Kabanata 03: Kita-kita

× × ×

M I S S I N G  P A R T / P I E C E
nawawalang bahagi ng katawan sa litrato

COOPER — ako, isa ako sa may mga solong litrato. Walang nawawalang parte ng katawan ko ang nakuhaan pero may lalaking naka-itim na naka-hood ang nakatayo sa likod ko, tulad ng iba.

SY — sikat na Author. Nawawala yung Tenga niya sa litrato na nakuhaan sa kanya, kahit nakatagilid siya. Kasama kong pumunta sa carnival.

CARLO — kambal ni Carmen, na parehong ka co-author ni Sy. Nawawala yung Kaliwang Kamay/Braso niya. At kahapon lang nung namatay siya ay natagpuang putol ang braso niya at nakatusok sa dibdib niya. Kasama din namin sa carnival.

CARMEN — kambal ni Carlo, na co-author din ni Sy. Nawawala naman yung Kanang Kamay/Braso niya sa litrato. Kasama din namin siyang pumunta sa carnival.

× × ×

HINDI pa namin kilala kung sino yung dalawang may solo picture at kung nasaan na sila ngayon, ang alam lang namin ay nakuhaan din sila ng photographer ng solo nung pumunta kami sa carnival, at may posibilidad na nangyayari din sa kanila yung nangyayari sa amin. Kailangan namin magkita-kita para maging madali ang pag-imbistiga kung anong ka-putanginahan ang nangyayari.

Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit wala akong nawawalang parte ng katawan sa litrato, pero may nakatayo din namang taong naka-itim na hood sa likod ko? Ano bang nangyayari dito? Ilang milyon ko ng tinatanong sa isip ko kung ano ba talagang nangyayari na parang sasagot yung utak ko pero tangina naguguluhan na talaga ako. Parang pala isipan na kung hindi mo masagutan, buhay namin ang kapalit na maaari naming ikamatay.

Umupo si Sy sa tabi ko habang hawak yung cellphone niya, "Cooper, nahanap ko na yung lalaking nawawalan ng bibig sa litrato. Isa siyang artista na sumikat dahil isa siya sa nakilalang mga survivor sa disgrasyang nanyari nuon sa carnival. SEAN BEE ALIJANDRO." Tinapat niya sa akin yung cellphone niya na may litrato ni Sean na sinasabi niya.

Carnival nanaman. "Survivor?"

"Oo, yung sinasabi ko nung nasa bus tayo. Pero tuwing nag sesearch ako ng mga identity ng mga survivor sa aksidente sa carnival nuon, walang lumalabas. Parang may nagbura ng mga article tungkol dito, o di kaya—"

"May gustong magtago ng mga identity ng mga survivors na nakaligtas nuon." pagpapatuloy ko. "Pero bakit kaya? Kailangan natin kausapin yung mga taong 'to para malaman at ipaalam sa kanila kung anong nangyayari at tanungin kung nakakakita din ba sila ng mga nakikita natin. Pero artista yang Sean na yan, imposible naman na makausap natin siya kaagad-agad." Kinuha ko yung kape ko sa lamesa at humigop.

"Don't worry. Ako bahala. Baka nalilikutan mo na rising star author 'tong kaharap mo." kindat niya sa akin na kinangiti ko lang.

Tumayo si Sy na hawak yung phone niya at parang may tinawagan. Hindi ko narinig yung mga pinag-uusapan nila dahil pumunta ako sa kusina para magluto ng maa-almusal namin dahil medyo maaga pa at nagugutom nadin ako.

Dumungaw si Sy sa kusina na nakangiti, "Okay na. Sa Mansion niya. Ngayong 8 ng umaga. Kaya magbiis ka na diyan at 7:45. Ang bagal mo pa naman mag-biis."

Wow nagsalita ang mabilis mag-biis.

× × × × ×

Naglalakad kami ni Sy ngayon papuntang Mansion ng artista na si Sean. Hindi ko alam kung anong magic ang ginawa ni Sy para mapapayag siyang makita kami, pero kakausapin lang namin siya kung ano bang nanyari nung aksidente sa carnival, dahil lumalabas na sa carnival at sa carnival mismo talaga ang punot dulo ng mga nangyayari ngayon. Yung mga litrato, crown, at mga nagpapakitang ano-ano. Baka sakaling kapag nalaman na namin ang nangyari sa carnival nung may nangyaring aksidente, baka pwede naming solusyunan. Tulad ng napapanuod kong mga horror movie, tapos maliligtas na kami.

