Kabanata 04: Susi

DAY-OFF ni Dad ngayon, tumawag ako at sinabing kailangan ko siyang makausap, ang sabi niya bukas nalang sa hospital dahil wala siya dito ngayon sa city. Kaya bukas nalang namin siya puntahan ni Sy sa hospital para mag tanong tungkol sa aksidente sa carnival 16 YEARS AGO.

Hindi ako makatulog o maka-iglip ng maayos. Kahit saang lugar ko pilitin bawiin yung tulog ko, tuwing pipikit ako nandun padin yung takot at kutob na parang may nanunuod sayo o susugod o balak kang patayin. Kagabi, halos madaling araw na ako makatulog kaiisip, sa pag-aalala, pagising gising para tignan kung may mangyayaring masama ba. Dumagdag pa yung lalaking kulay blue yung mga mata, yung pakiramdam ko na nagmamasid sa amin nung nasa bus kami at nakabangga ko sa carnival. Parang may dapat din akong malaman sa kanya, yung ngiti niya nung nakita niya ako, parang alam niya na mangyayari sa amin itong mga bagay na'to.

Mapanganib, pero kailangan naming bumalik sa mga trabaho at normal naming mg buhay. Pumasok na si Sy, dahil kailangan niya ipasa yung manuscript ng upcoming novel niya, kailangan niya din daw maki-meet up sa mga co-authors niya dahil dalawang araw siyang hindi nakapasok. Ako naman, tumawag na yung boss ko at pinapagawa ako ng floor plan ng boutique, within two fucking week, hindi ko naman puwedeng tanggihan dahil matagal ko ng hinihintay 'to. Wala na akong budget pag hindi ko pa pinatos 'tong offer na 'to.

Ayoko namang mamatay na walang pera—

Nasa canteen ako ngayon kumakain ng lunch, tapat ng building kung saan ako nagtatrabaho, naghahanap sa internet tungkol sa nangyari 16 YEARS AGO sa Carnival. May mga article akong nakita online, suicide bombing, tourist attack, rides gone wrong, at iba't-iba pang dahilan. Hindi ko alam paniniwalaan ko, ang tanging maliwanag lang ay may sumabog, madaming namatay, at may nakaligtas na tago ang identities nila. Ibig sabihin, kay Dad talaga ang bagsak, dahil higit na siya ang nag-operate kay Sean, malapit lang yung hospital niya duon at baka may iba pa siyang kilalang survivor na puwedeng makapagsabi sa amin kung anong nangyari 16 YEARS AGO. Tama ba? Tangina, ang hirap mag-isip! Mabuti nalang at walang mga kaluluwang gumugulo sa akin ngayon. Sana ganun din sila Sy, tahimik sana araw nila ngayon.

Halos mapatalon ako sa inuupuan ko nang mag ring yung phone ko, kinuha ko naman agad sa bulsa ko at sinagot, "Hello. This is Cooper Patric Roda'ridio speaking, from BNL Architectural Services. How can I—"

"I-Ikaw si Cooper? Ang—ang anak ni Joel?" pagputol sa akin ng babaeng nanginginig ang boses.

"Ako nga. Anong kailangan mo kay Dad?"

May narinig akong mga kaluskos at yabag sa kabilang linya na parang may ginagawa siya bago siya magsalita ulit. "Ma—makinig ka, wag kang titingin sa iba, lagi siyang nakabantay. May kailangan kang malaman, tungkol ito sa nangyari nuong sixteen years ago. Isa ako sa nurse na kasama ni Dr. Roda'ridio mag-operate sayo nuon. Ako si EVERLIE, kailangan mo malaman 'to dahil, kasama ka sa nangyari."

"Kasama? Anong ibig mong sabihin?"

"Kailangan kitang makausap ngayon, hindi dito sa telepono. Kailangan mong malaman ang totoo. Bago niya ako kunin." sabi niya na pa bulong.

May alam siya sa nangyari 16 YEARS AGO. Shit! Siya yung susi namin para malaman namin kung anong nangyayari sa amin at paraan para mawala yung mga nakikita at nararanasan namin. Malalaman ko na ang totoo. "Nasaan ka? Pupuntahan kita"

"Ise-send ang address. Kailangan mong bilisan, wala na akong natitirang oras. Nararamdaman ko na siya— kukunin niya na ako." sabi niya, saka pinatay yung tawag. Binaba ko naman yung cellphone ko sa lamesa at hinintay yung message niya.

