Kabanata 01: Ang Simula


× × ×

" HABANG naliligo ng dugo ang kaniyang mga kamay, kinuha niya ang isang kamera at saka marahan niyang kinuhaan ng lirato ang duguang bangkay na kanyang pinatay "

× × ×

C O O P E R

"BRUTAL," matipid kong sagot, matapos basahin yung manuscript ni Sy. "Hindi ko alam na nagsusulat ka pala ng ganitong genre. Akala ko ba isa ka sa mga 'romance only author' o ano mang tawag nila sa kanila."

Nagsalubong yung kilay niya sa sinabi ko, saka hablot ng manuscript. "Hindi ako isa sa kanila. Kailangan ko lang talaga ng audience para mapansin ako at yung libro ko ng mga book publishing companies, at ang paraan lang duon ay sumulat ng sweet, romance, humor, teen, comedy thing storyline, dahil karamihan ng mga bookworm ngayon ay into romance, Mr. Bitter."

"Sorry naman. Pero hindi ako bitter- ako kaya unang pumupunta sa bookstore tuwing launch date ng mga novel mo para bumili." Isa pa kung bitter ako, wala dapat namamagitan sa atin ngayon, sabi ko sa isip ko. Pero sa halip na sabihin ko iyon, umiling nalang ako at humigop ng milktea gamit yung straw, na agad kong pinagsisisihan sa sakit na naramdaman ko sa dibdib ko.

Shit! Ito ang problema ko. Karamihan, ng mga normal na tao, madalas pag umiinom sila ng sobrang lamig na inumin, makakaramdam sila ng sakit sa sintido o tinatawag na brain freeze. Pero ako, dahil hindi ako napasama sa category na 'normal', sa halip na yung utak ko yung maapektuhan, puso ko yung makakaramdam ng sobrang hapding lamig na halos mapapakapit ka sa upuan.

Kung passion ang pag-ayaw, ayoko yung pakiramdam na ito sa lahat, passionately.

"Nangyari sayo?" busangot ni Sy.

"Heart freeze,"

"Heart freeze. May ganun ba? Sabihin mo, nagbabadya nanaman yang hika mo. Amina nga yan." sabi niya sabay kuha ng milktea sa kamay ko at uminom siya ng tuluyan. "Subukan mo uling gawin yung 'hindi ako makahinga, hinihika ako' sa harap ko, na nag-pataranta sa akin ng sobra na parang tanga? Hindi na talaga kita tutulungan, gago ka."

Natawa ako, habang nakahawak sa dibdib, "In my defense, kalmado naman ako nun. Ikaw lang yung nag-pataranta at panicked sa sarili mo. Kung nakita mo lang itsura mo, para kang natatae na ewan."

"Sabi mo hindi ka makahinga, tanga. First time kong makita ka na inaatake ng hika. Nagiging kulay violet na kaya yung muka mo, tapos expect mo na kumalma ako? Hindi ko alam kung anong gagawin ko." sabi niya habang tinuturo ako gamit yung kamay niya na nakahawak sa milktea.

"Alam mo, sinabi ko na kunin mo yung inhaler ko sa bag at kinuha mo naman ng mabilis para sa akin. Kaya next time, alam mo na gagawin mo. Alright?"

Inirapan niya ako. "Alam mo? Kung nagkataon na hindi ka rin makapagsalita nung araw na yun at hindi mo nasabi sa akin kung anong ponsio pilato ang gagawin o kukunin ko, malamang patay tayong dalawa. Magkaibang dahilan, parehas ang hinatnan. Namatay sa katangahan."

"Oh god, Sy. Hindi lahat ng bagay kailangan mong gawing dramatic." sabi ko na hawak na yung tyan sa katatawa. Grabeng imagination talaga nitong taong 'to, ang linaw sa isapan niya kung anong mga posibilidad na mangyari.

"Tumigil ka nga, hindi nakakatawa. Yang hika mo ang over dramatic." sagot niya saka labas ng laptop sa bag niya. "Dapat talaga hindi ka pinapakain ng kahit ano, para walang mangyayaring masama sayo."