Happy Ending,

Tangina. Ano bang iniisip ko? Makakaligtas naman kaming lahat sa huli diba? Sana hindi ito yung type ng movie na ako yung bida at sa huli sasaksakin ko ang sarili ko at magsasakripisyo para sa kapakanan ng iba.

"Cooper, may sumusunod sa atin."

Napatigil ako nang biglang sabihin ni Sy yun. Tumingin ako sa likuran, at duon nakita nanaman namin yung clown, pero parang iba na yung itsura niya, dahil duguan lang yung leeg niya. Naglakad siya papunta sa amin pero parang hindi siya napapansin ng mga tao. Tumingin ako kay Sy at sumenyas na bilisan yung paglalakad, tumango naman siya at nagsimula na kami maglakas.

Chop Chop Chop. Bakit nanaman kami hinahabol? Sila ba ang papatay sa amin? 'Bat ganito kaaga?

Sa gitna nang paglalakad namin, may bigla akong nabanggang babae na nakadamit ng nurse sa katitingin ko sa likod. "Shit! Sorry, Miss okay ka lang?" Napaupo siya kaya inalalayan ko agad siya tumayo. Nanginginig yung kamay niya ng hawakan ko siya, pawisan din siya at parang takot na takot. "Miss?"

"Cooper, siya yung isang babae na may solo picture." bulong sa akin ni Sy, minukaan ko naman yung babae. Oo nga, siya yung babae sa lirato na wala yung mga paa. "Yung—yung clown palapit na siya. Cooper." Napatalikod ako nang paghahampasin ako ni Sy, at nakita ko yung clown na patuloy padin sa paglalakad papunta sa amin.

"Nakikita niyo din sila?" tanong ng babae.

Nakikita niya din? Isa din siya sa amin.

"Oo. Kailangan ka namin makausap, hindi tayo ligtas dito. Sumama ka muna sa amin, alam kong hindi mo kami kilala pero yung mga nangyayari sayo ay nararamdaman at nangyayari din namin." sinubukan ko magpaliwanag.

Tumango naman siya at pumayag.

"Cooper nag text si Carmen, nagpapakita daw sa kanya yung multo ni Carlo na nanghihingi ng tulong. Sinabi ko nalang na pumunta din siya sa mansion ni Sean, binigay ko sa kanya yung address."

Tama lang 'to, kaming anim na nakuhaan ng mga solo picture ay magkikita-kita para mapag-usapan namin kung anong mga nangyayari. Pero patay na si Carlo kaya lima nalang kami. Lima lang ba talaga kaming biktima ng mga pangyayaring ito? Sana mahanap namin ang paliwanag sa mga nangyayari ngayong magsasama-sama na kami.

Sabay sabay lang kaming nakarating sa mansion ni Sean. Pinapasok naman kami ng guard dahil expected daw ng Sir niya na may sikat na author siyang bibisita.

Nang makapasok kami sa loob ng Mansion, parang gumaang yung pakiramdam ko. Nawala lahat ng tense sa katawan ko, at yung mga kaba ko parang guminhawa. Hindi ko alam pero pagtapak ng paa ko sa loob, parang nawala yung parang mabigat at maitim na aura na bumabalot sa amin tuwing hinahabol kami ng mga —multo. Sobrang laki ng Mansion, simple lang pero maamazed ka sa design at arrangement ng mga gamit. Siguro involve ang may-ari nito sa pagpaplano nung pinatayo itong Mansion na ito, dahil may mga design na unique at malalaman mo talagang artista ang nakatira.

Nang makarating kami sa living room, nakita namin duon si Sean na nakaupo at hinihintay kami. Kulay dark red na yung buhok niya, nagpalit 'ata siya ng kulay dahil nung nakita kong solo picture niya sa carnival ay itim na may pagka-brown yung buhok niya.

"You can sit, if you want, sit please." sabi ni Sean sabay umupo naman kaming apat sa mahabang sofa. "I know kadarating niyo lang, ang I saw it too, sa labas may humahabol sa inyong clown. But, can someone elaborate what's really happening?"

