Kabanata 05: Asul na mga Mata

NAKASAKAY kami ni Sy ngayon sa bus, papunta kami sa hospital ni Dad kung saan malapit yung carnival. Kailangan namin malaman kung ano talagang nangyari at bakit kaming lima ang target ng mga kaluluwang nag-mumulto, isama mo na si Everlie at Dr. Edwin. Hindi ko mapigilang isipin na baka isa din ako sa mga survivor sa nangyaring aksidente nuon, pero wala namang sinabi sa akin si Mom at Dad, ang sabi lang nila ay inoperahan lang ako, higit duon wala na silang gustong pag-usapan sa mga nangyari.

Nasa tabi ako ng bintana ng bus, nakatingin lang ako sa mga dinadaanan na mga puno habang si Sy nasa tabi ko natutulog.

Napa-baling bigla yung ulo ko nang may makita nanaman akong clown, yung clown na nakita ko nung unang papunta kami sa carnival. Nakatingin lang siya sa akin hanggang sa malampasan siya ng bus. Sinubukan ko nalang tanggalin sa isip ko yung nakita ko tulad ng ginawa ko nuon dahil hindi naman siguro nun kami mahahabol sa bus, at bawal ako ma-stress sabi ni Leila. Babalik na sana ako sa pagsandal ko nang may nadaanan nanaman yung bus, isang babae naman na duguan na parang may dalang sanggol na nag-lalawa ng dugo yung lampin, at meron nanaman, sunod-sunod sila.

Nakakakilabot,

Nangilabot pa lalo ng husto yung katawan ko nang may makita akong dalawang taong magkatabi, yung isa walang ulo, at yung isa may lubid sa leeg niya. Tangina! Bigla kong sinara yung bintana at lumingon kay Sy para gisingin siya "Sy, parang may ma-"

"KASALANAN MO 'TO!!!"

Hindi ko natuloy yung sasabihin ko nang bigla akong sakalin ni Sy. Hindi ko alam ang dahilan. Katulad ni Leila nung nakaraang araw namumula yung mga mata niya sabay may itim na likido ang lumalabas sa mga mata niya. Ang diin ng pagkakasakal niya, parang bumabaon sa leeg ko mga kuko niya sa sobrang higpit.

"UGH- S-Y!"

"COOPER!"

×

Napamulat yung mga mata ko nang may maramdaman akong tumatapik sa mga balikat ko. Tumayo ako bigla at handa ng tumakbo, pero napatingin ako sa mga tao na natutulog, at kay Sy na nagtatakang nakatingin sa akin habang nakaupo. Panaginip lang? Huminga ako ng malalim saka umupo. Shit! Akala ko totoo. Akala ko sinapian talaga si Sy at sinasakal niya ako.

"Ayos ka lang?"

Tumango ako habang hinihimas yung leeg ko, "Nanaginip lang ako."

Hinawakan niya naman yung pisngi ko at nilingon niya ako sa kanya.

"Kailangan mong magpahinga. Masyado kang stress sa mga nangyaya-" Nanlaki yung dalawang mata ko nang may biglang tumusok na bakal sa kaliwang tenga ni Sy at tumagos ito sa kanang tenga niya. Nagsi-talsikan lahat ng mga dugo sa muka ko, saka biglang nagsilabasan lahat ng kulay itim na dugo sa mata, ilong, at bibig niya. "-ri."

A-ano 'to? "SYYYYYYY!

×

"Cooper, Malapit na tayo." Dumilat ulit ako at umayos ng upo habang hinahabol yung hininga ko. Bukas yung mga bintana ng bus at madilim na onti. May mga taong gising na at si kalalagay lang ni Sy ng laptop niya sa bag. Ano nangyari? Panaginip sa panaginip? "Naka-chat ko si Sean, nanaginip daw siya na naglalagas yung ipin niya, feeling niya daw totoo yung mga nangyari, hanggang sa paggising niya ramdam niya yung sakit ng paglalagas ng ngipin niya. Hay, Ano bang nangyayari sa 'atin"

Naglalagas ang ngipin? May mamamatay. Ayun ang kasabihan kapag nanaginip ka ng ganuong panaginip. Sana hindi totoo ang mga iyon.

Pagkababa namin ng bus, nag tricycle pa kami dahil masyado ng madilim para maglakad papuntang hospital at papuntang bundok yung lugar. Buti nalang at wala kaming nasasalubong at nakikitang mga multo. Hindi namin alam kung anong gagawin namin kung may makita kami, bukod sa holy water na dala namin, takbo nalang ang alam naming gawin. Hindi pa namin alam kung gagana ba talaga itong holy water, at wala kaming idea kung anong oras o kailan bubulaga yung mga kaluluwa.

