Kabanata 06: Biktima at Sumpa

"SHOTGUN. Yun ang ginamit niya para mapaalis yung mga kaluluwa, pero ang sabi niya gawa sa rocksalt yung bala. Asin daw ang isa sa mga paraaan para maitaboy natin yung mga kaluluwang humahabol sa atin. Dahil ayon sa sinaunang panahon, daw, hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo, pero ang sabi niya asin ang isa sa pamamaraan ng mga sinaunang tao para itaboy ang mga masasamang espiritu at mga demonyo. Saka kahit anong uri ng Iron, nasasaktan sila duon."

Nandito kaming lahat sa mansion ni Sean, dahil ito lang ang ligtas na lugar para pag-usapan ang mga bagay na ito. Pinapaliwanag ko sa kanila lahat ng nangyari  kahapon, at nandito ako para alamin kasama nila kung sino yung apat pang survivor sa aksidente 16 YEARS AGO. Hanggang ngayon hindi ko pa binubuksan yung folder na binigay sa akin ni Dad, dahil alam kong hindi lang ako dapat ang makaalam nito. Lahat kami. Konektado kaming lahat dito sa kung ano mang malalaman namin.

Pero dahil hindi pa dumarating yung hunter na nakilala namin kahapon, si Aidan, hindi pa kami makapagsimula. Sinabihan ko na pumunta din siya dahil ang sabi niya nasa sumpa din siya na katulad namin. Kailangan din namin ng opinyon niya dahil madami silang alam sa ganito kesa sa amin.

"Darating pa kaya yung sinasabi mo? Aidan pangalan niya diba?" nakatingin sa orasan na tanong ni Leila.

"Maghintay pa tayo ng ilang oras. Baka na traffic lang." Pinilit kong pakalmahin yung sarili ko kahit medyo na iinis na ako sa kahihintay sa taong may natatanging alam tungkol sa mga bagay na nangyayari sa amin. Maliwanag ko namang pinaliwanag at tinext sa kanya yung lugar. Ilang oras na lumipas wala padin.

Tumingin sa akin si Carmen, "Cooper, ang sabi mo iron. Ibig sabihin ba nun kahit anong klaseng bakal puwede? Saka pag hinagis mo o pinalo sa kanila, mawawala ba sila agad? Ganun?"

"Siguro. Yun ang sabi ni Aidan. Napansin ko din, nuong parang sinapian si Leila, may nahanap si Sy na kadena at itinali niya yun sa bewang ni Leila, at duon lang nawala yung sapi. Saka parang napapaso sila duon sa kadena, na bakal." pag-alala ko sa mga nangyari nitong nakaraang mga araw na lumiliwanag na onti kung bakit nangyari. Bakal.

"But, Saan galing ang mga spirits na umaatake sa atin?" tanong ni Sean.

Si Sy na dapat sasagot sa mga ganitong tanong, pero hanggang ngayon tahimik padin siya, apektado parin sa pagkawala ni Tata. Sinabi ko kanina na kahit magpahinga muna siya sa apartment at wag na sumama, ang sabi niya kailangan daw na nandito siya para malaman niya kung anong nangyayari kaya sumama padin.

Nagpakawala ako ng malalim na hinga at nag-isip, "Naitanong mo yan. Ang sabi lang sa akin ni Dad kahapon, 16 YEARS AGO, bisperas ng pasko, at may mga umatakeng suicide bomber sa carnival. May mga tinanim silang bomba at maraming namatay sa pagsabog, itong limang tao lang ang nakaligtas." Nilapag ko sa lamesa yung folder na binigay ni Dad, na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung anong mangyayari o makikita ko kapag binuksan namin. Dahil tuwing may malalaman ako o ang isa sa amin, parang may kasunod na mangyayaring masama o kapalit. "Siguro yung mga namatay sa carnival yung mga kaluluwang humahabol sa atin. Hindi ko pa alam kung bakit o anong tawag sa kanila pero puwede nila tayong saktan."