Sinong tinutukoy niyang kukuha sa kanya? Nakakakita din ba siya ng mga kaluluwa tulad namin? O may gustong patahimikin siya sa kung ano mang mangyari na gusto niyang sabihin sa akin. Kasama ako, ang sabi niya kasama ako sa nangyari. Posible bang isa din ako sa survivor sa trahedya at wala lang ako maalala sa mga pangyayari dahil masyado pa akong bata?

Tatawagan ko sana sila Sy nang makuha ko na yung address ni Everlie, pero pagtayo ko, halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko yung mga tunog na ayaw kong marinig. Chap Chap Chap. Napalunok ako, dahan-dahan tumingin sa mga taong nasa loob ng canteen na kumakain din, nakahinto lang sila, hindi gumagalaw. Anong nangyaya— Nagsi-taasan lahat nang balahibo ko nang magsimulang mag-snap lahat ng ulo nila patingin sa akin. Lahat sila duguan, at walang buhay ang mga mata.

Nataranta akong kinuha yung bag ko sa saka tumakbo paalis ng canteen.

Eto na naman! Tangina, Kailan matatapos 'to!!

× × × × ×

Yung address na natanggap ko kay Everlie ay yung mismong bahay niya. Kasama ng address sa message, sinabi niya na hindi siya puwedeng lumabas o natatakot siyang lumabas ng bahay dahil papatayin nila siya. Hindi ko alam kung sinong tinutukoy niyang papatay sa kanya, pero mukang yung mga kaluluwang nakikita namin ang nakikita't kinatatakutan niya.

Kung tutulungan niya kaming sabihin lahat ng nalalaman niya, may chance kami na solusyunan lahat ng ito. Babalik kami lahat sa dati naming mga buhay at nagpapanggap na parang isang mahabang bangungot lang ang lahat. Sana nga, sana nga ganun ang mangyayari. Dahil sobrang nakakapagod ng ganito, wala kaming idea kung bakit nangyayari lahat, nasa panganib ang buhay, at tanging botelya ng holy water lang ang kinakapitan naming proteksyon sa amin. Parang nakabaon sa hukay ang isa naming paa sa hukay bawat oras na lumilipas.

Huminto ako sa tapat ng isang bahay, tinignan ko yung house number sa mailbox na naka-attach sa mababang gate kung heto na yung bahay ni Everlie. 2823 EVERLIE GREECE.  Ito na yung bahay niy—

"AHHHHHHHHHHHHHHHH—!!!!"

Shit! Shit! Shit!

Dali-dali akong tumalon sa mababang gate nang may marinig akong malakas na sigaw ng babae galing sa loob ng bahay. Siguro akong sigaw ni Everlie yun, yung bose na kausap ko kanina sa cellphone, katunog ng sigaw na narinig ko ngayon. Nakatiwangwang yung pintuan papasok sa bahay kaya pumasok na ako ng tuluyan, napahinto ako sa nakita ko, naka-taob na sofa, gulo-gulong mga gamit, at mga bagay na napunta sa di naman dapat mapunta. Parang may buhawi na dumaan sa loob ng bahay.

"EVERLIE! EVERLIE?"

"AHHHHH!" sigaw ulit na may kasamang kalabog.

Sa taas! Agad ko namang hinanap yung hagdan papunta sa taas. Nang makaakyat ako, isa isa kong binuksan yung mga pintuan ng kuwarto na makita't madaanan ko, hanggang sa mapunta ako sa huling pintuan. Hinawakan ko yung doorknob at pinihit, pero hindi nagbukas, nakasarado. Pinihit ko ulit na may kasamang tulak, pero ayaw magbukas.

"TULONGGGGGGGG!"

Shet! Nasa loob nga siya! "Tangina! Mag bukas ka!!"

Umatras ako saka binunggo ng braso yung pintuan ng paulit-ulit, tinadyakan yung doorknob, pero hindi talaga mabuksan kahit anong gawin ko. Kaya bumuwelo ako ng malayo saka sinubukang bungguin ulit ng braso yung pinto, sa lakas ng impact, pagbukas ng pintuan sumubsob ako paloob ng kuwarto padapa.

"Tu—tulungan, mo ko...."