8:34 PM. Nakarating kami sa hospital. Tinawagan ko si Dad na papunta na kami kaya iniwan niya lang na bukas yung main door dahil siya nalang ang tao duon. Nang pumasok kami may nakita kaming nurse dun sa lobby. Nagtaka ako kasi sabi ni Dad siya nalang mag-isa, pero nung lumingon sa amin yung nurse para tanungin kung anong kailangan namin, naisip ko na baka hindi lang napansin ni Papa na may tao pa dito.

"Anak ako ni Dr. Joel."

"Hinihintay niya po kayo kanina pa." sabi niya na nakangiti. "Nasa second floor yung office niya, katok nalang po kayo, kasi minsan busy si Doc sa mga paperworks."

"Sige, Salamat." sabi ko sabay naglakad na kami ni Sy papuntang elevator.

Pagpasok namin sa loob ng elevator, siniko ako bigla ni Sy na ikinatingin ko sa kanya na naka kunot yung kilay, "Hindi mo ba napansin na parang ang weird ng ngiti ng nurse?" bulong ni Sy. Bumulik ako ng tingin duon sa nurse na nasa lobby bago paman magsara yung elevator, hanggang ngayon nakatingin parin siya sa amin habang nakangiti. "Tignan mo, nakatingin parin siya."

"Alam mo, puwede mo namang sabihin sa akin na natatakot ka."

"Tangi, totoo sinasabi ko."

Paglabas namin ng elevator sa second floor, sinubukan kong alalahanin kung saan yung daan papunta sa office ni Dad dahil sobrang tagal na nung huli akong nakapunta dito. Pinagbawalan na kasi ako ni Mom at Dad na pumunta dito simula nung operasyon na nagyari sa akin, hindi ko alam kung bakit. Basta pagdating sa mga alaala ko nuong bago ako operahan at tungkol sa hospital na ito, parang ayaw na nila mag kuwento. May iniiwasan silang alalahanin at parang pinipilit ibaon sa limot. Nuon parang inintindi ko nalang na gusto nilang kalimutan lahat kasi imagine sampung taon gulang nilang anak dumanas ng operasyon, syempre masakit sa kanila, parang bangungot siguro sa kanila yung mga araw na iyon. Pero ngayon, parang may malalim ng kahulugan kung bakit nila kalimutan ang mga iyon.

"Sabi mo alam mo ang daan?"

"At sinabi ko din na matagal na nung huli akong nandito."

"Okay, Mr. Perfectly Fine."

"Ha?"

"Wala,"

Nagsisisi tuloy ako na hindi ko tinanong kung saan yung mismong direksyon papunta sa office ni Dad. Hindi ko naman kasi alam na andaming pasikot-sikot dito, labyrinth 'ata itong napasukan namin hindi hospital. Isipin mo kung biglang magsilabasan, na wag naman sana, yung mga kaluluwa na humahabol sa amin, edi naging Maze Runner ito. Sa paglalakad namin, may nakita kaming wheelchair sa bandang tapat ng isang room, at may nakaupong tao duon. Nagkatinginan kami ni Sy, nagkibit balikat lang ako at nagsimula maglakad papalapit duon. Nakahinga ako ng maluwag ng tao lang yung nakaupo, matandang lalake, nasa mid' forty-ish.

"Um, hello po. Tanon-"

"Ta?" Napatingin ako kay Sy. "Tata?"

Lumingon naman sa amin yung matanda at ngumiti, "Syrin,"

"Si Tata nga. Anong ginagawa niyo dito?" Magmamano sana si Sy sa matanda pero umiling lang ito para sabihing wag na. "Ilang ulit ko po ba'ng sasabihin sa inyo na paggalang ang pagmamano, hindi ibig sabihin nun matanda kana, na totoo naman pero."

Nagulat ako sa sinabi ni Sy, hindi ko alam na ganito din aiya makipag-usap kahit sa mga matatanda. Nakita kong tumawa lang yung matanda at ngumiti nalang din ako kasi nakakahawa yung tawa niya.

"Nasaan mga anak niyo? Bakit kayo nandito?" tanong ni Sy.

"Sinugod nila ako dito nuong nakaraang araw, tumaas nanaman ang dugo ko. Nandito sila kanina pero umalis na sila, alam mo namang busy sila sa sarili nilang mga pamilya at trabaho."

"Ano pang kinuha ka nila sa akin kung pababayaan ka din nila."

Tinabig ko naman si Sy ng mahina at nilakihan ng mata, "Sy,"

"Ayos lang. Ang importante nagkita ulit tayo at masaya akong makita ka. Kamusta na ang paborito kong pamangkin? At sino itong kasama mo? Nahanap mo na ba ang prince charming mo?"