"Vengeful Spirits," Napalingon kaming lahat sa likod nang may magsalita, nakita namin si Aidan na kararating lang, na may kasamang binatang lalaki sa bandang likod niya. "They are ghosts, who've had some great wrong done to them in their lives, normally what killed them, in this case is the injustice killing done by suicide bomber. This causes 'em to remain after death, to try and avenge this wrong. Over time they slowly become obsessed with this until it is the only thing they can think of. Like'en itch that you just can't scratch. As such they act violently to try and avenge the wrong, however in the process, their obsession with revenge often leads to them harmin' innocent folks. Sometimes their vengeance can spread on to others, who had nothin' to do with 'em, but have or are doin' somethin' that is similar to their death."

"And you are?" tanong ni Sean.

"Oh, I'm that Aidan. Yer' guard let us in, we ain't trespassing anyone. This guy right here is Ch—"

"Connie," sagot ng binatang lalaki.

"Curious lang. Don't take this as a insult or anything. Ano ka? Bakit parang andami mong alam sa mga ganito? Spirit? Ghost? Salt? Iron?" tanong ulit ni Sean.

"I'm a Hunter, from Kansas," sagot niya. "Was born here 'till my father took me in Lawrence after the operation. Right 'bout when I hit puberty, shit like this started to happen. Ain't got any clue why's earlier than y'all, but it was there." May kinuha siya sa jacket na suot niya at pumunta siya sa lamesa para ilagay duon. Isang polaroid, litrato niya, pero nakahiwalay yung upper at lower body niya, parang may space sa tiyan at bewang niya. "Thought that might just be accident or summat, but a bunch of spirits and clowns started huntin' me everywhere, and I know it's damn real. I searched things about this, and found a lot, and found this job. There's a lot of hunter around the world. Their identity might be unknown because this ain't a normal job. They hunt creatures, haunted things, and any supernatural being that will make y'all awake at night. It ain't easy, but I'm one of 'em."

"Anong ibig mong sabihin sa creatures and supernatural being? Hunter? Tulad ng pag-hunt ng mga reindeer, bear, wolf?" tanong ni Leila. "Hindi naman sila supernatural beings."

Umiling si Aidan, "Nah. More like ghost, vampires, werewolves, anything supernatural. Besides, being—" Okay, okay. Tama na, medyo nakakatakot na yung mga nalalaman ko. Shit! Ibig sabihin pati yung babaeng mahabang buhok na nakikita ko tuwing nag sleep paralysis ako totoo? Jesus Christ!

Tinaas ko yung kamay ko para pigilan si Aidan na magsalita, tumingin ako sa batang kasama niya na ngayon ang sama ng tingin sa akin. "Naiintindihan na namin, malinaw. Pero, Bakit kailangan mo mag dala ng bata dito? Gusto mo ba siyang madamay sa atin? Lahat ng dumidikit sa akin napapahamak."

"Eighteen na ako," sagot niya. "Kung ibabase mo sa edad ang tanda, teen ang tawag sa akin, hindi bata. Saka hindi ako tulad ng ibang mga teenager na makikita mo lang sa tabi-tabi na madaling mapatay ng kung ano-ano, kung ayun po ang inaalala niyo."

Hindi ko gusto ang hulma ng dila ng batang 'to ah.

"Anong ibig mong sabihin sa hindi normal?" Napatingin ako kay Sy. Nagsasalita na ulit siya, salamat naman. Ang buong akala ko'y mananahimik lang siya buong araw at hindi ko siya makakausap, na okay at naiintindihan ko naman dahil sa nangyari, pero di ako sanay na tahimik lang siya. "Connie ang sabi mo'ng pangalan mo?"

Tumingin ako kay Connie na handang pumatol kung bastos niya rin sagutin si Sy, pero tumango lang siya.

"He, um, have an ability." Ability? "I wouldn't have bring here but he insisted, he said he might— maybe help us."

"Anong klaseng—"

"Nakikita ko lahat ng mga kaluluwang nakikita niyo kahit wala ako sa sumpa." sagot niya at pagputol sa tanong ko. "Kaya ko din makapunta sa iba't-ibang taon tuwing namamatay ako. Nakilala ko si Uncle Aidan pagkatapos ko mapunta sa taong ito, 2015." Time traveling? Totoo ba lahat ng sinasabi ng batang 'to? Bakit parang lalong nagiging komplikado ang sitwasyon namin dito habang patagal ng patagal.