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, sa akin lahat tumingin yung mga mata ng tatlong kasama ko. Napabuntong hininga nalang ako ng hininga. "Okay, Sisimulan ko pero pagkatapos ko kayo naman." tumango naman sila lahat. "Ako si Cooper at itong kasama ko ay si Sy. Mula nung pumunta kami sa carnival may kung ano-ano na kaming nakikita, mga clown, bata na biglang nawala, duguan at iba-iba pa. Hinahabol kami nito sa hindi namin alam na dahilan" paliwanag ko habang nakatingin sa kanila.

"At may mga kakaiba kaming naririnig, Tuwing may magpapakita sa amin, nakakarinig kami ng parang chinachap-chap na tunog. Parang mga karne sa palengke. Echo siya, pero parang binubulong lang sa tenga mo yung tunog." dugtong ni Sy at nagkatinginan sila na parang may nalalaman.

Narinig naming umubo si Carmen kaya natuon atensyon namin sa kanya, "May naririnig din akong ganun." panimula ni Carmen. "Ako si Carmen. Kahapon lang— namatay yung kambal ko, si Carlo, kung napanuod niyo yung balita." matamlay na sabi ni Carmen. Walang buhay yung mga mata niya at namumugto, hindi ko alam kung paano niya nakakaya yung nangyari at nangyayari pero ramdam ko yung bigat at sakit.

"Yung lalaking nakatusok ang braso sa dibdib?" tanong ni Sean at tumango lang si Carmen. "I'm so, sorry for your loss."

"Sa Hospital na pinagtatrabahuan ko siya sinugod kahapon."Dead on arrival. Nagagalit nga ang mga Doctor dahil dapat sa forensic na dinala ang bangkay niya kung gusto malaman ng mga police kung ano talagang cause of death. Dahil ayon sa x-ray, bukod sa basag yung skull niya, yung pagkatusok ng buto ng braso niya sa dibdib niya ay direct sa puso." paliwanag nung nurse na nakilala namin kanina.

"Nagsimula din lahat ng 'to nung pumunta kami sa carnival kasama nila Sy, may nakikita akong kung ano-ano pero hindi ko pinapansin hanggang sa mangyari kahapon, at kanina lang ay nag—nagpakita si Carlo sa akin, putol yung kaliwang kamay niya at parang gusto niya ako kunin. Wala akong magawa— nanghihingi siya ng tulong, pero, hindi ko—" Napahawak nalang siya ng kamay sa muka niya at nagpigil ng luha.

Lumapit si Sy kay Carmen at tinapik yung likod niya.

Kahapon lang namatay kapatid niya, hindi ko ma-imagine kung gaano kasakit mawalan ng pamilya. Binigyan namin siya ng oras para kumalma, naglabas si Sean ng maiinom at nang ayos na ang lahat, bumalik kami sa pagpapakilala.

"LEILA NIE MAGAYONDA." pagpapakilala nung nurse. "Isa akong nurse, at natural na sa akin ang makakita ng mga kaluluwang pagala-gala dahil madami niyan sa hospital kung saan ako nag ta-trabaho. Pero nuong nakaraang araw na pumunta ako sa carnival kasama ang anak ko, mula nun hanggang ngayon may mga humahabol sa aking mga duguan na kaluluwa, kakaiba sila, parang gusto nila ako patayin. Saka tuwing nakakakita ako ay naririnig ko yung mga tunog na sinasabi niyo. Sumama lang ako dito dahil gusto kong malaman kung anong nangyayari."

Tumingin kami kay Sean, "My turn? Okay. I guess you guys already know me, Sean Bee Alejandro. Memorable ang carnival sa akin dahil isa ako sa nakaligtas nuong nakalipas na aksidente na nangyari years ago. Naisipan ko bumalik duon pero 'eto ang nangyari, may mga humahabol na kakaiba sa akin, but they can't enter this mansion for some reasons, siguro dahil na bless 'tong mansion nung pagkagawa. Lagi sila nasalabas, always waiting for me."