Tinignan naman ako ni Sy mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung insulto yun o hindi, pero nakakainsulto parin. "Mukang nahanap ko na nga?" At ano namang ibig sabihin nun? Bakit parang patanong? "Tata si Cooper, knight in shining armor ko. Cooper si Tata, paborito kong Tito. Tata tawag ko sa kanya dahil TATA in latin means DAD, siya ang nagpalaki sa akin mula nung umalis mga magulang ko, nung pumunta silang ibang bansa."

"Hello po," Shit! Ngayon ko lang na-realize na siya ang unang pamilya ni Sy na na-meet ko in person. Nasa ibang bansa kasi ang mga magulang niya, medyo hindi siya close sa Mom and Dad niya tulad ng sinabi niya sa akin, at yung ibang kamag-anak niya dito ay kung hindi niya din close ay malayo ang tirahan nila. Bakit ako kinakabahan? Shit! Siya nagpalaki kay Sy. Anong sasabihin ko? "Anong favorite niyang pagkain?" bulong ko kay Sy.

"Snaku," sabay nilang sagot.

"Promise, babalik po ako dito bukas na may dalang isang bag ng snaku, at kakainin natin yun lahat habang kinukwento kung paano niyo napalaki ang pasaway at matigas na ulong pamangkin niyo. Walang nurse na magbabawal sa atin, dahil anak ako ng Doc nila, mag-stay ako dito hanggang anong oras."

"Tata nalang din ang itawag mo sa akin." sabi niya na tumatawa habang si Sy ay umiiling-iling sa sinabi ko na ngayon ay naglalasang cringe kung babalikan.

Ngumiti naman ako, "Sige po, Tata. Um, tanong lang po, alam niyo po ba kung saan yung office ng mga doctor dito? Naliligaw po kasi kami, matagal na po kasi nung huling punta ko dito."

"Diretsuhin mo lang ito, saka kumaliwa ka, huling pinuan sa dulo."

"Salamat po," Gustuhin ko mang makipag kwentuhan pa sa kanila, pero baka naghihintay na si Dad. "Sy, ako na munang kakausap kay Dad. Samahan mo muna si Tata, mukang gusto ka pa niya makausap, babalik nalang ako dito pagtapos saka natin pag-usapan yung mga nalaman ko pagkauwi." bulong ko kay Sy at tumango naman siya. Tumingin ulit ako kay Tata, "Pupuntahan ko lang po si Dad. Pero sasamahan naman kayo ni Sy dito dahil sobrang miss kana niya, babalik nalang po ako pagkatapos ko kausapin si Dad."

"Sige, mag-iingat ka."

"Ta, pasok na tayo sa kuwarto mo. Ang dilim dito. Bakit nga pala kayo nasa labas ng ganitong oras? Wala ng mga nurse." sabi ni Sy habang tinutulak niya yung wheelchair ni Tata papasok sa kuwarto.

Hinintay ko muna sila makapasok sa kuwarto bago ako umalis.

Sinundan ko yung direksyon na sinabi ni Tata. Meyo nakakatakot, dahil yung ibang mga ilaw sa hallway nakasarado. Hindi ko alam kung sira ba o pinatay lang talaga pero nakakatakot maglakad mag-isa sa ganitong kadilim na hallway. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Saka pakiramdam ko parang may sumusunod sa akin, may nakatingin, yung tingin na naramdaman ko na dati- sa carnival, oo tama, yung tingin nung lalaking kulay blue yung mata. Imposibleng nandito din siya. Ano bang kailangan niya sa akin?

Nang makarating ako sa dulo ng hallway, hinanap ko yung pintuan na may nakalagay na Doctors Office, nang makita ko na kumatok agad ako at maya-maya bumukas.

"Cooper. Kamusta ka na?" salubong sa akin ni Dad sabay niyakap ako at tinapik-tapik sa likod. Baka nalilimutan niya na hindi na bata yung anak niya. Pero tutal, matagal din kaming hindi nagkita- o matagal ko silang hindi nabisita si Mom. Lagi ko namang nakakausap si Mom sa telepono, at nangangako na bibisita ako tuwing may free time ako. Hindi ko ba alam kung bakit pero tuwing magkakaroon na ako ng free time bisitahin sila, kinakain ako ng kahihiyan ko na hanggang ngayon wala pa akong naaabot sa buhay ko. Sabihin mo ng naging architect na nga ako, ilang taong pag-aaral, pero anong pagmamalaki ko sa trabahong hindi sapat ang kliyente at proyektong nakukuha buwan-buwan. "Nagulat ako nang sabihin mong gusto mo akong bisitahin at kausapin dito. Hindi ba natin 'to puwedeng pag-usapan sa bahay? Gusto ka ring makita ng Mom mo."