"Kaya mong mag time travel?" tanong ni Sy at tumango naman agad si Connie na parang asong tinuturuan ni Sy.

"Kung ganun, bakit hindi mo subukang mag travel sa future? Para malaman kung ano ba talagang nangyayari sa amin at anong solusyon sa sumpa." sabi ni Sean. "We don't know anything, but sabi mo you have an ability to travel from year to another."

"Nakikinig kaba?" tanong ni Connie na may tono, kaya nagsalubong yung kilay ko. "Ang sabi ko, kapag namatay lang ako makakapunta sa iba't-ibang taon. Galing ako sa taong 2033, namatay ako duon dahil sa walang kuwentang tao, at ang akala ko mamamatay na ako ng tuluyan pero paggising ko nasa ibang lugar at taon na ko, taon ngayon 2015. Hindi ko alam kung bakit at anong dahilan. Ngayon naiintindihan mo na? O baka naman kailangan ko pa gumawa ng chart para maintindihan mo?"

Sandali lang, bata ba talaga 'tong lalaking ito? Makasagot sa matanda parang walang pinag-aralan ah. "Ang sabi mo teenager ka diba? Bakit kung mag salita ka para kang hayop na walang galang sa matatanda? Hindi kaba tinuruan ng mga magulang mo ng magandang asal?" Hindi ko man siya gustong patulan, sumobra na, at hindi ako yung tipong babalewalain nalang ang ugali ng mga batang walang asal.

"Hindi," sagot naman niya ng mabilis. "Hindi nila ako tinuruan. Dahil wala silang kwentang magulang. Sa tingin ko nga wala silang pakialam sa akin. Dahil imbis na atupagin nila kaligtasan ng anak nila, ibang tao ang iniintindi nila. Makikitid kasi utak nila, katulad mo. Gusto mo silang makilala?"

"Connie! Shut it!"

Putang-inang bunganga. "Ayokong patulan ka, lalo na sa sitwasyon namin ngayon, pero kahit ako ang magulang mo gagawin ko yung mga ginawa nila sayo. Sa tabas ng dila mo, hindi ko gugustuhin na magkaroon ng anak na katulad mo." sabi ko na pinagbago ng mukha ni Connie, pinagsisisihan ko naman agad yung sinabi ko nang makitang takot yung pinta ng mukha niya sa mga sinabi ko.

"COOPER! Enough. Both of you!"

Shit! Sinimulan niya eh. Ngayon natatakot siya.

Naramdaman ko yung ulo ko na umiinit, buti nalang hinawakan ako ni Sy sa braso at tumingin sa akin para pakalmahin ako. "Cooper, Tama na. Bata lang siya. Pabayaan mo na." sabay sinenyas na umupo ako.

Napa-himas nalang ako ng sentido at umupo na sa sofa duon sa tabi ni Sy. Hindi ko nalang inintindi yung patuloy na pagtitig sa akin ni Connie na akala mo may ginawa akong sobrang masama sa kanya. Masyado ko 'atang pinairal yung init ng ulo ko kaya pumatol ako sa bata, kainis na nangyayari kasi sa buhay namin, hindi ko na alam kung anong emosyon ang paiiralin ko sa ngayon. Kusa nalang kumakawala yung emosyon na nararamdaman ko ng hindi ko pinag-iisipan.

"I apologize for his rudeness."

"Umupo muna tayong lahat. Alam kong lahat tayo stress sa mga nangyayari, pero kailangan natin maging isa. Kung ayaw natin mamatay o mapahamak ang isa sa atin.."

Naupo naman ang lahat para sa ikatatahimik ng lahat. Nasa isang mahabang sofa kami nila Leila, Sy, at Carmen. Habang si Sean nasa kaliwang solo sofa, at si Aidan kasama si Connie ay mag katabi sa isang sofa na mahaba din sa harap namin pero napapagitnaan ng mahabang lamesa na babasagin kung saan nakalagay yung folder na binigay sa akin ni Papa kagabi.