"Sinabi mo na ikaw yung isa sa mga nakaligtas sa aksidente sa carnival. Ano bang nanyari 10 YEARS AGO sa aksidente? Dahil sa sinasabi nating lahat, parang sa carnival talaga nag-umpisa ang lahat." tanong ko.

Nagkibit balikat naman si Sean, "Sorry, but I don't know either. Kasi 12 years old palang ako, well look at me, I'm already 30, sa tingin mo maaalala ko pa yung mga nangyari? Ang alam ko lang at tanging naaalala ko ay nasa isang rides kami ni Mom nang biglang may sumabog, niyakap niya ako then everything's goes black. Next time I woke up, I'm in the hospital, hindi makapagsalita, my mouth got operated. Sabi nila may matalim na bagay ang humiwa sa bibig ko sa dalawa, they literally split in half, which is sounds impossible but that what the doctor said." Operated? Kaya pala parang may iba sa labi niya nung una kong mapansin, teka yung sa litrato— bibig niya din ang nawawala.

"Ano ba talagang nangyayari?" tanong ni Leila.

"Hindi ko alam, pero sa tingin ko parang may kinalaman itong mga 'to." Nilabas ko yung mga litrato at nilagay ko isa-isa sa lamesa sa gitna namin, nagulat sila nang makita nila yung mga solo pictures nila. "Lahat ng litrato na yan ay may mga nawawalang o kulang na parte ng katawan, maliban sa akin, na hindi ko din alam kung anong dahilan. Pero lahat ng litrato natin ay may taong nakaitim na hood ang nakatayo sa likuran ng bawat isa."

"Nakita ko na yang taong yan. Bago mamatay si Carlo." sabi ni Carmen.

"Pero anong ibig sabihin ng mga litratong to?" tanong din ni Leila.

Tumingin ako kay Sy, tumungo naman siya at sumang-ayon na siya naman ang magpapaliwanag, "May nakita akong post sa internet 2 years ago. Nakuhanan daw siya ng litrato na walang mga mata, at makalipas ang ilang araw may taong tumusok sa mga mata niya ng barbeque stick. Hindi ko alam kung totoo pero, kung titignan niyo yung litrato ni— Carlo, wala yung kaliwang kamay at braso niya, nung namatay siya, putol ang kaliwang braso niya." paliwanag ni Sy.

"Ibig mo bang sabihin..."

Tumango ako, saka nilabas yung ballpen at papel at nagsimulang magsulat. "Kung anong kulang sa katawan natin ay yun ang pagmumulan ng aksidente, na mangyayari sa atin, na puwede nating ikamatay. Hindi pa ako sigurado dito dahil wala namang nawawalang parte ng katawan ko sa litrato, pero sa ngayon ayun ang napansin namin sa sitwasyon natin."

"Parang hindi naman kapanipaniwala lahat ng sinasabi mo. What do you mean? Malapit na tayong mamatay?" tanong ni Sean. "Yung famous na kasabihan ng mga matatanda ay totoo?"

"Sa mga nakikita natin, wala na sigurong imposible." sabi ko habang nagsusulat ng mga impormasyon na meron kami.

× × ×

M I S S I N G  P A R T /  P I E C E
nawawalang bahagi ng katawan sa litrato

COOPER — Ako, 25 years old. Isa ako sa may mga solong picture. Walang nawawalang parte ng katawan ko pero may lalaking nakaitim na hood ang nakatayo sa likod ko tulad ng iba.

SY — 23. Sikat na Author. Nawawala yung Tenga niya sa litrato kahit nakatagilid siya, kasama kong pumunta sa carnival.

CARLO — Unang namatay sa amin, 21. Kambal ni Carmen na parehong ka co-author ni Sy. Nawawala yung Kaliwang Kamay at Braso niya sa litrato, at kahapon lang nung namatay siya ay natagpuang putol ang braso niya at nakatusok ito sa dibdib niya. Kasama din namin sa carnival.

CARMEN — Kambal ni Carlo, 21. Co-author din ni Sy, at nawawala naman yung Kanang Kamay at Braso niya sa litrato. Kasama din namin siyang pumunta sa carnival.

SEAN — Artista, 30 years kld. Siya pinakamatanda sa amin, sa litrato nawawala yung Bibig niya. Hindi napapasok sa Mansion niya yung mga nagpapakita sa amin dahil na bless daw itong lugar nung ginawa. Isa sa mga survivors dun sa nangyaring aksidente sa carnival 10 YEARS AGO.