"Dad, Importante." sabi ko nang makapasok na kami sa office niya.

"Muka nga," sabi niya sabay umupo sa upuan niya katapat ng desk na puno ng tambak na papel na hindi ko alam kung para saan. "Anong maitutulong ko sa'yo, anak?"

"Gusto kong malaman kung anong nangyari 16 YEARS AGO," pagsimula ko, na nagbigay gulat at pagtataka sa mga mata niya na nagagawa niyang itago dahil sa propesyon niya bilang doctor, pero dahil anak niya ako, kilala ko siya. Kilala ko yung muka na pinapakita niya sa mga pasyente niya, mga pilit na ngiti, pangarap na pakikiramay, at kung ano pang reaksyon ng isang mabuting doctor para mapaniwala ang pasyente niya. Pero hindi niya ako pasyente. Anak niya ko. "Kung ano talagang nangyari sa Carnival."

Pinatong niya yung isang kamay niya sa kaliwang kamay niya para itago ang panginginig nito. "Bakit mo gustong malaman ang tungkol dito?"

"Ipapaliwanag ko, pero kailangan mo muna sabihin kung ano talagang nangyaring aksidente sa carnival, at kung kilala mo kung sino-sino ang mga naka-survive sa aksidente." sabi ko.

May pag-aalinlangan sa mga mata niya, ngunit tumango siya. Tumayo siya, pumunta sa isang cabinet, at may hinilang drawer na puno ng papeles. Walang katapusang papeles. "16 YEARS AGO— Bisperas ng Pasko, dinadayo ng marami ang carnival tuwing papalapit na ang pasko. Mga batang masaya, pamilyang namamasyal, at sa mga taong gustong hindi mapag-isa salubungin ang pasko. Masaya ang lahat. Hindi mo aakalaing sa isang iglap- madaming tao ang mababawian ng buhay. Tatlong terorista, limang bombang nakatanim, at sa unang putok ng fireworks sa kalangitan, maraming buhay ang nabawian. Suicide bombing. Nandito ako nung araw na iyon, nang marinig ko ang sobrang lakas na pagsabog, nang marinig ko ang balita, at nang makatanggap ako ng tawag na may limang naka-survive sa aksidente na isusugod dito dahil malala ang mga pinsala." Lima, lima ang naka-survive. "Nandito lahat ng identity nila at- confidential ito, hindi ko dapat ito ibinigay kani-kanino lang. Kaya anong dahilan para ibigay ko sa'yo 'to?" tanong niya saka nilagay sa lamesa yung folder na may lamang mga papel.

"Nabalitaan mo na kung anong nangyari kay Everlie?" biglang seryoso ng muka niya pero tumango padin siya para sagutin yung tanong ko. "Nanduon ako nung namatay siya, nakita ko kung anong nangyari sa kanya. Kung anong pumatay sa kanya. At yung pumatay sa kanya, ay plano din kaming patayin dahil sa di maipaliwanag na dahilan, konektado lahat ito— kami sa nangyaring aksidente sa carnival."

Binuksan niya yung bibig niya para magsalita, pero di niya ito tinuloy kaya sinara niya nalang ito. Sa halip, bumalik siya sa upuan niya, "Nahuli na ba ang gumawa nito? Ang pumatay sa kanya."

"Hindi tao ang pumatay sa kanya at gustong pumatay sa amin."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya na may halong mapait na tawa, na nagsasabi sa akin alam niya ang ibig kong sabihin, pero ayaw niya lang maniwala. "Mayroong mental illness si Nurse Everlie, kaya siya na—"

"Dad, kung sinasabi mong ilusyon lang ito ni Everlie. Mali ka. Nakikita din namin ang nakikita niya, hindi lang ako, pati si Sy, at marami pang iba. Kung ano-anong nararanasan at nakikita namin na hindi naman normal simula nuong pumunta kami sa carnival. Balak kaming patayin ng taong naka-itim na hood isa-isa."

"H-ood?" Ngayon, kitang-kita na sa mga mata niya ang takot.

May tinatago siya sa akin. Isa din ba siya sa amin?

"Isa ba ako sa sirv—" Napukaw yung atensyon ko sa likod ni Dad kung saan nagsimulang umuga yung malaking bookshelves na nakatayo duon, at nagsimulang tumumba padaganan kay Dad. "DAD!" sigaw ko.

Lumingon si Dad sa likod niya at mabilis na umalis sa pagkakaupo nang makitang patumba sa kanya yung bookshelves. Napadapa siya sa sahig sa biglaan niyang kilos, agad naman akong pumunta sa kanya at inalalayan siyang tumayo. Lumingon ako sa kinatatayuan ng bookshelves kanina, naalarma ako nang may makita akong lalaking putla na nakatayo duon, pero bigla din nawala na parang bula.