Nang nanahimik na ang lahat, binulabog ni Aidan yung katahimikan sa lakas ng palakpak ng kamay niya na ikinagulat naming lahat. "Oh, my bad. But, shall we begin? It's nice to see— Hold on, I'm pretty sure that there are twins who survived the accident, and I don't see one here."

"Twins?" tanong ko.

"Didn't read that folder yet?"

"Minabuti muna naming wag buksan at basahin. Gusto kasi ni Cooper na alamin namin kung ano ang nasa laman niyan kapag kasama na ang lahat, dahil lahat tayo apektado sa mga nangyayari. Mabuti ng ang alam ng isa, alam ng lahat." paliwanag ni Sy.

"Tsk—" Shit! Ano bang problema ng batang 'to sa akin? May mali ba sa ginawa ko? Bakit parang ang laking galit niya sa akin? Kalma, Cooper. Bata lang yan. Isipin mo nalang dumaan ka din diyan, galit sa mundo, laging may tantrums, at halos sisihin lahat sa mga nangyayari sa buhay mo.

"Cooper, Ikaw na magbukas. Ikaw naman ang naghirap na kumuha niya." sabi ni Leila. Tumingin ako sa iba para tanungin ang permiso nila at tumango lang sila, puwera lang duon kay Connie.

Lumapit ako sa lamesa kung asan yung folder.

Kung malaman namin kung sino-sino pa yung ibang mga survivors maliban kay Sean, puwede namin silang hanapin at itanong kung paano tapusin ang sumpa na ito kung nangyari na sa kanila itong mga bagay na nangyayari sa amin at sakaling nalampasan nila't nabigyan solusyon ang mga ito. Pero— papano yung sinabi ni Aidan ngayon lang? Twins, na naka survive sa aksidente, si Carlo at Carmen? Paano kung kami kami lang din pala ang mga survivors at hinahanap namin?

Lumunok ako at pinatong ko yung kamay ko sa folder, saka dahan-dahan binuksan.

× × ×

D E C E M B E R  2 5
1 9 9 9 — 1 1 : 4 5

“ Survivors / Wonderland Carnival Accident ”
SURGERY & OPERATION

Binasa ko ng dahan-dahan yung unang page, saka nilipat sa susunod kung saan may tatlong pangalan lang ang nakalagay sa isang buong page; Dr. JOEL RODA'RIDIO / Nurse EVERLIE GREECE / Dr. EDWIN CONNOR. Silang tatlo ang may hawak sa operasyon na nangyari nuong araw na iyon, at and dalawa sa kanila ay patay na, hindi ko alam kung nagkataon o hindi pero alam kong may alam at gustong sabihin sa akin si Everlie kaya siya pinatay. Si Dad nalang ang natitira sa kanilang tatlo. Totoo bang wala siyang kinalaman? Wala siya sa sumpa? Kung wala, bakit yung dalawang kasama niya sa operasyon ay patay na ngayon?

Nilipat ko sa kabilang page kung saan may agreement na once matapos ang mga operations wala dapat silang pagsasabihan sa mga kung ano-anong nangyari o ginawa nila sa loob ng hospital para maligtas ang mga survivors, hindi din nila puwedeng sabihin kung ano ang mga identity ng mga survivors. Nandoon lahat ng pirma nilang tatlo, at sa susunod na page, duon na nakalagay ang isang profile na parang biodata ng first survivor.

SEAN BEE ALEJANDRO Tumingin muna ako sa kanya para humingi ng permiso basahin, tumango naman siya na parang alam niya na kung anong nakasulat duon, dahil siya lang ang kilala naming survivor sa aksidente. Bumalik ako ng tingin sa data, may nakalagay duon na two-by-two picture ni Sean, at mga sulat na nagsasabi kung anong nangyari sa kanya. Naagaw ng atensyon ko, at pagkagulat ng ilan sa mga kasama ko, ay yung picture sa baba. Si Sean, nung nangyari ang aksidente, nakahiga siya sa isang surgical bed, walang malay, at duguan yung buong bunganga. Sa isa pang litrato, duon ako lalo nagulat nang naka close-up yung kuha sa bibig niya. JAW RIPPED OPENED. May kung anong humiwa sa mula sa panga hanggang sa labi niya. Kita kung paano naka-hang yung bunganga niya dahil sa pagka-punit ng panga niya. Nakalagay sa huli na nagsagawa silang tatlo ng Cheiloplasty or Surgical lip restoration procedure.

