan ko uling kalabitin yung gatilyo, pero kahit ilang ulit ko kalabitin wala nang lumalabas na bala. Tumingin ulit ako kay Connie, nasa harap niya na yung naka hood at akmang sasaksakin na siya nito.
Binitawan ko naman agad yung shotgun, at dali-daling pumunta kay Connie saka niyakap siya para humarang sa direksyon kung saan siya sasaksakin. Pagyakap ko sa kanya, agad kong ramdaman yung pagtusok ng kutsilyo sa balikat ko.
"AGH! Sheet"
"A—Anong ginagawa mo?!" tanong ni Connie. Hindi ko siya binitawan, hanggang sa paghugot ng kutsilyo na nakatarak sa balikat ko, at pagtusok ulit pabalik sa likod ko. Kahit na medyo lasing ako ramdam ko padin yung paghiwa at pagbaon ng talim ng kutsilyo sa laman ko. "Bitawan mo ako! Nasasaksak ka na!" Sinubukan niya pumiglas siya pero hindi padin ako bumibitiw sa pagkakayakap sa kanya. "AIDAAAN!!" tawag niya pero namamalipit parin si Aidan sa tapat ng kotse niya. "Bitawan mo ko— mapapatay ka niya..."
"Ayos lang. Agh!" Fuck! Tama siay, mamamatay na ako sa lagay na 'to! Naka tatlong saksak na ako sa balikat! Mauubusan ako ng dugo! Shit! Ang sakit, umiikot na paningin ko sa sakit. Hindi ko na kaya. Nawawalan na ako ng lakas. Baka mabitawan ko si Connie at siya naman ang saksakin.
BANG BANG BANG. Nag marinig ko yung mga putok na yun, lumuwag yung pagkakayakap ko kay Connie saka hinayaan kong bumagsak yung katawan ko. Nanglalabo na yung paningin ko, hindi ko alam kung dahil ba sa mga nainom kong alak o sa tatlong saksak na natanggap ko, pero huling nakita ko bago ako tuluyan mawalan ng malay ay si Aidan na ginising ako, at si Connie, umiiyak siya. Bakit siya umiiyak?
× × × × ×
Chap! Chap! Chap!
"CONNIE!" Sa pagdilat ko, agad na hinanap ng mga mata ko si Connie.
Nakahinga ako ng maluwag, sa wakas, nang makita ko siya na nasa upuan na natutulog kasama si Aidan. Parehas silang nakatulog. Habang ako, nasa kama nanaman ng hospital. Pangalawang beses na 'to. Sa susunod bangkay ko na ang isusugod sa mga sitwasyong palala ng palala.
"Cooper? Gising kana." napansin ko si Sy sa gilid ko, na nag-aalala. Pinilit ko ngumiti at tumango kahit paunti-unti bumabalik yung sakit at hilab ng mga saksak sa balikat ko para mapanatag siya. "Kamusta ka? Tawagin ko ba si—"
"W—ag," iling ko. "Ayos lang ako."
Ang hirap ng puwesto ko ngayon. Nakahiga nga ako pero may unan na naka-elivate sa likod ng balikat ko kung nasaan yung mga saksak ko, nilagay 'ata yun para hindi ko masyadong madaganan yung saksak, kung masaganan ko man sa malambot na unan ko siya mahihigaan. Mabuti nalang talaga walang ibang nangyari, kung tutuusin mas kampante pa ako na ako yung napapahamak kesa sa mga kasama ko. Kahit sabihin kong ayoko din mamatay. Iisipin ko nalang na malas ako kaya nangyayari sa akin 'to.
"Sinabi lahat ni Aidan sa amin kanina kung anong mga nangyari. Niligtas mo daw si Connie." Si Leila, hindi ko siya napansin dahil medyo umiikot pa yung paningin ko. "Tungkol sa mga saksak mo. Wag ka mag alala mahaba pa ang buhay mo. Tatlong stab wounds, approximately one inches ang lalim, give it a weeks and it will heal completely."
"Salama— ARAY!"
Agad akong napangiwi sa biglang pag kurot ni Sy sa braso ko, "Salamat ka diyan. Cooper, kung akala mong hindi ko malalaman na nag lasing ka kanina, mali ka ng akala. Dinamay mo pa yang dalawang yan? Bata pa ni Connie."
"Hindi na daw siya bata." Kung alam ko lang na isasama pala ni Aidan si Connie sana hindi ko na siya niyaya.
"Kahit na, ikukumpara mo naman siya sa edad natin." Ladies and gentlemen, Mom Sy. "Alam kong kailangan mo ng distraction dahil sa pagkatanggal mo sa trabaho, pero hindi nareresolba yung mga yun kung idadaan mo lang sa alak. Saka sa sitwasyon natin dapat hindi tayo nagpapakampante dahil hindi natin alam kung kelan tayo aatakihin ng mga kaluluwa. Kuha mo naman diba? Ayoko lang na lagi kang— pangalawang beses na akong nakakatanggap ng tawag na sinugod ka sa hospital, isa pang tawag aatakihin na ako sa puso."
"Kasalanan ko ba—AGGHH!" Hindi ko natapos sasabihin ko ng kinurot niya nanaman ako. "Okay, okay. Mag-iingat na 'ko."