Ako si COOPER PATRIC RODA'RIDIO, 25 years old. Isang architect sa -kasamaang palad- isang hindi kilalang kompanya, kung saan hindi tataas sa dalawa ang kliyente at proyekto ang makukuha mo sa loob ng isang buwan. Pero kahit na isa sa disadvantage ko ang pagiging 'medyo bata pa' para maging architect at marami pang matututunan sa profession na ito, nagagawa ko namang humanap at kumuha ng kliyente at proyekto tulad ng pagplano ng simpleng design o floor plan ng buildings gaya ng bahay, clinic, school, o ano pang structure na kaya ko. Kaya sa tingin ko, stable naman ang trabaho ko, medyo? Problema na ng iba kung problema nila ang pagiging bata ko sa career at kompanya.

Galing ako sa probinsya kung saan lahat ng multo at lamang lupa ay bumabangon tuwing alas-tres ng- biro lang, pero totoong galing at lumaki ako sa probinsya, lumipat lang ako dito sa city para habulin yung pangarap kong maging architect. Nung lumipat ako dito, alam kong hindi na ako makakabalik ng mahabang panahon, dahil lahat ng bagay kailangan ng sakripisyo. Kaya ngayon ay nakatira ako sa isang apartment, mag-isa, bihira makita ang mga magulang.

At itong babaeng maingay mag-type ng keyboard sa laptop niya, na paulit-ulit ine-edit ang kanyang manuscript para sa susunod na book novel niya, ay si SYRIN AMOR JUALION, 23. Kilala siyang author, karamihan ng mga sinusulat niya ay na-publish na as a book. Nakilala ko siya nung unang linggo ko dito sa city, magkatabi lang yung room namin sa apartment kaya madalas kaming nagkikita, at iisa lang ang convenient store na pinupuntahan namin pampalipas ng oras, kaya napabilis yung pagiging magkaibigan namin.

"Nga pala," pag-alala ni Sy habang patuloy yung type niya sa keyboard. "May event kami this weekend ng mga co-authors ko, sa carnival siya gaganapin. Meet and greet para sa mga taong nagbabasa ng mga books namin. Gusto mo sumama?"

"Wow, Sy."

"Pag sinabi mong proud ka sa akin, itutumba talaga kita dito sa harap ng maraming tao."

Napataas ako ng dalawang kamay habang nakangiti. "Plano ko pa naman maglabas ng tears of joy at isigaw sa buong mundo na sikat ka na." biro ko. "Pero, shit, diba pangarap mo yun? Ma-meet yung mga taong sumusuporta sa mga sinusulat mo? Sikat kana!"

"Sasama ka ba o hindi?"

"Bakit ako tinatanong mo? Diba dapat pamilya mo muna yung tinatanong mong sumama, kasi deserve nila na makitang sikat ka na? Ganun ba ako kaimportante?" ngisi ko, na alam kong ikakapikon niya dahil ayaw niya sa lahat yung ngisi ko.

Ewan ko kung bakit, pero lagi siyang napipikon pag inaasar ko siya with matching ngisi and dimple. Hindi naman ako panget. Andami ngang nanggigigil sa dimple ko, pero si Sy, kakaiba talaga timpla niya.

Hinanda ko yung sarili ko sa kung anong puwede niyang ibato o gawin, dahil nasa kabilang dise siya ng lamesa at hindi niya ako maaabot kung sakaling hampas-hampasin niya ako, pero tiningnan niya lang ako sandali na seryoso yung muka, saka bumalik ng tingin sa laptop sa harap niya. "Ikaw ang tinatanong ko."

Holysh- Walang bahid ng galit o pikon yung muka niya, ibig sabihin seryoso siya, ako talaga yung gusto niyang isama? Tanga-tanga mo talaga, Cooper. So uncool.

Weekend? Wala naman siguro ako mamimiss kung hindi ako papasok diba? Tangna, wala kasi sa bokabularyo ng kompanya namin ang salitang weekend. Bahala sila.

"Oo, ay sige, hindi wala, ah fuck-"

"Ano?" natatawa niyang tanong.

"Words," sabi ko sa sarili ko. "Oo. Gusto kong sumama." saka ngiti.