Tumingin ulit ako kay Sean. Wala kahit anong bakas sa nangyari sa kanya nung bata siya. Paano nila nagawa yun? Napunit yung dalawang panga at labi ni Sean. "Paano?"

Nagkibit balikat naman siya. "I have no idea. The only thing I remembered is nasa Horror Train kami ni Mommy nung biglang may malakas na pagsabog. She holds me so tight, but biglang natumba yung sinasakyan namin, and I fall flat on my face in this sharp thing who tore my jaw and lips."

"Yung Mommy mo?" tanong ko at umiling lang ulit siya. Shit! "Sorry."

Sa kabilang page, isang batang babae naman, at ang nakalagay na pangalan ay; LEILA NIE MAGAYONDA Si Leila? Isa siya sa mga survivors. Sa litrato sa baba katulad ng kay Sean, nasa surgical bed din siya nakahiga, at wala siyang mga paa mula hita. AMPUTATED LEGS. Nakasulat na hindi kasama sa hospital yung naputol niyang mga paa. Leg transplantation yung ginawa nila procedure, na alam kong sobrang risky dahil kailangan matanggap ng original body yung legs na ita-transplant nila, at kailangan ng legs ng patay for transplantation. Saan sila nakakuha ng ganung oras? Bakit parang imposible itong mga nababasa ko?

"Hi—hindi ko alam."

"You didn't know? Or you didn't remember, either?" tanong ni Aidan.

"Ang alam ko lang ay nagkaroon ng operasyon dahil naputol ang mga hita ko. Hindi ko alam na isa ako sa mga survivors. Wala akong maalala. Hindi ko alam na nan— Wala akong alam na nangyari sa akin yan." paliwanag niya na gulat din sa mga nalaman.

Nilipat ko ulit sa kabilang page. May litrato ng batang lalaki at babae, magkamukha, twins ang nakalagay sa papel. Inasahan ko na yung mababasa ko nang basahin ko yung nakalagay na pangalan nila; CARLO & CARMEN EBAFORE Magkatabi ang surgical bed nila sa picture sa baba, wala din silang mga malay, at may diperensya naman sa kamay ang natamo nila. LEFT ARM AMPUTATED. RIGHT ARM AMPUTATED. Putol ang kaliwang braso ni Carlo, at kanan naman ang naputol kay Carmen. Arm transplantation ang ginawa sa kanilang kambal. Hindi ko alam kung nagkataon na tig-isang kamay ang nawala sa kanila o talaga ganun talaga ang nangyari.

Tinignan ko si Carmen para tanungin sana kung alam niya ang tungkol dito, pero napatakip lang siya ng bibig sa nagulat, hindi niya din alam. Hindi niya din alam na dalawa sila ng kambal niya ay isa sa mga survivors.

"Heto pala ang ibig mong sabihin?" tanong ni Sean kay Aidan at tumango lang ito. "Tayo tayo rin pala ang mga survivors, great."

Hindi! Hindi! Kailangan namin ng isang survivor na sana nakaalis na sa sumpa na ito para matulungan niya kami umalis sa sumpa namin ngayon. Tatlo na sa amin ngayon ang survivors sa nangyaring aksidente nuon. Isa ay namatay na. Isa nalang pag-asa namin. Isa nalang ang natitira. Sana hindi isa sa aming natitirang apat ang survivor na ito, pero kung hindi nga, ano namang dahilan sa amin kung bakit kami nasa sumpa kung hindi naman kami survivors?