"Sir and Ma'am, kung mag aaway po kayo sana po pakihinaan nalang, may mga natutulog po kasing mga patients sa kabilang room." biro ni Leila na tumatawa ng mahina. "Hinde, joke lang. Para kasi kayong— Mauna na pala ako. Check ko lang yung ibang mga patients. Pagaling ka, Cooper." ngumiti naman ako saka lumabas na siya.
Paglabas ni Leila, tumingin naman agad ako kay Sy saka tinaasan siya ng kilay habang nakangisi. Natawa naman siya ng umiiling. "Tumahimik ka diyan. Ano-anong pumapasok sa isip mo, baka nakakalimutan mo may kasama padin tayo dito."
"Natutulog sila." pabulong kong biro.
"Ewan ko sa'yo. Gusto mo 'atang dagdagan saksak mo ano?" Hinatak ni Sy yung isang upuan at nilagay sa tabi ng kama at umupo siya duon. "Pero Cooper, sabihin mo, bakit mo nailigtas si Connie? Anong nakain mo? Diba galit ka sa batang yun? Sabi mo sa akin wala siyang asal."
"Er, Malamang nasa panganib siya. Alangan naman hayaan ko lang siya mamatay habang nanunuod ako? Ikaw nadin nagsabi na kailangan natin ang isa't-isa diba? Sabi mo kawawa yung bata, edi niligtas ko siya para hindi mawala yung kontrabida sa grupo natin."
Umiling siya, "Hinde eh. Sa kuwento sa akin kanina ni Aidan? Parang hindi yun ang dahilan mo. Ang sabi ni Aidan hindi mo daw binitawan si Connie sa pagkakayakap kahit nasasaksak ka na ng paulit-ulit. Kombensido nga daw yung itsura mo na parang handa kang mamatay basta maprotektahan lang si Connie." Handang mamamatay? O baka ginawa ko lang talaga iyon dahil andaming alak ang nainom ko. "Coops, Ikaw pa ba yan?"
"Kung ikaw kaya ipalit ko dito para maranasan mo kung gaano kahirap humiga ng ganito?"
"Pwera biro. Bakit nga?"
"Ewan. Hindi ko alam..."
"Alam ko susunod niyan, I don't know?"
"Hindi ko nga alam. Ang nasa isip ko lang nung oras na yun ay kailangan ko siya iligtas. Tapos parang may pumasok sa isip ko na hindi dapat masaktan yang batang yan, alam mo yun? May parte sa akin na ayoko siyang masaktan na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung bakit. Shet! Ano bang nangyayari sa akin? Lasing pa 'ata ako. Tinutukan ba ako ng alak dito?"
"Well, Masaya akong naisipan mo yun." tumango nalang ako habang nakatingi kay Connie na nakasandal sa balikat ni Aidan habang natutulog silang dalawa. "Hindi ko maintindihan yung sitwasyon niya, pero hindi ko din gustong mapahamak siya."
Connie, Sino ka ba talaga? Bakit parang ang importante mo sa amin— sa akin? Parang may connection siya sa buhay ko na ang hirap hanapan ng paliwanag kung bakit.
× × × × ×
Kinaumagahan. Nagising ako na maayos na yung paghiga ko, pinatanong ko kay Sy kung puwedeng tanggalin yung unan na nakaalalay sa balikat ko dahil medyo ang uncomfortable matulog ng nakatagilid. Kailangan daw yun para hindi maipit yung sugat at hindi magdugo ulit, per dahil kailangan niya na ako, pumayag na siya tanggalin. Nilagyan niya muna ng benda yung likod ko saka sinabihan na wag ako malikot matulog.
Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Connie na nakaupo sa upuan, siya lang mag-isa. "Kaaalis lang ni M—Sy, pupunta daw siya saglit sa trabaho niya. Si Uncle naman nasa hunting trip at susubukan niya rin daw hanapin si Mary." sabi niya nang makita niya akong nakatingin sa kanya.
"Ikaw, kamusta ka?"
"Nagawa mo pang intindihin ako sa lagay mong 'yan. Nasaksak ka ng ilang beses sa likod, nadapa lang ako. Kaya ko sarili ko, kung binitawan mo ako makakahanap ako ng ibang paraan para labanan yung bagay na yun, at sana hindi ka nandito ngayon." sabi niya na nakasalubong nanaman yung kilay. Parehas sila ni Sy, kapag nagagalit, asahan mong may magaganap na salubong ng dalawang kilay nila.
Umiling ako na nakangiti, "Diba niligtas kita? Hindi ba puwedeng pasasalamat muna yung matanggap ko, hindi seremonya galing taas? Parehas talaga kayo ni Sy, talagang walang palalagpasin na kahit ano. Tapos lahat ng bagay kailangan gawing dramatic. Hindi naman—"
"Salamat," sabi niya habang nakatingin sa sahig. "Masaya ka na?"
Napangiti naman ako sa loob nang marinig ko siya mag pasalamat, kahit mahina bakit ang sarap pakinggan. "Anong salamat? Tignan mo nangyari sa akin oh. Sa tingin mo makakahanap ako ng trabaho ng ganito ang lagay ko? Batang 'to, hindi ko talaga hihilingin na magkaroon ng anak na tulad mo, kung sakali man, lagi kitang papaluin sa puwet mo." biro ko pero parang dinamdam niya yung sinabi ko kaya parang pinagsisihan ko yung biro ko. "Biro lang, ang bilis mo namang sineryoso."
"Hindi nakakatawa. Lalabas lang ako sandali, tanda.."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top