"Good."

× × × × ×

Salubong na kilay kong tinitignan si Sy sa tabi ko, "Sy, Akala ko ba ka co-author mo lang ang kasama mo?"

Nandito kami ngayon sa bus, 6:30 PM na at papunta na kami sa sinasabi ni Sy na Carnival. Masyadong crowded yung bus, andaming tao, parang hindi lang pamilya ang nakasakay eh, buong compound 'ata ang sinama ng iba. Hindi sa pag-aano pero pag ma-tao kasi, hindi ako makahinga ng maayos. Tapos yung ingay pa, iyak ng sanggol, sigawan ng mga bata, at pati daldalan ng mga matatanda. Nakaka-suffocate.

"Diba sabi ko sayo kasama natin yung ibang family members nila. Saka hindi naman namin akalain na madaming isasama yung isa kong co-author, kaya ayan napilitan kami mag bus na dapat kotse lang. At itong kaliwang parte lang yung mga kasama natin, ayang kanan, ibang tao na yan, saktong papunta lang din ng Carnival. Wag ka mag-alala dahil dala ko naman inhaler mo kung sakaling atakihin ka ng hika." sabi niya habang nag ta-type sa laptop niya.

Shit! Parang may nakatitig sa akin, hindi ko alam kung saan, pero blue yung mga mata niya. Nagsitayuan tuloy mga balahibo ko.

Binuksan ko nalang yung bintana saka huminga ng malalim. "Alam mo namang ayoko sa crowded na lugar." At alam kong hindi magandang plano ang pagpunta sa carnival kung ayoko sa ma-taong lugar, pero anong magagawa ko? Kailangan ako ni Sy.

"Cooper, diba malapit lang sa carnival na yun yung hospital kung saan nag ta-trabaho yung Dad mo?" Nabanggit niya yan, isang Doctor si Dad sa hospital na malapit dun sa carnival. Siguro baka daanan ko siya mamaya para kamustahin siya. Kung maaga kaming makauwi.

"Yup, Bakit mo natanong?"

"Kasi nag search ako sa internet, ng mga kung anong nakakatakot na pangyayari sa lugar na yun para naman ma-connect ko sa story na ginagawa ko ngayon. May nahanap ako, eto- wait. 16 YEARS AGO, Despiras ng pasko, may aksidente na nangyari sa carnival. May sumabog daw na kung ano kaya madaming namatay at napinsala, may alam ka ba duon? Kasi dun sa hospital ng Dad mo sinugod yung limang patient na naka-survived"

Incident? Bakit parang wala akong maalalang ganun? Pero nine years old ako, at ang sabi ni Mama ay nanduon ako sa hospital nuong araw na nangyari ang aksidente. May sakit daw ako na kailangan ako operahan, pero sa tuwing itatanong ko kung anong sakit ko ay di sinasagot ni Mama, lalo na si Dad ayaw niya nga pag-usapan na na-operahan ako. Pero wala talaga akong maalala, Shit! Ano bang nanyari sa akin? Sabi nila dahil sa operation kaya nawala yung ibang memorya ko, pero talaga bang ganun kalubha yung operasyon na ginawa sa akin kaya nalimutan ko lahat?

Sa utak ba ako inoperahan?

"Wala. Hindi ko maalala, Baka kasi-"

Napahinto ako sa pagsasalita nang may madaan kaming clown. Fuck! Ano yun? Bakit may clown duon? Baka naman malapit na kami sa carnival kaya may ganun, pero bakit parang duguan ulo niya? Guni-guni ko lang ba yun?

"Malapit na tayo Cooper."

Nang huminto yung Bus, nagsibabaan lahat ng pasahero. Madilim na sa paligid kaya kinailangan namin mag dala ng flashlight, kasi may dadaanan pa daw kami bago maka dating sa carnival. Sobrang tago daw kasi yung lugar, yung tipong tatawid kapa ng bundok bago ka makarating, dejoke lang. Madami naman kami naglalakad kaya walang natatakot, maliban nalang dito sa babaeng nakahawak sa braso ko. Yan kasusulat ng Horror Stories.