LEILA - Nurse, 23. Wala naman siyang mga Paa sa litrato. Madalas siyang nakakakita ng mga ghost sa Hospital na pinag ta-trabahuan niya, pero ngayon lang siya nakainkwentro ng mga ghost na hinahabol at gusto siyang patayin, simula nung pumunta siya sa carnival.

× × ×

Binalik ko yung ballpen at papel sa maliit na bag ko at tumingin sa kanila, "Kung payagan akong mag off sa trabaho ko bukas, baka puwede akong pumunta kay Dad at tanungin siya. Siya kasi yung doctor sa hospital malapit sa carnival. Baka may alam siya sa mga nangyari 10 YEARS AGO." sabi ko sabay kinuha ko ulit yung mga litrato at nilagay ko din sa bag.

"Si Dr. JOEL RODA'RIDIO?" kilala siya ni Leila?

"Siya yung doctor na nag-operate ng sa akin kaya naka-survived ako."
Si Dad? Si Dad nag-operate kay Sean? Pero bakit wala siyang nababanggit sa aking ganun? Hindi sa may dahilan siya para sabihin sa akin, pero parang may mali— hindi ko mapaliwanag, parang meron akong nakalimutan sa nakaraan ko na konektado sa nangyari 10 YEARS AGO.

"Ano ng gagawin natin ngayon? Pag lumabas tayo sa mansion na 'to, hahabulin padin ba tayo ng mga multong yun? Babalik balikan ba nila tayo para patayin?" tanong ni Carmen.

Sigurado yan. Mukang hindi sila titigil hangga't hindi nila nakukuha kung ano mang gusto nilang mangyari. "Sinabi mo Sean na hindi nila mapasok 'tong mansion mo dahil na bless itong lugar na 'to. Kung ganun, baka puwede tayong makihingi ng holy water pang protekta natin, hindi ko alam kung gagana pero kailangan natin makaalam ng mga bagay na makakaprotekta sa atin." sabi ko sabay tumayo na kaming lahat.

"May malapit na simbahan dito. Puwede ko kayong samahan manguha ngayon" sabi ni Sean at pumayag naman kaming lahat.

Naglakad lang kami dahil malapit lang naman daw yung simbahan sa mansion ni Sean, at wala naman kaming nakitang kung anong mga nag-aabang sa amin sa labas. Natatakot man kami pero di naman kami puwedeng magtago sa lungga ni Sean habang buhay. Kailangan namin humanap ng paraan.

Sa ngayon hindi pa sapat yung mga impormasyon na meron kami, bukod sa ang alam lang namin ay nasa panganib ang buhay namin at hinu-hunting kami ng mga kaluluwa na hindi namin alam ang dahilan, higit duon wala na kaming alam. Kailangan talaga namin malaman kung anong nangyaring aksidente 10 YEARS AGO sa carnival, at kung anong pakay nung lalaking naka-itim na hood sa amin, dahil ang sama ng kutob ko sa kanya.

"Leila, Okay ka lang?"

Napahinto kami sa paglalakad ng mapansin ni Sean si Leila, kasi nahuhuli siya maglakad at nakayuko lang. Halos tumaklob na yung buhok niya sa muka niya.

"Leila?" Lalapit na sana ako nang bigla siyang humarap sa amin. Namumula yung mga mata niya at nagluluha siya ng kulay itim na luha. Napaatras kaming lahat, at bigla nalang lumamig sa paligid.

Chap Chap Chap.

"KASALANAN NIYO 'TO!!!"

Sigaw ni Leila ng sobrang lakas na halos iba't-ibang tunog ng boses na ang naglabasan sa bibig niya. Para siyang— sinapian. Tinignan niya kami isa-isa, gamit yung nanglilisik niyang mga mata, at huminto sa akin. Tinaas niya yung kamay niya, nakatapat ang palad sa akin, at nagulat nalang ako nang biglang may puwersang humagip sa akin ng sobrang bilis papunta sa kanya,  hanggang sa mapadpad sa palad niya yung leeg ko at sinakal ako ng sobrang mahigpit.

"AGH!!"