Pinang-sangkal ko yung kaliwang siko ko para bumangon, hindi ko na nagawang tumayo nang makita ko si Everlie na di kalayuan na nakaluhod sa sahig habang lumuluha. Ilang segundo akong nagtaka kung anong nangyayari, hanggang sa may maaninag ako sa bandang likuran nya.  Nakatayo, nakasuot ng itim na sweater na may hood, at may hawak na kutsilyo sa kaliwang kamay habang sabunot si Everlie sa buhok gamit ang kanan.

Ramdam ko yung paghinga ko ng malalim sa pagtaas at buwelo niya ng kutsilyo na nakatapat kay Everlie, "WAGGGGGGG!!!!—"

Chap Chap Chap!

Halos hindi ako makapaniwala sa sumunod na nangyari. Nakita kong lumubog yung kalahati ng matalim na kutsilyo sa leeg ni Everlie. Nakita ko yung gulat at sakit sa muka niya, at kung paano siya mabulunan sa sarili niyang mga dugo. Nakita ko yung pag-piglas niya ng ilang minuto, pagtirik ng dalawang mata niya, at pagkayod ng mga kuko niya sa simentong sahig na parang naghahanap ng makakapitan. Nakita ko lahat. Nakita ko ang pangyayari na parang flashback sa pelikula, sobrang bagal, at makikita mo lahat ng detalye. Nakita ko lahat, pero wala akong nagawa, kung hindi manuod lang at hilingin na sana masamang panaginip lang itong nakikita ko.

Nang akala kong tapos na, biglang hinugot ng taong naka-hood ang kutsilyo sa leeg ni Everlie dahilan para sumirit yung mga dugo niya palabas sa saksak na natamo niya. Napukaw yung atensyon ko sa dugong tumalsik sa kamay ko, tinignan ko yung kamay ko, nanginginig, yung pakiramdam ng lamig ng kamay at init ng dugo nagsama. Bumalik ako ng tingin kay Everlie, tinaas ulit ng taong naka-hood yung kutsilyo niya— saka paulit-ulit sinaksak sa leeg si Everlie. Bawat saksak, bawat talsik ng dugo, bawat lubog ng talim ng kutsilyo. Napapikit ako nang may tumalsik na dugo sa muka ko kasabay ng parang mabigat na bagay na nahulog. Nanginginig kong pinunasan ng yung mga mata ko, at sa pagdilat ko, napaatras ako ng malayo hanggang sa dumikit ang likod ko sa dingding nang makitang bumagsak ang katawan ni Everlie— na wala ng ulo.

Tumingin ako sa naka-hood, nakatayo lang siya habang nakatingin sa bangkay ni Everlie, habang hawak sa buhok yung ulong pinutol niya. Ilang segundo siyang hindi gumalaw, ilang segundong takot at kilabot ang tumatakbo sa katawan ko, hanggang sa bitawan niya yung ulong hawak niya at sipain niya ito. Gumulong papunta sa direksyon ko yung ulo ni Everlie, at sa paghinto nito sa tapat ko, tumambad sa akin ang muka niya na naliligo ng sariling dugo habang nakadilat. Napakapit ako sa dibdib ko nang biglang parang may pumiga sa puso ko.

Kasabay ng pag-dilim ng paningin ko ang paglapit ng taong naka-itim na hood sa akin habang duguan ang muka niya, at nakangiti ng nakakakilabot.

Chap —

× × × × ×

"WAAAAAAAG!!!"

Sigaw ng boses ko na ngayon lang gumana pagkabukas ng mga mata ko, bumangon ako na nanginginig, saka kinapa-kapa yung muka ko kung saan tumalsik yung malapot at mainit na mga dugo. Pabilis ng pabilis ang mga paghinga ko sa oxygen mask na nakasuot sa akin, nang makita ko si Sy at Carmen na tumayo sa pagkakaupo nila at pumunta sa kama kung nasaan ako.

"S—y," nauutal banggit, saka lumabas lahat ng luha ko sa mata. Hindi ko alam kung sa takot o sa nakita ko, pero gusto kong umiyak.
Agad namang umupo si Sy sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit, "Coops, kalma. Nandito na ko. Ligtas ka na, 'andito kami." sabi niya habang hinihimas yung likod ko. Hindi parin tumitigil yung nginig ng katawan ko hanggang ngayon, pero malaman na nandito sila.