Nawala lahat ng takot ni Sy nang makarating kami sa Carnival, kasi sobrang liwanag na. Andaming mga rides, at mga kung ano-anong tinitinda, palaruan, andaming tao. May mga nagsisigawan na tao na nakasakay sa Roller Coaster, Vikings at iba-iba pa, may mga tao namang kumakain at namimili lang. May kasama kaming photographer na kumukuha ng litrato kila Sy, dahil nga mga author sila. Kailangan daw yun para sa company nila.

Dumiretso kami sa backstage, dahil nga Meet and Greet ng mga authors. Sinabihan ko nalang si Sy na uupo nalang ako duon sa harap ng stage para mapanuod sila, Ayoko namang maging sagabal dito sa backstage. Maya-maya nagsimula na yung event, nakaupo lahat ng author sa stage at may mga fans na nagtatanong. At dahil wala akong hilig sa mga libro, nabuburyo ako. Hinintay ko tumingin si Sy sa direksyon ko para magpaalam na gagala-gala lang ako pero busy siya sa pagpirma ng mga libro.

Flash "Shit! Ano ba!" napamura ako nang biglang may mag-flash na ilaw ng kamera sa muka ko. Tinignan ko kung sino yung may gawa nun habang kinukusot yung mata ko sa silaw, yung photographer.

"Sorry Sir. Sabi kasi ni Ma'am kuhaan lahat ng kasama."

Hindi ko nalang siya pinansin at tumayo sa pagkakaupo ko. Naglalakad ako palayo nang may makabunggo akong lalaki. Medyo matanda siya sa akin, brown na buhok at blue eyes. Takte! Siya yung matang parang nagmamasid sa akin kanina sa bus. Tangina bakit siya nakangisi?

"May problema ba tayo?" tanong ko sabay umiling lang siya na nakangisi na pinagtaka ko, sabay naglakad na siya papalayo. Hindi ko nalang din siya inintindi saka naglakad na.

Sa di kalayuan may nakita akong guard, nakatingin siya sa malayo at parang may tinatanaw, tumakbo ako papunta sa direksyon niya para magtanong kung nasaan yung malapit na restroom. "Boss, Tanong ko lang kung. A-anong...." Fuckshit! Ano to!!

Napaatras ako nang makita ko yung muka niya, putla, at parang bangkay. Saka biglang may umaagos na parang dugo galing sa ulo papunta sa muka niya. Pati yung bibig niya at ilong may lumalabas na dugo. Chap Chap Chap. Pero pag kurap ng mata ko, bigla siyang nawala, saka ko naramdaman yung malamig na kamay na humawak sa braso ko.

"TANGINA MO!!" sigaw ko sa gulat. "Sy? What the- hell?" Napaupo ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko, hindi ako makahinga, parang pinipiga puso ko, kaya sumenyas agad ako kay Sy na kunin yung inhaler ko. Agad niya namang hinalungkat yung shoulder bag niya at nang makita niya na yung inhaler, binigay niya agad sa akin.

"Eto oh! Okay ka lang? Bakit ka kasi nandito?"

Nang nasa kamay ko na yung inhaler, agad ko namang nilagay sa bibig ko para makahinga. Maya-maya onti onting lumuluwag yung dibdib ko hanggang sa makahinga na ako ng maluwag. Inalalayan naman ako tumayo ni Sy at inupo sa isang tabi.

"Asar ka! Pinapakaba mo nalang ako palagi pag hinihika ka! Bakit kaba kasi nag walk out kanina? Okay ka na ba? Mabuti nalang talaga naisipan kong dalahin 'tong shoulder bag ko kung nasaan yang inhaler mo."

Pinapakaba? Ako nga itong papatayin niya sa panggugulat na ginawa niya. Grabe sigaw ko, malakas pa 'ata sa sigaw ng mga nakasakay sa roller coaster. "Okay na. Yung, yung guard. May guard akong nakita duon. Nakita mo siya?" tanong ko.

"Ate, Kuya. Nuod kayo show ko mamaya."

Napukaw yung attention namin nang may batang nagsalita na hindi namin napansin na pumunta sa harap namin. 7-8 years old siya tapos naka suot siya na pang circus na damit. Umupo siya sa gitna namin ni Sy kung saan kami nakaupo at ngumiti.