"Hindi niya kami pinapatahimik!" SHIT! Ang higpit ng pagkakasakal niya, hindi ko matanggal yung kamay niya sa leeg ko. Hindi ako makahinga! Bakit ang lakas niya?! "Hindi niya kami pinapatahimik ng dahil sa inyo!"

"COOPER!!!"

"Cooper. Leila!" Agad namang umakto si Sean. Hinawakan niya yung kamay ni Leila na nakasakal sa akin para subukan tanggalin, pero kahit anong pilit niya ang higpit ng pagkakapit ng mga daliri ni Leila sa leeg ko, halos bumaon na sa balat ko. "Leila! Bitawan mo si Cooper! Leila!" Tumingin naman si Leila kay Sean, saka bigla niya itong tinulak gamit yung isang kamay niya, sa lakas ni Leila, parang papel na tumilapon si Sean kung saan.

Shit! Shit! Shit! Hindi na ako makahinga sa higpit ng pagkakasakal niya sa leeg ko. Kakaiba yung lakas na pinapakita niya. Hindi ko matanggal kamay niya! Shit! Dito na ba ako mamamatay!

"Cooper," Nakita ko si Sy sa bandang likod ni Leila na may hawak ng parang kadena. Pinalibot niya yun sa katawan ni Leila at hinila niya palayo sa akin. Sa di maipaliwanag na dahilan, nabitawan ako ni Leila, napaupo naman ako sa lapag at umatras palayo sa kanya. At napansin ko na parang napapaso ni Leila sa kadenang nakapalibot sa kanya.

"AGHHHHHHHHH" Nag-uusok yung balat na natatamaan o nakadikit sa kadena. Parang nasusunog siya. Maya-maya pa, napaluhod siya sa sahig at may kung anong lumabas sa katawan niya, saka natumba ng walang malay. At sa di kalayuan nakita namin yung lumabas sa katawan ni Leila, kaluluwa ng lalaking naaagnas yung muka na bigla ding nawala.

"Cooper! Ayos ka lang?" tanong ni Carmen habang tinatapik yung balikat ko dahil medyo tulala padin ako sa nangyari, ramdam ko padin yung kamay ni Leila sa leeg ko, yung mga mata niyang nanglilisik, at ang nipis ng hangin na naihihinga ko.

Sinubukan gisingin ni Sy si Leila, at nakita ko si Sean na kababangon lang sa pagkakatilapon niya pero agad niyang pinuntahan sila Sy para alalayang i-upo at gising si Leila. Ilang beses nilang subukang gisingin si Leila pero hindi ito gumigising, kaya nakita kong kinuha ni Sean yung kamay ni Leila at tinignan kung may pulso pa ito.

"Wag mo sabihing—"

"Unconscious. Buhay pa siya, nawalan lang siguro siya ng malay dahil sa lalaking —sumapi sa kanya kanina. Bakit nila nasapian si Leila? Kaya nilang sumapi sa tao?" tanong ni Sean. Medyo may unting ginhawa akong naramdaman nang sabihin niyang buhay pa si Leila, pero yung tanong niya, hindi ko din alam. Wala akong idea na kaya nilang gawin yun.

"Guys— guys! Sa likod tignan niyo!" sigaw ni Carmen.

Nilingon ko naman yung ulo ko sa likod, saka bumalik lahat ng kaba't kilabot ko sa katawan nang makita ko yung lalaking naka-itim na hood, palapit siya, hindi ko nakikita muka niya pero sigurado akong nakangiti siya. Papatayin niya kami. Papatayin niya kaming lahat.

Chap Chap Chap.

Tangina, sumisikip dibdib ko! Wag ngayon!

"Cooper," tawag sa akin ni Sean. "Malapit na dito yung simbahan. Kailangan natin isilong si Leila, at tumakas sa mga humahabol sa atin, kaya mo bang tumakbo?" tanong niya at tumango naman ako na parang bata saka tumayo habang alalaya ni Carmen at Sy. Nakita kong binakay ni Sean si Leila sa likod niya na parang bata, at nagsimula na kaming tumakbo, palayo sa kamatayan.