"Ak—akala ko," tinanggal ko yung oxygen mask. "—mamamatay na ko. Akala ko isusunod niya na ako. Wala akong magawa, pinanuod ko lang siyang— Natakot ko, Sy. Natakot ako."

"Oh, Cooper."

Ilang minuto akong nakayakap kay Sy. Hinayaan niya lang akong umiyak at maglabas ng takot sa naramdaman ko sa mga pangyayari. Natakot ako. Naduwag ako. Ako ang nagdesisyon na maghanap ng kasagutan sa mga nangyayari sa amin, pero ako itong hindi makagalaw sa kinatatayuan niya kapag may nangyayari ng masama. Naunahan ako ng takot, takot sa mga nakita ko, takot na baka ako na ang isunod na gawin sa akin lahat ng mga nakakakilabot na nakita kong gawin niya kay Everlie.

Ngayon ko lang napatunayan na masusukat mo lang ang tapang na meron ka kapag nasa harap mo na mismo ang kamatayan mo.

"Natagpuan ka ng mga Police na walang malay sa isang kuwarto kung saan natagpuan din ang bangkay ni Everlie Greece. Kinausap kaming dalawa ni Sy kanina ng Police at Detective tungkol sayo, kung paano ka napadpad sa crime scene, at anong relasyon mo kay Everlie. Hindi ko alam kung isa ka sa suspect sa nangyari, pero ang sabi sa amin ng Detective ay malayong ilaw ang pumatay. Kung ikaw daw ang pumutol sa— kay Everlie, hindi lang tilamsik sa muka at kamay ang makukuha mong dugo. Saka sabi daw ng kapitbahay na tumawag sa mga Police ay nakita ka nilang nasa labas ng bahay nung magsimulang magsisisigaw ng malakas si Everlie sa loob ng bahay niya."

"Hindi ko siya naligtas," sabi ko habang nakaupo sa kama, hindi na ako nakayakap kay Sy pero nakahawak padin yung nanginginig kong kamay sa kamay niya. "Kung hindi lang sana ako naduwag at kumilos ng mabilis san—"

"Hindi mo kasalanan ang nangyari." pagputol sa akin ni Sy. "Kahit sinong tao, kahit ako, matatakot at maduduwag sa nakita mo."

Bumukas yung pintuan, at pumasok si Leila na nakasuot ng uniform niya, kasunod ng lalaking naka-shades at sumbrero. Pag-kasara ng pinto, tinanggal ng lalaki yung suot niyang shades at sumbrero, na nag pakalma sa akin na si Sean pala iyon dahil kinabahan ako sandali na baka siya yung taong naka-hood.

"Bakit mo tinanggal ang oxygen mo? Okay ka naba?" tanong ni Leila, sinubukan ko ngumiti pero hindi ko nagawa kaya tumango nalang siya. "Anong nararamdaman mo ngayon?"

"Nanghihina..." matipid kong sagot

"Nanginginig parin siya, Leila. Normal lang ba 'to? Anong bang nangyari sa kanya?" tanong ni Sy habang hawak padin yung kamay ko.

"Syncope. You fainted, Cooper." sagot ni Leila habang nakatingin sa mga papel na dala nila. "Temporary loss of consciousness with a quick recovery, but in your case, it's Cardiac Syncope. Cardiac syncope is a transient loss of consciousness due to a defect, either structural or electrical, which prevents the generation of enough cardiac output to perfuse the brain adequately. This type of syncope is caused by a heart or blood vessel condition, such as heart arrhythmias, congenital heart disease, heart valve disease, aortic stenosis, or heart failure."

Talagang puso ko ang papatay sa akin, hindi yung mga gustong pumatay sa akin.

"Pero magiging okay lang siya?"

"I'll suggest you to asked a doctor for a medication, but for now you have to be careful and rest, maybe change your diet, and try elevating the head of your bed while you sleep." sabi ni Leila saka ngumiti. "You'll be fine."

"You can sleep at home, if that's okay to you." suggest ni Sean. "Just in case hindi ka pinapatulog ng mga nagpapakita sa atin. You'll faint more if you're sleep deprived and under a lot of stress. The mansion's safe from all of that, remember?"

"Salamat, pero ayos lang." sabi ko na medyo kumalma na dahil sa presence nilang lahat. "Salamat din sa pagpunta dito, alam kong pahirapan pumunta sa public place kapag artista ka."