Dahan-dahan kong nilipat ang huling pahina, isang batang babae. MARY ANGELA MAYOR Hindi namin siya kilala, posibleng may alam siya. Binasa ko yung mga nakasulat para tignan kung anong nangyari sa kanya. EYE INJURY. Sa picture sa baba, nakahiga siya sa kama habang nababalot ng dugo yung mata mukha niya. Nakasulat na may mga bubog na tumusok sa magkabilang mata niya kaya siya nagkaganun. Penetrating Keratoplasty ang ginawang procedure sa kanya. At tatanungin ko nanaman ito: Saan sila nakakuha ng ganitong kadaming donor para sa mga transplant at operation na ginawa nila?

× × ×

"Mary Angela? Naalala ko, siya yung victim sa nabasa kong article sa internet. Siya yung babaeng inatake ng di kilalang tao, may nagtusok ng barbeque stick ang magkabila niyang mga mata na sanhi ng pagka-bulag niya." sabi ni Sy na naalala ko din dahil kinuwento niya sa akin ang tungkol duon nung natulog siya sa apartment room ko.

"She's alive, then. Ain't that good— or nah?"

"Good," sagot ni Sean kay Aidan. "Dahil may puwede tayong pagtanungan kung paano makaalis sa cursed na ito. Maybe she got out, and maybe we need to find her."

"Siguro ba kayong nakaalis na siya sa sumpa?" tanong ni Connie.

May punto din naman siya duon, ayusin niya lang yung tono niya dahil medyo hindi maganda pakinggan. Ano ng mangyayari kung nahanap nga namin si— Mary pero hindi parin siya nakakaalis sa sumpa? Paano kung hindi niya alam na may mga nagpapakita sa kanya dahil ang sabi ni Sy ay nabulag siya sa aksidenteng nangyari sa kanya? Ano ng gagawin namin? Shit!

"Importante ba yun? Kailangan natin siyang hanapin dahil isa siya sa mga nasa survivors, at kung nasa sumpa din siya gaya natin, hindi naman nating puwedeng hayaan nalang siya mamatay ng hindi tinutulungan." sabi ni Sy. "Cooper? Ano sa tingin mo?"

Ano sa tingin ko? Hindi ko alam.

Tinignan ako ni Leila, "Nabasa ko din yung article na tinutukoy ni Sy sa internet. Nakuhaan din siya sa carnival ng picture na walang mata bago yung picture niya sa graduation. Dalawang beses siyang nakuhaan ng walang mga mata kaya ang akala ng pamilya niya ay may nag-plano ng mga nangyari sa kanya."

Hinde. Alam kong nasa sumpa din siya. Tulad ng nangyari kay Carlo, ang mata naman ang pakay sa kanya nung naka-itim na hood na nagpapakita sa akim.

"Napansin niyo ba?" tanong ni Carmen habang hawak yung folder at tinitigan yung mga files ng mga survivors. "Lahat ng mga nawawalang parte ng katawan natin sa solo picture na nakuha sa carnival, yun ang nakalagay na nawala sa atin dito sa aksidenteng nangyari 16 YEARS AGO? At kung iisipin niyo, ito din ang pinagmumulan ng kung sakaling ikamamatay o pahamak natin. Ibig kong sabihin, yung sinabi niyo na nangyari kay Mary, yung mga mata niya yung tinusok ng barbeque stick, tignan niyo sa files." pinakita ni Carmen yung files ni Mary kung saan may injured yung dalawa niyang mata. "Si— si Carlo, naputol yung kaliwa niyang braso nung—" hindi niya mapatuloy yung sasabihin niya kaya pinakita niya nalang yung files sa amin.

Tama siya, tama lahat ng sinabi niya. Pero may isa pa akong pinagtataka...

Tumango si Sean, "Right? But, kayong apat. Tanggalin na natin si Connie dahil ang sabi mo Aidan nag-travel siya dito para tulungan tayo, make sense kung bakit nasa sumpa din siya. Pero kayo Aidan, Syrin, at Cooper? Hindi naman kayo parte ng aksidente. Bakit kayo nasa sumpa?"

Ito ang kanina ko pa ipinagtataka. Bakit kami nasa sumpa kung hindi naman kami kasama sa nangyaring aksidente 16 YEARS AGO? May iba pabang hindi ako nalalaman?

"Hindi ko din alam," sagot ko.