Kaya nilang humawak ng bagay? Kung ganun, kaya din kaming patayin ng mga kaluluwa. Hindi lang yung lalaking naka-itim na hood. Shit!

"Bakit natumba yun?" tanong ni Dad. Hindi ba niya nakita yung kaluluwa? Baka mali ako. Baka hindi isa sa amin si Dad. Nahinto yung pag-iisip ko nang magsimulang mag patay-sindi yung mga ilaw at nagsiliparan yung mga papeles sa lamesa. "Anong —nangyayari?"

"Dad, kailangan natin lumabas!" sigaw ko habang hawak yung pintuan dahil nakatulala lang siya sa mga gamit na nagsisisgalawan ng walang dahilan.

Sinalubong kami si Sy, na tumatakbo din, sa gitna ng hallway. Lahat ng mga ilaw patay-sindi, lalong lumalamig ang paligid, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan yung puso ko bumibilis ng tibok. Sobrang bilis na parang tatalon na ito palabas ng dibdib ko.

"Cooper, may humahabol na mga kaluluwa sa akin!"

"Kaluluwa?"

"Walang epekto ang holy water sa kanila." Jesus Christ! Paanong walang epekto? Galing simbahan yung putang inang tubig yun! "Sinubukan ko. Peeo parang walang nangyayari. Hindi sila nasasaktan o umaalis man lang. Baka- AGH!" Napahawak si Sy sa tenga bigla na parang may narinig na hindi namin narinig ni Dad.

CHAP CHAP CHAP

Itong tunog na'to, naririnig ko nanaman.

Sa hindi kalayuan, may nakita akong hugis tao na nakatayo sa dulo ng hallway. Andito na siya. Kusang umatras yung mga paa ko ng ilang hakbang nang magsimulang siyang maglakad papunta sa kinaroroonan namin. Bawat hakbang, tunog ng yapak ng paa niyang basa na nage-echo, at sa paglinaw ng paningin ko na dugo ang basang bumabalot sa paa niya. Nakakatakot. Hindi ako makahinga. Yung mga ginawa niya kay Everlie, bumabalik sa isip ko, yung panginginig ng katawan ko, yung mga matang walang buhay sa ulong wala sa katawan.

"Anak, Anong nanyayari?" Hindi nakikita ni Dad. Hindi siya katulad namin. Yung nangyari sa office niya ay nangyari lang dahil gusto kong malaman kung anong nangyari sa carnival nuon. Tangina! Nadamay ko lang si Papa.

"Ka-kailangan na natin umalis dito."

Sa kabilang hallway sana kami dadaan, pagharap ko sa likod, halos huminto yung paghinga ko nang makita ko siya sa harap namin, ilang hakbang lang ang layo. Suot ang itim na sweater at hood sa ulo niya. Natatakpan ng anino ang muka niya, pero ramdam mo ang talim at nakakakilabot na tingin niya. Isang malaking galaw, buhay ko ang kapalit.

Sinubukan kong kunin yung holy water sa bulsa ko. Sa paggalaw ko ng kamay ko, napangiwi ako sa maramdaman kong pagguhit mg hapdi sa dibdib ko. "AGHHH!" Napahawak ako sa dibdib ko at bumakat sa damit ko yung mga dugong hindi ko alam kung saan galing.

"COOPER! ANAK!" Pupuntahan sana ako ni Dad. Hindi nila ako nagawang puntahan nang tumalsik sila ni Sy ng sabay papunta sa likod.

"DAD! S—Y!" Humilab nanaman yung sakit sa dibdib ko kaya napaluhod ako sa sakit. Parang may kutsilyong humihiwa sa balat ko sa dibdib, gamit yung tingin ng nilalang na nasa harap ko. "AGHHHHH! SHET! AGHHH!"

"COOPER!"

Huminto. Huminto yung sakit.

Nakahinga ako ng maluwag. Duguan ang damit habang nakaluhod. Tumingin ako sa taong naka-hood sa harap ko nang magsimula siyang gumalaw. Takbo! Tumakbo kana! Sigaw ng boses sa isip ko, pero yung hindi ko maibangon yung mga paa ko kaya nanatili lang akong nakaluhod. Pinanuod kong ilagay nang naka-hood ang kaliwa niyang kamay sa dibdib niya, nakalapat ang palad sa dibdib, saka bigla niyang kinalmot ito ng madiin na naramdaman ko sa dibdib kong humilab ng sobrang sakit.