"Sige ba. Saan ka ba mag sho-show?" tanong ni Sy, may tinuro naman yung bata na parang malaking tent na kulay circus. Siguro isa siya sa performer mamaya ng mga magic magic, pero bakit parang ang luma ng suot niya?

"Bata, Anong pangalan mo?"

"Sy! Tawag na tayo sa stage. Teka sino kinakausap niyo?" tawag ng co-author 'ata ni Sy kaya lumingon kami sa likod, at tumango si Sy para sabihing pasunod na siya.

"Etong batan-" Nanlaki yung mata ni Sy nang makita namin na wala na yung bata na nakaupo ngayon ngayon lang sa gitna namin. Napatayo siya bigla at lumingon lingon kung saan-saan pero wala yung bata. Hindi naman namin naramdaman na ulis siya.

Shiitt!! Anong meron sa Lugar na 'to?

"Sy. Tara na bumalik na tayo." sabi ko sabay hinawakan yung kamay niya at nagsimula ng maglakad. Ramdam ko na natatakot siya, nilalamig yung mga kamay niya at nanginginig. At ako din, kinikilabutan. Kailangan na namin umalis dito.

Natapos ang gabi ng mapayapa. Hindi ako umalis sa upuan ko at hindi din umalis si Sy sa stage, nararamdaman ko padin yung titig nung lalaking kulay blue yung mata sa akin pero hindi ko nalang pinapansin dahil alam kong natatakot si Sy, at wala ding mangyayari kung matatakot din ako. Ang pinagtataka ko lang ay, paano nawala yung bata na nakaupo lang mismo sa tabi namin? Sabihin na nating magic dahil tauhan siya ng circus, pero putcha yung guard na nagdurugo yung ulo at yung clown na duguan ang muka. Ano yung mga yun?

12:00 AM sakto na kami nakauwi, kaya hindi na ako nakadaan sa hospital ni Dad dahil madaling araw na, saka gusto na makaalis agad ni Sy duon sa lugar na yun dahil daw may nararamdaman siyang kakaiba, kahit ako din may nararamdaman.

× × × × ×

KINAUMAGAHAN. Nagkakape ako sa apartment ko habang nanunuod ng T.V. wala naman ng nanyari pagkatapos nung kagabi, siguro pagod lang talaga kami sa dyahe kaya ano-anong nakikita namin. Saka importante ngayon, makahanap ako ng bago kong trabaho, olats na yung kompanya namin. Hindi naman pwedeng hindi ako mag trabaho dahil wala akong pera, at ayoko naman galawin savings ko.

Tok Tok Tok Tok- Tumayo ako sa pagkakaupo ko at pumunta sa pintuan saka binuksan para tignan kung sino yung kumakatok, nakita ko si Sy na may dalang envelope at saka dumiretso siya sa pagpasok at umupo sa sofa, ininom pa ang kape ko ang phutha.

"Subukan mo ubusin yan, ipagtitimpla mo ako ng bago. Ano bang ginagawa mo dito? May sarili ka namang room diba? Nang-iistorbo kapa."

Nilapag niya yung tasa ng kape at tumingin sa akin. "Ka-uuwi ko lang, kinuha ko kasi 'tong mga pictures natin kahapon ng gabi sa event. Nagkakatamaran sila kumuha eh. Ayaw mo ba makita 'to?" Binuksan niya yung envelope at nilabas niya yung mga litrato saka tinignan isa-isa.

Sa gitna ng paglipat niya ng mga litrato, nagtaka ako nang biglang nagbago yung expression ng muka niya, nawala unti-unti yung ngiti niya at napalitan ng parang takot, kaya lumapit ako sa para tignan din yung mga litrato. "Bat ganyan muka mo? Para kang nakakita ng mul-" Naputol yung pagsasalita ko nang makita ko yung hawak niyang litrato, nanginginig siya habang hawak ito. Shit! Hindi naman nagkataon lang ito diba?

"Co-Cooper. Bakit wala akong mga tenga sa litrato?"

Chop Chop Chop

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top