"Maybe you will, if you know the truth." sabi ni Aidan na kinatingin ko sa kanya. May kinuha siyang envelope na nakatupi sa jacket niya, at binigay sa akin, kinuha ko naman na may tanong sa muka. "I was waitin' if you'll remember, but lookin' like you have some kinda amnesia. Read that, you'll have the answers to yer' questions."

Anong nakalimutan ko? Anong malalaman ko sa envelope na 'to?
Pigil hininga kong binuksan yung envelope.

Ilang pirasong bond paper lang ang laman ng envelope kumpara duon aa folder na binigay ni Dad. Sa unang papel may nakalagay na; 4 CONFINED PATIENTS/ 1999 DEC 24 / SURVEY & OPERATION / 11:45 Yung araw at oras ng operasyon ng mga naka-confined sa hospital ay pareho ng araw at oras ng operasyon ng mga survivor sa nangyaring aksidente sa carnival. Paanong nangyari ito? Tatlo lang sila sa hospital nung gabing yun pero andami nilang operasyon na ginawa. Nilipat ko yung papel dahil naka staple sila. Duon, nakita ko yung pangalan ko.

COOPER PATRIC RODA'RIDIO Nakalagay duon yung two-by-two picture ko nung bata pa ako tulad ng iba. Yung muka ko, halos hindi ko makilala, sobrang bata pa ako. Para akong nakatingin sa ibang bata. Binasa ko isa-isa yung mga nakasulat duon, notes, receipts, at mga kung ano-anong naka-attached sa papel. Nang matapos ako, kumunot yung noo ko. Ayon sa mga nabasa ko, may ATRIAL SEPTAL DEFECT ako, ibig sabihin may butas ako sa puso. Atrial septal defect is a birth defect of the heart, nakasulat na simula nung nag tatlong taon gulang ako nagkaron na ako ng mga sakit involving heart tulad ng asthma at heart failure, kaya halos sa hospital na ako naka-confine mula nuon. Na weird, dahil wala akong maalala na kahit ano.

"Remember anythin'?" tanong ni Aidan sa akin.

Umiling ako, "Ang lagi lang sinasabi ni Dad tuwing tinatanong ko siya kung bakit wala akong maalala sa pagkabata ko ay dahil sa operasyon ko. Sabi niya anesthetics can cause long-term memory loss. Baka yun ang nangyayari sa akin."

"It's a hell's specific so-long-memory-loss, then. With this people 'ere who have the same case as you, what, is that like a anesthetics disease that caused every one of you a memory loss? What a cool accident is that." Alam ko, hindi mo na kailangan ipaliwanag sa akin na para akong tanga. Alam ko na hindi nagkataon ang mga ito at nagsimulang si Dad sa akin. Pero paano ko malalaman kung bakit? Wala nga akong ala-ala.

Nilipat ko sa susunod na papel, at duon naman nakalagay yung pangalan at litrato ni SYRIN AMOR JUALION, naramdaman ko yung pagkapit ni Sy sa braso ko nang makita niya yung sarili at mga impormasyon na tungkol sa kanya na nakalagay sa papel. ANOTIA. Birth defects kung saan ang isa o dalawang external ear ng bata ay wala nuong isinilang siya. Si Sy, dalawang tenga ang wala sa kanya. Dahil duon nahihirapan siyang marinig at nanghihina ang katawan niya. Sinugod siya sa hospital dahil isa sa kilalang doctor at surgeon si Dad. Umaasa silang magagawan ng paraan yung karamdaman niya.

At sa Ikatlong pahina naman ay ang pangalan ni AIDAN KENNEY SINGERS. Mukhang alam na ni Aidan kung anong nakalagay dito kaya hindi na siya tumingin sa papel, sa akin nalang siya nakatingin, hinihintay kung anong reaksyon ko. Binasa ko kung anong nakasulat. LIVER DISEASE. Kailangan niya ng liver transplantation, pero wala pang donor ang nahahanap kaya siya naka-confine sa hospital, naghihintay.

Nilipat ko yung papel para makita kung sino yung huling pasyente, pero wala ng kasunod. "Bakit wala yung pang apat na pasyente?" tingin ko kay Aidan. Nakalagay sa front page na apat, pero kaming tatlo lang ang nakalagay.