"AGHHHHHHHH!" Bawat kalmot niya sa dibdib niya ramdam ko sa dibdib ko. Bawat pagbaon ng daliri niya sa dibdib niya. Na parang iisa lang kami, at gusto niyang punitin yung mga balat ko sa dibdib ko para maipasok ang kamay niya sa loob ko.

"COOPER!"

"AGHHHH-" SHIT! Mamamatay na ba ako ngayon?

BANG!

Kasabay ng malakas na tunog -na siguro akong tunog ng baril- ang pagluwag ng pakiramdam ko, nawala yung sakit ng pag-hiwa sa dibdib ko ng matalim na bagay ng paulit-ulit, hapdi nalang ang naiwan sa mga sugat na natamo ng dibdib ko, at mga dugong halos maglawa sa suot kong damit. Nilingon ko yung ulo ko sa harap ko para tignan yung naka-hood pero wala na siya, sa halip, may iba akong nakitang tao na pumalit sa puwesto niya. Nakasuot ng leather jacket, black jeans, at boots. Nang ibaba niya yung hawak niyang- shotgun na umuusok pa, duon ko lang napansin yung mga mata niya.

Siya yung nararamdaman kong sumusunod at nagmamasid sa akin kanina o nuong nakaraang araw pa sa carnival. Kulay asul na mga mata. Sino siya? Kaluluwa din ba siya? O Isa siya sa amin? Napatay ba ng shotgun niya yung naka-hood na gustong pumatay sa akin kanina?

"That's just gonna buy us some time." sabi niya habang inaayos yung shotgun, may nilagay siyang dalawang bala sa likod nito, saka sinara at kasa.

Nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko galing sa likod. "Cooper. Ayos ka lang? Anong nararamdaman mo? Kailangan mo ba ng inhaler?" sunod-sunod na tanong ni Sy habang inaalalayan nila ako ni Dad tumayo. Hindi ko alam kung ano ding nararamdaman ko pero yung katawan ko shock padin sa near death experience na nangyari ngayon ngayon lang.

"Kailangan nating gamutin yung sugat mo." sabi ni Dad. "Hindi ko nakikita yung mga nakikita niyo pero hindi kayo ligtas sa lugar na'to. Kailangan niyo ng umalis." Kung ganun, hindi isa sa amin si Dad. Wala talaga siyang alam sa mga nangyayari sa amin. Pero bakit parang konektado lahat ito sa nangyaring operasyon ko nuong bata pa ako? Shit! "Cooper,"

"The lift's gone." sabi nung lalaki. "It stopped workin' since I got here."

"Kung hindi gumagana yung elevator, ibig sabihin stranded tayo dito?"

"Show 'nuff." sagot nung lalaki na siguro akong ibig niyang sabihin ay 'sure enough' pero dahil sa midwest accent parang iba yung tunog at sinabi niya. "Do y'all think of somewhere we can go 'er? This place ain't safe, and those bitches won't stop showin' till we're cold n' dead."

"Sa kuwarto ni Tata," suggest ni Sy. "Nagpakita lang yung mga kaluluwa sa akin nung lumabas ako ng kuwarto niya. Baka hindi din sila makapasok duon katulad nung mansion ni Sean."

"And we're is that?"

"Room 1111."

"1111? Bakante ang kuwartong yun." sabi ni Dad.

"Nandun po si Tata, yung tito ko. Sinugod daw siya dito nuong nakaraang linggo dahil sa sakit niya. Iniwan ko siya kaninang natutulog." sagot ni Sy.

"Matagal nang bak—"

May sasabihin pa sana si Dad nang mag patay-sindi nanaman yung mga ilaw sa hallway. Nabalot nanaman ng parang makapal at malamig na usok yung paligid. Wala kaming laban sa mga gustong pumatay sa amin, maliban dito sa lalaking 'to, yung hawak niya. Hindi ko alam kung saan siya galing at kung sino siya, ang alam ko lang ay kaya niya kaming protektahan sa mga nagpapakita sa amin.

"We really need to go."

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa lalaki na ikinatingin niya sa akin.

"Aidan," ngisi niya. "Call me Aidan. Thought you also forgot to talk."

"Aidan." Bakit parang pamilyar yung muka at pangalan niya? "Kailangan nating pumunta sa Room 1111. Hindi ka namin kilala pero kailangan namin ng- kailangan ka namin at ng baril mo dahil hindi namin alam kung paano sila mapapaalis nang hindi kami namamatay. Saka na tayo magpaliwanag ng mga gusto nating malaman kapag ligtas na tayo." Shit! Sana maintindihan niya lahat ng sinabi ko. Bihira pa naman sa mga foreigner ang marunong makaintindi ng tagalog. "Naintindihan mo ba? O kailangan ko pa-"

Tumango naman siya, "Lead the way. I'll take cover, Cooper."