"No worries, I'm expert in hiding, things and stuff."

"Cooper, Ano ba talagang nangyari?" tanong ni Carmen.

Sasabihin ko ba? Kailangan nila malaman. "May alam si Everlie sa nangyari 16 YEARS AGO. Tinawagan niya ako at sinabing may kailangan ako malaman, natatakot siya, pero kailangan niya daw sabihin sa akin ang katotohanan. Kaya pumunta ako sa address ng bahay na binigay niya. Nandun na ko, malalaman ko na lahat, pero naunahan ako ng taong naka-itim na hood. Wala akong nagawa. Pinanuod ko lang lahat, habang natatakot." Pinisa ni Sy yung kamay ko na nakahawak sa kanya ng marahan, at tinignan ako para sabihin uling 'Hindi mo kasalanan' "Sorry, kung hindi ko agad nasabi sa inyo."

"Ayos lang. Ang importante ay ligtas ka." sabi ni Leila.

"At wag mo isiping kasalanan mo yung nangyari. Wala tayong alam para paalisin o labanan yung mga nagpapakita at gustong pumatay sa atin, kahit ako hindi ko alam gagawin kung nasa sitwasyon mo ako." sabi ni Sean.

"Nga pala, may binigay na litrato sa akin kanina yung police. Baka gusto niyo makita, dahil parang konektado siya sa nangyayari sa atin ngayon." sabi ni Carmen.

Inabot sa akin ni Carmen yung litrato na galing sa bulsa niya. Lumapit yung iba para tignan kung anong nasa litrato. Napapikit nalang ako ng mariin nang makita ko kung ano yung nasa litrato. Habang patagal ng patagal, parang nagiging palaisipan na itong nangyayari sa amin. Isang kuha ng tao na walang ulo, nawawala yung ulo, katawan niya lang ang nandun, at sa background niya kuha ang ferris wheel.

Carnival,

"Wag mong sabihing si Everlie yan?"

Tumango si Carmen, "Siya nga. Sa bahay niya nakita ang litratong yan na nakakalat sa kung saan, tinanong sa akin kung baka naiwan o nahulog ni Cooper yan, nung nakita ko kung anong meron sa litrato, kinuha ko nalang."

"Ibig sabihin nangyari din sa kanya yung nagyayari sa atin ngayon?"

"You think, er, maybe madami pang ibang nakakaranas nito kesa sa inaakala natin? Hindi natin alam kung bakit nangyayari sa atin 'to, kaya baka hindi din natin alam kung ilan pa ang nasa kung saang lupalop o lugar ang nakakaranas din ng ganito. What if may iba pa?"

Posible, "Pero hindi padin natin sigurado, kailangan muna natin alamin ang puno't dulo ng mga ito bago tayo maka sigurado. Bukas, kakausapin ko si Dad para alamin lahat." sabi ko na hawak yung litrato.

"Ito pa ang isa, kasama yan ng litratong hawak mo."

May binigay ulit sa akin si Carmen na litrato, sa carnival din kuha pero parang lalaki yung katawan niya. Hindi ko makilala dahil nawawala din ang ulo sa litrato kaya hindi namin makita ang muka niya. Tinalikod ko yung litrato at may nakasulat.

Hindi 'to nagkataon lang,
— Edwin C.

Kumunot yung noo ni Sean, "Edwin C.? His name sound so familiar."

"Dr. Edwin Connor," sabi ni Leila na nakatingin sa akin. "Isa siya sa mga magagaling na doctor dun sa hospital malapit sa carnival. Siguro kasamahan siya ni Everlie at ng Dad mo."

"Kung kasamahan niya yan, edi puwede natin siyang hanapin at tanungin kung may alam siya sa nangyaring aksidente 16 YEARS AGO, siguradong isa din siya sa atin. Kailangan natin siya kausapi—" naudlot yung sasabihin ni Sy nang maramdaman niya ulit yung nginig ng kamay ko.

Umiling ako ng dahan-dahan. "Imposible na..."

"Bakit?"

"Huling nakita si Edwin Connor two years ago sa kuwarto niya, nakabitin at wala ng buhay. Nagpakamatay siya, at walang nakakaalam kung bakit niya nagawa iyon."

Si Dad nalang talaga ang natitirang pag-asa namin para malaman kung ano talagang nangyari 16 YEARS AGO at bakit ito nangyayari sa amin ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top