Nag kibit-balikat si Aidan, "No idea. Just took that files on your Dad's home."

Home? Pumunta siya sa bahay ni Dad at ninakaw niya 'to? Niloloko 'ata kami ng lalaking 'to eh, magnanakaw 'ata talaga siya hindi hunter. Pero kung iisipin, bakit kailangan itago ni Dad ang ganitong files sa bahay niya? Ganun ba talaga kalala ang nangyari sa akin nung bata pa ako kaya gusto nilang sunugin lahat ng memorya na meron ako nuon?

"Ibig sabihin magkakakilala na tayong tatlo nuong bata pa tayo?" tanong ni Sy.

"Pretty much,"

"Naiintindihan ko na." sabi bigla ni Carmen. "Puso. Cooper, hindi kaya sa tingin mo yung puso mo talaga yung nawawalang parte sa litrato pero dahil nakahawak ka sa dibdib mo duon sa litrato, baka natakpan lang at hindi nakita?" Tama siya. Baka nga ang puso ko yung nawawala sa litrato. "Si Sy, tenga niya, at si Aidan naman kaya hiwalay ang katawan niya dito sa polaroid dahil nawawala ang liver niya."

Anong meron sa mga nawawalang parte ng katawan namin? Alam kong konektado siya sa mga operasyon, surgery, at transplantation na ginawa sa amin nung bata kami, pero bakit nangyayari ito? Wala paring sagot. Hindi parin malinaw kung bakit may mga nagpapakita sa aming mga espiritu na posibleng mga kaluluwa ng mga namatay sa aksidente sa carnival. At yung taong naka-itim na hood, yung mga tunog, anong kahulugan nila?

Naagaw yung atensyon namin nang may pumasok na guard. "Sirre, Mr. Bradley just called. He's waiting at the restaurant. Should I—"

"No. Tell him I'll be there in a minute." utos ni Sean at tumango lang yung guard at lumabas na. "Guys, I'm sorry but I have to go. I mean, puwede naman kayong mag stay dito kung gusto niyo. There's food and anything, tawagin niyo lang yung guard kung may kailangan kayo."

"Thank you, Sean. Pero kailangan din naming bumalik ni Carmen sa publishing company. May meeting din kami mamayang gabi kaya di puwedeng hindi kami pumasok." sabi ni Sy.

"May nightshift din ako mamaya." sabi naman ni Leila.

Hahanapin din ako ng boss ko sa kompanya kaya kailangan kong bumalik, nagpaalam lang ako kanina na may importante akong dadaanan kaya baka hapon na ako makapasok. Baka mawalan pa ako ng trabaho kapag hindi ko talaga pinasukan. May project pa naman siyang binigay sa akin, dapat yun ang inaatupag ko, hindi itong weird haunted shit na nangyayari sa amin.

"Pero ano ng gagawin natin ngayon?" tanong ni Carmen. "Nalaman natin yung nangyari sa atin 16 YEARS AGO, pero wala paring paliwanag kung bakit nangyayari ito sa 'atin."

Ano nga ba ang gagawin na namin ngayon? Hindi ko din alam. Ang alam ko lang ay kailangan kong alalahanin, pilit alalahanin, yung mga ala-ala ko nung bata ako at yung mga nangyari 16 YEARS AGO. Para kasing may importante akong nalimutan. May detalye akong nakaligtaan na makakatulong ngayon, kung sana hindi nawala yung mga ala-ala ko. Puwede ko namang tanungin si Dad ulit, kung ayaw niya sabihin puwede kong puntahan si Mom sa probinsya, hindi, ayokong idamay si Mom dito.

"Subukan nating hanapin ang natitirang survivor, at subukang manatiling buhay." sabi ko ng nakatingin sa kanila. "Kahit ako hindi ko alam kung anong gagawin natin ngayon, pero alam na natin kung anong mga bagay na puwedeng gamitin para protektahan ang ating sarili."

Ngumisi naman si Aidan sabay tinapik yung lamesa, "Alright. We're on a highway to hell now."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top