Habang tumatakbo kami alalay ako ni Dad at Sy sa magkabilang braso dahil nanghihina parin ako sa hapdi na naiwang sugat sa dibdib ko, hindi ko alam ang nangyayari pero parang nawakwak yung balat ko sa dibdib na wag naman sana dahil tangina sino gusto magkaroon ng wakwak na dibdib? Bawat sulok at liko namin may mga kaluluwang gustong umatake, na hindi nakikita ni Dad, napipigilan naman ito ni Aidan gamit yung shotgun na hawak niya. Bawat tama ng bala sa mga kaluluwa, nagliliyab sila na parang nasusunog, saka biglang nawawala. Hindi ko alam kung anong meron sa shotgun niya, kakaiba.

Nang makarating kami sa Room 1111, binuksan agad ni Sy yung pintuan at pumasok kaming apat. Nakita namin si Tata na nakaupo sa wheelchair niya habang nagtataka sa kung anong nangyayari sa amin. Inupo naman ako ni Dad sa kama na sobrang namamalipit na sa sakit ng dibdib ko, habang si Aidan naman ay may nilagay na parang powder sa ilalim ng pintuan, parang hinaharangan niya yung ilalim ng pinto.

Hinubad ni Dad yung duguang damit na suot ko at nagulat siya nang makita kung anong nangyari sa dibdib ko. Andaming hiwa. "Hingang malalim, Anak."

"Para sa— AGHH! SHEEET!" Itatanong ko sana kay Aidan kung para saan yung nilagay niya sa pintuan nang biglang may ibuhos si Dad sa dibdib ko na lalong nagpahapdi ng mga hiwa ko sa dibdib. Napakapit ako sa bedsheets ng sobrang diin sa hapdi habang hawak ni Sy yung balikat ko para hindi ako maglikot dahil ginagamot ni Dad sugat ko.

"Kailangan natin i-disinfect ang sugat mo." sabi ni Dad sabay nag halungkat ng bandage kung saan para pambalot sa sugat ko.

"Ta, Sorry kung naistorbo ka namin. May nangyari kasing hindi inaasahan. Aalis din po kami kapag naging okay na ang lahat." paghingi ng tawad ni Sy habang nakahawak sa balikat ko at nakatingin kay Tata. Umiling naman si Tata at ngumiti lang.

Huminto si Dad sa paggamot sa akin, tumingin siya kung saan nakatingin si Sy at parang may hinahanap. Kumunot yung noo niya. "Syrin. Sinong kinakausap mo? Wala ng ibang tao dito, ilang araw ng bakante ang kuwartong 'to." sabi ni Dad.

"Si Tata,"

"Nasaan?"

Napahinga ako ng malalim. Hindi"Dad, nakaupo siya sa wheelchair. Kung nagbibiro ka, hindi nakakatawa. Inistorbo natin siya ng ganitong oras, sana nagpasalamat ka nalang kesa sabihin yan."

Sinubukan ulit tignan ni Dad si Tata pero parang hindi niya talaga nakikita. Hindi nagsasalubong yung mata nila. Hindi niya nakikita, tulad ng hindi niya pagkita sa kaluluwang mga umaatake sa amin kanina. Ibig sabihin ba nun- Shit! Sy.

"Walang tao sa wheelchair, Anak."

"Nakaupo po si Tata." sabi ni Sy na nagtataka at natatakot.

"Pero wa—"

"DAD!"

"Hey, Hey! Y'all need to calm down!" Tumigil kami nang magsalita si Aidan. Tumingin siya kay Tata, nakikita niya si Tata, at ngumiti siya ng malungkot. "I think you should tell her, while you're still here. I'm sorry, this happened."

Ngunit naman si Tata at tumango, "Ayos lang, Ijo. Nakita ko naman na ang kailangan kong makita. Oras na siguro para malaman niya ang totoo."

"Ta, Anong— anong sinasabi mo?"

May nabasa ako sa libro nuon tungkol sa mga numerong 1111. In numerology, some New Age believers often link 11:11 to chance or coincidence. It is an example of synchronicity. For instance, those who are seeing 11:11 on a clock or some place often claim it as an auspicious sign- or signaling a spirit presence.

"She's been waitin' for you." sabi ni Aidan sabay tumingin kay Sy. "She still have unfinished business to do 'fore she can peacefully go, and that is you, to see you again one last time."

Nagsimulang maglakad si Aidan papunta kay Tata, nang nasa gilid na siya, hinawi niya dahan-dahan papunta kay Tata yung hawak niyang shotgun. Sa halip na bumangga ito, tumagos sa katawan ni Tata yung shotgun. Nanglaki yung mga mata ni Sy sa nakita niya, pati ako hindi ko matanggi yung gulat sa nakita ko kahit may kutob ako na ito nga ang nangyayari. Isa ng kaluluwa si Tata.