Nang makita namin yung simbahan, at fucking last, agad naming binilisan pa yung pagtakbo. Nararamdaman kong onti-onti ng nagsasara yung lalamunan ko at pawala na ng pawala yung hininga ko, pero kailangan namin makapunta sa simbahan dahil ligtas duon. Nang makapasok na kami, sinarado ni Sy at Carmen yung pintuan ng, nilapag ni Sean sa isang tabi si Leila at ako naman napaluhod sa sobrang sikip ng dibdib ko. Naghahabol na ako ng hininga, hindi ako makakilos. Walang hangin.

"Coops? Sandali lang! Dala ko inhaler mo!"

Nagmamadaling kalkalin ni Sy yung bag niya sabay agad na binigay yung inhaler nang makita niya ito, at kinuha ko naman agad ito saka sinalpak sa bunganga ko. Maya maya lumuluwag na yung pag-hinga ko. Ang sakit parin ng dibdib ko pero maluwag na yung paghinga. Fuck. Kung hindi dala ni Sy ito, isa pa ako sa prinoblema nila. Dalawang beses na ako muntik mamatay dahil sa hika ko, sa loob lang ng dalawang araw.

"Hindi mo naman sinabi na may Asthma," sabi ni Sean habang nakahawak sa tuhod niya at hinihingal. "Sana binuhat din pala kita." Napangiti naman ako sa sinabi ni Sean. Sa lagay na 'to nakuha ko pa ngumiti.

"Anong ginagawa niyo dito?"

Napatingin kami sa matandang nagsalita, siya siguro yung pari dito sa simbahan. Buti nalang walang ibang dito, kundi sinabihan na kaming baliw sa katatakbo at pag sara ng pintuan bigla

"Hi, Father. Ako po ito si Sean."

× × ×

Nakauwi kami ni Sy ng ligtas. Hail Mary. Dahil bukod sa binigyan kami isa-isa ng mga botelya na may lamang holy water, binasbasan din kami ni Father at dinasalan na makauwi kami ng ligtas. Hindi namin sinabi kay Father yung mga nangyari at nakikita namin dahil alam kong mahirap paniwalaan ang mga iyon kahit sabihin mong pari siya, minabuti naming sabihin na may gumagambala lang sa amin at kailangan namin ng gabay, kesa sabihin na may mga kaluluwang gustong pumatay sa amin base sa nawawalang parte na katawan sa litratong nakuhaan sa carnival na may kinalaman sa pangyayaring aksidente duon 10 YEARS AGO na hindi namin eksaktong alam kung bakit, at ngayon nalaman din namin na puwede kaming sapian ng mga kaluluwang humahabol sa amin. Great!

Si Leila, nagising naman siya at pinaliwanag namin sa kanya kung anong nangyari. Ang sabi niyang naaalala niya lang ay yung biglang pagsakit ng ulo niya, tapos malabo at madilim na ang lahat, naririnig niya nalang kami na nagsisigawan. Hindi ko alam kung bakit o paano siya nasapian. Saka, paanong nawala ang sapi niya gamit ang —simpleng kadena?

"Sy," tawag ko, mabilis naman siyang dumungaw sa baba kung saan ako nakahiga. Dito ulit siya natulog sa room ko dahil natatakot siya, at sinabi ko ding hindi magandang mag-isa siya kaya mabuting magsama muna kami sa iisang lugar kung maaari. "Saan mo nakita yung kadena na pinantali mo kay Leila? Bakit naisipan mo gawin yun?"

Nung pinalibot ni Sy yung kadena kanina kay Leila, para talaga siyang napaso, yung mga balat niya na dumidikit sa kadena umuusok. Bakit siya napapaso duon? Napilitan bang umalis yung sumapi sa kanya dahil nakapalibot sa katawan ni Leila yung kadena? This is so fucking weird and confusing, goddamn it.

"Um, Nakita ko lang sa isang tabi. Nataranta ako nung nakita kong tumalsik si Sean sa mahinang tulak ni Leila, kaya humanap ako ng bagay na makakatulong, at ayun nakita ko yung kadena sa gilid at naisipan ko itali siya at hatakin palayo sayo."

"Ganun ba? Sige Salamat sa sagot."

Ano bang nangyayari sa buhay namin? Bakit kami nakakaranas ng ganito? Sana lang nakauwi ng ligtas sila Leila, Carmen at Sean ng ligtas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top