"Hi-inde...Tata...."

"Nuong nakaraang buwan pa ako sinugod dito, at sa higaan na ito ako nakahiga nung pumanaw ako." paliwanag ni Tata habang nakatingin kung saan kami nakaupo ni Sy. "Huwag kang magalit, ako ang nagsabi na kung oras ko na, huwag sabihin sa'yo na pumanaw na ako. Ayokong malungkot ka, Syrin. Alam kong pangarap mo maging isang sikat na manunulat, at masaya akong natupad mo na iyon."

"Pero bakit— paanong,"

"Hindi ko din mapaliwanag. Nuong pumanaw ako, ang nasa isip ko ay gusto kitang makita. Akala ko huli na ang lahat, ngunit sa di mapaliwanag na dahilan ay hindi ako makaalis sa lugar na ito. Siguro dahil kailangan pa kita makita, upang makapag-paalam ako ng maayos."

Umiling si Sy saka tumayo. "Paano na ko? Ta. Ikaw lang— yung tinuturing kong magulang dito. Paano na ko? Paano yung pangarap natin? Papano- paano yung plano natin? Bakit hindi niyo muna ako hintay? Paano na ko? Tata. Ayokong— ayokong mawala ka. Wag niyo ko iwan, ayokong pati kayo— iiwan ako." tumakbo si Sy kay Tata para yakapin ito, pero tumagos lang ito at yung wheelchair lang yung nahawakan niya, saka sunod-sunod na naglabasan ang mga luha niya. "Tata— Taaa,"

"Mawawala lang ako pero lagi kitang babantayan. Tuparin mo mga pangarap natin at nanunuod ako mula sa taas. Sa araw na magawa mo na lahat ng plano nating gawin, isa ako sa mga tala na ngingiti sayo tuwing gabi. Mahal kita. Kayanin mo lahat, para sa akin, huwag kang susuko."

Pinanuod naming unti-unting nawala si Tata, hanggang sa tuluyan na siyang naglaho na parang bula. Habang si Sy naiwang nakaluhod sa tapat ng wheelchair habang patuloy sa pag-iyak.

× × ×

Dahan-dahan akong sumilip sa labas ng pintuan, mukang tahimik na, natigil na yung patay-sindi ng mga ilaw. Sinara ko ulit ng marahan yung pinto na hindi nagagalaw yung parang powder na nilagay ni Aidan kanina na pagharang sa doorframe. Nagamot na ni Dad yung sugat k at si Sy nasa kama nakahiga habang yakap yung unan duon. Hinayaan muna namin siyang humiga at magpahinga. Alam kong sobrang sakit sa kanya ng mga nalaman niya, lalo na't hindi niya alam na matagal na palang pumanaw si Tata.

Hinihintay nalang namin yung pagkakataon na makaalis kami sa lugar na ito, dahil sa naranasan namin kanina, puwede kaming mamatay kung hindi kami mag-iingat. Mabuti nalang at may kasama kaming may alam kung paano pigilan o paalisin yung mga kaluluwang humahabol sa amin, pati na yung naka-hood na gusto akong patayin. Hanggang ngayon ramdam ko parin yung mga daliri niya na gustong ipasok sa loob ng dibdib ko.

Tumingin ako kay Aidan na nakatingin ngayon sa akin, naghihintay na kung ano man ang sasabihin ko.

"Sino ka ba talaga?"

Nagkibit-balikat siya, "I already told you that. It's Aidan. You want me to spell that or—"

"Ibig kong sabihin. Bakit nakikita mo din yung mga nakikita namin ni Sy at bakit parang andami mong alam tungkol sa mga ganitong bagay?" tanong ko habang tinuturo yung ginawa niya sa pinto at yung baril niya na nakaka-alis ng mga kaluluwa. "Albularyo kaba?"

"No, god, no. Jesus' I hope not." sagot niya na tumatawa. "Well, I'm Aidan Carl Singers, twenty-six years ol', just in case y'all wanna know that. Yup, I maybe cursed too and no idea what 'd heck's the reason why. I was also been here 16 YEARS AGO, dunno why you forgot 'bout that, but asked your Dad. I think he remember me."

Tumingin ako kay Dad pero hindi siya nagsasalita. Ganito yung ginagawa nila ni Mom kapag ayaw nilang sagutin yung mga tanong na gusto ng kasagutan. Tahimik lang sila na parang may ayaw silang balikan sa nakaraan. Ano ba talagang nangyayari nuon?

"And, I know a lot of things cause I'm a Hunter."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top